Capítulo 13

Collar


Nanghihina ako, habang unti-unti akong sumasandal sa pintuan ng aking hotel room. Basang basa ako at hindi ko alam kung paano ko pa nakayang... umuwi.

Pagkatapos nang mga sinabi niya sa akin. Pagkatapos niya akong halikan sa aking mga labi. Kung paano niya sabihin sa akin... na hindi niya ako pwedeng magustuhan. I can't understand him! I can't even process anything he said to me earlier! Bakit?! Bakit bawal?

Ipinikit kong muli ang aking mga mata habang tumitibok pa rin nang napakalakas ang aking puso. Ang ginaw na nararamdaman ko ngayon, ay walang-wala lang ito sa ginaw na naramdaman ko kanina, habang kausap ko siya. Sa gitna nang galit na kalangitan, at galit na mga alon na nagmumula sa karagatan.

He slowly removed his bare hands... at humakbang ng isang metro, palayo sa akin.

Nanghihina ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko siyang lumalayo sa akin. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ang isang tao? Ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito ka-tinding pagmamahal, eh! Madudurog na ang puso ko nang ganito ka-aga? Hindi ko pa nga sinusubukan ang sumugal. Hindi ko pa nga sinubukan ang lahat!

He looked at me weakly and I see pain in his eyes.

"I need to stay away from you," matabang niyang sabi sa akin habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"Hindi kita maintindihan! Bakit kailangan mong lumayo sa'kin, kung gusto mo naman pala ako?" sabi ko sa kaniya kahit na natatakpan na ang aking mga luha sa ulan na pumapatak sa aking namumulang pisngi.

"I'm sorry, Miss San Diego. Pigilan mo nalang ang nararamdaman mo. We can't be together," malamig na niyang sabi sa akin... bago dahan-dahang tumalikod at naglakad pabalik.

Bagsak ang aking magkabilang balikat habang pinagmamasdan ko siyang unti-unting lumalayo sa akin.

Bumuntong hininga na lamang ako. Kung ayaw niya sa'kin, hindi ko siya pipilitin! Hindi dapat ako naghahabol. Marami pa namang ibang diyan, eh.

For sure, makakahanap pa ako nang iba!

Nakatulog ako na parang may nakadagan sa aking puso. Mabigat ito at pakiramdam ko, dahil iyon sa pag-iyak at sa ulan na nararamdaman ko kahapon. Kinapa ko muna ang aking cellphone pero hindi ko talaga mahanap.

"Looking for this?"

Napabaling naman ako kay Kuya Milan na nakatayo habang nakapamewang. Masakit ang katawan ko, masakit ang ulo ko nang dahil na rin sa alak na nainom ko kagabi. Nakita ko rin si Cora na nasa gilid habang pinagmamasdan lang niya ako. Alam kong nag-aalala sila. Bigla nalang akong umali sa bar na hindi man lang nagpapaalam.

Dahan-dahan muna akong bumangon at kinusot ko muna ang aking mga mata, bago ko sila hinarap.

"Maia, what happened? Bakit bigla ka nalang umalis kagabi na hindi man lang nagpapaalam sa akin? Sa amin. Ang lakas-lakas pa naman nang ulan kagabi. We tried to call you, but you didn't answer!" nag-aalalang sabi ni Kuya Milan sa akin, habang umupo naman siya sa gilid ng kama ni Cora na kaharap nang sa akin.

"I'm sorry, Kuya. Masama lang kasi talaga ang pakiramdam ko kagabi. Kaya, nagmamadali akong umalis ng bar," pagsisinungaling ko sa kaniya.

I need to lie to him. I need to cover up these nonsense thing!

"Sinundan ka kagabi ni Mr. Alcazar. Tell me, Maxima. Do you like that man?"

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso sa biglaang pagtanong ni Kuya Milan sa akin. Umawang ang aking bibig at parang nasamid ang aking dila at hindi ako makapagsalita.

Kaagad namang lumapit si Corazon sa amin para pigilan si Kuya.

