XVI. P-I

Chapter 16: The Castaway Daughter

“Do you want to ride on me?” Halos malaglag naman ang panga ko no’ng sabihin iyon ni Esh-esh. Anong sabi niya? Sasakyan ko siya?
  
Napailing naman ako no’ng may lumabas na malaswang imahe sa akin isipan. Nako, Beatrice! Tama na!
 
“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko sa kaniya habang ipinipikit-sara ang aking mga mata.
  
“Ang sabi ko, gusto mo bang sumakay sa akin?” Pag-uulit niya sa kaniyang sinabi na siyang ikinapula ko. Hala! Hindi pa nga kami magkasintahan! Tapos hindi rin opisiyal ang kasal namin, kaya bakit siya nakaka-isip ng ganiyan kalaswang bagay?

“You mean dito? Now na?” tanong ko na naman sa kaniya at tinitigan siya sa mata.
 
“Kailan ka ba babalik doon sa lugar no’ng dragon?” tanong niya habang kinakamot ang kaniyang ulo. Napakamot na lang din ako sa akin no’ng maintindihan ko ang mga pinagsasabi niya.
 
“Nako naman, Esh-esh! Malapit na akong himatayin sa choice of words mo! Diyos ko!” reklamo ko at napakapit sa aking dibdib.
  
Nakita ko naman ang malawak niyang ngisi nang maintindihan niya ang mga sinabi ko.

“Do you want it?” he asked while his eyes are blinking. Napaismid naman ako roon.

“Alam mo, tigilan mo ako kung ayaw mong tustahin kita!” pagbabantang sigaw ko habang dinuduro siya. Tumawa naman siya nang kaunti dahil do’n.

“Alam ko, nakakatakot naman ang ball of fires mo, gorillang habagat!” buwelta niya kaya umusok ang ilong ko ro’n. Imbis na ma-stress ako sa nangyayari sa akin ngayon ay iniinis ako ng mokong ‘to!

“Do you want me to set a fire here?” pananakot na saad ko sa kaniya. 
Nakita ko naman kung paano tumaas-baba ang adams apple niya bago siya nagsalita.

“Biro lang! Ito naman si Beatrice, ‘di na mabiro!” sagot ni Esh-esh sa akin habang pinagpagan ang aking balikat.

Takot naman pala, may kaya pa siyang asarin ako. Psh!

“Pero hindi ka ba napagod? Ang daming enerhiya siguro ang nagamit mo no’ng ginamit mo ang kapangyarihang ‘yon. Ang dami ng ball of fires, e.” Nagtataka naman akong tinitigan siya habang sinasabi niya ‘yon.
   
Ha? E, wala naman akong naramdamang kahit ni anong sakit sa katawan o pagod. Nakakapagod ba talaga iyon?
  
“Wala naman akong nararamdamang pagod, a?” kunot noong wika ko sa kaniya kaya napahawak siya sa kaniyang baba.
 
“Yes, the way you acted normally means you’re unbothered,” he said while looking at me with narrowed eyes. Para siyang abnormal na detective na pinagmamasdan ako. 
Tinampal ko naman ng kaniyang braso, dahilan upang mapa-igdad siya sa gulat.
  
“Aray, ha! Nakakarami ka na! Ang sakit pa naman ng katawan ko dahil sa asul na apoy mo!” reklamo nitong sigaw habang hinihimas ang kaniyang braso.

Bigla na lang akong natawa sa kaniyang reaksiyon. May pagka-isip bata rin pala itong si Esh-esh, akala ko kasi ay galit siya palagi sa mundo kaya palagi niya akong inaasar.

“Buti na lang talaga, napigilan kita sa halik ko!” Para namang may taong may kapangyarihang yelo ang nagpahinto sa akin no’ng marinig ko iyon, pati na rin siya ay natigilan dahil sa kaniyang sinabi.
 
“H-Ha?” tanging nasambit ko lang habang nililikot ang mga mata ko para hindi magtama ang tingin naming dalawa, ngunit talagang malas talaga ako dahil lahat ng nais ko ay hindi natutupad.

Parang abnormal naman kaming nagtitigang dalawa rito sa loob ng silid. Walang may kayang basagin ang katahimikan sapagkat alam kong nahihiya rin siya sa nangyari sa amin kanina. Ay wow, Beatrice! ‘Nangyari’ talaga?

Akmang magsasalita na sana siya, ngunit na udlot iyon no’ng bumukas ang pinto ng silid.
  
