Capítulo 02

Malapascua


I already packed my things. My baggage, my duffel's bag. I put some of my bikini's on my duffel bag. Alam kong iba ang pakay ko sa pagpunta sa lugar na iyon. Kung wala lang siguro akong rason, hindi naman talaga ako pupunta doon.

I hate beaches, I hate the heat came from the sun. I don't want to get sunburned. I don't like tan skin and all. I sighed and release the problems in my head. Kaagad kong inayos ang mga gamit ko.

Mabuti nalang at alas-sais pa lamang ng umaga ay dumating na si Corazon. It's summer days, so she's with me all the time. Lalong-lalo na ngayon dahil ka-kailanganin ko siya. As my personal assistant. May sweldo naman siya sa akin eh. Atsaka isa pa, hindi na rin naman siya iba sa akin. She's also my childhood bestfriend.

I should take this seriously. Kailangan kong hanapin ang A.A na 'yun. I know, I don't know what really happened in the past. I don't know what's behind that damn curtained! At iyon ang isa sa gustong malaman. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya para sa aking kapatid.

She didn't die for nothing.

"Maia, handa na ako." Corazon appeared in front of me.

Tumango na lamang ako sa kaniya at tinulungan naman niya akong dalhin ang mga bagahe ko.

Habang papalabas pa kami ng elevator ay nagsalita muna ako.

"Dumaan muna tayo kila Mommy. Kailangan kong magpaalam sa kaniya nang harapan."

My Mom is overreacting, I know that since my Ate Maxine died. She doesn't want me to go to a place she doesn't even know. Kailangan kong aalis man ako, o 'di kaya pupunta sa isang bar with my friends. Sangkatutak naman na mga impormasyon ang hinihingi niya. She's afraid... she'll gonna lose me too. I can protect myself, pero hindi ko naman iyon mawawala sa puso at sistema niya ang takot na baka mawala rin ako sa kaniya. I'm afraid too.

"Naku, Maia. Di napud lage ka tugtan ato," Cora said with a poker face.

She's a bit boyish but she's not a bisexual. She's straight.

Translation: "Naku, Maia. Paniguradong hindi ka na naman papayagan no'n."

Nang tumunog na ang elevator ay kaagad naman kaming sinalubong ng dalawang bellboy at kinuha ang aking mga gamit. Kaagad namang dumating ang sundo naming sasakyan at kaagad naman akong pumasok sa loob.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nakikipag-usap pa si Corazon sa isa sa mga bellboys! God! Paniguradong manghihingi na naman ito ng numero.

"Bigay mo na number, kuya."

Umawang ang aking bibig sa sinabi ni Cora sa isa sa mga bellboy. Alam kong mahilig si Cora sa gwapo, na pati si Kuya Milan ay sinusubukan niya! God! Maaga akong magkaka-wrinkles sa babaeng 'to!

"Kuya, wait for me here," sabi ko sa driver bago lumabas ng sasakyan at hihilahin ang isang Corazon na abot tenga na ang ngiti ngayon dahil kausap ang isang gwapong bellboy.

"Bawal po talaga, Miss." The poor bellboy said while shooking his head to Cora.

Napapailing na rin ako at kaagad akong lumapit sa kanila.

"Excuse me, Cora? Let's go. Baka maiwan tayo ng eroplano," I said seriously to her but she only gave me a fake smile!

"Taysa! Kuya, name mo nalang sa fb, baka pwede chat-chat tayong dalawa," nakangiting sabi ni Cora habang pinipigilan na nang isang bellboy na tumawa dahil sa mga sinabi ni Cora.

The bellboy smiled to her shyly and shooked his head again. Irration was plastered and very evident on his face! I groaned in my mind at marahas kong hinablot ang braso ni Corazon.

"Cora! I have some good news for you! Uuwi si Kuya Milan, at susunod sa atin sa Cebu. I thought you're loyal to my brother? I doubt it now," nagtatampo ko kunwaring sabi ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at biglang namula ang magkabilang pisngi.

"Talaga?!" excited niyang sabi sa akin.