"Milan, hayaan nalang muna natin siya. Kailangan niyang magpahinga," nag-aalalang sabi ni Cora kay Kuya.

I heard Kuya Milan's sighed, before he stood up. Nakita ko ang pangungunot ng kaniyang noo, bago siya magsalita sa aking harapan.

"Maia, I'm just concerned. It's okay to me, if you like that man. Mr. Alcazar is a good man. But, don't give all your trust to that man just because you like him. Magtira ka para sa sarili mo. You're my little baby girl. And I won't let anyone hurt you, easily. Kahit na mag-kaibigan pa kami ni Mr. Alcazar."

Pinipigilan ko ang maiyak. Tumayo na lamang ako at niyakap si Kuya Milan nang napakahigpit. Bumuntong hiningang muli siya, bago siya umalis sa aming harapan ni Corazon.

Humalik muna siya sa labi ni Cora, bago lumabas sa aming hotel room.

Ngayon, kaming dalawa nalang ni Corazon.

"Ano ba talaga ang nangyari, Maia? Ba-bakit bigla ka nalang umalis kagabi?" pagtatanong ni Corazon sa akin.

"Nag-usap kami ni Atticus," maikli kong sagot sa kaniya habang nakatingin lang sa kawalan.

Kumunot naman ang kaniyang noo, bago siya humarap sa akin.

"Unsay gi-storyahan ninyong duha?" napabaling naman ako sa kaniya.

Alam kong masama at mas lalong nakakabigat ng nararamdaman, kung hindi ko ito sasabihin kay Cora. But, I want to keep this as a secret, pero... makakapagsinungaling pa ba ako sa babaeng ito?

Translation: "Ano ang napag-usapan ninyong dalawa?

"He wants me to stay away," buntong hiningang sabi ko sa kaniya.

Umawang naman ang kaniyang bibig. May sasabihin pa sana siya sa akin, kaso parang pinipigilan nalang niya ito.

"Hindi ko alam kung bakit pinapalayo niya ako. Pero, siguro nga tama siya. Makakalimutan ko din itong nararamdaman ko para sa kaniya ngayon. Lilipas din ito. Kung ayaw niya sa'kin, hinding hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. San Diego ako, hindi dapat ako ang naghahabol," malamig kong sabi kay Cora.

Taas-noo na lamang akong napatingin sa kalangitan, habang niyayakap ang aking katawan nang malamig na hangin na nagmumula sa veranda.

"Ano nang plano mo ngayon?" pagtatanong ni Corazon sa akin.

Kaagad kong inalis ang mga luhang pumatak, mula sa aking mga mata. Deep breath, Maxima. Napakagat-labi na lamang ako.

Siguro... dapat ko nang... tigilan ito.

Pumunta ako dito para maghanap nang hustisya, pero ang hirap, hirap! Sa totoo lang, nilalakasan ko lang 'yung loob ko, kahit na sobrang hirap. Alam kong hindi ko kakayanin, hindi ko kakayanin 'to mag-isa!

Ang bilis-bilis kong magka-gusto sa isang lalakeng hindi ko gaano ka-kilala. Ang bilis nahulog ng loob ko sa isang lalakeng... walang pakialam sa'kin. He's a fucking playboy! At hindi ako pumunta rito para lumandi, pe-pero bakit nangyayari sa'kin to ngayon?

"We will go back to Manila. Hindi na tayo sasabay kay Kuya Milan," sagot ko sa kaniya.

Tumango naman siya sa aking mga sinabi at iniwan muna ako para makapag-isip-isip.

Ano kaya 'yung naramdaman ni Tita Sylvianna, noong... iniwan siya nang lalakeng pinakamamahal niya. Ako kaya ang naramdaman niya, noong nalaman niyang iba ang pinakasalan nito?

Siguro... ang nararamdaman kong sakit ngayon, ay hindi man lang ito nakakalahati sa sakit na nararamdaman ni Tita Sylvianna. I admire her for being a strong independent woman. Though, she's strict at all times, pero... ramdam na ramdam mo 'yung pagiging malakas niya. She have connections and power. Pero, ginagamit din kaya niya ang kapangyarihan niya, kung si Mr. Tomathias Fernandez naman ang magiging kahinaan niya.

