Capítulo 07
Interpretar mal
"You need to eat first, Maia."
Sabi sa akin ni Atticus, sabay lahad nang mga pagkain sa lamesa. Oo, nagugutom ako.
But, knowing that Corazon is missing, parang bibiyakin ang ulo ko nang dahil sa pag-aalala! Hindi ako mapakali!
Napasabunot na lamang ako ng aking buhok at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"Mahahanap din natin siya, okay? You need to eat first. Paano mo siya mahahanap, kung pati ikaw ay nawawalan na nang gana?" napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.
All I can see is his concerned look while staring at me. Nakakainis! Ba't ang gwapo niya pa rin?
God! Stop it, Maxima!
"Hindi ako nawawalan ng gana! I am just so worried! Paano kung... may nangyaring masama sa kaniya? I can't forgive myself," naiiyak kong sabi sa kaniya.
Nakita ko namang itinuko niya ang magkabilang kamay niya sa aking tapat at yumulo para makita ang aking ekspresyon.
"It's not your fault. Maybe, she needs space."
Seryoso niyang sabi sa akin.
I stil can clearly remember the crying face of Corazon, because of her feelings for Kuya Milan. Pero... kung gusto niya talaga ng space, sana nagpaalam nalang muna siya para hindi na ako mabaliw sa paghahanap at sa pag-aalala sa kaniya ngayon!
"No! Corazon is drunk last night. Malay mo, may... may nagtangka sa kaniya?"
I heard him sighed again one more time.
"Mababait ang mga taga-rito. They won't do that. Atsaka, isa pa? May mga body guards and bouncers naman. Na-contact mo na ba siya?" pagtatanong niya sa akin.
Kaagad naman akong tumango sa kaniya.
"Hindi pa rin siya sumasagot," sagot ko sa kaniya pabalik.
"Kailangan na natin ito ipaalam sa mga awtoridad. Hindi matin kaya 'to," pag-su-suhestiyon niya sa akin.
Natatakot akong sabihin ito kay Mama at kay Manang Bella. Paniguradong.. aatakihin sa puso si Manang kapag nalaman niyang... nawawal si Corazon!
Kaagad naman akong tumayo at kinuha ang aking pouch. Aalis na sana ako nang bigla akong hinarangan ng isang Atticus Alcazar.
"Where are you going?" nakakunot-noong tanong niya sa akin.
"I need to find my friend,"maikli kong sagot sa kaniya.
"You need to eat first, Maia."
Mala-awtoridad niyang sabi sa akin pero iritado ko lamang siyang tinignan pabalik.
Ano bang pakialam niya kung hindi ako kakain? Mas importante ang kaibigan ko, hindi ako tatahimik hangga't hindi ko siya nakikita!
"I don't care about the food, Mr. Alcazar! Stop being so concerned about me. I can handle myself," malamig kong sabi sa kaniya pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya sa aking siko.
Nang tumingin ako sa kaniyang mga mata ay nakita ko ang unti-unting pagdilim nito at ang unti-unting pagkunot ng kaniyang noo. Na para bang... magagalit talaga siya kung hindi ko siya susundin.
Pero nagulat naman ako nang bigla niyang binitawan ang aking siko at tinignan ako ng malamig.
"Fine! Gusto kong kumain ka muna dahil nandito ka sa pamamahay ko. Paano kung may mangyaring masama sa'yo, bago ka aalis ng bahay? I hate responsibilities, Miss. I am not concerned because I care. I am concerned, because you are in my home."
Napatahimik naman ako sa kaniyang mga sinabi. Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya. I can't look at him one more time, when all I knoa, his eyes were full of hatred and coldness.
Parang nanuot sa aking bawat systema ang lahat nang mga sinasabi niya sa akin ngayon. God! Ilang araw ko pa lang siyang nakilala pero... ganito na agad ang nararamdaman ko para sa kaniya!
Hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ko maipaliwanag!
"I'm not your girlfriend, you don't have to take care of me."
Sabi ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa kaniyang bahay.
Naka-ilang metro pa lamang ako sa paglalakad ay napahawak naman ako sa aking puso. Para akong nakikipaghabulan, para akong sumali sa karera at kailangan kong tumakbo nang napakalakas, para manalo sa laban. Pero, hindi naman laban ito, eh.
There is no competition between us! Mawawala din ito! I can't take this anymore! Kapag nahanap ko na si Corazon, aalis na kami dito. Hindi ko na kayang magtagal pa rito!
Kaagad akong dumiretso pauwi ng hotel room namin ni Cora. I checked it one more time, baka kasi hindi lang talaga nila nakita nang maayos si Cora.
Nahalughog ko na ang buong sulok ng hotel room namin pero wala talagang Corazon na nagpakita! Napasapo naman ako nang aking ulo at padabog akong umupo sa kama 'tsaka ko kinuha ang aking cellphone sa pouch.
