XVI. P-II
Chapter 16: The Downcast Visit
“Haliparot ka!” inis kong sigaw habang hinahampas siya sa kaniyang balikat.
Todo iwas naman siya sa mga hampas ko, ngunit balewala lang ito dahil natatamaan pa rin siya sa bilis kong manapak.
“Aray ko naman, Beatrice!” Halos matumba naman si Ace habang sinasabi niya ‘yon.
“Para kang si satanas na umahon sa impyerno, bw*sit ka!” reklamo ko sa kaniya at tumigil na kakasapak no’ng ma-satisfy na ako.
“Bakit ka pa kasi nandito? Dapat pumunta ka na roon!” saad nito, at stress na stress akong tiningnan. Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil sa sinabi niya.
“Abnormal ka ba? Kitang-kita mo namang nagliliwanag pa ‘yong buwan sa kalangitan, tapos papupuntahin mo na ako ro’n?!” sabi ko habang nanlilisik ang aking mga mata.
Nakaka-stress siya! Gusto ko nang matulog! Bakit ba siya nangingialam!?
“P-Pero!” Para naman siyang bata habang naka-pout sa harapan ko. Tumaas-baba na lang ang kilay ko dahil sa inaasal niya ngayon.
“Alis! Bukas na ako pupunta! Makahihintay naman siguro iyan, hindi ba?” sabi ko kaya tumango na lang siya at nanlulumong isinapak ang kaniyang paa sa bintana.
“Sige, mag-iingat ka!” huling sabi nito tsaka tumalon na papalabas ng bintana ko at nawala na sa aking paningin.
Agad ko namang isinirado ang bintana at kinuha ang silya na nasa may side table, tsaka ito inilagay sa may bintana upang hindi na ito bumukas pa.
Napahinga ako nang maluwag no’ng sa wakas ay nakahiga na rin ako sa aking kama.
“Aray ko, Sky!” reklamo ni Carper no’ng batuhin siya ng tinapay ni Sky. Dinilaan naman ito ng mokong kaya ayon at naghabulan na naman sila rito sa loob ng kusina. Tinawanan lang namin sila no’ng parehong nasunog ang kanilang p’wet dahil mukhang nairita ‘ata si Eunice sa kanila.
Umaga na’t nandito kami sa hapag-kainan upang kumain ng agahan, nakakapanibago nga’t nagyaya sila na kumain dito sa loob ng dorm, hindi naman nila gawain iyon.
Naisipan ko ring mamayang hapon na ako aalis papunta roon sa dragon dahil gusto kong pumasok sa klase ni Miss Anika ngayon, sabi kasi sa akin ni Euhonn na baka raw nandoon ang mga magulang namin. Gina-guide kasi nila ito, at sa classroom nila dinadala.
Muntik ko na nga itong makalimutan dahil sa mga kababalaghang nangyayari sa akin kahapon, buti na lang talaga at pinaalala sa akin ni Euhonn.
“Kumain ka na.” Napatingin naman ako sa plato ko na itinulak ni Esh-esh papalapit sa akin. Inirapan ko nga ang unggoy tsaka kumain nang kumain sa harapan niya. Nakita ko naman kung paano kumurba ang kaniyang labi sa inasta ko. Problema nito?
“Nga pala, Beatrice! Ang galing-galing mo naman palang makipaglaban! Natakot pa sa ‘yo si Leader!” malakas na sabi ni Carper, at parang abnormal na tumawa kaya nagsitalsikan ang mga nginunguya niya sa lamesa.
“Kadiri ka, Carper! Dugyot!” diring-diri na reklamo ni Calvin habang pinupunasan ang kaniyang kamay na natalsikan ng pagkain na nanggaling sa bibig ni Carper.
Nakisali na rin ang iba sa pagrereklamo kaya parang nanlulumo ‘yong mokong na naghingi ng paumanhin sa kanila. Napailing-iling na lang ako dahil sa mga pinanggagawa nila.
Si Eunice naman, tahimik lang na kumakain, at pasimpleng napapangiti sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya. Kung mas ipakita kaya niya? Ang ganda-ganda niyang tingnan pag nakangiti, e!