Ang hirap maging Torres.

Gusto kong malaman kung bakit... bakit bawal niya akong mahalin. Bakit hindi pwede? Ano ba'ng mayroon sa akin... wala naman akong nakakahawang sakit. Nanggaling rin ako sa isang respetadong pamilya.

Oh, siguro... nagbibiro lang siya sa aking gusto niya rin ako. Siguro, palusot niya lang 'yun para hindi ko siya magustuhan nang tuluyan. Kasi, halata namang may gusto siya kay Sanya, eh! Hahalikan ba niya iyon kung wala siyang gusto sa babaeng 'yun?!

Ang tanga mo rin naman kasi, Maia! Nagpahalik ka rin sa lalakeng iyon, kahit na kakalapat lamang nang mga labi nun sa labi nang higad na 'yun!

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang tumunog ang aking cellphone. Bumuntong hininga nalang muna ako, bago ako bumalik sa loob at isinarado ko muna ang pintuan sa veranda.

It's Aleth...

Aleth Sanchez is one of my flings, pero siya lang 'yung nakakatagal. Gusto ko siya bilang kaibigan at companion. He's a famous model in Manila. I heard from him, kasama niya sa industriyang pag-mo-modelo si Mr. Calvin Montefrio, anak ni Mr. Cale Montefrio, kapatid ni Mr. Estevan Montefrio na asawa ni Tita Sylvianna.

What I like about Aleth, he's cool at hindi siya namimilit. Hindi niya ako pinipilit na magustuhan ko siya. Instead, he still wants me to be his friend. Kahit na kaibigan nalang daw.

Kaagad ko itong sinagot.

"Hi, Maia!" he greeted at me briskly.

Napangiti na lamang ako nang tipid. Hindi ko pa kayang ngumiti ngayon nang tunay.

"Hi, napatawag ka?" pagtatanong ko sa kaniya sa kabilang linya.

"I'm here in Malapascua! Sumunod ako sa'yo. Since, I'm bored," natatawa pa niyang sabi sa akin.

Umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi. Really?! Ngayon pa talaga? Na aalis na kami.

"What?!" hindi ko mapigilan ang hindi sumigaw.

Napaka-wrong timing rin naman kasi niya, eh. Pwede namang sa Manila nalang kami magkita na dalawa at doon nalang magkita at magsama.

"Why? Is there something wrong? Kabababa ko lamang sa maliit na bangka. You know what, Maia? People here are enthusiastic! Wait, which hotel are you in right now?"

Napasapo na lamang ako sa aking noo. Mas mabuti na rin siguro na nandito si Aleth. Atleast, hindi ako ma-bo-bore at may makakausap pa akong lalakeng kaibigan. Not that I will think too much for Mr. Alcazar. Gusto niya na lumayo ako, eh. 'Edi lalayo ako.

"Wait for me, bababa ako."

Sagot ko sa kaniya sa kabilang linya at kaagad ko siyang binabaan.

Nag-ayos muna ako sandali, bago ako bumaba ng hotel room. Wala si Cora sa hotel room, paniguradong pumunta 'yun kay Kuya Milan.

Kaagad kong ipinalibot ang aking paningin sa kabuuan at napatigil lamang ito nang makita ko ang isang Aleth Sanchez na parang naliligaw.

Napangiti ako at kumaway ako sa kaniya para makita niya ako.

He stopped searching and found me. He smiled at me and slowly he walkes towards my direction.

Kaagad niya akong niyakap nang napakahigpit at napatili pa ako nang bigla niya akong inangat sa ere.

"Aleth!"

I laughed because of what he did to me and he embraced me more.

"God! I missed you, so much!" sabi niya sa akin habang yakap-yakap niya pa rin ako.