Kagagawa kasi talaga ito nang lintek na pag-ibig na 'yan! Hindi dapat siya nagpadalo-dalos!
Napamura ako nang nakapatay pa rin ang kaniyang cellphone. Nakakainis naman 'to!
Umalis na lamang ako ng hotel at kaagad akong dumiretso sa bar na pinuntahan namin kagabi. Nakita kong nagsasara na sila kaya kaagad kong nilapitan ang isa sa mga bouncers na nandoon.
"Yes, Ma'am? How may I help you?" pagtatanong ng bouncer sa akin.
"Kuya, hindi pa po kasi nakakauwi ang kaibigan ko. Nagbabakasakali lang pi ako... baka nakita niyo po ito," sabi ko sa kaniya sabay pakita ng litrato ni Cora.
Kumunot naman ang kaniyang noo sabay iling. Bagsak naman ang aking balikat sa naging ekspresyon niya.
"Pasensiya ka na, Ma'am. Sa dinami dami po nang mga customers kagabi, hindi ko na po maalala, eh." sabi nito sa akin at napatango na lamang ako.
"Kuya, may iba pa po ba kayong mga kasamahan? Gusto ko po sana silang tanungin, eh."
Tumango naman ito at tinawag pa ang ilang mga kasamahan sa loob at kaagad naman silang nagsilabasan.
Ipinakita ko rin sa kanila ang litrato ni Cora, pero pare-pareho lamang ang kanilang isinagot sa akin.
Bagsak ang aking magkabilang balikat at padarag naman akong napaupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang ibang mga turistang nagtatampisaw na sa maalat na tubig habang ang iba naman ay sumasakay na nang bangka.
Hindi ako nagpunta rito para magsaya. Pumunta ako rito para maghanap ng hustisya para sa kapatid ko! Hindi ko nalang sana pinayagan si Corazon sa gusto niyang mangyari kagabi, ang pumunta ng bar!
"Nahanap mo na?" napaangat naman ako ng tingin nang makita ko si Atticus na nakakunot ang noo.
Those thick eyebrows, intimidating brown eyes, sparkling because of the sunlight. Those broader biceps, down to his sparkling abs.
Pisti...
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at taas-noo ko naman siyang hinarap kahit na tumabi na siya sa akin sa pag-upo.
"Hindi pa," malamig kong sagot sa kaniya at ibinalik ko nalang ang aking paningin sa karagatan.
"What is the name of your friend? Can I have her picture? So I can send it to the authorities?"
Sabi niya sa akin at inilahad naman niya ang kaniyang kaliwang kamay sa akin. Kaagad kong kinuha ang litrato ni Corazon at ipinakita ito sa kaniya.
Pinagmasdan ko naman ang magiging reaksyon niya, pero ang nakita ko lang ay ang pagkunot ng kaniyang noo habang seryosong nakatitig sa litrato ng aking kaibigan.
"She's Corazon Tecson," sagot ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang pagtango niya 'tsaka niya ako sinagot.
"She's beautiful," sabi niya sa akin habang tumatango pa rin.
"She's in love to my brother."
Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon sinabi sa kaniya. I shouldn't have said that!
Umigting naman ang kaniyang bagang nang marinig niya akong sinabi iyon. Iniwas ko nalang ang aking paningin.
"Nagtanong-tanong na ako, pero wala pa rin. Hindi raw nila nakita."
"Let's go, pupunta tayo sa office."
Kaagad ko naman siyang nilingon at napatango na lamang ako.
As long as I want to keep this as a secret, baka... isang araw... malaman ito ni Manang Bella, paniguradong ako ang pagagalitan no'n!
Sumunod lamang ako sa kaniyang likuran.
Nagulat naman ako nang makita kong sumakay siya sa bangka nang walang ka-hirap-hirap.
"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Palaging nakakunot ang kaniyang noo kapag kausap ako at hindi ko alam kung bakit palage nalang ganiyan ang kaniyang ekspresyon.
"Sa Malapascua, magpapatulong ako sa kaibigan ko."
Sabi niya sa akin habang nananatili pa rin ang kaniyang paningin sa akin.
Tumango na lamang ako at unti-unti kong itinuko ang aking dalawang kamay para ma-i-angat ko ang aking sarili pero hindi ko talaga kaya!
"Let me help you," aniya pero kaagad ko siyang inilingan.
"I can do it," pursigido kong sabi sa kaniya.
I tried it one more time pero patuloy pa rin akong nahuhulog!
"You can't do it, let me he-" kaagad ko naman siyang pinigilan.
"I said, I can do it!" masungit kong sabi sa kaniya at napaangat naman ako nang tingin sa kaniya.
Nakita ko naman siyang nakapamewang habang masungit na nakatingin sa akin.