“Bagay sa ‘yo ang ngumingiti,” mahinang bulong ko sa katabi ko kaya napahinto siya sa pagkain at tiningnan ako, ngunit pinawi naman niya iyon at nagpatuloy sa pagkain.
Grabe! Kagabi lang, ang daldal-daldal nito, pero ngayon ay naging mahiyain na ulit! Ano ‘yong pagiging madaldal niya, weather-weather lang? Psh.
“Pero oo nga, Beatrice! Napakagaling mo! Lalo na ‘yong asul na ap— teka nga!” bigla namang naputol ang sasabihin sana ni Euhonn no’ng parang may bigla siyang naalala. Don’t tell me...
“Tama! ‘Yong kapatid ni Le—” Hindi na naipagpatuloy ni Euhonn ng kaniyang sasabihin dahil bigla na lang tumayo si Eunice, kaya natahimik silang lahat.
“We’re late,” saad nito tsaka uminom ng tubig, at diritsong nagpunta palabas ng kusina.
“Hindi ba, ‘yong kapangyarihang iyon ay ano—” Hindi na rin natapos ang sasabihin ni Calvin dahil bigla rin akong tumayo tsaka uminom ng tubig at nagmamadaling tumakbo patungo kay Eunice.
“I’m full. See you sa classroom!” sigaw ko sa kanila sabay kaway pa.
Natanaw ko naman kung paano nila kinamot ang kanilang mga ulo no’ng makita nila kaming umalis sa kusina.
“Ang huli ay siyang magliligpit ng pinagkainan!” dinig kong sigaw ni Sky, kaya mukhang nagmadali ang mga mokong, tsaka isa-isang nagsilabasan sa kusina.
Nadatnan ko naman si Eunice sa may pintuan na sinusuot ang kaniyang sapatos, kaya pumunta na rin ako ro’n at sinuot ang sa akin.
“Hindi mo ba sila hihintayin?” tanong ko sa kaniya no’ng tumayo na siya.
“I’ll just wait outside,” walang ka-emo-emosiyong sagot nito sa akin at lumabas na sa dorm.
“Hoy! Sabi ni Eunice, mahirap daw ang parusa na ipapataw ni Miss Anika kapag na-late tayo ngayon!” pagbibirong sigaw ko sa kanila, kaya para silang mga abnormal na nagmamadaling sinuot ang kanilang mga sapatos, ako naman ay lumabas na sa dorm, at nakita ko si Eunice na naghihintay doon.
“Liar,” bungad niya sa akin kaya tumawa ako nang mahina
“I know!” masigla kong sagot sa kaniya kaya inirapan niya lang ako. Wow! Taray naman nitong Eunice na ‘to!
“L-Leader! Mag-teleport na lang tayo, please!” pagmamakaawa ni Sky no’ng makalabas silang lahat sa dorm. Nandito na kami sa hallway ngayon, nakatungangang nakatayo lamang.
“O-Oo nga!” pagsang-ayon naman ni Carper.
Hapong-hapo ang mga siraulo, dahil siguro sa pagmamadali nila. Ang kukulit kasi, ang sarap tirisin.
“Okay,” simpleng sagot ni Eunice, dahilan para magliwanag ang mukha nilang lahat. Pumuwesto naman sila sa gitna kaya nakisali na lang din kami ni Esh-esh na walang alam sa mga nangyayari.
“Let’s go,” sabi pa ni Eunice, at sa isang iglap lang ay nandito na kami sa double-door na pintuan.
Ang galing! Napakabilis ng pagkarating namin! Hindi na kami malalate nito! Kung ginamit kaya niya ito no’ng first day of school, e ‘di sana madali kaming nakarating dito.
Pero teka, hindi ba ay marunong din akong mag-teleport? Nagawa ko ‘yon no’ng naglaban kaming dalawa ni Esh-esh kahapon! O baka guni-guni ko lang iyon? Psh.
