XXVIII

Chapter 28: Bulwark of the Students

ANTONETTE

Matiwasay kaming naglalakad patungo sa gubat na sinabi sa amin ni Beatrice habang maingat naming inaalalayan ang mga katulad naming estudyante.

Grabe, ang lakas pala talaga ng isang controller! Biruin mo ‘yon? Mahigit kumulang tatlong libong estudyante ang nakontrol niya sa maikling panahon lamang? Pero ang ipinagtataka ko, bakit siya natalo noon kung ganito siya kalakas?

“Hinay-hinay lang,” sabi ni Kristina sa isang imortal na muntikang mamudmud sa lupa habang maingat niyang inaalalayan ito. Tulala lang kasi itong nakasunod sa amin, at para silang mga zombie kung maglakad.

Makalipas ng ilang minuto ay naaninag na namin ang gubat. Kalahating kilometro pa lang ang layo namin dito nang may naaninag kaming isang taong naglalakad patungo sa direksiyon naming lahat.

“Wait,” seryosong bulalas ni Dianna at pinatigil kaming lahat sa paglalakad.

Nakakunot ang noo nito habang maiging tinitigan ang nakita naming tao na lumabas sa gubat.

Huminto kaming lahat. Laking gulat ko naman nang biglang yumanig ang lupang kinatatayuan namin, para bang maraming kabayong nagkakarera papunta sa amin.

Napalinga-linga naman ako nang dahil sa takot. Sinusuri ko kung saan ito nanggagaling.

“L-Leviathans!” malakas na sigaw ni Calvin kaya dali-dali naman kaming tumalikod at tumakbo pabalik sa eskwelahan. Fudge!

“Antonette!”  sigaw sa akin ni Carper kaya nilingon ko siya. Nakita ko namang iniwasiwas niya ang kaniyang kanang kamay, saka ipinalabas ang kaniyang abilidad, naintindihan ko naman ang kaniyang pinapahiwatig, kung kaya’t agad akong napatango sa kaniya.

Ipinalabas ko naman ang aking cryokinesis ability, dahilan upang ang iba ay matumba. I built an icy spikes beneath them, so they can not run as fast as earlier.

Nakita ko naman kung paano ipinalabas ni Carper ang kaniyang abilidad upang pigilan ang ibang nakalusot sa aking kapangyarihan. Habang si Euhonn naman ay gumawa ng gawa sa kahoy na panangga upang maprotektahan ang mga estudyanteng kasabay namin ngayon.

Si Kristina naman, at Sky ay nagmamadaling pinapatakas ang mga estudyante papalayo rito sa amin.

“I can make them slower, but I can’t use it in a long period of time,” Eunice muttered as she looked at the leviathans, dead serious. “Call my sister, Calvin. We can protect the students temporarily while they’re running away, just be fast, now!” she added. Tumango naman si Calvin sa kaniya at nagmadaling mag-teleport.

“I can use my parafrosynikinesis ability, however, I don’t have much energy to stop this. Antonette, will you lend me a hand?” Agad naman akong napatango sa kaniya at mas lalo ko pang nilakasan ang pwersa ng aking abilidad upang sila ay hindi na makalapit sa amin.

Hindi ko alam kung bakit namin ito ginagawa. Beatrice said that she will explain it later. Ang alam ko lang, may gyerang mangyayari ngayon, at kailangan naming protektahan ang mga kamag-aral namin at ang eskwelahang ito.

Sandali lang? P’wede naman siguro silang makipaglaban kasama namin, hindi ba?

“P’wede rin naman silang makipaglaban, Dianna, hindi ba?” tanong ko rito sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagmamasid sa paligid kung may nakatakas bang leviathan o wala.

“Yes, that’s why we called Beatrice to undo her ability,” she answered as she jumped up at the leviathan’s shoulder.

May parang sinabi siyang kung ano sa tenga nito, tsaka niya sinunog ang buhok ng leviathan kaya nagwala ito at kinain ang isa sa mga kasamahan niya. Tumalon naman siya sa isa pa, at ‘yon din ang kaniyang ginawa, nagwala rin ito saka kinain ang kasama niya. Napatulala naman ako sa kaniyang ginawa.

She’s a controller too? Oh, it makes sense because they’re twins.

“Antonette, sa kaliwa!” babalang sigaw sa akin ni Carper kaya agad kong ginamit ang kaliwang kamay ko upang i-bato sa isang leviathan na nakawala sa aking yelo. Napasigaw naman ito nang malakas no’ng tumusok sa dalawa niyang paa ang malalaking icy spikes na ginawa ko.