“Lilinisin ko lang ito, Toy, ‘Neng. Ipagpaliban niyo muna ang inyong pagnanasa sa ngayon.” Napatingin naman ako kay manong na bagong pasok lang. Grabe naman siya! Ni wala pa nga kaming ginagawa!
 
“O-Opo! Lalabas na po kami!” nauutal na sabi ni Esh-esh tsaka niya ako tinulak papalabas ng silid.
  
No’ng makalabas na kami ay namuno na naman ang katahimikan sa amin. Naglalakad lang kami patungong dorm namin nang tahimik. Wala na ring tao sa labas ng battlefield, siguro ay nagsi-uwian na. Ang bilis naman nilang makauwi.

L*tse! Muntik ko na talagang makalimutan ang esksenang iyon namin ni Esh-esh! Kung sana hindi niya ito pinaalala, e ‘di sana matiwasay kaming dalawa na nag-aaway ngayon! Psh.
 
“B-Beatrice,” tawag sa akin ni Esh-esh kaya nilingon ko siya sa tabi ko. May pumasok naman sa isip ko na kalokohan upang hindi na maging awkward ang sitwasyon namin ngayon.
   
“Gusto mo ba ako, unggoy?” diritsahang tanong ko sa kaniya, dahilan para mapahinto siya sa paglalakad.
 
“H-Hindi, a!” nauutal nitong sagot sa akin at nagmamadaling ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad.
  
Sumilay naman ang pilyong ngisi sa aking mga labi no’ng umayon sa reaksiyon niya ang gagawin kong pang-aasar sa kaniya.
 
“H-Hindi a~” pag-uulit ko sa sinabi niya habang sinasabayan ang kaniyang paglakad. “Ikaw, ha, Esh-esh! Kaya pala todo asar ka sa akin... Gusto mo pala ako!” dagdag ko pa, sabay sundot-sundot sa kaniyang tagiliran. Para naman siyang bulate habang iniiwasan iyon.
 
“Hindi ako magkaka-gusto sa isang gorillang habagat na tulad mo!” singhal nito sa akin kaya napahinto ako, pero imbis na magalit ako sa kaniyang sinabi ay mas lalo lang akong ginanahan mang-asar sa kaniya.
 
“Hindi daw ako gusto pero hinalikan ako!” Parang tanga naman ako na kinakanta ang aking mga sinabi. Nakita ko naman kung paano niya sabunutan ang sarili niyang buhok, dahilan upang mas lalo pa akong matawa.
 
“Pasalamat ka’t pagod ako ngayong araw! Kung hindi, sus!” inis na inis niyang sabi habang kinukurot ang hangin. Napatawa naman ako nang malakas dahil do’n.
 
“Si Esh-esh, may gusto sa akin!” pang-aasar ko pa sa kaniya no’ng makarating na kami sa dorm namin.
 
Padabog naman niyang isinirado ang pinto, ‘tsaka pumasok sa loob ng kaniyang silid habang ako naman ay hinahawakan ang aking tiyan dahil sumasakit na ito sa katatawa.
 
“See you tomorrow, unggoy!” sigaw ko sa kaniya at umakyat na sa hagdan upang pumunta sa aking kwarto. Nakarinig naman ako ng ‘heh’ sa kaniyang silid kaya natawa na naman ako roon.

In fairness nawala, ‘yong stress ko dahil sa unggoy na ‘yon.
   
Tatawa-tawa akong umakyat sa hagdan, pero napawi ang lahat ng iyon no’ng makita ko si Eunice na nakatayo sa harap ng aking pintuan.
 
Malamig na malamig ang titig niya sa akin habang naka-krus ang kaniyang mga kamay, hinihintay niya ‘ata akong makarating do’n, dahil base sa kaniyang ekspresiyon ay inip na inip na ito kahit na hindi halata.

“E-Eunice!” I stuttered while calling her name. I even awkwardly waved my hand at her. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mangyayari ngayon. Sigurado akong seryoso ang pag-uusapan namin.

“Are you my sister?” she asked without even blinking. Looks like she is very serious and remarkably not joking around.
 
“I don’t know,” I honestly answered.
Hindi ko naman talaga alam. Nalilito nga ako kung sino ba talaga ako, at ang tanging alam ko lang ay ang puntahan ang dragon na ‘yon, ayon kay Ace, upang malaman ko ang totoong pagkatao ko.
 
“I expected you to say those, knowing that you were cast away because of your evilness. Didn’t surprise me at all,” she said in a ghastly tone. Her fist were clenched as she threw me a ferocious gaze, as if my sin against her was tremendous.

