XV. P-II
Chapter 15: Quesecre & Kuro: The First Curse
Minulat ko ang aking mga mata nang may tumapik sa mga balikat ko.
“Magsisimula na ang ikalawa nating laban. Tapos na ang Barceluna vs. Kuro.” Nakita ko naman agad si Loreleign. Halatang ni-niyerbos ito dahil nanginginig ang kamay nito at nanlalamig habang hinahawakan ako.
“Let’s go,” cold na sabi ni Ace at umuna na.
Naglakad kami patungong pintuan, at kagaya ng kanina, pagbukas pa lang namin ay isang nakakasilaw na ilaw at nakakabinging mga hiyawan ang sumalubong sa amin.
“Quesecre! Quesecre!” paulit-ulit na sigawan ng mga tao habang kami ay naglalakad.
Wala akong pakialam sa mga cheers nila, pero ‘yong mga kasama ko ay parang nanlulumo sa pagkagalak dahil hindi sila makapaniwala na may mga imortal ang nakita ang galing ng grupo namin.
Lumiko kami sa left side ng battlefield, habang ang aming pinuno naman ay pumunta sa gitna upang malaman nila kung ano na naman ang pukolo ng round na ito.
“Maghanda kayo dahil hindi na maze ang gagawin nilang pakulo,” Ace said and we just nodded as response.
Naghanda naman kami nang lumabas sa holographic TV ang numero.
Gano’n pa rin ang posisiyon namin katulad ng napagplanuhan no’ng wala pa kami rito, hindi namin ito nagamit no’ng unang laban dahil may maze, ngunit ngayon ay sigurado akong magagamit at magagamit na namin ito.
Napatakip ako sa ‘king tenga nang marinig ang nakakabinging ingay.
“Antonette!” sigaw ni Thiarina kaya napatingin ako sa kanila at naging alerto, gayon din ang mga kasama ko.
Hinawakan ni Antonette ang lupa ng battlefield, at naging yelo ang buong kapaligiran namin.
“Sa taas!” tarantang sigaw ni Rose kaya agad akong napatingin sa taas at inihanda ang aking kapangyarihan.
Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang may nakita akong dragon.
Hindi ko man ma-recall kung ano ang itsura ng dragon ni Esh-esh no’ng ipinalabas niya iyon no’ng nasa kagubatan pa kami, subalit ngayon, alam kong sa kaniya ito.
The dragon roared as fire comes out to its mouth.
Akmang tatakbo na sana ako upang makailag ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nadapa kaming lahat.
“Sh*t!” isang napakalutong na mura naman ang nasambit ko nang mapagtanto ko kung bakit ginawang yelo ng kalabang grupo ang aming inaapakan ngayon.
Napakagat naman ng labi si Tin habang hinahawakan ang kaniyang paa. Parang nasugatan ito dahil sa pagkakadapa niya.
“Look out!” sigaw ni Ace, kasabay no’n ang pagkabasag ng yelo na tutusok na sana sa aking leeg.
Halos mawalan ako ng malay habang nakatingin sa nabasag na yelo sa lupa, pero winaksi ko naman ang kahinaang iyon tsaka tiningnan nang masama si Antonette. Nag-peace sign naman siya sa akin at ngumiti nang pilit, inirapan ko na lang siya.
Tiningnan ko naman si Ace na pilit na nilalaban ng kaniyang hayop ang bilog na apoy na kanina lang ay babagsak na sa kinaroroonan namin. Habang ang mga kasamahan ko ay isa-isang sinugod ng aming mga kalaban ngayon. Halatang nahihirapan pa rin sila dahil napakadulas ng yelo na inaapakan namin ngayon.
“Haa!” Agad akong napalingon sa gilid ko nang may isang estudyante na galit na galit na sumugod sa akin.
Walang pag-aalinlangang bumuo ako sa aking kamay ng hugis bilog na tubig, idiinin ko ang malimit na enerhiyang meron ako saka galit na inihambalos ito sa pagmumukha ng susugod na sana sa akin, kasabay no’n ang pagtilapon niya sa ere.
