XV. P-I
Chapter 15: Quesecre & Barceluna: The Awakening
Nanginginig akong napahawak sa tuhod ko... Hindi ko pa rin malimutan ang sinabi sa akin ni Esh-esh kahapon. Nakatulog siya pagkatapos n’ya ‘yong sabihin at no’ng tinanong ko s’ya kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi n’ya ay hindi niya raw maalala.
“Our plan, don’t forget,” our leader, Ace, seriously warned us.
Ngayon na rin magsisimula ang aming laban sa special battle, at hindi pa ako handa sa mga gagawin namin.
Napatango kaming lahat bilang pagsabi ng ‘oo’ sa kan’ya.
Nandito kami ngayon sa isang silid na kung saan naghihintay na lang kaming tawagin ng isa sa mga professor namin kapag ang laban ay magsisimula na. Excited na rin akong makita si tita sa labas dahil totoo nga ang sabi ni Ace no’ng nakaraan.
Darating ang mga magulang ng karamihan, sana lang ay dumalo si tita dahil nangako siyang bibisitahin niya ako rito.
Sabi sa amin ni Ace, ang una naming makakalaban ay ang team ni Felix na Barceluna raw ang pangalan, gusto ko sanang tumawa sa name nila, pero may ‘luna’ naman, which is tawag ko sa moon, kaya ‘di na lang, ayaw kong pagtawanan ang buwan, napakaganda kasi nito.
“Beatrice? ‘Wag mong kakalimutang sa frontline ka, ha?” Pagpapalala ni Ace sa akin kaya tiningnan ko lang siya at tumango. Wala ako sa wisyo ngayon upang magsalita kaya bahala siya riyan.
Lahat naman ng ulo namin ay napabaling sa pinto nang may narinig kaming kumatok tatlong beses.
“Magsisimula na!” nakangising sabi ni Gos. Halatang pump na pump ang mga kasama ko, at alam kong ito ang araw na pinakahihintay nila throughout the school year.
“Come in!” Rin shouted, ‘yong lalaking taga-Selenite section.
Bumukas naman ang pinto pagkasabi niya no’n, kasabay ang pagpasok ng isang lalaki.
“Lumabas na kayo, magsisimula na,” sabi pa nito at itinuro ang open field sa labas.
Sumenyas naman siya na sundan namin siya. Tumango lang kami at saka sinundan ang isa sa mga professor dito sa Hidden Academy.
Nangunguna sa paglalakad si Ace, sunod ay ang Garnet,
Hematite, at magkasabay naman kami ng Himitsu at Selenite.
Kakaibang confidence ang pinapakita ng leader namin habang naglalakad, pati na rin ang mga kasamahan ko, habang ako ay nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila. Ang hahangin at yayabang naman ng mga ‘to.
No’ng tumigil na kami ay kinonsulta muna kami ng isa sa mga kung sino rito kung nasa tamang kalagayan ba kami para lumaban at tsaka kinabitan kami ng hindi ko alam na bagay, ni hindi man lang in-explain sa aming mga transferee kung ano ang bagay na ‘yon. Psh.
Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko no’ng bumakas na ang pinto. Nakakasilaw ang ilaw sa loob at aawang talaga ang bibig mo dahil sa laki at dami ng mga tao rito. Grabe! Paano ko hahanapin si Tita n’yan?!
“Kinakabahan ako,” rinig kong sabi ni Rose, taga Hematite section.
“Alam kong bago ka lang, pero sa una lang ‘yan, ma-eenjoy mo rin ang buong laban!” paniniguro naman ni Tin sa kan’ya, na kaklase lang din niya. ‘Yong nag-suggest na ‘Filides’ ang team name namin, si Tin ‘yon.
Nang makarating na kami sa battlefield ay nakita ko agad si Euhonn na kakaway pa ata sa ‘kin pero tiningnan siya nang masama ng mga kasamahan n’ya. So, ang nangyari, binaba na lang n’ya ang kan’yang kamay at nginitian ako, pero imbis na ngitian ko siya pabalik ay inirapan ko lang siya nang matindi, kaya ayon, naka-pout. Psh. Baka nakakalimutan n’yang magkalaban kami ngayon?
