XXI
Chapter 21: The Spring of Cessation
Tiningnan ko si Eunice nang matalim habang itinutuon niya ang kaniyang kamay na napapalibutan ng abilidad niya sa aking guardian.
‘Maglaho ka muna, Elijah,’ utos ko sa kaniya sa aking isipan. Sinunod naman niya ito at naglaho na sa aking likod.
‘Masusunod, Ayesha,’ huling sabi nito sa akin.
“My guardian is not a murderer,” I said while throwing her a piercing gaze. She did the same to me.
“Hoy! Tama na ‘yan!” pag-aawat sa amin ni Euhonn, ngunit malamig lang na tiningin ang iginawad namin sa kaniya.
Lumapit naman ako kay Eunice, at saka hinigit siya papalayo sa dalawang lalaki. Hindi naman siya nagpumigil kaya malaya ko siyang natangay.
“Listen, Eunice,” paninimula ko no’ng masigurado kong hindi na kami maririnig pa ng dalawang lalaki.
“Your real mother is dead. Allysa, the proclaimed queen is not your real mother. She’s just manipulating your mind!” dagdag ko pa na siyang nagpataas ng kaniyang kilay.
Kunot-noo rin niya akong tinitigan habang ikinu-krus ang kaniyang braso sa dibdib.
“How can I believe a person I just met in several weeks?” malamig nitong tugon sa akin habang tinititigan ako.
Ginulo ko na lang ang sarili kong buhok habang hindi makapaniwala siyang tiningnan.
“Fine!” pagsuko ko sa kaniya. Alam ko namang matigas ang ulo ng isang ‘to dahil magkapatid kami. Manang-mana sa ate. Psh.
Sus! Kung hindi lang kita kadugo, malamang kanina pa kita pinalutang patiwarik!
“You will find some clue that that freakin’ Allysa is not your mother! And she’s supposedly not the queen on this realm! It should be the eldest daughter of Asralyn, not the impostor one!” I added while looking at her intensely.
Nakita naman niyang determinado ako sa aking mga sinabi, kung kaya’t nakita ko ang kaunting kislap sa kaniyang mga mata.
Knowing her, she loves to be challenged by the opposing side, and how her blood boil in excitement, setting her veins into blazing fire.
“Yes, and if I prove you wrong, you deserve a punishment for indignifying the queen’s reputation,” she replied in a serious manner.
“Sure, it is a deal!” sagot ko sa kaniya habang tinititigan siya.
Nagtitigan naman kaming dalawa. Hindi ko tinatanggal ang aking titig upang makita niya talagang hindi ako nakikipaglaro lang sa kaniya.
“Let’s go,” usal nito at tumalikod na sa akin. Siya ang unang nagbitaw sa pagtitigan naming dalawa, kaya alam kong tutupad siya sa usapan.
Tumango na lang ako bilang pagsagot sa kaniyang sinabi. Nagsimula na rin akong maglakad at sinundan siya.
“They look bothered,” mahinang sabi sa akin ni Eunice kaya tiningnan ko ang dalawa pa naming kasama.
Nakakunot ang mga noo nito habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos naming dalawa ng aking kakambal.
“Ano bang pinag-usapan niyo?” nagtatakang tanong sa akin ni Jouesh kaya agad kong tiningnan si Eunice.
“Oo nga!” pagsang-ayon naman ni Euhonn sa tanong ni Jouesh na parang bata na nakataas ang kamay.
Magkadikit ang kilay nila habang taimtim kaming tinititigang dalawa. Sabay naman kaming napairap ni Eunice nang dahil do’n.
“Girls stuff, you want to hear it?” Hindi man halata sa tono ng pananalita ni Eunice pero alam kong inaasar niya si Euhonn.
“H-Hindi, ha! Tara na nga!” nauutal na sambit ni Euhonn kaya bahagya akong natawa ro’n. Wala akong alam kung ano ang nasa isip ng lalaking ‘to pero alam kong hindi mga make-up ang girls stuff na kaniyang iniisip.
Nagpalabas na ng guardian sina Eunice at Jouesh, kung kaya’t sumakay na si Euhonn sa kay Eunice.
“Sasakay ka?” tanong ng katabi ko sa akin.
Pinagmasdan ko naman ang dragon ni Jouesh. Gusto kong sumakay na lang kay Elijah dahil nami-miss ko nang sumakay sa kaniya, ngunit parang mas gusto kong tumabi sa isang ‘to, kahit habang-buhay niya na akong iniinis.
Tiningnan ko naman si Jouesh.
“Sasakay ako,” sagot ko sa kaniya, kaya inilahad niya ang kaniyang kanang kamay upang pasakayin ako.
Kinuha ko naman ito na siyang ikinagulat niya. Alam kong nagulat siya dahil hindi ako nagreklamo.
Hinawakan ko naman nang mahigpit ang kaniyang kamay tsaka umakyat at sumakay na sa dragon niya.