Nanghihina na ako dahil sa lawak at sa rami ng nagamit kong enerhiya.
Ang dami nila, kung kaya’t parang mauubos na ‘ata ito nang mga ilang minuto. Bakit ang tagal ni Calvin?!

“Ahh!” Napatingin naman ako sa aking likod nang may biglang sumigaw dito.

Nanlaki naman ang aking mga mata no’ng makita kong kinuha ang isang kamag-aral namin ng maliit na leviathan. Paano siya nakapunta riyan?!

Nagmadali naman akong pinatigil ito gamit ang aking yelo.

“Kunin niyo siya!” nahihirapang sigaw ko sa kanila, kaya nakita kong lumipad si Sky patungo ro’n sa babae.

Nagwala naman ang leviathan, dahilan para mabasag ang ginawa kong yelo, ngunit sa awa ng Diyos ay nakuha ni Sky ang babae nang ligtas.
Ginamit naman ni Kristina ang kaniyang phytokinesis ability, kung kaya’t natanaw ko ang paggalaw ng mga bato sa paligid, malaki man o hindi. Dumikit ito sa katawan ng leviathan, dahilan upang matumba ito.

Ibinaling ko na ang aking atensiyon sa aking harapan. Pinagmasdan ko naman ang hapong-hapo na si Eunice. Alam kong pagod na pagod na ito, pati na rin naman ako.

Unti-unti nang nauubos ang aking abilidad at ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para hindi ito mangyari.

“Antonette, your ice!” singhal sa akin ni Carper na patuloy pa rin akong inaalalayan kapag may nakakatakas na leviathan sa aking ginawang yelo.

“I’m trying my best, you id*ot!” singhal ko pabalik sa kaniya kaya inirapan niya ako, napairap na lang din ako sa pagkasuplado niya. Kitang wala na tayong enerhiya, e!

“Calvin!” Agad naman akong napalingon nang makita namin si Calvin.

“Where’s Beatrice?” hinihingal na tanong ni Eunice sa kaniya.

Nag-teleport ito sa aming harapan kaya mas lalo naming pinatindi ni Carper ang aming mga abilidad upang hindi makapunta rito ang mga leviathans.

“She’s coming. I will help you, let’s use our parafrosynikinesis ability, Eunice!” Calvin ordered as they teleported at the leviathans’ location.
Pinag-away-away nilang dalawa ang mga ito hanggang sa kainin ng mga leviathans ang isa’t isa. There are 30 or more of them here, and we can’t defeat them all because we’re outnumbered.

“Euhonn, tulungan mo sila Eunice! I can make something like that to protect our fellow students!” dinig kong sigaw ni Kristina sa aking likod, at nakarinig ako ng pagbagsak ng mga dahon, kasabay no’n ang pagtalon ni Euhonn sa aking harapan.

“I can help you, Antonette,” Euhonn said while smiling faintly, kung kaya’t napangiti na rin ako at ibinaba na ang aking kamay.

“Just rest for a while, and you can help if you regain your energy,” he added. Tumango na lang ako rito at umupo muna sa gilid. Pinagmasdan ko naman ang mga sanga ng kahoy at iba’t ibang uri ng mga halaman na kumakapit sa mga binti ng mga leviathans, dahilan upang ito ay matumba, at kapag natumba na ito ay pinapakuryentehan naman ito ni Carper, kaya tatagal pa ng mga isa o dalawang minuto bago ito makabangon muli.

Hindi ko alam kung bakit ang mga katulad lang din nila ang makakapatay sa kanila, hindi rin kasi ako nakikinig sa mga leksiyon ni Miss Julianne no’ng nagkaklase siya sa harapan namin.

Nang mabalik na nang kaunti ang aking lakas ay agad akong tumulong kay Euhonn. Paatras kami nang paatras dahil mas dumarami ang mga ito. Ilan ba sila? Sus, maryosep naman! Wala na ring lakas sila Eunice at ang iba, kung kaya’t nawawalan na kami ng pag-asa.

“Beatrice! Thank God, you’re already here!” Agad naman akong napalingon nang biglang sumigaw si Kristina. Parang binunutan naman ako ng tinik sa aking dibdib no‘ng marinig ko ‘yon.

“We need your help. Calvin, Antonette and Eunice can’t take it anymore!” sigaw din ni Sky. Nagulat na lang kaming lahat nang biglang dumilim ang buong paligid, dahilan para mapahinto kaming lahat, pati nga ang mga leviathans ay napahinto rin habang tumitingin sa itaas.

“Protect the students, I can handle these creatures,” Beatrice coldy said, walking towards us as her hair dances with the breeze.

Nagulat naman ako nang makita ko ang kaniyang seryosong mukha.

I-Is that really her?

END OF CHAPTER 28

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top