Napatingin naman ako kina Ace at Felix na pinatawag sa gitna para sabihin ang patakaran.
Makalipas ang limang minuto ay bumalik na ang leader namin sa aming pwesto. Sumenyas naman siyang pumwesto na kaya sinunod namin ‘yon, at base sa nakikita ko sa kabilang grupo ay gano’n din ang ginawa nila.
Sina Rose at Tin ay nasa gitna, si Gos at si Helen ay nasa ikalawang linya, si Rin at si Yen ay nasa ika-apat na linya, At si Ace, ang leader namin, ay nasa pinakadulo, habang ako at si Loreleign ay nasa harapan.
Tumingala naman ako sa numerong nasa holographic TV.
Three…
Two…
One…
Isang nakakabinging ingay naman ang aking narinig no’ng matapos ang countdown, indekasyon na magsisimula na ang laban.
Agad akong naghanda sa pagpapalabas ng aking abilidad dahil ‘yon ang napagplanuhan namin kanina no'ng hindi pa nagsisimula.
Subalit laking gulat ko nang may biglang lumabas na maze sa harapan namin na naging dahilan para mawala sa aming paningin ang kalaban namin.
Halata namang nagulintang si Ace sa pagbabago ng pamamalakad ngayon sa pakikipaglaban dahil bigla na lang kumunot ang kan’yang noo.
He clicked his tongue while tilting his neck.
“Maghiwhiwalay tayo,” utos n’ya sa amin na siyang ikina-nganga ko.
“Wait! Are you serious?” tanong ko sa kan’ya, dahil baka magbago pa ang kan’yang isipan.
Isang tango lang ang isinagot niya sa ‘kin at pumasok na sa maze, kasabay no’n ang paglabas ng isang hayop sa gilid niya. Isa itong oso, ngunit hindi ordinaryong oso lang na makikita mo sa gubat, may lumalabas galing mismo sa katawan no’n na mapuputing mga ilaw.
Sumunod sa kan’ya ang mga kasama ko, at kagaya ng nangyari kay Ace ay lumabas din ang mga iba’t ibang hindi normal na hayop sa kanilang gilid.
Kunot-noo naman akong nakatingin lang sa kanila. Gano’n din ang ipinalabas nina Esh-esh at Calvin no’ng nasa kagubatan pa kami, e. Bakit lahat yata sila ay meron noon, habang ako naman ay wala?
Nagsimula na akong maglakad papasok sa maze.
Sa bawat pag-apak ko ay nagdadala ito ng kaba sa ‘king dibdib.
Hello! Wala akong kasamang hayop man lang sa tabi ko, hindi katulad ng sa kanila na may kasama! Paano kung ang mga kalaban namin na naroroon sa maze at gano’n din?
Ano na ang gagawin ko n’yan? Dalawa laban sa isa, gano’n? E ‘di ang unfair naman no’n!
“Saan ba ang dulo nito?” tanong ko sa aking sarili no’ng makapasok na ako sa loob at nagsimulang maglakad pakaliwa.
Sana naman ay wala akong makasalubong dito na makapapatay sa ‘kin. Hindi kasi sinabi sa amin ni Ace ang patakaran ng laban na ito. Buti pa ang iba, may makakausap na dating mag-aaral dito, habang ako naman ay nag-iisa lang. Psh.
Ilang minuto na akong naglalakad ngunit hindi ko pa rin nakikita ang dulo nito... buti na lang talaga at wala akong kalaban na nakasalamuha, at kung meron man ay magtatago talaga ako! Kagaya ng ginagawa ko ngayon.
“Felix, na-eliminate na ang dalawang Selenite, isang Hematite at isang taga Garnet sa grupo natin,” rinig kong sabi ni Euhonn kay Felix.
Isinuksok ko naman ang sarili ko sa gilid upang hindi nila ako mapansing dalawa, wala pa akong gaanong kaalaman ukol sa pakikipaglaban, hindi katulad nila!
Sana nama’y hindi nila ako mapansin dito!
“E, sila?” Kung masayahin siya no’ng pinakilala siya bilang leader, iba na ngayon. Naging nakakatakot na ang aura n’ya.