Nanuot sa aking ilong ang kaniyang mabangong pabango. Napalingon naman ako sa aming paligid at nakita kong maiilan nang napatingin sa amin. May ibang babae pa na halos mabali ang leeg sa kakalingon sa ka-yakap kong lalake ngayon.

Kaagad naman niya akong ibinaba at kinurot pa ang aking pisngi.

Tinampal ko naman siya at tutulungan ko na sana siyang buhatin ang duffel bag na dala niya, pero pinanlakihan lamang niya ako nang kaniyang mga mata.

"Kamusta ka naman dito? Kung hindi pa ako nagtanong kay Tita Myra, paniguradong hindi ko malalaman na nag-bakasyon ka pala rito," sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang aking kaliwang kamay habang naglalakad.

Ganito kami palagi. Nasasanay na rin naman ako, eh. From flings to best friends. Yes, akala ko nga hanggang doon nalang 'yun. But, look at us now, we're stronger.

"Kung sinabi ko ba sa'yo, sasama ka sa akin? I don't think so. Your schedule is very hectic. Ayokong maka-storbo sa'yo. Atsaka, may kasama naman ako, eh."

Sabi ko sa kaniya ay napapailing naman siya na para bang mali talaga ako na hindi ko siya sinabihan sa pagpunta ko dito sa Malapascua.

"Pwede ko namang isantabi muna ang mga proyektong gagawin ko. Next month pa naman 'yung proyekto ko na kailangan ko pang pumunta nang New York para mag-shoot doon," pagpapaliwanag niya sa akin.

Kaagad kaming nakarating sa hotel na tinutuluyan namin ni Cora. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita kong... papalabas si Atticus sa hotel na nakapang-swimming attire.

Bakat na bakat ang kaniyang katawan sa itim na suot niya. Isama mo pa 'yung mala-adonis niyang pagmumukha. May dala rin siyang... surfboard.

Damn... marunong siyang mag-surf?

Nabalik lang ako sa realidad nang kinurot na naman ni Aleth ang aking pisngi. Inikotan ko naman siya ng aking mga mata.

"Hey, are you okay? Para ka namang nakakita nang multo diyan," sabi niya sa akin habang kinakausap pa rin siya ng receptionist.

Mas humigpit ang paghawak ng kamay niya sa akin. Paglingon ko ulit sa direksyon ni Atticus ay unti-unti na siyang lumalayo. Hindi man lang niya ako nilingon.

He didn't eve bothered that I am with someone right now. He didn't even glance at me, kahit na... isang beses lang.

Lumingon ka, please. Kahit isang lingon lang.

Kumirot ang aking puso nang makita ko ang pagyakap ni Sanya sa kaniya. Kitang-kita ko pa rin silang dalawa na masaya, kahit na ang layo-layo na nila sa aming direksyon.

Kinagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi, bago kami pumaliko.

"Maia, surfing tayo mamaya."

Pag-aayaya ni Aleth sa akin.

Hindi ko pa masyadong ma-proseso ang lahat. Ayoko nang magkasalubong kaming muli. Tama na siguro ang ilang beses, ayokong nang maulit pa. Pagbibigyan ko lang si Aleth, at aalis na kami ni Corazon dito.

"Alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy," iritado kong sabi sa kaniya at tinawanan lang ako ng aking kaibigan.

"I'll teach you, don't worry. Catch up later, okay?" sabi niya sa akin at wala akong ibang maitugon sa kaniya, kung hindi ang tumango.

Pagbalik ko sa hotel room namin ay sinabihan ko kaagad si Corazon na mag-su-surf kaming dalawa ni Aleth. Gusto niya rin ang ideyang iyon at yayayain niya rin daw si Kuya Milan na maligo.

I wear two piece. I am not ashamed of my body naman. I'm not morena, I'm white. I have long legs, shappy waist. I'm proud of my body.

"Dios mio! Ang ganda mo naman masyado, Maia!" namimilog na sabi ni Corazon sa akin.

She's wearing a bikini, too.

"I'll take that as a compliment," nakangiti kong sagot sa kaniya.

Nakaabang na si Aleth sa waiting area. Nang makita niya ako ay nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at napalunok naman siya.