“Let’s go,” sabi ko habang nakatitig sa kaniyang likuran.
Tumango naman siya at ipinalipad na ang kaniyang dragon, kaya niyakap ko siya galing sa likuran niya. Hindi ito katulad ng kanina na walang halong malisya, ngayon ay totoong-totoo na ito.
Bahagya naman siyang nabigla sa aking inasta, ngunit agad naman niya ‘yong binawi at hinayaan ako sa aking ginawa. Napangiti naman ako dahil do’n.
Kaya pala bigla-bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag may ginagawa at sinasabi siyang nag-ugat sa pag-aalala para sa akin, ‘yon pala’y dahil matagal na kaming magkakilala ng unggoy na ito.
“I miss you, Jouesh,” tanging nasambit ko na lang saka pumikit.
Naramdaman ko naman ang mahinang haplos ng kaniyang kamay sa kamay ko, kaya para akong timang na napapangiti sa kawalan.
“Saan ba kasi kayo nagsusuot?” nawiwindang na tanong ni Sky habang nakapamewang na humarap sa amin. Para siyang isang nanay na pinapagalitan ang kaniyang mga anak pagka-uwi sa galaan.
Hinanap kasi nila kami nang matapos na ang kanilang family bonding dahil kami na raw ang susunod na mag-bobonding. Kaso ay wala raw kami kaya hinanap nila kaming apat, ngunit hindi raw nila kami nakita.
Napangiti na lang ako nang mapait no’ng makita ko ang mga mukha nila Sky, Carper at Calvin. Ang papait ng mga sinapit nila noon nang dahil sa sumpang ito. Grabe rin ang pagdurusa na kanilang dinanas dahil sa mga mapaniil na mga nilalang na iyon.
“Shut up, Sky. We’re tired, can you give us some time to relax?” iritadong sagot naman sa kaniya ni Eunice, kung kaya’t naitikom na lang niya ng kaniyang bibig, pati na rin ng dalawa niyang kasama, tiklop na tiklop kapag nagsalita na si Eunice. Pft—
“Sabi ko nga!” Mukhang may susuyuin kami ngayon kasi nagmamaktol ‘tong tatlong ito sa harapan namin.
Akmang magsasalita na sana ako ngunit may biglang nagbukas sa aming pintuan kaya napatingin kaming lahat dito.
“Nakita niyo na ba sila?!” Hinihingal at mukhang natatarantang duet na sabi nina Kristina at Antonette. Puno ng pawis ang kanilang noo, at medyo naka-awang ang kanilang bibig upang humugot ng hangin.
“Oo, heto na sila, o!” Napataas naman ang aking kilay no’ng umirap si Carper sa amin. Hala ka! May lahing mga bakla na ata ang mga lalaki naming kaibigan! Diyos ko po!
“Buti naman!” Nakahinga naman nang maluwag ang dalawa sa narinig nila, at saka lumapit sila sa amin.
Wala pa rin namang pinagbago ang dalawa, palaging magkadikit na parang magkapatid, at mukhang may sakit sa puso dahil ang bilis-bilis lang nilang mag-alala.
“Akala ko na naman, dinukot na kayo ng dark king! Nako! Ang sama pa naman ng budhi ng isang ‘yon!” Pailing-iling na sambit ni Antonette at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
Nako, Anto! Sinabi mo pa, ang sama-sama talaga niya! Kulang pa nga ang salitang ‘masama’ para ilarawan ang kaniyang kasakiman, e!
“Sandali lang, ha, saan ba kayo nanggaling?” takang tanong ni Calvin kaya sa kaniya na naman naibaling ang tingin namin.
“Pumunta kami sa Lake of Outset,” simpleng sagot ni Jouesh, kung kaya’t tinapunan nila kami ng ‘bakit-kayo-pumunta-roon?’ na tingin.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha no’ng makita ko ang nakatatawa nilang reaksiyon. Pwede namang sabihin ‘yon nila, bakit ba kasi sa titig lang nila ipinahihiwatig?
“May halamang gamot kasi na pinakuha sa kaniya nung kanilang leader sa special battle, na pwede namang ang leader nila mismo ang kumuha!” nagrereklamong sambit ni Euhonn habang tinituro ako gamit ang kaniyang kanang kamay.
Tinampal ko nga ito, kung kaya’t napa-aray na lang siya.
Natanaw ko naman na tumango-tango silang lahat kaya alam kong sumang-ayon at nauto sila ng Elijah na ‘yon.
“Hoy! Hoy!” sigaw naman ni Kristina, with matching talon-talon pa. Simple lang ang pinapahiwatig ng galawang ito... may nahagip siyang tsismis. Psh.
“Alam niyo bang na-expel na si Ace dahil isa siyang impostor?” ani Kristina, kaya ang mga tsismoso kong mga kasama ay taimtim na nakinig sa kuwento ni Kristina.
Hindi na ako nagtaka pa na umalis na dito si Elijah dahil wala na naman siyang ibang rason na mamalagi pa rito. Natapos na niya ang kaniyang misyon na ipaalala sa akin ang lahat.