“Sa kasamaang palad, kumpleto pa silang lahat,” sagot naman ni Euhonn. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Felix ay masasabi kong disappointed siya sa narinig.
‘Kami ang pabor?’ Napangiti naman ako sa aking nasabi sa isip. Pero hindi ngayon ang tamang oras para magsaya dahil baka ma-eliminate ako kapag bigla nilang makita!
“Sige. Salamat at sinabihan mo ako. P’wede ka nang maghanap ng makakalaban,” Felix said. Narinig ko naman ang papalayong footsteps ni Euhonn.
Nakahinga naman ako nang maluwag no’ng mapagtanto kong hindi na masyadong unfair ang laban kapag nakita ako dahil hindi na sila apatna nandito.
“O, bakit, Alex?” Natigilan naman ako nang biglang sabihin iyon ni Felix habang napalinga-linga sa paligid. “May kalaban?”
Mabilis ko naman tinakpan ang sarili kong bibig dahil sa narinig. ‘Wag mong sabihing... naamoy niya ang perfume ko? Omg, Beatrice! Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan!
Ready na sana akong takasan sila pero napahinto ako dahil may nasagiran akong maliliit na bato, dahilan para matumba ang lola n’yo.
Sobra na talaga ang katangahan—este kagandahan ko! To the highest level, hindi ko ma-reach! Pinilit ko namang itayo ang aking sarili na siyang nagawa ko naman.
“At ano naman ang ginagawa mo?” Na-estatwa ako nang marinig ko ang boses ni Felix sa aking likuran, kaya dahan-dahan ko siyang nilingon.
Nakita ko naman ang kasama niyang hayop na agila na matalim akong tiningnan. Kasing laki ito ng tao, cute, pero alam kong nangangain ng tao.
Tatakbo na sana ako para makatakas sa kanila ngunit natapilok na naman ko. Diyos ko! Kahit saan talaga ay sinusundan ako ng kamalasan! Asar!
Tumawa naman si Felix sa kan’yang nasaksihan kaya napasimangot na lang ako.
“Sinusubukan mo pa talagang takasan ako?” Huminto naman siya sa paglalakad patungo sa akin at ngumisi. Nah, I really don't like that kind of smirk.
Humarap naman ako sa kaniya at matalim siyang tinitigan. “A! Kaya pala tatakasan mo ako, dahil kahit na sa Himitsu ka ay wala kang binatbat sa akin!” Kunot noo naman akong napatingin sa kan’ya. Grabe naman s’ya kung maka-judge! Parang nakita niya akong makipaglaban, a?
“Una, hindi mo pa ako kilala kaya huwag na huwag mo akong husgahan. Pangalawa, tatakas ako kasi ang labo mong kalaban dahil may hayop ka pang kasama, at panghuli, sino ka naman para takasan ko? Mukha mo pa lang, mahina na!” matapang kong sagot sa kaniya habang nakataas ang kilay. Nakaka-bw*sit kasi siya, at hindi ko nagustuhan ang kaniyang impresion sa akin.
Humagalpak naman siya ng tawa kaya mas lalo akong nainis sa kan’ya.
Nakaramdam naman ako ng kakaibang enerhiya sa katawan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Hindi pa rin s’ya matapos-tapos sa nakakarindi niyang tawa kaya umirap na lang ako. Hala sige, tumawa ka pa.
‘Mabilaukan ka sana,’ sabi ko sa ‘king sarili, at iritado akong tumingin sa kan’ya.
“—Ugh! Ugh!” Nakita ko naman kung paano s'ya napa-ubo sa harapan ko. ‘Yan, tinupad ang panalangin ko, buti nga sa kan’ya!
Tumayo naman siya nang tuwid sa harapan ko tsaka pilit na pinipigilan ang kan’yang pag-ubo.
“Let’s just end this. So weak, you will be the first one who will put your group into embarrassment,” taas-noong wika nito sa akin. Hindi na ako pumalag pa, dahil wala rin naman akong laban sa kaniya, at least nakita ko s’ya sa nakakahiyang senaryo. P’wede ko iyong ipagkalat sa iba para masira ang image n’ya.
