XVIII

Chapter 18: Hatch to the Outset

“Beatrice!” sigaw nilang tatlo, kasabay no’n ang paglaho ng halimaw na iyon. Nasunog ito nang tuluyan hanggang sa naging abo.

Nagitla naman ako no’ng bigla akong hilahin ni Esh-esh tsaka hinawakan sa magkabilang balikat ko.
 
“Are you okay?” takot na takot na tanong nito sa akin.

Pumunta na rin dito sila Eunice na mukhang nag-aalala rin.

“Ayos ka lang?” tanong din sa akin ni Euhonn habang si Eunice naman tinitigan lang ako nang makahulugan.
  
Binitawan na ako ni Esh-esh kaya agad kong minasahe ang kaniyang hinawakan. Tumawa naman ako nang mahina sa naging reaksiyon nila.

“Okay lang ako, kaya ko namang pahintuin iyon gamit ng—” Napahinto naman ako tsaka tinakpan ang aking bibig. Muntik ko nang masabi ang kakayahan kong makontrol ang mga bagay-bagay dito sa mundong ginagalawan namin ngayon.
  
“Anong pahintuin?” nagtatakang tanong ni Esh-esh sa akin. Ngumiti naman ako nang pilit dito.

“Nothing! Tara na nga, baka may kakaiba na namang nilalang ang makasagupa natin dito!” pag-iiba ko sa paksa kaya napatango na lang din silang lahat.
 
“But, are you sure that you are okay?” Eunice asked while looking all over my body. Agad ko namang itinago ang aking kamay sa likod ko para hindi nila ito makita.
 
“Yes, totally fine!” I assured them while smiling from ear to ear.
 
Tumango na lang silang lahat at nagsimula nang maglakad. Nakita ko naman kung paano pagalingin ni Eunice ang braso ni Euhonn na nasugatan ng asido no’ng halimaw, banayad niyang inilagay ang kaniyang kamay sa braso ni Euhonn, kasabay no’n ang pagkahilom ng sugat nito. 

“We are near,” Napahinga naman ako nang maluwag no’ng sabihin iyon ni Eunice. Buti naman! Napapagod na rin ako sa paglalakad!

Nakita ko naman ang parang isang portal sa hindi kalayuan, kaya nagmadali kaming naglakad patungo roon.

“Euhonn, sumakay ka sa akin, ikaw naman Beatrice kay Jouesh ka,” ma-awtoridad na sabi ni Eunice, kasabay no'n ang paglabas ng kaniyang pulang dragon. Wala namang pasabi na sumakay dito si Euhonn, tsaka sila lumipad papasok do’n sa portal.
  
Nagulat naman ako no’ng naging dragon ang kabayo ni Esh-esh, tsaka ito sumigaw nang malakas.
 
“Let’s go?” Nag-aalangan naman akong tumango sa kaniya. Inalalayan niya ako habang hinahawakan ang aking kanang kamay.
 
No’ng makasakay na kaming dalawa ay bigla na lang itong lumipad, dahilan para mapayakap ako sa kaniyang likod.

“Sabing kumapit ka,” sabi nito sa akin at mahinang tumawa. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang nasambit.
 
“Wala ka namang sinabing unggoy ka!” naiinis kong sigaw sa kaniya, dahilan upang tumawa na naman ito.

No’ng makapasok na kami sa portal ay bigla namang lumipad paitaas ang dragon na ito, kaya napakapit na naman ako nang mahigpit upang pigilan ang aking sarili na mahulog.
 
“Nakakadiri naman ang dragon mo!” reklamong sigaw ko habang pilit na kinukuha ang kaliskis nito sa balat ng dragon. Nakarinig naman ako ng malakas na daing ng dragon kaya agad kong binawi ang aking kamay. Wow, sensitive yarn?
 
“Anong ginawa mong gorilla ka?!” sigaw sa akin ni Eshesh, at kahit na hindi ko kita ang kaniyang mukha ay alam kong magkadikit ang kilay nito.

“Wala!” nagmamaang-maangan kong tugon sa kaniya kaya umiling na lang ito na para bang isa akong makulit na bata na kaniyang pinapagalitan.

“Huwag mo nang ulitin ‘yon, kung hindi ay ihuhulog talaga kita!” pagbabanta niya sa akin kaya tinanaw ko ang ibabang bahagi ng nililiparan namin. Napalunok na lang ako no’ng makita kong ang taas-taas pala ng nililipad ng dragon na ito.

