Capítulo 10
Iluvia
We arrived immediately at the New Maya Port. Inabot kami nang mahigit tatlumpong minuto sa dagat.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkulong ni Atticus sa akin kanina. 'Tsaka lamang ako nabalik sa realidad nang kaagad niyang inalis ang magkabilang braso na nakatuko sa gilid ng bangka. Ganoon pa rin ang kaniyang ekspresyon, pero may halong lamig na ngayon.
Kung hindi sapat ang paghingi ko ng kapatawaran sa kaniya, bakit pa siya nandito at sinasamahan ako? Ako na nga itong nagpapakumbaba.
"Were here," sabi niya sa akin bago inalis ang paningin sa akin at inabala ang sarili sa ibang bagay.
Hindi ba siya magdadamit? Maraming mga turistang nag-aabang ng mga bangka para ma-rentahan papuntang Malapascua. Nakita ko naman siyang bumaba nang walang ka-hirap-hirap at kaagad itong may kinausap na matandang lalake. Probablh a fisherman, too.
Bumaba na rin ako dahil mukhang wala siyang balak na tulungan akong makababa. Hindi ko na lamang ininda ito at ibinagsal ko na lamang ang aking katawan sa maalat na dagat.
Damn it! Nabasa tuloy ang damit ko!
Kumunot ang aking noo nang dahil sa galit. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Atticus habang nakikipag-usap sa matandang lalake.
Masakit na rin ang aking balat nang dahil sa sinag ng araw. Quarter to eleven na kasi, kaya mainit na talaga.
Hindi nakaligtas sa akin ang hagikhikan ng mga babaeng nag-aabang pa ng bangka sa kabilang direksyon. Nagbubulungan pa ito na para bang nakakita ng isang modelong lalake.
Umawang ang aking bibig at sinundan ko naman sila ng tingin at nakita kong kay Atticus ito nakatingin. Nakita ko pa ang bulong-bulongan nila sabay tawa nang nakakalandi.
Bumuntong hininga ako ng malakas at inikotan ko na lamang ito ng aking mga mata. Ang lalandi!
Habang papalapit ako sa direksyon nila Atticus ay nakita ko naman ang pagtapik ng matanda sa kaliwang balikat ni Atticus, sabay tawa.
Napabaling naman ang matanda sa akin nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila.
Nilingon naman ako ni Atticus at kaagad akong tinanong.
"Are you hungry?" pagtatanong niya sa akin habang nakatuon pa rin ang buong atensyon niya sa akin.
Really, Atticus? Concern ka?
The old man's stare is different. Na para bang... nilalagyan niya ito nang malisya.
"Ito na ba ang sinasabi mong pakakasalan mo, hijo?" pagtatanong ng matanda sabay turo sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi. Pakakasalan? What is the meaning of that?
Nakita ko naman kaagad na umiling si Atticus sa matanda, bago niya ito sinagot.
"Hindi po. Hindi pa iyon nakakauwi," sagot ni Atticus.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya. May... may girlfriend siya? I-ikakasal na silang dalawa?
Oh, well. Ano naman ang pake mo ngayon, Maia? Kung mayroon nga? Hindi ka naman niya kaibigan, he's totally just a stranger!
"Ay, naku! Pasensiya ka na, hijo. Alam mo namang matanda na ako. Akala ko, ito na si Odette."
Umawang ang aking bibig sa sinabi ng matanda. Who's Odette? Akala ko ba... si Sanya ang girlfriend niya? Bakit ang dami naman ata niyang babae.
Tinawanan lamang ni Atticus, bago niya ito sinagot.
"No, she's Maia Sandiego. A sister of my friend," seryosong sabi nito at nginitian ko nalang din ang matanda.
"Ay, naku! Ka-gandang batang ito! May boyfriend ka na ba, hija?" nakangiting pagtatanong ng matandang lalake sa akin.
Napalunok ako. What should I say? Hindi naman ako nagseseryoso. So propably... hindi ko pa naranasan ang magmahal nang seryoso at totoo.