Napangisi naman ako nang magawa kong ma-eliminate ang isa sa mga ka-grupo ni Thiarina, ngunit nawala ang lahat ng iyon nang madulas ako, at tumama ang balakang ko sa yelo.
“Aray!” reklamo ko habang hawak-hawak ang likod ko.
Mariin ko namang ipinikit ang mga mata ko. Argh!
Kung matutunaw ko sana ang yelo, ginawa ko na!
Wait? That’s right! I can liquefy this freakin’ ice using my pyrokinesis ability! However, if I use this, then they will know that I have this blue fire.
Paano kung ipatapon nila ako sa Demonisia Realm dahil masamang dugo ang nanaig sa akin? Hindi ko man alam kung sino ako, pero gaya nga ng sinabi nila, masama ang may-ari ng asul na apoy.
Gumana naman ang aking utak nang maalala ko ang ginawa ko no’ng nasa Lake of Outset pa ako, ‘yong itinuro ng masungit na dragon na iyon! Ang mga pintuan! Baka kung isa-isahin ko itong bubuksan ay may normal na kulay na apoy ang naroroon! Tama!
“Loreleign, cover me!” I shouted to my companion. Tumango naman siya at pilit na pinoprotektahan ako sa kung sino man ang magtangkang sumulong sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata, hinanap ko ang kakaibang sensyasiyon na sinabi sa akin ng dragon noon. Nang maramdaman ko iyon ay agad kong iminulat ang aking mga mata. Isang nakakalokong ngisi naman ang pumorma sa aking labi nang makita ko ang limang pintuan sa aking harapan.
Nakabukas ang dalawang pintuan habang ang tatlo naman ay nanatiling nakasirado, kaya isa-isa ko itong binuksan dahilan para mapasinghap ako dahil parang mawawalan ako ng hangin sa aking loob.
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman kong isang nagliliyab na sensyasiyon dahil rito. Tinanaw ko naman ang pulang pintuan na kung saan napapalibutan ng pulang apoy sa loob.
Nagtagumpay ako! Ngunit hindi ngayon ang tamang panahon para magsaya, kailangan kong makalabas sa dimensiyon na ito dahil nawawalan na ng hangin ang buong silid!
‘What did you do?!’ Tinakpan ko naman agad ang aking tenga nang may sumigaw sa isipan ko. Sino na naman iyon?!
‘Umalis ka na r’yan!’ dagdag pa nito kaya sinunod ko ang kaniyang sinabi, agad kong iminulat ang aking mga mata, at sa isang iglap ay nabalik na agad ako sa reyalidad.
Hingal na hingal naman akong napatingin sa paligid. Gano’n pa rin, nagbabatuhan sila ng iba’t ibang klaseng kapangyarihan, at walang sino mang nagpapatalo dahil gusto nilang makamit ang kanilang inaasam na tagumpay.
“Are you okay?!” Nagulintang naman ako sa malakas na hiyaw sa akin ni Ace sa ‘di kalayuan, kaya agad na lang akong tumango bilang pagsagot sa kaniya.
Bigla ko namang naalala ang aking layunin na tunawin ang yelo na ito kaya agad kong ipinalabas ang pulang apoy na nabuksan ko na kanina.
Nang maramdaman ko ang kakaibang init na nararamdaman ko kapag ipinalabas ang aking asul na apoy ay napangisi ako sa hindi malamang dahilan. Kasabay nito ang pagpalabas ko ng sandamakmak na apoy, dahilan para magsigawan ang mga nanonood at masindak ang mga nasa loob ng battlefield.
Nakaramdam naman ako ng tubig sa aking paa, isang senyales na natunaw ko na ito, kaya agad akong nagpalabas ng aking hydrokinesis ability upang patayin ang ginawa kong pagsunog sa loob ng battlefield.