“H-Hindi na nga!” sagot ko sa kaniya at saka hinawakan ang aking kamay nang mahigpit upang hindi makakalas sa pagkakayakap sa kaniya. Naaninag ko naman ang ngiti nito no’ng bahagya itong tumingin sa akin.

“Wow! Nice view!” dinig kong sigaw ni Euhonn kaya napatingin ako sa kaniya na nahihirapang kumapit sa dragon ni Eunice, dahil sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw ng babae na hinahawakan siya.

“Anong ginagawa mo?” natatawa ko namang sigaw sa kaniya no’ng makita kong namumula na ito dahil sinisikap niyang hindi mahulog sa sinasakyan niya.
 
“T-Tulong,” Euhonn mouthed. Humagalpak naman ako ng tawa dahil do’n, pati na rin si Esh-esh ay nakisali na rin dahil sa kawawang ekspresiyon na pinapakita sa amin ni Euhonn. Kagat-kagat nito ang mga labi niya, tagaktag na rin ang kan’yang mga pawis habang kunot noo naman niyang binabalanse ang kaniyang sarili.

“Why are you all laughing?” nagtatakang tanong ni Eunice kaya umiling na lang kami tsaka pinigilan ang aming pagkakatawa.

Itinuon na niya ang kaniyang atensiyon sa dragon na pinapalipad niya, habang kami naman ay tawa lang nang tawa kay Euhonn na hindi ko alam kung nahihirapan ba siya o natutuwa sa kaniyang sitwasyon ngayon.

“Malapit na tayo,” sabi ni Esh-esh kaya kunot-noo akong tumingin sa baba dahil hindi ko naman alam ang kaniyang sinasabi. Paano niya nalaman na malapit na kami?

“Bakit alam mo? E, hindi naman natin nakikita ang baba?” nagtatakang tanong ko sa kaniya, kung kaya’t para itong hambog na tinapunan ako ng tingin, pero agad naman niya itong binawi at humarap na.

“I have geokinesis ability, Beatrice, remember?” mayabang nitong sagot sa akin.

Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit niya ito alam. Subalit hindi naman niya kailangang ipagmayabang sa akin na may gano’n siyang abilidad. Napakayabang talaga ng unggoy na ito. Psh.

“Hindi mo naman kailangang magmayabang,” usal ko habang umiirap sa kawalan. Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina kaya mas lalong umikot ang aking mga mata.

Nabigla naman kaming dalawa ni Euhonn no’ng biglang pumunta ang dragon sa ibaba, kaya mas lalo akong napahawak sa bewang ni Esh-esh. Para kasing sumisisid ang dragon sa dagat sa kaniyang istilo ng paglipad ngayon.
 
“Ngayon lang, Eunice! Hindi ko na kaya!” Narinig ko naman ang nahihirapang sigaw ni Euhonn kaya napalingon ako sa kanilang direksiyon.
 
Halos bumulwak naman ang laway ko no’ng makita kong parang lintang kumapit si Euhonn sa babaeng nasa harapan niya. At para namang pagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Eunice sa sobrang sama nito.

Pinipigilan ko ang aking tawa sa posisiyon nilang dalawa ngayon, pati na rin si Esh-esh ay hindi na rin napigilan ang kaniyang sarili. 
Paglapag naman ng paa ng dragon ni Eunice sa lupa ay agad niyang tinulak si Euhonn, dahilan para ito ay mahulog at mapadaing nang napakalakas. Ako na lang ang napangiwi sa lakas ng pagkakabagsak niya.

“Tulungan na kita.” Pinagmasdan ko naman ang kamay ni Esh-esh na nakalahad sa harapan ko.

Nagdadalawang-isip akong tanggapin ito sapagkat kayang-kaya ko namang alalayan ang aking sarili na bumaba, pero sa huli ay tinanggap ko na lang ito. Kawawa naman ‘yong unggoy kapag tinanggihan ko, hindi ba? 

Nagulat naman ako no’ng bigla niyang hawakan ang aking bewang at kinarga ako pababa sa kaniyang guardian. Bigla namang nawala ito no’ng makababa na ako sa likod niya.
 
“S-Salamat,” na-uutal kong sabi sa pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang ginawa.

“No problem,” wika nito habang nakangiti, ngumiti na lang din ako at itinuon ang pansin sa harapan namin.
  
“Tara na?” pag-aaya ni Euhonn sa amin kaya nagsimula na kaming maglakad at sinundan sila.
  