Nakita ko rin ang pagtingin ni Atticus sa akin. Naghihintay ng aking magiging sagot. Bakit ka nag-aabang? May Odette ka na pala, eh.
"Wala pa po, pero may nanliligaw," sagot ko sa matanda.
Namilog naman ang mga mata nito at tumango tango sa akin.
"Talaga? Naku! Ang suwerte-swerte naman ng manliligaw mo, hija. Ang ganda-ganda mo!"
Konti nalang talaga maniniwala na ako kay Manong. It comes from the blood, I guess.
"Salamat po, Manong. Pero, aalis na po kaming dalawa." sabi ni Atticus sa matanda.
"Oh, sige. Mag-iingat kayo," huling sabi nito sa amin.
Nakita ko ang nakakunot na noo ni Atticus at mukhang iritado pa nga ata. Inirapan ko nalang siya at nakita ko naman ang mga kababaihan na parang nadismaya nang dahil lang sa kasama ako ni Atticus ngayon.
Inikotan ko na lamang sila ng mga mata at kaagad akong sumunod kay Atticus. Pumara muna siya ng isang trycyle papunta sa mansion namin.
Nakarating kaagad kami sa lugar namin. The feeling was nostalgic. 'Yung pakiramdam na parang ibinalik ka rin sa nakaraan.
I missed the feeling. Our wide gates were full of veins from the stray trees. Our family name was engrave in front of our gate. Hindi na ito masyadong kita nang dahil sa mga ugat na nanggagaling sa kung saan-saan.
Our mansion is not in a good state. Nagmukha na itong abandoned mansion. Isang buwan pa nga itong hindi nalilinisan, ganito na kaagad ang nangyari? O, sadyang madali lang tumubo ang mga dahon dito at puno?
Kaagad kong kinuha ang susi ng gate at sinubukan ko itong buksan. Habang si Atticus ay nasa aking gilid at pinagmamasdan lamang ako.
I tried to open it again one more time, pero ang hirap!
"Let me help you," suhestiyon niya sa akin, pero kaagad akong umiling sa kaniya.
"I can do it," matigas kong sabi sa kaniya.
Napapailing na lamang siya at bigla akong napatalon nang nahawakan niya ang aking kamay nang dahil lang sa kinuha niya ang susi at napalingon naman siya sa akin.
Nagtama ang aming mga mata...
"Ako na. Namumula na ang mga kamay mo," sagot niya sa akin.
Hinayaan ko na lamang siya na gawin iyon. Kaagad ko na lamang itinago ang mga kamay kong namumula. Nabuksan niya ito nang walang ka-hirap-hirap.
Kaagad naman niyang ibinalik sa akin ang susi. Inalis ko na lamang iyon sa aking isipan.
Dumiretso kaagad kami sa mansion at pinagmamasdan ko muna ito nang buong-buo.
Our fountain were full of veins! Napakatuyo na rin nito at ang kulay puti nitong pintura ay halod mabura na sa fountain. And the design of our fountain is cupid and saints and sinners. Kumuha pa talaga si Mommy ng magiging disenyo para sa fountain na ito, pero... anong nangyari? Naghiwalay din naman sila ni Daddy sa huli.
Pagpasok namin sa loob ay sumalubong naman sa amin kaagad ang alikabok.
Napaubo pa ako gamit ang aking likod sa aking kama at napapikit ako nang dahil sa alikabok.
"Ilang buwan na itong hindi nalilinisan?" pagtatanong ni Atticus sa akin.
Nakita ko naman siyang kinukusot ang kaniyang kaliwang mata na para bamg napasukan ito ng alikabok.
Damn it! Sana pala kumuha muna ako ng mga taga-linis, bago kami pumunta rito!
"Napalinisan naman namin ito, pero last month pa," sagot ko sa kaniya at napangiwi ako nang kusot pa rin siya ng kusot sa kaniyang kaliwang mata.
"Damn it," bulong niyang sabi habang napayuko siya at kaagad niyang inilabas ang kaniyang cellphone para tignan ito,
Nakokosensiya ako. Kasalanan ko 'to, eh.