"You look so damn... hot and beautiful, Maia." seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking katawan.

Kaagad ko siyang tinampal sa kabilang pisngi.

"If you don't take your eyes away in five seconds? I'll punch you!" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Let's go!" he said enthusiastically and hold my hand.

Natawa rin si Corazon sa ginawa ni Aleth.

Maraming mga turista ngayon ang nag-su-surf.

Nakita ko rin si Kuya Milan na nag-ba-barbecue. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Atticus na kinakausap si Kuya, habang nagluluto ng barbecue.

Ang mamasa-masa pa niyang buhok ay mas lalong nagpapa-attract sa kaniya.

"Milan!"

Sigaw ni Cora na nagpa-agaw ng atensyon ni Kuya Milan.

Tinignan naman niya nang mula ulo hanggang paa si Corazon. Kumunot ang noo nito, nawala lang nang biglang lumapit si Corazon at hinalik-halikan ang magkabilang pisngi ni Kuya Milan.

Hindi pa rin ako nililingon ni Atticus. Instead, he's busy doing the barbecue thing.

"Kuya, ligo lang kami ni Maia, ah!" sabi ni Aleth at tumango lamang si Kuya Milan sa kaniya.

Napatili ako nang bigla niya akong sinabuyan ng tubig.

"I hate you!" naiinis kong sabi sa kaniya at sinabuyan ko rin siya ng tubig.

Napatili ako at naghabulan kami sa dagat.

Kinabahan ako nang bigla niya akong inangat at pinaupo sa surfboard. Biglang bumilis ang paghinga ko.

"Malulunod ako!" natatakot kong sabi sa kaniya habang nakahawak ang magkabila kong kamay sa kaniyang magkabilang balikat.

Tinawanan lang ako ni Aleth.

"Don't laugh at me!" naiinis ko pa ring sabi sa kaniya.

Itinigil naman niya ang paggalaw ng surfboard at tinitigan ako nang mata sa mata.

"I missed you," seryoso niyang sabi sa akin.

Nginitian ko nalang siya at sinabuyan ko siya ng tubig.

"Lovebirds! Kain muna!" 

Napabaling naman kami kay Corazon nang bigla niya kaming tinawag.

"Let's go, kumain muna tayo."

Sabi ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumango sa akin.

Nakahanda na doon ang barbecue na niluto nila Kuya Milan at iba pang mga pagkain na nakalatag doon sa maliit na table. Hindi ko maiwasan ang hindi lingonin si Atticus.

Nakita ko naman siyang nakatingin lang sa karagatan habang umiinom ng alak.

"Ang sarap naman nito, Milan!" ani Cora.

Yumakap naman si Kuya Milan sa kaniyang likuran at isinandal naman niya ang kaniyang panga sa kaliwang balikat ni Corazon.

"Of course, for my baby."

Ang korni ni Kuya! Muntik na akong matawa sa kaniyang sinabi. Si Cora naman ay namumula ang magkabilang pisngi nang dahil sa kiliting nararamdaman.

Suwerte niya...

"Eat this," sabi ni Aleth.

Kumagat naman ako sa barbecue na inilahad niya sa akin.

Namilog ang aking mga mata.

"It's delicious!" masaya kong sabi at kumagat ulit ako.

"Alam niyo, bagay kayo!" 

Napatigil naman ako sa sinabi ni Corazon sa aming harapan.

Hinapit naman ni Aleth ang aking bewang at mas inilapit pa niya ako sa kaniyang katawan.

"Talaga ba, Cora?" nag-ngiting aso naman si Aleth at inikotan ko na lamang siya ng aking mga mata.

Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Atticus habang nakakunot ang noo. Hindi pa rin niya ako tinitignan. Parang hangin nga lang ako sa kaniya harapan, eh.

"I gotta go, Milan. May kailangan pa akong ayusin sa bahay," malamig niyang sabi at hindi man lang niya tinignan si Kuya.

Inilagay niya lang sa lalagyan ang boteng walang laman.

