Capítulo 09
Suficiente
My eyes widened when I see her! God! I missed her so much! Marami akong gustong itanong sa kaniya, marami akong gustong sabihin sa kaniya, pero mukhang umismid ata ang dili ko at hindi ako makapagsalita ngayon. Masyado akong pre-occupied nang dahil sa biglaan kong pagkita sa kaniya dito ngayon!
Ilang araw rin kaming naghahanap sa kaniya, at heto siya ngayon... nakangiti na para bang walang nangyari! Don't bitch me this time, Corazon!
"Corazon? For the God's sake! Ilang araw ka na naming hinahanap! Hindi mo man lang sinagot ang mga text messages and calla ko sa'yo! We were so worried about you! Where have you been all these days, huh? God, Cora! Pinag-alala mo kami nang sobra-sobra!" pagalit kong sabi sa kaniya at napahilot na lamang ng aking sentido.
Ikaw ba naman, ilang araw kang namomoroblema. Kulang na nga lang magkaroon ako ng wrinkles sa mukha ko nang dahil sa pag-aalala sa kaniya. S'yempre, takot din naman ako na malaman ito ni Manang Bella.
Gustong-gusto ko siyang bugahan ng galit ko, pero nag-ngiting aso lamang si Corazon sa akin.
"Naka-drugs ka ba, ha?" iritado kong sabi sa kaniya at dumiretso kaagad ako sa maliit na kitchen, para kumuha ng maiinom doon.
Tataas ata ang BP ko sa kalokohang ginagawa ni Corazon, eh.
"I'm sorry, okay? Na-low batt ako," pagdadahilan niya sa akin.
That's actually a shallow reason! Hindi man lang siya naghanap ng ibang paraan para matawagan ako? Hindi man lang siya nag-abalang magpaalam muna bago aalis? Nakakainis lang talaga isipin!
"Corazon, kung na-low batt ka? Gumawa ka sana nang paraan para atleast... ma-contact mo 'ko!" sabi ko sa kaniya.
I heard her sighed. Umupo muna siya sa upuan at tinignan ako ng malungkot. Hindi mo ako madadala diyan sa emosyon mo, Corazon.
"Pagkatapos nating mag-bar, nakita kitang... hawak-hawak na ni Atticus. Gusto ko sanang magpaalam sa'yo, noong gabing iyon pero... hindi ko na nagawa. Gusto ko kasing makalimot, Maia. Sinabi ko sa sarili ko na... mas mabuting magpakalayo-layo muna ako, para naman... makalimutan ko si Milan, makalimutan ko 'yung nararamdaman ko para sa kaniya."
Bigla akong nakaramdam ng guilt. Hindi ko pa naranasan ang magmahal ng seryoso, dahil hindi naman talaga ako nagseseryoso pagdating sa relasyon. Sa laro lang ako magaling, pero pagdating sa isang seryosong relasyon? Hinding hindi ako pwedeng sumugal, dahil alam ko... matatalo lang ako sa huli. Dahil hindi ako sanay, hindi ako naniniwala sa pagmamahal.
I swallowed hard, as I watched her tears slowly falling down to her both chin. Kaagad niya itong pinunasan.
Umawang naman ang kaniyang bibig habang pinipigilan niya ang mapahikbi habang nagku-kuwento sa akin.
"May kaibigan ako... nakilala ko siya through Facebook. Nandito din siya sa Cebu, inaya niya ako ng bakasyon. Three days sa resort na pinagta-trabahuan niya. Mabait siya, Maia. Nag-enjoy naman ako sa munting oras na nabuo ko sa resort na iyon. Umalis ako nang Malapascua, noong gabing iniwan kita. Tatawag na sana ako kaso, naisip ko, baka susundan mo lang ako. Kaya pasensiya ka na kung nagsinungaling ako sa'yong... low batt ang cellphone ko," pagpapaliwanag niya sa akin.
Hinila ko muna ang upuan na katabi lamang ng sa kaniya at lumapit ako nang kaonti, para makausap ko siya.