Napatango na lamang ako. I'm sorry, Cora but I need to do this. Dahil alam kong hindi mo titigilan ang kawawang bellboy na ito kung hindi ko gagamitin si Kuya Milan.

Kuya Milan is a serious man, at lalong hindi raw niya type ang mga klaseng babaeng katulad ni Cora!

Kaagad naman niyang hinarap ang bellboy 'tsaka nagsalita.

"Pasensiya na gwapo ah? Nakalimutan kong committed pala ako sa isang tao. Gwapo ka naman, pero mas gwapo ang Milan ng buhay ko. Ciao!"

Umigting ang aking panga sa mga sinabi ni Corazon at nagmartsa ito sa aking harapan at kaagad niyang binuksan ang pintuan ng aming sasakyan.

This lady bisaya witch!

Nahihiya akong humarap sa bellboy na nakausap ni Cora kanina. Lumunok muna ako bago ako magsalita.

"I'm really sorry about that. I know my friend is witty and a bit bitchy but... she already had a boyfriend."

Ngumiti lamang ang bellboy sa akin bago tumango.

"Okay lang po, Ma'am." sagot nito sa akin bago ako tumango sa kanila at kaagad akong pumasok sa loob ng sasakyan.

Hindi pa ako nakaayos sa aking pagkakaupo nang sandamakmak na akong sinalubong ng mga tanong ni Cora tungkol sa kapatid ko.

"So, ano? May update na ba tungkol kay Milan? Kailan siya uuwi? Para naman makapaghanda ako," masaya niyang sabi sa akin.

I sighed and I looked at her with full of concern. I know she likes my Kuya Milan very, very much. And I don't want to ruined her genuine smile, pero... kailangan.

Napakagat labi muna ako habang siya ay nakatulala at titig na titig lang sa akin. Waiting for my response.

"Cora, I know you like my Kuya Milan, very much. But there are some things that not really meant for us. Stop chasing Kuya Milan, let him... chase you, it's not the other way around. I'm sorry but... I don't want to hurt your feelings," seryoso kong sabi sa kaniya at bigla namang bumagsak ang balikat niya at parang natauhan.

Masyado ba akong naging prangka? Sorry, pero... ayoko lang kasi na may pinapaasa o may umaasa nang dahil lang sa mga kasinungalingan. I know, I'm the one who created that lies, and I should be the one to break that lies.

"Cora... huwag ka namang magtampo sa akin," malambing kong sabi sa kaniya.

Kanina pa kasi siya tahimik eh. Hindi ako sanay, she's always been jolly and funny. I miss already her bisaya jokes.

"Ikaw naman kasi, sinaktan mo ang puso ko. Alam ko naman na wala talaga akong pag-asa kay Milan. Mas gusto niya 'yung mga babaeng sexy, dato ug naay kaya. Unsa raman ko? Anak rako ni Mama Bella. Hindi ako dato," sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at umusog ako para lumapit sa kaniya.

Translation: "Ikaw naman kasi, sinaktan mo ang puso ko. Alam ko naman na wala talaga akong pag-asa kay Milan. Mas gusto niya 'yung mga babaeng sexy, mayaman at may kaya. Ako? Wala akong maibubuga, anak lang ako ni Mama Bella. Hindi ako mayaman," sabi niya sa akin.

"I'm sorry. But, don't worry. Tatawagan ko si Kuya ngayon para mangumusta sa kaniya." pampalubag loob ko sa kaniya.

Bigla namang nag-iba ang kaniyang ekspresyon at biglang sumigla. There... that's my Corazon. Sana naging lalake nalang ako at ako nalang mismo ang manligaw sa babaeng ito.

"Sure?! Sige!"

Napangiti na lamang ako at kaagad kong kinuha ang aking cellphone. Paniguradong nakauwi na ngayon si Kuya Milan from work. May project kasi siyang inaasikaso doon sa New York. Next month pa ata ang uwi niya.

Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Milan Sandiego. Gwapo si Kuya, matangos ang ilong, makakapal ang mga kilay, at hindi siya gaanong maputi. Mas pumaibabaw doon ang kulay kayumanggi pero gwapong-gwapo pa rin. Parang españyol ang mukha.