‘Sana pala sinabi kong ma-eliminate na lang s’ya. Kasama ang agila n’yang pinagtakluban ata ng langit at lupa sa sobrang sama ng mukha,’ sabi ko na naman, hoping na magka-totoo na naman ang sinabi ko.
Nakaramdam na naman ako ng kakaibang sensyasiyon sa aking katawan kaya nagtaka ako rito. Ano ba ang nangyayari sa akin?
“W-Wait! Anong nangyayari sa ‘min?!” Napabaling ang atensiyon ko sa makakalaban ko nang nagsimulang lumiwanag ang katawan n’ya.
Gulat din akong tiningnan s’ya habang nagtataka. A-Anong nangyayari sa kan’ya?
“Hindi pa ako nag-aagaw buhay, pero bakit... Bakit ma-e-eliminate na ako?!” Felix mumbled, and a worried expression plastered to his face.
Unti-unti naman siyang nawawala, hanggang sa naging liwanag na lang siya, at ngayon ay wala na akong Felix at agila na nakikita sa aking harapan.
Paano siya nawala na para lang isang bula? Ano kaya ang naging… My eyes widened and my jaw suddenly dropped when I realized something.
Kagagawan ko ‘yon?! Dahil sa sinabi ko kanina?
Napahawak naman ako sa aking ulo nang bumalik na naman ang sakit nito, parehas no’ng naramdaman ko sa gubat kasama si Esh-esh.
Tulala akong nakatingin sa kawalan habang ina-absorb ang mga nangyari ngayon lang. Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng kapangyarihan na kayang komontrol nino man o kung ano man, at ngayong hawak ko na ito ay parang nawindang ako sa katotohanang hindi na pala iyon pangarap. Nasa loob ko na pala iyon!
Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan ngayon, kaya pala nakakaramdam ako ng kakaibang sensyasiyon kanina, dahil dito sa nakatago kong kapangyarihan.
“The game is finally over.” Napa-igtad naman ako nang magsalita si Loreleign sa likuran ko kaya hinarap ko s’ya.
Kitang-kita ko naman kung paano nawala ang maze at tanging plain na battlefield lang ang nakikita ko.
“Hahanapin sana namin ‘yong leader ng kalaban natin kanina dahil s’ya na lang ang natitira, pero nagulat na lang kami nang idineclare na tapos na iyong laban. Si Ace siguro ang tumalo sa kan’ya dahil pagkatapos kasi ng laban ay umalis na kaagad s’ya, at ikaw na lang ang natira. Alam naming nagtatago ka lang kaya hindi na nakakapagtakang ikaw ang nahuli.” Minsan talaga magtataka ka kung madaldal ba talaga itong si Loreleign o hindi. Wala kasi sa itsura, e.
Pero ang sakit ng sinabi niya sa huli ha? Hindi niya ba alam na ako ang may gawa ng pagtalo ng leader ng kalaban?
“Sino’ng nanalo?” I asked an obvious question kaya tinaasan n’ya ako ng kilay.
“Tayo, hindi mo ba narinig?” sagot naman ni Loreleign sa akin na may halong pagtataka.
Umiling naman ako sa kan’ya at sabay kaming naglakad patungo sa kinaroroonan nila Ace na alam kong hinihintay kaming dalawa. Kami na lang din kasi ang natitirang imortal sa gitna kaya halatang pinagtitinginan na kaming dalawa.
“Ang galing mo talaga leader! Natalo mo nang gano’n kadali si Felix!” ‘Yan ang bumungad sa ‘kin no’ng makarating kami sa pwesto nila.
Ace suddenly darted me with a serious and chilling gaze.
“Come with me. Let’s talk,” Ace seriously said. I looked straight at his jet-black and dull eyes, but I immediately looked away when I got goosebumps.
Naglakad naman siya patungo sa ‘kin at hinila ang palapulsuhan ko. Hindi ko alam kung ano ang problema n’ya sa akin, pero naiinis na talaga ako sa kan’ya!
“A-Aray!” I exclaimed when he harshly grabbed me somewhere.
“You used that power, am I right?!” Ace shouted and raged with anger.
