XXX

Chapter 30: Triumph

Kumaripas naman ako ng takbo nang makita kong malapit na sana kainin ng isang leviathan ang isang estudyante rito. Pinigilan niya ito gamit ng kaniyang abilidad ngunit hindi ito tumatalab. Pawis na pawis ang buo nitong katawan at nanginginig din ito habang nginingitngit niya ang kaniyang mga ngipin.

I straightaway released my hydrokinesis ability to drown that pest off. The leviathan dropped the her, and I used that time to use my telekinesis ability to catch her.

Tumakbo naman ‘yong isang leviathan na kinontrol ko, tsaka niya kinain ang kaniyang ka-uri.

“Are you okay?!” I shouted at the student who is now safe.

“Y-Yes, thank you!” she said while running towards her friends who are crying. I just nodded as a response.

The three of them started hugging each other as they sniffled the tears that keeps streaming down to their cheeks.

Nakita ko namang pinapapasok nila Sky ang ibang mga estudyante sa loob ng arena, habang ang iba naman ay pilit na pinipigilan ang dalawang leviathan.

Nag-teleport naman ako sa direksiyon ng isang leviathan tsaka ginamit ang aking omnikinesis ability upang kontrolin ito.

“Make way!” I shouted as the leviathan was running towards his kind. My eyes filled with disgust when I saw the two of them eat each other.

Agad naman akong tumalon sa baba habang pinapanood silang dalawang kinakain ang mga sarili nila. Ang mga estudyante na nakisali sa paglalaban ay namangha sa kanilang nasaksihan, ang iba naman ay diring-diri rito.
Umalis na ako roon nang makita kong malapit na silang maubos.

Nag-teleport naman ako sa limang leviathans na ginawa kong guwardiya kanina, tsaka sila inutusan na kainin ang isa’t isa.

“It’s done!” Napalingon naman ako sa isang estudyante dahil sa sigaw niya. Masayang-masaya ito habang itinataas niya ang kaniyang kamay.

Natigilan din ang iba sa kanilang mga ginagawa dahil sa sigaw nito.

“Yes!” sigaw naman ng isa pa.

Makikita mong pagod na pagod siya pero nagawa niya pa ring itinaas ang kaniyang kamay para sumabay sa kalokohan ng isa.

“Tapos na!” masaya ring sabi noong isa. Hanggang sa silang lahat na ang nagsisigaw na tapos na ang laban

Masaya nilang niyakap ang isa’t isa.
Napanganga na lang ako sa kanilang mga naging reaksiyon. Umiiling-iling na lang ako nang makita ko silang parang baliw na nagsasayaw sa gitna.

No, it’s not done yet. The dark king is still alive and—

“Beatrice!” Napatingin naman ako nang may tumawag sa akin. Nagulat na lang ako ng sunggaban ako ng yakap nina Kristina at Antonette na mangiyak-ngiyak na. Umirap naman ako ro’n.

“There, there,” sabi ko pa at hinahaplos-haplos ang kanilang mga ulo.

“Akala namin, mamamatay na kami kanina!” reklamo ni Kristina habang sinisinghot ang kaniyang sipon. Iw, ang dugyot talaga.

“Oo nga, ang tagal mo!” resbak naman ni Antonette at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan naman niya ang kaniyang luha gamit ang uniporme niya. Isa pa ‘to, e.

“At least, she came.” Ibinaling ko naman ang aking atensiyon sa nagsalita. Papunta na rito sila Eunice at ang iba pa naming mga kaklase.

“Eunice!” I shouted as I teleported towards her and hugged her as tight as I can. She hugged me back. Para akong pusang nag-pu-pur dahil sa pagyayakapan namang dalawa. I love the feeling. It is warm and full of love. Gusto kong ganito na lang kami palagi.

“Nakakapagod, deserve nating kumain nang marami!” buwelta pa ni Sky habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Umarte pa itong parang honghang, at pilit na ipinipikit ang kaniyang mata. Napairap na lang ako rito.

“Oo nga, Leader! Pakainin mo naman kami sa palasyo niyo!” banat din ni Carper, at umakbay pa kay Sky.

“We should celebrate!” dagdag naman ni Euhonn at masayang napangiti.

“No,”  sagot ko sa kanila, dahilan para mapasimangot silang lahat. “Hindi pa tapos ang laban, kailangan ko pang kontakin sila Thiarina. Hindi pa natatalo si Ken,” dugtong ko sa aking sinabi kaya nahilamos na lang nila ang kanilang mga palad.

“Sinong Thiarina?” nagtataka namang tanong ni Antonette sa akin.

Right, their memories are still blocked. I mean, hindi pa nila naaalala ang lahat.

“Nothing,” I replied, holding my temple. Na-s-stress ako sa kanila. Ang dali-dali lang maging masaya. Psh.

“I think we should celebrate a little. Nabawi na natin ang ating realm, hindi ba?” Calvin suggested kaya pinanliitan ko siya ng mata.