"Nag-aalala lang kasi talaga ako, Cora. Maiintindihan ko naman kung gusto mo nang space, eh. Pagbibigyan naman kita, hindi kita pagdadamotan dahil may sarili ka ring buhay at mga plano. Pero, sana naman next time magpaalam ka na. Muntik na akong mabaliw nang dahil sa kakaisip kung saan ka nagsuot-suot."
Sabi ko sa kaniya at nginitian naman niya ako.
"Are you feeling better now?" pagtatanong ko sa kaniya.
Mas lalo lamang niyang pinalakas ang loob at paniniwala niya sa akin ngayon na determinado na siyang kalimutan ang nararamdaman niya para kay Kuya Milan.
Wait... paano niya makakalimutan si Kuya kung... nandito si Kuya Milan, hinahanap rin siya. Wala rin naman kasing ka-alam-alam si Cora na nandito si Kuya Milan, eh.
"Cora, I have something to say to you," panimula ko sa kaniya.
Itinuon naman kaagad niya sa akin ang kaniyang buong atensyon.
"Unsa man?"
Translation: "Ano 'yun?"
Huminga muna ako nang malalim, bago ko siya sinagot.
"Kuya Milan is here," diretso kong sabi sa kaniya.
Umigting naman ang kaniyang panga at biglang namilog ang kaniyang mga mata nang dahil lang sa aking mga sinabi.
"Huwag mo nga akong niloloko, Maia!" padabog niyang sabi sa akin sabay tayo at kuha ng tubig ng pitsel sa ref.
"I'm not lying, Cora. At ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko ang magsinungaling sa'yo? I know, you love my Kuya Milan very much. To the point na hindi ka na naniniwala sa akin. Just like the old times. I was once told you before na huwag ka nang mag-bake ng cookies for Kuya, dahil paniguradong itatapon lamang niya iyon sa harapan mo. But, you didn't listen to me! Instead, pinagpayutan mo pa ang pag-be-bake, pero at the end? Hindi rin naman niya tinanggap. Muntik ko na ngang masapak ang Kuya ko nang dahil lang sa kaniyang ginawa!"
Nilagok niya muna ang malamig na tubig bago ibinalik sa ref ang pitsel at tumungo sa may cabinet namin para pumili ng susuotin, ngayong gabi.
"'Edi... pabalikin mo siya nang New York bukas," ani Cora na para bang ka'y dali lamang sabihin iyon sa kaniya.
"What?! Are you kidding me, Corazon?" nakapamewang na ako nang dahil sa naging tugon niya sa akin.
That's not enough to make my Kuya away here! Lalong-lalo na dahil may proyektong gagawin si Kuya, together with the Alcazar's!
"Mukha ba akong nagbibiro dito, Maia?" sarkastiko niyang sabi sa akin habang nagliligpit ng ibang damit galing sa kaniyang maliit na duffel bag.
"Are you serious?! You have to talk to him! Lalong-lalo na dahil nag-aalala rin siya sa pagkawala mo. Umuwi pa talaga siya rito para lang tulungan ako sa paghahanap sa'yo," sabi ko.
Tinignan naman ako nang seryoso ni Cora. Naiirita na rin siya sa akin. Bahala ka kung mairita ka sa akin, wala akong pake.
"Hindi muna ako lalabas dito sa hotel, hangga't hindi siya bumabalik ng ibang bansa. Okay na ba 'yun? Ikaw nalang ang gumawa nang paraan, para matigil na siya sa kahibangan niya. Kutang-kuta na ako, Maia. Kung makikita ko siyang muli, baka... hindi mapigilan ng puso ko ang manlambot ulit. Umalis nga ako para makalimot, tapos? Makikita ko siya? Parang niloloko ko na rin pala ang sarili ko."
"And what do you mean by that? Isang buwan ka ring hindi lalabas ng hote, huh?"
Napakunot naman ang kaniyang noo sa aking sinabi at napabaling na may nalilitong ekspresyon sa kaniyang pagmumukha.
"Ano? Hindi ko naman sinabi na isang buwan ako ritong magtatago! Babalik din naman si Milan sa ibang bansa, kapag nasabi mo na na okay lang ako."