Kaagad namang sinagot ni Kuya ang tawag ko.

"Yes, Maia?" A baritone voice filled the other line.

"Kuya, how are you there?" pagtatanong ko sa kaniya.

"I'm fine, uuwi ako diyan, Next month." Sabi niya sa akin.

Nilingon ko muna si Cora habang napakagat labi at hinihintay ang aking magiging bawat sagot.

"Kuya, Cora wants to talk to you," dahan-dahan kong sabi sa kaniya.

Matagal naman siyang nakasagot.

"I'm tired, Maia. Tell her to stop bugging me. I don't have time to entertained her childish feelings. I don't like her, and you know that."

Malamig na sabi ni Kuya sa akin at napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay, Kuya. Take care." iyon na lamang ang aking nasabi sa kaniya.

"Take care, too." maikling sagot ni Kuya Milan bago niya ako binabaan ng tawag.

"Anong sabi?" excited na tanong ni Cora sa akin.

"He's fine. Hi-hindi ka niya makakausap sa ngayon dahil... pagod raw siya," sabi ko sa kaniya.

She pouted at me at napabuntong hininga, pero nandoon pa rin ang mga ngiti sa kaniyang mga labi.

"Okay lang. Alam ko namang ginagawa niya ang kaniyang trabaho para sa future family namin," nakangiti niyang sabi sa akin.

Maganda naman si Corazon eh. She has a high cheek boned, matangos ang ilong. Makurba rin ang katawan at morenang morena. Makapal rin ang kilay pero bumagay naman ito sa kaniyang mukha at kutis. Mapupula rin ang kaniyang mga labi.

Siguro... hindi tama si Kuya Milan. Mga bata pa lamang kami ay may paghanga na itong si Cora sa kaniya, pero kailanman ay hindi niya ito binigyan ng pansin. Kahit na minsan, tinataboy na si Cora ay palage pa rin itong lumalapit kay Kuya. I feel so sorry about her, for wasting her time and years for loving my brother who didn't even care for her feelings.

Ganoon ba talaga dapat? Kailan natin mararamdaman ang halaga nila? Kapag wala na sila? Doon mo lang mararamdaman ang pagsisisi.

Nabalik lang ako sa realidad nang nakarating na kami sa bahay ni Mama. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng gate at sinalubong naman ako ni Mommy with her usual attire.

"Maxima!" Mommy greeted at me and she wide her arms and hugged me so tight.

I miss this feeling. 'Yung yakap-yakap mo pa ang Mama mo.

Napakunot naman ang kaniyang noo nang makita niya si Corazon sa aking likuran.

"Maxima, saan na naman kayo pupunta? Alam kong may binabalak ka dahil isasama mo na naman itong si Cora." seryosong sabi sa akin ni Mama at napatuwid naman ako sa aking pagkakatayo.

"Yes, Mama. Gusto ko po kasing mag-bakasyon sa... Malapascua," sabi ko sa kaniya.

Umawang naman ang kaniyang bibig dahil sa aking mga sinabi.

"Maxima, you know what happened in the past right? And yet, you still want to go there? For a vacation? May mga magagandang beaches naman dito!" pagalit na sabi ni Mama sa akin.

"Mama, I just want to go there," seryoso kong sabi sa kaniya.

Marahas namang napabuntong hininga si Mama bago niya ako sinagot.

"And then what? Si Corazon lang ang isasama mo? You know that silly girl, Maxima!" pinandilatan ako ng mga mata ni Mama.

I know, pero pagdating sa trabaho? Maaasahan ko naman siya. Hindi naman siya pabaya.

"Mom," pagbabanta ko sa kaniya.

Baka marinig siya ni Cora eh. Pumanhik rin kasi si Cora papuntang kusina at pinuntahan ang kaniyang Mama Bella.

Sumunod naman ako kay Mama papunta sa isang lamesa. Kumuha siya doon ng wine at umupo sa sun lounger sa gilid ng isang malaking swimming pool.