"Why can't you just accept the fact that you're small and you can't do it? Let me help you. Stop giving me that damn look!"
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko siyang bumagsak mula sa bangka at kaagad niya akong inangat nang walang ka-hirap-hirap!
Shit! I said, kaya ko!
Inis ko naman siyang hinarap at bubugahan ko na sana siya nang galit nang makita ko ang pilyo niyang ngiti habang unti-unting inangat ang kaniyang sarili.
"I said, kaya ko!" sigaw ko sa kaniya.
"Oh, really? I don't think so, baby."
Sabi niya sa'kin bago niya ako tinalikuran para hilahin ang lubid ng makina.
Buti nalang at napahawak ako sa gilid ng bangka, dahil kung hindi? Baka kanina pa ako nahulog sa dagat.
I hate this man!
I hate you, Atticus!
Inirapan ko nalang siya at itinuon ko na lamang ang aking paningin sa karagatan. Wala na akong pakialam kung tinatangay ng maalat na hangin ang aking nag-aalong buhok.
"Why do we need to go to Malapascua? Eh, sa Bantayan naman nawala si Corazon." masungit kong sabi sa kaniya kahit na hindi ko pa rin siya nililingon.
Pero, ang nakatitig niyang tingin at hindi nakalampas sa gilid ng aking mga mata.
"Nandoon ang office. Atsaka, isa pa, magpapatulong na rin ako kay Manuel." sabi niya sa akin.
"Who's Manuel?" pagtatanong ko sa kaniya.
"He's my friend, Manuel Fernandez."
Oh! I remember it now! Anak siya ni Mr. Manuel Fernandez Sr.
Napatingin naman ako sa dagat at napaawang naman ang aking bibig. Kahit na problemado ako ngayon, ay hindi ko pa rin maiwasan ang hangaan ang kagandahan ng buong Malapascua!
"Ang ganda!"
Sabi ko nang wala sa sarili habang pinagmamasdan ko ang kagandahan ng dagat.
Kumikinang ito nang dahil sa sinag ng araw. Isama mo pa 'yung linaw ng tubig.
"Oo. Ang ganda nga," sabi niya sa akin.
Nilingon ko naman siya at nakita ko namang nakatingin siya sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip, kung sino ba ang sinabihan niya nang maganda.
Ako ba?
O...
Ang karagatan?
Ewan ko, ayokong maging assuming!
Bigla ko namang naalala 'yung painting na nakasabit sa dingding ng kanilang bahay.
"Ang ganda rin ng Mama mo," sabi ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang kaniyang paglunok bago niya ako sinagot.
"She's a dutch, and half filipino," ani Atticus.
Napatango naman ako. Kaya pala ang ganda niya.
"Kaya pala," maikli kong sagot sa kaniya.
"Pero, sa ama ko halos namana ang lahat."
Napalingon naman ako sa kaniyang sinabi.
"My Dad is a half spanish and half filipino, too."
Umigting naman ang aking panga sa kaniyang mga sinabi.
So? Tatlong klase ang dugong mayroon siya?!
Dutch, Spanish and Filipino!
Sarap magpalahi sa isang Alcazar, siguro?
Stop it, Maia! Nagmumukha kang manyak, eh!
"Where's your Mom?"
Matagal naman siyang nakasagot sa akin.
"She passed away, after she gave birth to me."
Napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya.
"Sorry," paghingi ko ng kapatawaran.
Hindi na sana ako nagtanong!
Hindi kami close nito!
"Buti... hindi nag-asawa ulit ang ama mo?" patanong kong sabi sa kaniya.
Kumunot naman ang kaniyang noo habang nakatitig pa rin sa akin.
"My Dad's still in love with Mama Josefina. Even though, she already passed away, his love for her... never fade. Kahit na may itsura si Papa, palage niya pa ring sinasabi sa'kin, na mahal na mahal niya ang aking ina. Hindi iyon mapapantayan nang kahit sinong babae lang," mahabang sagot niya sa akin.
Well, yeah. That's kinda true love. Pero... sa estado ng buhay nang aking mga magulang? I don't believe in love. Naghiwalay din naman sila, oh, sadyang malas lang talaga sng mgs Torres?
Mabuti nalang at kaagad kaming nakarating sa Malapascua. Same vibe pa rin sa Bantayan, pero mukhang mas malaki ang Malapascua. This is the main, I think.
Dumiretso kaagad kami sa hotel na sinasabi niya.
Napaawang naman ang aking bibig nang makarating kami sa isang magandang hotel! Sa entrance palang nito ay sinalubong na kaagad kami nang nakaukit na pangalang 'Familía Fernandez'.
Hindi ko alam kung ilang palapag ito, pero napakaganda! May isang restaurant din sa loob ng mismong hotel, malaki rin ang restaurant at punong-puno ito ng mga customers.