Umupo muna ako sa kama ko at napaisip sa lahat nang mga sinabi ni Cora. Kahit na ano pa ang gawin kong rason, hindi pa rin iyon magiging sapat para mapaniwala ko si Kuya Milan.
Sa tingin ko... kailangan talaga nilang mag-usap na dalawa, kahit na magpakita nalang si Cora para makasiguro si Kuya Milan na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya.
"May proyektong gagawin si Kuya Milan. Sinabi niya sa akin na... baka magtagal siya rito nang dahil lang sa proyektong ito. Magiging hands on din kasi siya at ang kaniyang team para sa malaking proyektong sinasabi niya sa akin kanina sa dinner," pagpapaliwanag ko sa kaniya para naman matauhan siya na kailangan talaga niyang magpakita bukas kay Kuya Milan, dahil wala na siyang ibang choice.
"Shuta!" nagulat ako sa maging reaksyon niya.
Hmmm... what is... Shuta? Nevermind.
"Hoy, sigurado ka ba diyan? Oh, baka naman nagsisinungaling ka lang sa akin? Naku, Maia, ah? Ma-tu-tyugi ka talaga sa'kin kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa'kin."
Inikotan ko na lamang siya ng aking mga mata.
"Gusto mo ipukpok ko 'tong teleponong hawak ko, ha? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Alam kong masama minsan ang pag-uugali ko, pero hindi ako sinungaling. Gaga," iritado kong sabi sa kaniya at pinanlakihan ko siya ng aking mga mata.
Kanina pa kasi ako naiinis sa kaniya, eh!
"Ito naman! High blood ka naman kaagad! Easy ka lang! Kulang nalang sumabog 'yang temperatura sa katawan mo nang dahil lang sa'kin. Pasensiya na, okay?"
Labas sa ilong niyang sabi sa akin bago siya nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
"Pero, shuta lang talaga. Basta! Sabihin mo sa kaniya na busy ako at wala akong time sa kaniya. Isaksak mo sa baga niya ang pag-aalala niya para sa akin."
Napatahimik ako sa mga sinabi ni Cora. Mukhang... tuluyan na talaga siyang nadala.
Mukhang... tuluyan na talaga siyang mag-mo-move on kay Kuya Milan.
Kinaumagahan ay maaga kaming nagising para mag-breakfast. We went to another fancy restaurant at kami ang nauna doon dahil susunod na raw si Kuya Milan.
I badly want to talk to Atticus, pero... hindi ko pa siya nakikita o nakakasalubong man lang. I know, nakakapagsalita ako nang mga masasamang salita and I want to say sorry for what I've said yesterday. Nagsisisi ako, okay?
Habang naghihintay kami kay Kuya Milan ay nakita ko namang hindi mapakali si Corazon sa kaniyang upuan. Akala ko ba, hindi na siya affected at hindi na siya magpapa-apekto sa nararamdaman niya para kay Kuya?
"Hey, what are you doing? Kinakabahan ka ba, huh?" nagtataka kong tanong sa kaniya at nakita ko naman ang kaniyang paglunok.
"Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita, mag-iisang taon na nga, eh. Kaya, expected na talaga na ganito ang i-re-react ko kapag nakita ko siya. Baka... hindi ko mapigilan at mayakap ko siya-" pinigilan ko siya sa kaniyang sinasabi.
"Hey! Akala ko ba mag-mo-move on ka na sa kaniya? You know what, Cora? You don't have to show to them how much you love them. Like, you are head over heels for Kuya Milan! Let him chase you, not the other way around. Pa-choosy ka dapat minsan. Always remember, boys doesn't like humahabol na mga girls. Don't be such a desperate woman, begging for his attention. Sabi nga ng father, a husband should look for his wife, not the wife. Okay?" sabi ko sa kaniya para maliwanagan siya kahit kaonti man lang.
Napakagat-labi naman si Corazon sa aking mga sinabi at napabuntong hininga na lamang siya.
Biglang pumasok ang isang Milan Sandiego na bihis na bihis. Kagabi pa siya panay ng text sa akin kung saan pa kami pwedeng pumunta para mahanap si Cora.
Lagot ka talaga kay Kuya Milan, Corazon.