Hindi kasi makakapasok ang napakalaking dragon nila sa loob dahil napapalibutan ito ng kakaibang baging na siyang naging bakuran nito upang hindi makapasok ang sino mang mangloloob nito.
 
Alam ko na ang daan papasok dahil nakapasok na ako rito noon kaya hindi na kami mahihirapan pang makapasok dito.

“We’re here,” mahinang bulalas ni Eunice, dahilan upang mapahinto kami sa paglalakad at napatitig sa harapan namin.
 
Nagkadikit-dikit ang mga baging nito at napapalibutan ito ng klase-klaseng mga bulaklak na siyang nagpaganda rito.
  
Tiningnan naman nila ako, kaya agad akong nagtungo roon at inalala kung saan ang pintuan dito.
  
Isang malawak na ngisi naman ng aking ipinakita sa kanila no’ng makita ko ang nakatagong lagusan nito.
 
“Halina kayo!” masiglang sigaw ko sa kanila at kumaway-kaway pa.

Lumiwanag naman ang ang mukha ni Euhonn no’ng sabihin ko ‘yon, kasabay no’n ang nagmamadali nilang paglakad papunta sa direksiyon ko.

Paika-ika pa ngang maglakad si Euhonn, dahil siguro namanhid ang kaniyang buong katawan sa pagpipigil na hindi siya maglaglag no’ng naka-sakay siya sa dragon ni Eunice.
  
“Let’s get in,” Eunice said while looking at me straightly. Tumango naman ako sa kaniya at pumaunang sumuong sa maliit na butas dito.  
Sumunod din sila kalaunan, kung kaya’t naglakad na kami ng ilang metro upang magpunta sa natuyong lawa rito.
  
“Beatrice,” Napalingon naman ako sa aking likod no’ng tawagin ako ni Esh-esh.

Natanaw ko naman ang pinagpapawisan nilang mga mukha, at parang natatae na ito, pati na rin si Eunice ay hindi maipaliwanag ang kaniyang ekspresiyon ngayon. Anong nangyayari sa kanila?
 
“Tubig,” usal ni Euhonn na parang nadidiliryo na.
  
Sabay naman silang natumba isa-isa kaya gumawa ito ng malakas na ingay dito sa loob. Nagmadali naman akong nagtungo sa kanilang nakahilatang katawan, at agad-agad na ipinalabas ang aking kapangyarihang tubig tsaka inisa-isa silang pina-inom nito.
  
Para naman akong mabaliw no’ng hindi na sila gumagalaw. Niyugyug ko sila upang sila ay magising ngunit walang epekto ito dahil hindi nila minumulat ng kanilang mga mata. 

“Gising!” nag-aalalang sigaw ko sa kanila.
 
Napasabunot na lang ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkaganiyan nila! No’ng pumasok naman kami rito ni Esh-esh noon ay hindi naman naging ganito! 
Patuloy ko namang ginigising silang tatlo. Napatigil lang ako no’ng may naramdaman akong gumagalaw sa aking likod.
 
Inalerto ko naman ang aking sarili. Kailangan kong protektahan ang mga kaklase ko, sapagkat ako ang dahilan kung bakit sila nakahilata ngayon.

“Anong kailangan mo?” seryoso kong tanong at hinay-hinay na lumingon sa aking likuran.
  
Palihim ko namang binubuo ang aking kapangyarihang sa kaliwang kamay ko habang naglilisik ang mga mata.
   
“Kailangang ikaw lang ang tanging makakikita nito.” Napahinto naman ako sa aking balak na gawin no’ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa aking isipan.

“Huwag kang mag-alala, pinatulog ko lang sila, at maayos ang kalagayan nila. Ikaw lang ang balak kong sabihan nito at wala silang pakealam dito,” dagdag pa nito kaya tahimik akong napalingon sa kaniya.
  
Ang berde na may kulay asul na dragon ay naglakad patungo sa aking direksiyon. Nandidiri man akong tinitigan ito ngunit pinigilan ko ang aking sarili na mapatras.
  
Na-estatwa naman ako no’ng biglaan niyang inilagay ang malaking noo nito sa noo ko. Naramdaman ko ang mga kaliskis nito na dumadampi sa balat ng aking noo. Hindi ako makagalaw dahil sini-sink in pa ng utak ko ang kaniyang ginawa.

‘Maligayang pagbabalik, Ayesha.’

END OF CHAPTER 18

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top