Bumuntong hininga nalang ako at kaagad akong lumapit sa kaniya. Umigting naman ang kaniyang panga nang makita niya akong papalapit sa kaniya.
"Let me," sabi ko sa kaniya at inalis ko nalang muna sa aking isipan ang tensyon na nararamdaman.
Hindi ko mapigilan ang hindi manginig. Lalong-lalo na ang aking mga kamay! Humaplos ang magkabilang-kamay ko sa magkabilang pisngi niya at nag-tip-toe pa ako para mahipan ko nang mahina ang kaniyang mata na napasukan ng alikabok.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang bigla siyang yumuko at ngayon ay ang lapit-lapit na namin sa isa't-isa! Naaamoy ko na ang hininga niya!
Mas lalo kong nakikita ang magaganda at matataas niyang mga pilikmata na mas lalong nagpapa-akit sa akin.
Hindi ko rin namalayan na nakatitig rin pala siya sa akin.
"Ang ganda mo..." bulong niyang sabi sa akin.
Parang nakikipag-kerahan ang puso ko sa karera nang bigla niyang hinawakan ang aking magkabilang-kamay at ibinaba ito, pero nakayuko pa rin siya habang nakatitig sa akin.
Marahas ko namang binawi ang aking mga kamay at kaagad kong iniwas ang aking paningin sa kaniya. Na-i-intimidate ako sa mga titig niya! This is not good!
Inalis ko nalang sa aking isipan ang mga sinabi niya na kulang nalang magpawala sa aking huwisyo.
Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng mansion namin. Ang mataas naming hagdanan na pakurba at may pulang carpet pa papunta rito sa baba at itaas ay mas lalong nagpapatunay na ang alikabok ang naghahari sa buong bahay!
The chandeliers are full of cobwebs! Buti nalang at ang mga couch at ang ibang mga kagamitan at muwebles namin dito ay nakatakip ng puti. Dahil kung hindi? Paniguradong hindi ko matitiis ang mga alikabok na nasa paligid namin!
Our paintings was still there. Nakasabit pa rin sa aming pader sa entrance ang aming mga paintings at mga picture frames. Ang unang painting ay ang mukha ni Daddy, this was taken years ago. Noong binata pa si Daddy at naka-trabaho niya si Mr. Tomathias Fernandez or Tobi fo short. Sa isang malaking proyekto noon.
Kung tatanungin niyo ako kung saan nagmana si Kuya Milan, well, carbon copy niya si Daddy from head to toe. At sa katabing painting naman nito ay ang aking ina, s'yempre!
At ang mga kasunod na nito ay ang aming mga paintings.
"Is that your sister?" napabaling naman ako kay Atticus nang bigla siyang magsalita.
"Yes, but... she passed away... two years ago," sagot ko sa kaniya na nagpalungkot sa akin.
Nakita ko ang pag-iba ng kaniyang ekspresyon at kaagad naman niyang iniwas ang kaniyang paningin sa akin.
"I'm sorry," aniya.
Kaagad akong umiling sa kaniya.
"No, it's okay."
Mabuti nalang at hindi na siya nagsalita pang muli.
"Aakyat lang ako sa itaas, ah." sabi ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumango sa akin.
Sumalubong naman sa akin ang pamilyar na amoy mula sa aking kuwarto nang buksan ko ito.
My large bed were still the same. The peach color of each side were still shining so brightly. Kaagad kong pinagpagan ang aking kama at para namang mga silver dust ang mga ito.
My curtains are color gold and the designs are veins, scorching every parts of it's curtains. Kulay-silver rin ito at mas lalo lamang itong nagpapaganda sa kabuuan mg kurtina. Hinawi ko ito at kaagad kong binuksan ang veranda.
Bumuntong hininga ako. I can still clearly remember, every side of this house. Every corner of this house... it reminds me to the past. Na para bang... binabalik ako nito sa nakaraan.
I grew up here. Dito ako namulat, dito ako gumawa nang mga masasayang memorya na hanggang alaala nalang ngayon.
Masakit sa akin ang i-benta ang mansion namin pero... hindi naman ako makakawala sa nakaraan kung palagi kong sinusunod ang aking puso na manatili sa nakaraan.