Nang mawala ang apoy at tubig na ipinalabas ko ay nagulat ako nang biglang maghiyawan ang lahat ng tao sa paligid. Hindi ko alam kong ano ang kanilang sinisigaw kaya napatingin ako sa aking paligid.
Lahat ng kalaban ay nakahiga na sa lupa, habang ang mga kasama ko naman ay tulalang napatingin sa akin na parang binagsakan ng langit at lupa, kasabay no’n ang pagtumba nilang lahat at ako na lang ang natitirang nakatayo ngayon at si Esh-esh na nakangising nakatingin sa akin.
“Impressive!” wika nito na siyang nagpa-irap sa akin. Napatingin naman ako sa malamig na titig ng bagong tayo na si Thiarina. Akmang susugod na sana ito sa akin ngunit pinigilan siya ni Esh-esh.
“She’s mine, don’t interfere,” he blurted out as he walked towards me.
“I can handle her!” he added while teasingly smirking at me.
Hindi naman nakialam pa si Thiarina, at tumayo lang sa likod namin at nanood.
Napakayabang ng postura ni Esh-esh hababg ito ay naglalakad papalapit sa akin.
“Oh really? What did you eat? Seems like you’re so high of yourself that even the weakest immortal here just wanted to throw up,” I replied to him while smirking too.
“My dear, Beatrice. You’re so feisty and I’m loving it!” he retorted. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na pinalibutan ng pulang apoy ang kaniyang kinaroroonan.
Napahinto naman siya sa kaniyang paglalakad at parang baliw na pinalawak ang kan’yang ngisi.
“One wrong move, and you’ll be roasted,” I warned him but he didn’t seem to buy it.
Ipinalabas naman niya ang kaniyang earth manipulation ability, dahilan para magsilabasan ang mga taong yari sa bato at isa-isa silang sumugod sa akin.
Hindi ako natakot sa kaniyang ginawa dahil sa katunayan ay madali ko lang itong mapapatumba.
Akmang aatakihin ko na sana siya ngunit laking gulat ko nang biglang may mga baging ang nagpigil sa aking kamay. Nagulintang naman ako nang makita ko ang nakangangang puno sa aking likod na ready na akong gawing meryenda ngayon!
“Ang unfair mo naman, unggoy!” sigaw ko at pilit na tinatanggal ang nakatali sa buo kong katawan. Nainis naman ako no’ng dinilaan lang ako ng mokong.
Papalapit na rin ang mga taong yari sa bato kaya isa lang ang naisip kong gawin.
Lihim ko namang ipinalabas ang aking asul na apoy sa loob ng ring of fire, kung saan nakakulong siya ngayon. Kasabay no’n ang nakakawindang na sigaw ni Esh-esh sa loob.
Tiningnan ko naman siya habang lumalabas ang ugat sa leeg at noo niya, namimilipit ito sa sakit na dala ng aking asul na apoy na pinapalibutan siya ngayon, at para hindi ito makita ng manonood ay sinigurado kong hindi ito lalampas sa pulang apoy na nakaharang dito.
Unti-unti namang nawala ang mga batong tao, kasama na roon ang malaking kahoy na kakainin na sana ako nang buhay. Ngayon ko lang nalaman na napakasakit pala ng apoy na ito kapag gumapang sa iyong balat, kaya pala ang mga unidentified creature na nakasagupa namin doon sa Demonisia Realm ay halos mamatay na sa sakit.
Walang pasabing nag-teleport ako sa loob ng ring of fire, at nakita ko ang pinagpapawisan na si Esh-esh sa loob. Napapangiwi ito sa sakit habang ang asul na apoy naman ay gumagapang sa katawan nito. Hindi nasusunog ang kaniyang katawan, sa halip siya ay nasasaktan lamang dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
“M-Make it stop!” he shouted while enduring the pain. Nagliwanag naman ang paningin ko nang makita ko siyang nahihirapan. Serves him right!