Pumasok na kaming lahat sa loob, at doon namin nadatnan si Miss Anika na may kasamang mga matatandang babae at lalaki, kaya tinalasan ko ang aking mga mata upang hanapin ang aking Tita. Sigurado akong nandiyan lang siya, dahil kung tama ang hinala ko ay mga magulang namin ito.
“Good morning, students! No class for today! Family bonding, I guess?” pagkasabi na pagkasabi no’n ni Miss Anika ay niyakap nila ang kani-kanilang mga magulang. Ang natira naman na nakatayo sa gilid ay ako, si Esh-esh, si Euhonn at si Eunice lamang.
Para kaming ulila na mga anak na tinititigan ang masasayang mukha ng mga kaklase namin. Halata ring galing silang lahat sa mga mayayamang pamilya dahil sa pananamit at kilos ng kanilang mga magulang.
Presentable, at kagalang-galang.
Halos matumba ako no'ng hindi ko nakita si Tita ro’n.
“You can now go to the market or park, and have fun!” At sa isang iglap lang ay nawala na sa paningin namin si Miss Anika.
Nagpaalam naman sa amin sila Sky na kakain muna raw sila sa labas, kaya tango lang ang isinagot ko sa kanila, habang sila Eunice naman ay sinabihan pa sila na magpakasaya silang lahat, hanggang sa kami na lang apat ang natira sa classroom.
Tulala naman akong napatingin sa kawalan habang pilit na isini-sink in sa utak ko na hindi pumunta rito si Tita. Ngunit hindi ba’t nangako siya sa akin na pupunta siya rito? Bakit hindi siya nagpunta? Totoo kaya ang hinala ko no’ng umalis ako na hindi niya ako mahal?
Umiling-iling naman ako upang iwaksi iyon sa aking isipan.
“Don’t worry, I know your mom or dad will come here sooner.” Napatingin naman ako kay Esh-esh no’ng magsalita siya sa gilid ko. Kami na lang palang dalawa rito ang natitira. Kalalabas lang yata nila Eunice.
“Sabi sa akin no’ng leader namin, hindi lang naman ngayon bibisita ang mga magulang natin, marami pang pakulo ang eskwelahang ito, kaya kapit lang!” Hindi ko alam kong bakit pinapalakas ng unggoy na ito ang aking loob, pero hindi pa rin ako magpapasalamat sa kaniya dahil hindi ito tumatalab. Psh.
Inirapan ko naman siya. “Alam ko, hindi ako tanga,” mataray na tugon ko sa kaniya at naglakad na patungong pintuan, sumunod naman siya sa akin.
“Ang arte mo talaga!” reklamo niya kaya mas lalo akong napairap dahil do’n.
“At least, maganda,” pagmamayabang ko kaya siya naman ngayon ang napairap. Bakla talaga.
“Saan banda?” buwelta nito no’ng makalabas na kami ng silid-aralan.
“Saan pa ba? E ‘di sa mukha! Ikaw ha, mas nagiging bobito ka na habang tumatagal, Esh-esh!” mapang-asar na wika ko sa kaniya na siyang tumalab naman dahil mukhang nainis siya sa sinabi ko.
Nagmamadali naman siyang naglakad papalayo sa akin kaya hinigit ko siya no’ng may naalala akong kailangan kong gawin.
“Bakit?!” inis nitong tanong na para bang bata na inagawan ng lollipop. Medyo natawa naman ako sa reaksiyon niya. Habang patagal nang patagal, nagiging isip-bata ang unggoy na ito.
“Gora ka bang sakyan kita?” diretsahang tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya, dahilan para mapangisi ako.
“H-Ha? Sasakyan mo ako?” balik niyang tanong sa akin, at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Tumango naman ako sa kaniya, kaya siya naman ngayon ang humigit sa akin.
“S-Sandali! Anong ginagawa mo?!” reklamo ko sa kaniya habang hinihigit niya ang aking kamay.
“Sabi mo, sasakyan mo ako, kaya dadalhin kita sa aking silid.” Halos malaglag naman ang panga ko sa kaniyang nasambit. Hindi ko aakalaing seseryosohin niya ang aking mga sinabi!