"Maxima, please! Don't go there," pagpupumilit ni Mama sa akin.

Hindi naman talaga ako pupunta doon kung wala akong sapat na rason. At ayoko rin na sabihin kay Mama ang rason ko kung bakit ako pupunta ng Malapascua ay dahil paniguradong mas lalong hindi niya ako papayagan. She's been silent since they broke up. After that, itinigil niya na rin ang pagpapa-imbestiga at paghahanap sa suspek. I know it's hard to do this alone, without the help of any authorities. But I don't have a choice, dignidad at hustisya ang pinanlalaban ko para rito. Hindi ako aatras.

If my Family can't do this, then... I should be the one to take this damn responsibility for my sister's justice!

"You can't stop me, this time, Mama. Huwag po kayong mag-alala. Nandiyan naman po si Corazon at... kaya ko naman po ang sarili ko." malamig kong sabi sa kaniya.

Bumuntong hininga muna siya, nagpapahiwatig na sumusuko na siya sa akin.

"Okay, fine! Just take care of yourself, hija." sabi ni Mama at napatango na lamang ako bago ko siya hinalikan sa pisngi.

Kaagad naman kaming tumulak ni Corazon papuntang airport.

Almost thirty minutes rin ang byinahe namin bago kami nakarating sa airport ng Cebu. Kaagad naman kaming sinundo ng isang SUV at hinatid kaagad kami sa New Maya Port patungong Malapascua.

Pagkalabas namin sa sasakyan ay nakita kong marami nang nakaabang sa mga bangka.

There are a bunch of people waiting for the other boat to come. Isa o dalawa lang kasi ang dumadating at mahigit isang oras bago dadating ang mga inaasahan na mga bangka.

Napalingon lamang kami ni Corazon nang may isang mangingisdang lumapit sa amin.

"Ma'am! Dito po tayo," paggiya nito sa aming dalawa.

Napangiwi naman ako. I can wait the other boat naman eh. Lalong-lalo na ngayon dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong nandito.

They waited here for almost an hour tapos kami? Kararating lang namin pero kaagad kaming kukunin? I know I have my reservations in one of the mini hotel's in Malapascua. Pero hindi ko maitatanggi ang ibang mga taong naiirita nang dahil lang sa uunahin ako.

"Ali, na Maia!" pagtawag sa akin ni Corazon at napatango na lamang ako.

Translation: "Tara na, Maia!"

I heard some murmuring of the people's behind us. I just can't really understand all of it because it was said in a bisaya lungage.

"Hayaan mo na sila, Maia." pampalubag loob ni Corazon sa akin at napalunok na lamang ako.

Kaming dalawa lang ang nakasakay sa isang malaking pump boat!

Kaagad namang pinaandar ng isa sa mga mangingisda ang lubid at tinangay kaagad kami ng sariwang hangin.

A wide blue sea and crystal clear waters and the tranquility filled the boat. Tanging ingay lamang ng makina ang tumutunog.

I saw some fish under the sea because of the clear waters. Ang dagat dito ay maaliwalas at napakaganda. Mahal ang praises ko, but this one is an exception.

I hate the madness sunlight touched my skin. Dahil ayokong umitim o magka-sunburned. But Malapascua gave me another vibe to erase my madness and hate that I felt right now. Malayo pa kami sa buhanginan at kailangan kong tiisin.

Sariwa naman ang hangin pero... mainit pa rin.

"Maia, maligo tayo pagdating natin!" excited na sabi ni Corazon sa akin.

Nilingon ko naman siya at tumango na lamang ako.

I always remind myself of something. Something's that bothering me for years. I don't have confidence... pero sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari? Feeling ko... kailangan kong maging matapang.

I bit my lower lip as I watched the birds flying so high above the blue and wonderful clouds. As I watched also... the tantalizing little waves. Unti-unti ko nang nakita ang buhangin.

It looks like a crystal sand dahil kumikinang ito. I sighed and looked at it one more time.

Goodluck to my journey here in Malapascua.

Malapascua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top