I need to move on. I need to do something to erase the pain that I've felt for so long. Ayoko nang mangyari pa iyon. Hindi ko na kakayanin.
Some scenes... flashed into my mind. Na para bang kahapon lang ito nangyari. Na... baka puwede pang ibalik ang kahapon.
But reality is reality, and we can't predict that. Hindi natin mapipigilan ang mangyayari sa kasalukuyan at hindi na natin mababago at maibabalik pa ang kahapon.
May mga kakilala akong interesado sa bahay na ito, at kayang-kaya nilang mas higitan pa ang napag-usapang presyo, makuha lamang ito. Mas malapit kasi ito sa karagatan, eh. Isa nga ata iyon sa mas nagpapa-attract sa lugar na ito.
Bumaba na lamang ako at napatigil naman ako sa paglalakad at namilog ang aking mga mata nang makita kong nag-mo-mop si Atticus sa sahig ng bahay namin!
Oh my god! Topless pa! Tumutulo na rin ang kaniyang mga pawis mula sa kaniyang noo, pababa sa kaniyang matipunong katawan. Pabalik-balik ang pagpunas niya sa sahig namin na mas nagpakintab pa nang mamahaling tiles namin.
"What the hell are you doing?!" awang ang aking bibig habang pinagmamasdan siya.
Napatingala naman siya sa akin at napalunok ako nang makita ko siyang mas lalo siyang gumwapo sa ginagawa niya.
"Naglilinis," tipid niyang sagot sa akin.
"Yes, I know that! You don't have to that anymore, Atticus!" sabi ko sa kaniya, pero patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.
"It's okay. Wala rin naman akong ginagawa, eh. So, I decided to mop every parts of your house. Kung gusto mong tumulong, punasan mo nalang ang mga pader para mawala ang mga alikabok."
"What?!" at talagang nag-suggest pa siya!
Hindi ako marunong maglinis! Pero, nakakahiya naman kung hahayaan ko lang siya sa ginagawa, 'di ba?
Tumingin naman siya sa akin at nag-ngiting aso naman siya nang makita ang aking ekpresyon.
"You don't know how to clean, don't you?" mapanuksong tanong niya sa akin habang nanliit ang kaniyang mga mata.
A ghost smile was very evident on his face! Yabang!
"I know!" pagsisinungaling ko sa kaniya.
Kaagad akong dumiretso sa kitchen area at kumuha doon ng bakanteng towel, pampunas ng walls.
Bumalik kaagad ako sa sofa at nagsimula akong magpunas sa dingding namin.
Shit! Hindi ko alam na ganito pala-kahirap ang ginagawa ng mga katulong namin noon sa paglilinis ng mga walls sa bahay na ito!
Ang hirap tanggalin! Iritado ko naman itong kinuskos pero hindi talaga nawawala ang dumi na nakadikit sa dingding namin.
Na-alarma ako nang biglang lumapit si Atticus sa aking direksyon at napatingin rin siya sa aking ginagawa.
"You really can't remove that if you don't put the towel on the water, first."
Namula ang aking magkabilang pisngi nang dahil lang sa kaniyang mga sinabi.
Great! Just great, Maia! Talagang hindi matatanggal 'yan, dahil hindi mo binasa ng tubig ang towel para matanggal ang mga natitirang dumi sa pader!
"I forgot," pagdadahilan ko sa kaniya para naman hindi ako magmukhang nakakahiya.
"Really?" natatawa niyang sabi sa akin.
"Bakit napaka-dali lang para sa'yo ang lahat nang ito? I mean, you're rich and businessman. Kumikita ka pa rin kahit na nakaupo ka lang," sabi ko sa kaniya at nakita ko naman siyang tumigil muna sa kaniyang ginagawa at hinarap ako.
"Hindi kasi ako tamad na tao, eh. Yes, I have a lot of money. I have an assets, connections, and company. Pero, hindi ko ginagamit 'yun, para sa mga maliliit na bagay, kung kaya ko naman itong gawin. My fathet taught me on how to be independent. I have to do my best and earn the trust of my father. Kung hindi mo kayang tumayo sa sarili mong mga paa, then how can you handle a thousands of employees?"