“Hep! Hep! Mali ang nasa isip mo! Ang sabi ko ay sasakay ako sa iyo patungo ro’n sa dragon!” At siya naman ngayon ang halos malaglag ang panga nang dahil sa ikinilos niya.
“T-Tama nga! Pupunta tayo sa silid ko upang mag-impake!” na-uutal nitong saad kaya napangisi ako nang nakakaloko.
“Ikaw, ha! Iba na ‘yang sa iyo!” pang-aasar ko sa kan’ya, dahilan para mamula siya. Grabe naman ang kalaswaan nito sa katawan! Kung ano-ano ang iniisip!
“Tara na nga! Dadalhin na kita ro’n!” nahihiyang sambit niya habang hinihigit ako.
Hindi na ako pumalag pa at sumunod na lang sa kaniya. Tama nga ang sinabi niyang mag-impake siya.
“Hoy! Ibalik mo ‘yan, madali lang naman tayo roon!” sigaw ko sa kaniya kaya napahinto siya sa pagbitbit ng bag niya.
“Gano’n ba?” Natampal ko na naman ang noo ko no’ng parang nawi-windang ang mukha ni Esh-esh habang nakatingin sa kaniyang bag.
Diyos ko! Ano bang nangyayari sa lalaking ‘to?! Bakit parang wala sa sarili!
“Halika na nga!” sabi ko sa kaniya, at tinapon ang bag niya sa kaniyang silid, mukhang nahimasmasan siya roon at galit na napatingin sa akin.
“Dahan-dahan naman, gorilla!” reklamo nito kaya sinamaan ko siya nang tingin.
“Bilisan mo na lang kasing unggoy ka! Nag-impake ka pa kasi, e! Mabilis lang naman tayo ro’n!” buwelta ko naman habang naiinis ding nakatingin sa kaniya.
“Tara na nga!” sigaw niya sa akin, at ni-lock ang pinto ng silid niya.
Padabog naman siyang naglakad papuntang pintuan kaya sumunod na lang din ako.
“Sa may gubat lang tayo magpapalabas ng guardian ko para hindi masyadong halata,” usal nito kaya tumango na lang ako.
Naglakad kami patungong gate. Tahimik lang kami at walang asaran. Mukhang nanghihinayang din siya na hindi nagtungo ang kaniyang mga magulang dito.
“Bawal kayong lumabas,” matigas na sabi no'ng guard nang makarating na kami sa napakalaking gate.
“H-Ha? Bakit naman?” hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya, kaya napatingin sa akin si Esh-esh.
“Iyan ang bilin ng reyna, kaya umalis na kayo rito sa harap ko, magde-date lang kayo sa labas, e,” tugon naman nito, akmang bubungangaan ko na sana ang pilosopong guard na ito ngunit bigla akong inawat ni Esh-esh at kinaladkad papalayo roon.
“Ano ba?!” iritadong usal ko habang pilit na kinukuha ang aking braso kay Esh-esh.
Bakit niya naman ako kinaladkad, e, kung hinila niya na lang kaya ako nang mapayapa? Required ba talagang kaladkarin? Psh.
“Hindi rin lang naman tayo palalabasun no’ng asungot na iyon, kaya maghahanap na lang tayo ng paraan upang makatakas dito,” seryosong wika niya, at binitawan na ang aking braso, kaya agad ko iyong minasahe dahil sumakit ito nang kaunti.
Huminto naman kami sa malaking estatwa na may nakalagay na ‘Queen Asralyn.’ Umupo siya sa may bermuda kaya tumabi na rin ako sa kaniya.
“Paano na tayo makalalabas niyan?” nanghihinayang kong tanong sa kaniya kaya tiningnan niya ako.
“Hindi ko rin alam,” walang-ganang tugon nito, dahilan upang mapairap ako. Yumuko na lang ako at parang nagdadrawing sa bermuda.
May naaninag naman akong taong naglalakad patungo sa amin, kung kaya’t napatingala ako. Nagulat naman ako no’ng makita ko kung sino ito. Nagkatinginan kami ni Esh-esh dahil doon.
“Do you want me to help you with your tiny problem?”
END OF CHAPTER 16 part 2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top