My eyebrows knitted while looking at her. What’s her problem?
 
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo,” tugon ko sa kaniya habang naguguluhang tinitigan siya. “At kung alam ko man ang iyong tinutukoy, kanina ko pa siguro sinabi sa iyo ang totoo,” dagdag ko pa kaya umayos na siya ng tayo at palihim na napabuntong-hininga.

“My sister was exiled because of her wickedness, I was just ensuring if you really are my sister. I am here to warn you to not do it,” Eunice said while fixing her school uniform. Puno pa rin ito ng mga dumi, at gasgas naman sa kaniyang binti. Medyo naawa ako sa kaniya dahil parang pagod na pagod na ito ngunit naisipan niya pa rin akong kausapin.
  
“I love my sister, and I will do anything just to amend her mistakes and help her not to tarnish her name... again.” Naglakad naman siya patungo sa pintuan ng kaniyang kuwarto kaya sinundan ko siya ng tingin habang nahihibang na napapangiti.
 
“Oh, you love her, Eunice. How adorable! Akala ko ay magagalit ka sa kaniya, e,” usal ko kaya napatigil siya sa pagbubukas ng pintuan ng silid niya.

“Of course, she’s my sister, not just a sister, but my twin sister, I will not just abandon her like everyone did, because the only one that can help her is me,” she muttered calmly while looking at the door.
  
“I wish that no matter what happened, you will never leave her behind,” I replied and faintly smiled at her. I envy Eunice’s twin sister, how I wish I also have an affectionate sister just like her.
  
“I will. If everyone else in this world hates her, I will also despise everybody, just for her,” she said solemnly and opened the door of her room. “Good night,” Eunice added while entering her room.
  
“Good night,” I responded and smiled, she smiled too, and lock her door.  
Tahimik naman akong pumasok sa aking silid. Grabe! Na nosebleed ako ro’n, a! Bakit kasi englisherang loving sister itong si Eunice?
 
I felt warm when I saw those side of Eunice. Oo, hindi kami gaano ka-close dahil nga mailap ako sa kaniya. Masungit at masyadong seryoso kasi ito sa buhay kaya hindi ko siya gaanong pinapansin, pero ngayong nakita ko kung gaano siya kabuting imortal ay nagbago na ang paningin ko sa kaniya.
  
Well, just like the saying says, ‘don't judge the book by its cover.’ Kaya kayo! Sa susunod na mag-judge kayo, kilalanin niyo muna ang tao, baka maparehas kasi kayo sa akin na judgemental na, mali-mali pa ang judgment. Psh.

Napairap na lang ako sa aking naisip. Ano bang pinagsasabi ko? Sa pagod lang siguro ito. Marami ring nangyari sa akin ngayong araw na ito kaya siguro masyado na akong nababaliw at kinakausap ko na ang sarili ko.

Isa akong dugyoting tao kaya hindi na ako naligo at nagbihis pa dahil pagod na pagod na ang lola ninyo.

Gusto ko nang magswimming sa kama ko at hindi na lang pansinin ang lagkit sa aking katawan.

Pagkahiga na pagkahiga ko ay biglang lumakas ang bugso ng hangin, kasabay no’n ang pagbukas-sirado ng bintana ko na sinasabayan ng nakakarinding tunog.

Pagod man ako pero wala akong magawa kung hindi ang padabog na tumayo sa aking kama upang isirado ang litseng bintanang iyon.

Nakakarami na ito e, taga matutulog ako ay bigla-bigla na lang bubukas, sira siguro!

“Beatrice.” Akmang maglalakad na sana ako patungo ro’n subalit may naaninag akong isang pigura ng tao na s’yang tumawag sa akin.

Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan habang tinitigan ang nakalutang na anino ng tao sa aking harapan. Kumalabog naman ng pagkalakas-lakas ang aking dibdib dahil sa nakikita ko ngayon.

Wah! May multo rito? Nako naman, akala ko ba fantasy world ito? Bakit naging paranormal na?!

Ibinaling ko ang atensiyon ko sa aking harapan. Nanginginig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan pa rin ang pigura ng tao na hinay-hinay na naglakad patungo sa direksiyon ko.
   
Wala ako sa aking tamang pag-iisip para magamit ang kapangyarihang mayroon ako.
  
“Hello, Beatrice.” Lumaki naman ang butas ng ilong ko habang malapit nang lumuwa ang aking mga mata no'ng maaninag ko kung sino ang nasa aking harapan.

“Anong ginagawa mo rito?!”

END OF CHAPTER 16 part 1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top