Napatigil naman ako sa mga sinabi niya. He had a point! Kung ganoon, sanay siya sa mga ganitong bagay. Gusto ko pa tuloy.., magtanong pa nang magtanong. I want to know more... about him.
"Anong course mo?" wala sa sariling pagtatanong sa kaniya, kunwari.
"I took a Business and Management. Pinag-aralan ko rin ang Architecture sa US."
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Matalino, gwapo, habolin ng mga babae.
Hmmm... speaking of witch!
"Who's Odette, by the way?" hindi ko mapigilan ang hindi mairita sa pangalang iyan!
Umabot muna ng ilang segundo, bago niya ako sinagot.
"She's my childhood best friend," aniya habang naglilinis.
Shit! Bakit ang hot niya pa ring tignan?!
Tumaas naman ang aking kilay sa kaniyang isinagot sa akin.
Childhood best friend lang pala, pakakasalan na kaagad?
"How can you be so sure na siya na 'yung babaeng makakatuluyan mo? Why do you want to marry her, kung malayo naman pala siya," out of nowhere kong sabi sa kaniya.
Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at napakunot naman ang kaniyang noo.
"Marry her? I didn't say that," maikling sabi niya sa akin.
Liar...
"So, ano ang gusto mong palabasin? Na nagsisinungaling 'yung matandang mangingisda kanina? Pakakasalan pala, ah."
Nakita ko namang inilagay niya muna sa lalagyan ang mop at napamewang naman siya habang tumutulo pa rin ang kaniyang pawis mula sa kaniyang noo.
"Yes. I promise to her that I'll marry her," umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi.
So? Inamin niya rin?!
"Then marry her! Sundan mo siya sa kung saan man siya ngayon!"
God! Tataas ata BP ko sa lalakeng ito!
"Mga bata pa lamang kami nun. And miss, promises are meant to be broken. Just don't take it seriously," pabiro pa niyang sabi sa akin.
"Eh, paano kung umaasa pa rin siya hanggang ngayon? Pakakasal ka ba sa kaniya?"
"Nandito ang babaeng gusto ko, eh. Kaya bakit ko pa kailangang pumunta sa iba?"
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Shit! Bakit siya ganiyan?! Sino ang tinutukoy niya?!
"Iisang babae lang ang pakakasalan ko, Miss Sandiego. 'Yung babaeng... mamahalin ko, habang buhay."
Hindi mawala-wala sa aking isipan ang huling mga sinabi ni Atticus sa akin, pagkatapod naming maglinis at kumain. Kahit na kaonti lamang ang nagalaw ko dahil hindi talaga ako marunong maglinis!
Uuwi na sana kaming dalawa, eh. Kaso, naabutan kami ng ulan ngayon! Kaya pala umaambon kanina, akala ko, lilipas lang.
Ang lakas ng ulan sa labas, dumidilim na rin ang paligid.
Bigla akong napapikit nang biglang kumulog ng malakas at napatalon ako nang wala sa oras nang biglang namatay ang mga ilaw.
"Oh my god!" sigaw ko nang dahil sa takot.
Ayoko sa dilim! Natatakot ako!
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha habang malakas pa rin ang pagpintig ng aking puso nang dahil sa takot na aking nararamdaman ngayon.
Tatakbo na sana ako para pumunta sa aking kuwarto nang biglang may nabunggo akong tao!
Wala na akong lakas para patabihin pa siya dahil kumulog na naman nang napakalakas! Napapikit ako at napayakap ako sa kaniya.
Ramdam na ramdam ko rin ang init na nagmumula sa kaniyang katawan.
"Hush now.., you're going to be okay. As long as I'm here... you're safe," napapaos niyang boses ang narinig ko mula kay Atticus.
Napahinga ako nang maluwag at niyakap ko nalang siya.
Ulan
A/N: It wasn't my plan to update the Capítulo 10 because I haven't finished the Capítulo 11, yet. But my mind says... i-update na lage dayanamae haha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top