Harsh naman niya akong tinulak kaya napa-upo ako. Sinamaan ko siya ng tingin nang dahil doon, wala siyang pakialam kung gagamitin ko iyon dahil hindi naman siya ang may-ari nito!
“Ano bang pakialam mo, ha?” Tumayo na lang ako at pinagpagan ang sarili ko. Walang-gana akong napatingin sa kan’ya dahilan para mapa-atras siya.
“Kapangyarihan ko ito, kaya gagamitin ko ‘to sa kung ano mang paraan na gusto ko,” sabi ko pa sa kan’ya kaya niluwagan niya ang kaniyang necktie habang napapalunok.
“N-Nagmamadali ka! Hindi dapat ganito ka-aga ang pagpapalabas mo ng kapangyarihan mong ‘yan! Masyado pang maaga, Beatrice! Bakit mo pinukaw ang kadiliman?!” Hindi ko naman maintindihan ang kan’yang naitugon sa akin kaya kunot-noo akong napatingin sa kan’ya.
Ano bang pinagsasabi nito at parang takot na takot ito sa akin? Samantala no’ng nasa training room kami ay grabe na ang kan’yang walang kahiyaang pagtrato sa akin.
“Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo,” usal ko habang walang kaemo-emosiyong tinitigan siya.
“Sa paglabas ng itim na mahika, mabubuhay ang naghahari sa kadiliman, kasabay no’n ang paulit-ulit na sumpang darating sa ating kaharian! Kung nakinig lang sana sila Hebrios sa akin na pagsamahin kayong apat, e ‘di sana hindi na nangyari pa ang pangyayaring ito!”
Nakita ko naman ang sindak sa kan’yang mga mata no’ng sambitin niya ang mga katagang iyon, habang ako naman ay naguguluhan pa rin sa kan’yang mga sinasabi.
“Makinig kang mabuti sa akin, Beatrice. Paiba-iba ang aming mga anyo upang matukoy namin kung ano na ang kalagayan ninyo, o matutuloy ba ang sinasabi nilang propesiya, subalit habang patagal nang patagal ay bumabalik pa rin sa dati dahil sa pagdadalos-dalos na ginagawa ninyo!” Parang hindi naman siya mapakali habang sinasabi iyon dahil pabalik-balik s’yang naglalakad sa harapan ko.
“At unti-unti nang nawawala ang aking pagbabalat-anyo! Makikita na nila ang totoo kong pagkatao, kaya pakiusap, huwag na huwag mong sisirain ang naging plano natin noon!” dagdag pa nito na mas lalong ipinagtaka ko. Hindi niya totoong anyo ‘yan? E, ano ang kaniyang totoong wangis?
“Alam kong iisipin mong baliw na ako, ngunit tandaan mong bumalik ka sa Lake of Outset, at hanapin mo ang dragong nakita mo no’ng dinukot kayo ng dark king, at kunin mo ang iyong paragon na nasa kan’ya. Pumunta ka lang doon kapag naguguluhan ka na sa totoo mong pagkatao.” Walang ni kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko habang sinasabi niya ito sa akin.
Nang wala na itong masabi sa akin ay nagpaalam na siyang babalik na sa silid ng aming grupo at senenyasan akong sumunod sa kan’ya, pero hindi ako nakinig dito at nakatulala lang na napatitig sa kawalan.
No’ng mahimasmasan na ako sa narinig ko ay naisipan kong pumasok na sa room ng aming grupo.
When I finally arrived, I held the doorknob and swung the door open, then I saw my teammates peacefully sleeping on the couch, regaining their strength, I think?
Umupo na lang ako sa isang monobloc chair na nakita ko. My eyes roamed around the room, finding someone.
Where’s Ace?
I shook my head. Bakit ko nga ba s’ya hinahanap? Mas mabuti ngang maghintay na lang akong tawagin kami na wala s’ya. Ang dami na niyang nasabi sa akin na hindi ko maintindihan, kaya mas mabuti na lang siguro na wala siya rito dahil maiisip ko na naman ang mga iyon.
Isinandal ko na lang ang ulo ko sa pader at hinayaan kong balutin na ako ng kadiliman.
END OF CHAPTER 15 part 1
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top