“Sabi sa amin ng mga kaklase namin ay kaibigan daw niya ang dark controller,” sabat naman ni Antonette, at parang isang tangang bumubulong. Napairap na lang ko ro’n.
Halatang nagulat naman ang lahat dahil sa sinabi ni Antonette, at pinagmasdan nila ang gulat ding mukha ni Eunice.
“Kung gayon… nandito na rin ang kambal ni leader?” hindi makapaniwalang tanong naman ni Euhonn, habang ang walang interes na mukha ni Eunice ay napalitan ng pag-aalala.
“At…” Nabaling na naman ang kanilang tingin kay Kristina na nakayukong nagsalita.
“Ikukulong at ipapapatay daw nila ang kapatid mo, Eunice, dahil maghahasik na naman daw ito ng kadiliman sa ating kaharian,” dugtong pa nito at tiningnan nang malumanay si Eunice.
Wala akong nagawa kung hindi ang umirap nang umirap. Ako pa talaga ang binaliktad nila? The fake myth they told to everyone is not enough to pacify my existence. They never learn, do they? Napailing na lang ako sa aking isipan. Ako pa ang kanilang ginawang mamamatay tao, sapagkat pinatay ko raw lahat ng kaibigan ko.
“That’s bullsh*t!” Napa-igdad naman ako no’ng sumigaw si Eunice, at galit na pinagmasdan ang kaniyang nakakuyom na kamao.
I was about to hold her hand, para naman nahimasmasan siya sa kaniyang galit, pero napahinto ako no’ng biglang bumukas ang pinto at bumulagta sa amin ang mukha ng isang imortal na hinding-hindi ko mapapatawad. May kasama siyang mga kawal sa tabi niya, at mukhang alam ko na kung ano ang ipinunta nila rito.
“Your majesty!” sabay naman silang napayuko sa harap ni Allysa, maliban sa aming dalawa ni Eunice.
Long time no see, evil witch. I smirked as I saw her eyes twitching while looking at me. I know, she knows that I already remembered everything, and she’s afraid that I might ruin her plan.
“Mom, I heard that you ordered to put my sister in dungeon and slay her... Is it true?” Hindi ko man nakikita, ngunit alam kong may namumuong tubig sa mga mata ni Eunice ngayon. Nawala naman ang ngisi ko sa aking mga labi dahil do’n. She really cared about me.
“Yes, honey. It is for our own good, and for our realm!” she answered as she walks toward Eunice’s direction.
Tumayo naman ang mga kasama ko at bahagyang umatras, senenyasan nga nila akong gano’n din ang gagawin ko, ngunit hindi ako nagpatinag at tinanaw lang ang nakakasukang pag-arte ng babaeng ito.
“Correction, Allysa, it is for your own good,” I muttered, emphasizing the word your. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi sumabat dahil nanggigigil na talaga ako sa kaniya.
Nakarinig naman ako ng pagsinghap sa likod ko kaya alam kong nagulat sila sa aking sinabi. Nakaramdam ako ng kamay na hinay-hinay na humawak sa akin.
“Ayesha is right, you selfish evil witch!” Ako na naman ngayon ang nagulintang dahil sa sinabi ni Jouesh. Kung gayon, may naaalala na siya?! Ang bilis naman yata nito! Dapat ay si Eunice nga ang unang makaalala dahil magkapatid kaming dalawa, kaya bakit siya?
“What’s wrong with the both of you?” nakakunot-noong tanong sa amin ni Eunice, habang ang katabi naman niya ay masama kaming tiningnan.
“That’s not your real mother,” I said while looking at her eyes.
“I know,” she answered, throwing me the same look.
“Remember what we talked about earlier? I will prove it now,” sabi ko na lang sa kanya at tinanaw ang nagrereyna-reynahan sa aming kaharian.
Humugot ako ng malalim na hininga. Alam kong hindi pa dapat ngayon, at masyado kong pinapadali ang mga pangyayari, ngunit kailangan na niyang malaman sa lalong madaling panahon upang ang sakit na mararamdaman niya sa oras na malaman niya ang totoo ay hindi na gaano kalala.
Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kaniya, gano’n din naman siya. Naramdaman ko ring humigpit ang hawak sa akin ni Jouesh, kaya alam kong alam niya ang nais kong gawin at sasabihin ngayon.
“I’m your si—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang sumigaw si Allysa sa amin. Para siyang halimaw na nagwawala sa aming harapan, natatakot na baka makuha ang kaniyang masamang pinaghirapan.
Agad ko namang binitawan ang kamay ni Jouesh kaya mukha nagulat siya ro’n, ngunit agad naman itong nakabawi.
Nagsitakbuhan naman ang mga kasama niyang kawal papunta sa direksiyon ko kaya naging handa ako sa ano mang mangyayari ngayon.
“Annihilate her!”
END OF CHAPTER 21
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top