Kaagad kaming pumasok sa elevator at magsasara na sana nang biglang may humabol.
A beautiful woman entered the elevator. Nakapang-uniporme siya. I think, nag-ta-trabaho siya sa restaurant, pero nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya!
"Good morning, Melanie."
Bati ni Atticus sa kaniya.
Wait, magkakilala sila?
Ngumiti naman si Melanie sa kaniya bago ito sumagot.
"Good morning din po, Sir."
"Maghahatid ka ba ngayon nang snacks para kay Manuel?" pagtatanong nito.
Tango lamangg ang iginanti niya kay Atticus. Pagkarating namin sa floor ay kaagad naman niyang binuksan ang pintuan ng opisina ni Mr. Fernandez.
Ignorante, 'di man lang nagpaalam.
Napaangat naman ng tingin si Mr. Fernandez sa amin.
Ngayon ko lang siya nakita nang personal.
He's gwapo, his sex appeal is screaming! Halos namana niya ata lahat nang ka-gwapuhan mula sa kaniyang ama.
Mayroon din itong makakapal na kilay, almond eyes, malambit na mapupulang labi at perpektong umiigting na panga! Isama mo pa 'yung flexible niyang katawan na halatang alagang-alaga sa gym!
Bakat na bakat ang mga muscles nang dahil sa suot niyang itim na polo na pang-hanggang siko niya.
Malamig rin kung tumingin!
Now, I know... why my Tita Sylvianna Liliana Torres... can't get over with... Mr. Tomathias Tobi Fernandez.
Ibang-iba talaga ang alindog ng mga Fernandez!
"What are you doing here, Atticus?" pagtatanong nito sa kaniyang kaibigan.
Nanatili lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Nakita ko rin ang paglipat ng tingin ni Mr. Fernandez kay Melanie na ngayon ay naglalatag na nang kaniyang dinalang snacks.
"Dude, I need your help." panimula ni Atticus.
"What is it?" pagtatanong nito.
Pinalapit naman ako ni Atticus sa kaniya at napabaling naman si Mr. Fernandez sa akin.
Oh, well. Sa usapang standards... top 1 si Mr. Manuel Fernandez para sa'kin. I kinda... like him.
"Her friend is missing, and... we need your man, dude."
Isinarado muna ni Mr. Fernandez ang kaniyang laptop 'tsaka niya kami hinarap.
"Oh, sige. Wala naman akong problema doon. Sasabihan ko kaagad sila mamaya," sabi nito kay Atticus at tumango naman ito.
"By the way, this is Maia." pagpapakilala ni Atticus sa akin.
Kaagad namang naglahad ng kamay si Mr. Fernandez sa akin. Kaagad ko naman itong tinanggap.
Infairness, ang lambot ng kaniyang kamay.
"Nice to meet you, Miss Maia." malamig nitong bati sa akin.
"Nice to meet you too," sagot ko sa kaniya pabalik.
Kaagad naman niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa akin at tinignan niya ulit si Melanie na ngayon ay nasa gilid na namin at naghihintay nalang siyang paalisin.
"You can go now, Atticus. I have important things to do," sabi nito sa amin.
Nakita ko naman ang pag-ngiting aso ni Atticus sa kaniyang kaibigan, bago niya ito sinagot.
"Okay, dude. Bagal mo namang kumilos," makahulugang sabi nito sa kaniya at tinawanan lamang ito ni Mr. Fernandez.
"Oh shut up, Atticus."
"Let's go," sabi ni Atticus sa akin bago niya hinawakan ang aking kaliwang kamay.
Nginitian naman ako ni Melanie at nginitian ko na rin siya pabalik.
Kaagad ko namang binawi ang aking kamay sa kaniya.
"Arte..." pabulong niyang sabi sa akin.
"Excuse me? Narinig ko 'yun," sabi ko sa kaniya sabay pindot ng button ng elevator.
"Sinadya ko talaga 'yun para marinig mo," nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi bago ko siya hinarap ulit.
"Excuse me? I'm not maarte!" sabi ko sa kaniya bago ko siya inirapan ulit.
"Sungit talaga," sambit na naman niya habang nananatili pa rin ang ganoong ekspresyon niya sa akin.
"I'm not here to flirt, Mr. Alcazar. I'm here to find my friend."
Seryoso kong sabi sa kaniya at ang sagot naman niya ang gustong magpalamon sa akin sa lupa nang dahil sa kahihiyan.
"I'm not here also to flirt with you, Miss Maia. I'm here to help you, find your friend. I hope, you won't misinterpret my words." seryoso niyang sabi sa akin.
Napapailing na lamang ako.
Bahala siya!
Corazon... magpakita ka na kasi!
Misinterpret
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top