Nanlaki ang mga mata ni Kuya Milan nang makita niya si Corazon na katabi ko ngayon sa upuan. Umigting ang kaniyang panga na para bang hindi makapaniwalang kasama ko ngayon ang babaeng hinahanap namin.
Nakita ko rin ang unti-unting paglamig ng mga titig ni Kuya Milan for Cora.
"Saan ka galing, Corazon? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin, huh?" pagalit na sabi ni Kuya Milan kay Cora.
Nakita ko ang pag-ismid ni Cora at nagdadalawang-isip pa kung sasagotin ba niya si Kuya o hindi. Panay rin ang pag-irap niya rito.
"Nag-bakasyon lang," maikling sagot ni Cora.
"Don't you fucking fool me, Cora. You didn't even bother to call my sister to update us that you're finally fucking fine? Tapos ngayon, magpapakita ka sa akin na parang walang nangyari! Umuwi ako para tulungan si Maia na mahanap ka namin. Paano nalang kung makarating ito kay Manang Bella? What would think will be her reaction, huh?"
Galit na talagang sabi ni Kuya Milan kay Cora. Kaagad kong pinigilan si Kuya na ilabas ang kaniyang nararamdaman. We're here in a public place! And we are here to eat, not to argue for something.
"Kuya, nandito tayo para kumain. Hindi tayo pumunta rito para parangalanan si Cora sa mga pagkakamali niya," pinanlakihan ko ng mga mata si Kuya ay narinig ko naman ang marahas niyang pagbuntong hininga.
Habang si Corazon naman ay tahimik lamang na parang walang naririnig.
"We have to talk, Cora." mala-awtoridad na sabi ni Kuya Milan kay Cora. Umirap lamang ang aking kaibigan sa huling pagkakataon.
Tahimik ang aming paligid habang kumakain kaming tatlo. Tanging tunog lamang ng mga kubyertos at ang ingay mula sa ibang lamesa ang aming tanging naririnig ngayon.
Tagumpay naman naming natapos ang aming pagkain na hindi sila nagtatalong dalawa. Mabuti naman kung ganoon.
Hindi pa kami nakakalabas ng restaurant nang biglang magsalita si Kuya Milan.
"Maia, mag-uusap muna kaming dalawa ni Corazon."
Malamig na sabi ni Kuya sa akin habang nanatili lamang ang matatalim niyang mga titig kay Cora.
Suplado talaga ang isang 'to!
"Ano? Ano pa ba ang dapat pag-usapan nating dalawa?! Hindi naman kita boyfriend para magpaliwanag pa ako kung bakit ngayon lang ako nakauwi."
Nabigla ako sa naging reaksyon ni Cora para kay Kuya. Bago 'yun, ah?
"I still need an explanation, Corazon. Sa ayaw at sa gusto mo? Pipilitin pa rin kitang magpaliwanag," ani Kuya Milan bago bumaling sa akin. "Maia, umalis ka muna ngayon," sabi niya.
Napakunot naman ang aking noo.
Itinuro ko naman ang aking sarili. Umawang ang aking bibig. Bakit ba palagi nalang nila akong pinagtatabuyan?!
"You want me gone?!" iritado kong sabi sa kaniya.
Pagod namang tumingin si Kuya Milan.
"Pero, nangako ka sa akin na sasamahan mo ako na pumunta ng bahay."
Oo, sinabi ko sa kaniya kagabi na magpapasama ako sa kaniya. Titignan ko kasi ang mansion namin kung maayos pa ba ito. Last month pa kasi 'yun pinalinisan ni Daddy, eh. Paniguradong puno iyon nang mga alikabok. Naghahanap na rin ako nang magiging buyer.
Napagdesisyunan ko kasing... i-benta nalang ang bahay na iyon. Ayoko nang maalala ang mga masasakit na mga pangyayari. Lalong-lalo na sa trahedyang nangyari sa pamilya namin. Sa pagkamatay ni Ate Maxine, sa paghiwalay ng aking mga magulang.
Pakiramdam ko nga... isinumpa ang bahay na iyon, eh. Palagi akong minamalas. Mabuti nalang at napagdesisyunan naming umalis at pumuntang Manila.