"How about Sanya? Mukhang nag-banyo lang ang isang 'yun," pabalik na sabi ni Kuya Milan.

"I'll talk to her, later."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay kaagad siyang umalis sa aming harapan.

Napabuntong hininga na lamang ako. Gustong-gusto ko siyang makausap. Hanggan ngayon, nangangapa pa rin ako nang magiging eksplenasyon niya kung bakit hindi pwede. Marami namang paraan para maging pwede, eh.

"Banyo lang ako," pagpapaalam ko muna sa kanila.

Tumango lamang silang tatlo sa akin. Hindi nila alam, kay Atticus ako pupunta.

Dahan-dahan akong pumunta sa direksyon ng kaniyang bahay. Bukas ang ilaw nang kanilang sofa, pero walang tao.

Open rin ang pintuan. Bakit hindi man lang niya ito isinara? Paano nalang kung may pumasok dito na masamang tao? Napapailing na lamang ako at kaagad akong pumasok sa loob.

Kaagad akong gininaw nang sinalubong ako nang malamig na hanging nagmumula sa aircon ng bahay.

Ganoon pa rin ang hitsura ng bahay ni Atticus. Mas malinis nga lang ito sa ngayon. Kumikintab ang mamahaling tiles at pati na din ang mga muwebles.

"What are you doing here?"

Muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang malamig na baritonong boses ni Atticus.

Nilingon ko naman siya at nakita kong nakapagbihis na siya nang maputing damit at short. Nakasandal siya sa pader habang may boteng hawak sa kaliwang kamay.

Napalunok ako bigla. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? 

"Hi-hindi mo man lang... tinikman 'yung ibang nilutong barbecue ni... Kuya," nauutal ko pang sagot sa kaniya.

He looked at me with his piercing dagger eyes. He slowly walked towards my direction. Bigla akong kinabahan nang walang dahilan!

"Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?" he said coldly.

Those dangerous eyes... para akong nilalamon at naaakit ako.

Nilagok niya muna ang alak na hawak-hawak niya, habang nakatingin pa rin sa akin.

"Umuwi ka na," maikli niyang sabi sa akin, bago siya bumalik sa kusina at doon inilagay ang boteng ininom niya kanina.

Kaagad akong sumunod sa kaniya at sinagot ko siya kaagad.

"Galit ka ba sa'kin? Hindi mo ako pinapansin ngayon, dahil gusto mong lumayo ako! Hindi ba? You want me to stay away!" iritado kong sabi sa kaniya at kumunot ang aking noo nang dahil lang doon.

Hindi niya ako sinagot. Nakatuko lang ang magkabilang kamay niya sa sink habang tahimik pa rin.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot ngayon?! Ano ba'ng kulang sa akin at bakit hindi mo ako magustuhan?! Sabihin mo-" nabigla ako sa biglaang pagkilos niya.

Napatili ako nang kaagad niya akong inangat at pinaupo sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Aalis na sana ako nang bigla niyang inilagay ang magkabila niyang kamay sa aking gilid at tinitigan ako nang malalim.

Umiigtin ang kaniyang panga habang nakatitig pa rin sa akin. Bumibilis ang pagtibok ng aking puso... bawat segundo...

"You're so damn... hot, beautiful and stunning. Tapos tatanongin mo sa akin ngayon kung ano ang kulang sa'yo, kung bakit hindi kita magustuhan?" halos patanong niyang sabi sa akin.

Mas lalong nangunot ang aking noo sa kaniyang mga sinabi. Anong ibig niyang sabihin?

Mapupungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. Halatang pinipigilan niya ang kaniyang emosyong nararamdaman.

"Bakit nga ba, Mr. Alcazar?" pabalik kong tanong sa kaniya.

Hinawakan naman niya ang aking panga, bago niya ako sinagot.

"I can't tell you. I'm sorry baby," pabulong niyang sabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko na ang mabango pa rin niyang hininga. Tumindig ang aking balahibo nang tumama ang kaniyang labi sa aking kaliwang tenga. 