“Calvin’s right, we should,” Eunice muttered while walking towards Calvin.

“Oo nga!” sigaw din ng mga estudyante sa paligid namin. Wow, mga tsismoso’t tsismosa naman pala silang lahat, e.

“Besides, you will be the next queen of our realm,”  Eunice added.

Napairap na lang ako sa kanilang lahat. Angas naman, pinagtulungan pa nila ako. Psh.

“Fine, just today! But I will invite the three of them tonight, okay?” I said. Nakita ko namang tumango si Calvin doon kaya napairap na naman ako.

“Yes!” sigaw nilang lahat at nagmadali nang umalis dito sa harapan ng arena. Magiliw naman silang naglakad habang ang iba ay tinutulungan ang mga kaklase nilang maglakad na may sugat.

“Anyway, speaking of queen. Nasaan si Allysa?” Nilingon ko naman si Euhonn nang dahil doon.

“Well, she’s in the—” Someone cut me in mid-sentence.

“What did you do to my mother?!” I heard Kesha shouted.

I saw how she gritted her teeth while shooting me a death glare. Oh, buhay pa pala siya?

“I burned her,” I replied, smelling my body. Umasim naman ang mukha ko nang maamoy ko kung gaano ako kabaho. Tama nga pala, hinawakan pala ako ng leviathan kanina. Argh!

“F*ck you!” she cursed. Her forehead wrinkled as she released her pyrokinesis ability.

“Stop,”  I ordered her, releasing also my omnikinesis ability. “From now on, you can’t use your ability, even if it kills you.” Bigla namang nawala ang apoy sa kaniyang kamay, at kahit anong gawin niyang pagpapalabas ulit nito ay hindi niya magawa.

“Ugh!”  she groaned in frustration. Lumapit naman sa kaniya si Calvin, at ayon, nag-teleport sila sa kung saan kaya hindi ko na sila pinakealaman pa. Calvin will protect her probably. Psh.

“Ano ba kasing ginawa mo sa reyna?” naguguluhang tanong nila sa akin.

“You want to see her?” I asked them, and they all nodded at me.

Agad naman akong nag-teleport sa harapan ng gymnasium kasama sila kaya mukhang nagulat sila sa aking ginawa, ngunit hindi ko na lang ito pinansin at nauna nang pumasok sa loob.

“C-Curse you!” nahihirapang sigaw ni Allysa habang pinipilit na lumabas sa arcane circle na aking ginawa.
Well, I’m already cursed.

“What did you do to her?”  Eunice asked with knitted brows. Halatang naaawa siya sa kinahihinatnan ni Allysa ngayon.

Oh please, I didn’t do that a hundred years ago, and it costs us our realm because of that measly mistake.

“I let her suffer,” I replied, smirking at Allysa. Nakita ko namang napangiwi siya roon.

“K-Ken will absolutely kill you!” she shouted again, and started grunting in pain.

“J-Jouesh will—ugh!” Napahinto naman ako sa pagngisi nang marinig ko ‘yon.

I almost forgot about Tristan. Where the hell is he? Hindi ko siya nakita ngayon at kanina sa gulo, a? I must be so preoccupied, that’s why I forgot about him.

“Where’s  Jouesh?” I asked. Narinig ko naman siyang tumawa. My forehead knitted as I gritted my teeth when I heard that annoying laugh again.

“W-Why would I tell you? B*tch!” sigaw nito sa akin, tsaka siya dumura. Tiningnan ko naman siya nang masama.

Nakaramdam ako ng pagbabago ng kulay ng aking mata habang tinitingnan siya. Nakita ko kung paano lumakas pa lalo ang ilaw ng arcane circle at naging mas matinkad pa ang kulay ng aking asul na apoy.

“U-Ugh! S-Stop it! He’s in the palace!” she said while hugging herself. Her voice was rough in pain as she started begging me to stop her suffering.

“That’s too much, Beatrice! Stop it!” pagpipigil naman sa akin ni Eunice. Magkadikit ang kilay nito at nakikita ko sa kaniyang mukha ang pagkaawa.

“No, she’s too much,” walang gana kong sagot sa kaniya at mas lalo ko pang nilakasan ang aking asul na apoy. She’s not burning, but she’s feeling the agony of it. That’s my curse, and I need her to feel it.

“Please,” mahinang saad sa akin ni Eunice habang hinahawakan ang aking kamay, kaya agad kong binaba na ito.

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Sorry,” I muttered as I gasped for some air to calm myself down. “Let’s go, we need to prepare for our mini celebration,” I added while looking at Allysa intensely.

I need to go to the palace, to see if Jouesh is safe. Nagmadali naman kaming nag-teleport patungong palasyo, at doon namin nadatnan ang mga professor namin na tinali ng mga kadena, kasama ang mga taga section Diamond, pati na rin si Jouesh.
Nasampal ko na lang ang aking noo. Kaya pala wala sila roon sa labanan kanina. Nakatunganga lang pala sila rito lahat. Psh.


END OF CHAPTER 30

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top