Unti-unti ko namang inilapit ang aking mga labi sa kaniyang tenga, sabay bulong, “Beg for it.”
Napamura na lang siya at napaluhod sa sakit, kaya lumuhod na rin ako sa kaniyang harapan. Pikit mata niyang niyakap ang kaniyang sarili habang ningingitngit ang mga ngipin n’ya. Halos magkadikit na rin ang kan’yang mga kilay dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
Hinay-hinay naman niyang ibinuka ang mga talukap ng kan’yang mga mata at nahihirapang tumingin sa akin.
“I-I’m begging you,” he said while looking into my eyes.
Hindi ko alam pero lumawak ang ngisi ko nang makita ko ang naghihirap niyang ekspresiyon habang nagmamakaawa sa akin. Parang gusto ko pa siyang pahirapan pa, at paulit-ulit na marinig ang pagmamakaawa niya.
“I love you begging. More!” I rejoiced.
Wala na ako sa sarili kaya napailing-iling ako at pilit na pinapawala ang asul na apoy na gumagapang sa kaniya ngayon, ngunit hindi ko magawa.
Ano ang nangyayari?!
“Die in a most marvelous way!” I blurted out in an evil tone. Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinasabi pero habang napapatingin ako kay Esh-esh ay naaawa na ako, ngunit ang nagliliyab na sensyasiyon sa aking loob ay hindi ko maipaliwanag at mapigilan!
“P-Please...” mahinang bigkas ni Esh-esh habang nakatingin sa aking mga mata, nanlumo naman ako sa nasaksihan ko. Hindi ko na ma-ikontrol ang aking kapangyarihan. Anong nangyayari?! Bakit gusto ko siyang mamatay?!
Nataranta ako sa kaloob-looban ko ngunit ang pisikal kong anyo ay ginaganahan sa mga pangyayari ngayon.
Napa-igdad naman ako nang hawakan ni Esh-esh ang aking kamay na nakahawak ngayon sa lupa, at sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtagpo ang labi naming dalawa.
Parang huminto ang buong mundo ko habang gumagalaw ang labi niya sa labi ko. Nakapikit siyang ginagawa iyon, kasabay no’n ang pagkawala sa asul na apoy na gumagapang sa kaniya.
Tulala ako sa kawalan nang inilalis niya na ang pagkakadikit sa aming mga labi. Ang bilis ng pangyayari, hindi ko man lang siya napigilan at imudmud sa lupa ang nakakadiri niyang pagmumukha.
“So, that’s the magic action for you to stop,” sabi nito, at nanghihinang nakangisi habang tumitingin sa akin. Hindi naman ako makagalaw habang tinititigan siya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin ng dahil do’n. You can stop me without using that stunt, id*ot monkey.
Kasabay ng pagwala ng asul at pulang apoy ay ang paghiga ni Esh-esh sa aking kandungan.
“What a beautiful scene,” buwelta ni Thiarina na nakangising nakatingin sa akin.
“I surrender!” sigaw pa nito sabay taas ng kamay. Naghiyawan naman ang tao nang marinig nila iyon, habang ako ay naguguluhan pa rin kung bakit siya nag-surrender.
“Quesecre vs. Kuro, winner Quesecre!” The emcee announced.
Parang model naman maglakad patungo sa akin si Thiarina habang ipinaikot-ikot niya ang kaniyang id lace sa kaniyang kanang kamay. Ang weird din niya dahil nakasuot siya ng gloves na pangmayaman.
“I found her, Hebrios...” she muttered while smirking and walking like the most majestic and elegant Princess.
Hebrios? ‘Yan din ‘yong nabanggit sa akin ni Ace kamakailan lang!
Magkakilala kaya silang tatlo?
Nalampasan niya na ako, ngunit bago siya umalis ay lumingon ulit siya sa akin.
“The first cursed immortal,” she said and vanished from my sight.
END OF CHAPTER 15 part 2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top