Natayog na... ang prinsipyong itinayo ko para sa sarili ko. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka?

"Gustong gusto kitang lapitan kanina. Gusto ko na ako ang hahawak sa'yo, hindi ang ibang lalake. Selos na selos ako, Miss San Diego. Narinig mo ba ako? Selos na selos ako," malamig at may diin niyang sabi sa akin.

Inangat ko naman ang aking tingin sa kaniya at gustong gusto kong maglapat ang mga labi naming dalawa, pero pinipigilan niya ito, gamit ang kaniyang mainit na palad.

"You don't have to get jealous. You want me away from you, right?"

Bigla niya akong inatake ng halik nang dahil lang sa aking mga sinabi. Kaagad kong iginapos ang aking magkabilang kamay sa kaniyang leeg at mas lalo ko pang inilapit ang aking katawan sa kaniya.

Kaagad niyang inihinto ang halik, bago niya ako sinagot.

"Kung ganoon, hindi na kita hahayaan pang lumapit sa ibang lalake. Hinding hindi ko na pipigilan ang sarili kong gustuhin ka. Ang hirap mong tignan... habang hawak-hawak ka nang batang 'yun," pagalit niyang sabi sa akin.

"He's already twenty-three! Magka-edad lang kami," pagtatanggol ko kay Aleth.

Tumagilis naman ang kaniyang ulo at mas lalong umigting ang kaniyang panga.

"Pinagtatanggol mo pa talaga," suplado niyang sabi sa akin.

"Of course, he's my friend!"

Kaagad naman niyang iniwas ang kaniyang paningin sa akin, kaya kaagad ko itong hinuli at umawang ang aking bibig nang makita kong parang nanghihina siya habang tinitigan ako.

"He didn't even know how to surf, very well. Tapos gusto ka pa niyang turuan?"

"You're jealous," panunukso kong sabi sa kaniya.

"Kanina pa," suplado niyang sabi sa akin.

Napatawa na lamang ako at kaagad ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. He kissed me too, and he closed ghe gap between us. Hinaplos naman niya ang aking bewang at kaagad niyang inilayo ang kaniyang mukha.

"Stop," kaagad akong nakaramdam ng hiya.

Hindi ko ba siya nasa-satisfy? Hindi ba ako masarap humalik?

"Why? Hi-hindi mo na nagustuhan? I'm not a good kissed?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Damn it, baby! You turned me on, so much! Ayoko lang na... mapunta tayo doon. I respect you, so much." sagot niya sa akin.

Nagusot ko na ang suot-suot niyang damit at kaagad akong tumango sa kaniya.

Napakagat-labi naman ako. Hindi lang talaga ako makapaniwalang... ganito pala ka-tindi ang nararamdaman niya para sa akin.

"I like you, Atticus."

I said it with full of sincerity and love.

He crouched to give me another sweet kiss.

Kaagad ko itong tinugon, bago niya ako sinagot.

"I like you very damn much, too."

Namilog ang aking mga mata... nang makita ko ang suot-suot niyang kwentas.

Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam nang mas lalong kaba.

A.A.

Iyan ang nakalagay sa kwentas na suot-suot niya.

Hindi pwede... nagkakamali lang siguro ako.

Hindi... hindi...

Kwentas

A/N: Warning! Kung may makikita man kayong mga grammatical errors/typos/mispelled words, at kung ano-ano pa. Please, patawarin niyo po ako. Hindi po ako ganoon ka-husay at ka-tanyag na manunulat. Kung hindi niyo po nagustuhan ang storyang ito, hindi ko po kayo pinipilit na basahin ito. 

Maraming salamat po!

ANOTHER WARNING: Alam kong maraming mga minor readers dito na pakalat-kalat. Please, if you are under 18 and below, pakiusap. Huwag niyo po itong basahin. This story contains Mature scenes na hindi pa dapat nababasa nang mga minor de edad. At kung matigas ang ulo mo at gusto mo pa ring basahin, it's not my problem anymore. 

You are not oblige to read this story. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top