"I can't go, sorry. But don't worry, hindi naman busy ngayon si Atticus, eh. He's willing to be with you, all the time."
Umigting ang aking panga sa sinabi ni Kuya.
What? What the fuck?! Ba-bakit si Atticus pa? Sana hindi nalang niya inutusan si Atticus na siya ang sumama sa akin. Nakakahiya!
"What? What the hell?! Are you serious, Kuya? Bakit si Atticus pa?" pagtatanong ko sa kaniya.
Kanina pa naiinis si Kuya sa akin pero hindi ako nagpatinag sa kaniya.
"Why not him? Sige na, naghihintay na siya sa labas."
Mas lalo ko lamang siyang pinandilatan ng aking mga mata sa kaniyang mga sinabi.
What the hell?!
Napatingin naman ako ngayon kay Cora at nagmamakaawa naman siya sa aking isama ko siya, gamit ang kaniyang mga titig.
"Maia, alis na." pagtataboy sa akin ni Kuya Milan habang sinenyasan pa niya akong umalis.
'Yung totoo, kapatid ko ba talaga ito?!
"Cora, magkita nalang tayo mamaya. Okay?" sabi ko sa kaniya bago ako umalis ng restaurant.
Kaagad ko namang inilibot ang aking paningin at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang isang Atticus Alcazar na nakapang- Calvin Klein na short at topless pa!
Shit! Palage ba niyang ginagawa 'yan?
Kaagad naman niyang inilipat ang paningin niya sa akin.
His wet brown hair make him looks so hot! Isama mo pa 'yung nakakatuyong katawan na parang isang modelong naliligaw lang dito sa Malapascua!
Hindi ako nagpa-apekto at unti-unti akong lumapit sa kaniya.
"Are you ready?" he said in a serios tone but cold at the same time.
Ganoon rin ang kaniyang mga titig na ibinibigay niya para sa akin.
Tumango na lamang ako sa kaniya at pinauna muna niya akong makasakay ng bangka, bago siya sumunod sa akin.
Tahimik lamang siya habang tinatangay ng hangin ang aming bangka. There's no other sound. Just the soft wind and the little waves.
The tranquility of the place is killing me! Sobrang tahimik! The turquiose of the clear blue waters, makes me want to jump! Those crystal clear waters shining like a bunch of little diamonds! Malapascua never fails me!
Napabaling naman ang aking atensyon kay Atticus. Nakaluhod ang isang tuhod niya at nakatulo naman ang isang kamay niya sa isang paa niya habang nakatingin sa kawalan.
Hindi man lang niya ako nilingon.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.
"I'm sorry," buong lakas kong sabi sa kaniya.
"For what?" malamig niyang tugon sa akin habang hindi pa rin niya ako nililingon.
"For what I've said yesterday. I know, it's not good at nasaktan kit-" kaagad naman niya akong binara.
"Don't worry. It's nothing to me," matigas na pagkakasabi niya sa lengguwaheng Ingles.
"Kahit na sabihin mo sa akin na wala lang 'yun? Masakit pa rin 'yun, kung ako ang nasa posisyon mo."
This time, hinarap na talaga niya ako. Tinignan naman niya ako ng matatalim na tingin.
"Alam mo naman pala, eh. Ba't sinasabi mo pa sa akin 'yan ngayon? Let's forget about it."
"Noong una nating pagkikita, hinusgahan mo 'ko. Pinahiya mo pa ako sa mismong restaurant ko. Pangalawa, lage mo akong sinusungitan na para bang ang laki nang naging kasalanan ko sa'yo. Pangatlo, pinagsalitaan mo ako nang mga masasakit na salita."
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at napaatras naman ako ng wala sa oras.
Shit! Tatalon na ba ako?
Mapupungay ang kaniyang mga matang tumingin sa akin, habang hinawakan niya ang magkabilang gilid ng bangka para mas makulong pa ako.
Oh my god! My heart is beating so damn fast!
"Your sorry is not enough, Miss San Diego."
Malamig niyang sabi sa akin.
Enough
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top