XIX

Chapter 19: Cloistered Paragons

‘Maligayang pagbabalik, Ayesha.’ Nalilito kong tinitigan ang dragon habang nilalayo niya ang kaniyang noo. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko maunawaan kung bakit niya ‘yon ginawa.
  
“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ang weird man, ngunit kinakausap ko talaga ang dragon na ito.
  
‘Sumunod ka sa akin,’ saad nito sa isipan ko habang naglalakad papalayo sa akin, kaya naglakad na rin ako at sumunod sa kaniya.
 
“Paano sila?” tanong ko rito, kaya napatingin siya sa mga kasama ko.  
Nagulintang naman ako no’ng biglang lumiwanag ang kanilang paligid, kasabay no’n ang paglutang ng kanilang katawan, at ang paglabas ng isang malaki at napakagandang bulaklak na nagsilbing higaan ng tatlong kasama ko. May mga paruparo pang nagsisiliparan sa kanilang paligid at umiilaw ito.

Wow! Ang gara naman niyan! Parang gusto ko tuloy humimlay sa malaking bulalak na ‘yon!

‘Napanatag na ba ang iyong loob?’ Tinanaw ko naman ang dragon no’ng sabihin niya iyon sa aking isipan.  
Hindi na ako nagsalita pa, at nagpatuloy na sa paglalakad.

Mukhang nakuha naman niya yata na maayos na sa akin iyon kaya naglakad na rin siya.
   
Nakakunot pa rin ng noo ko habang pinagmamasdan siyang maingat na naglalakad sa loob ng Lake of Outset. Hindi ko alam ngunit parang pamilyar ang kaniyang boses. Siya kaya ‘yong nagturo sa akin kung paano ipalabas ang kapangyarihan ko? At ‘yong mga bigla-bigla na lang sumusulpot na boses sa isipan ko no’ng nasa special battle ako?

“Ikaw ba ‘yong nagsasalita sa isip ko no’ng mga nakaraang araw?” bulalas ko kaya huminto ito at tumingin sa akin. Ang creepy tingnan ng mga mata niya, hindi dahil sa magkaiba ang kulay nito, kung hindi dahil sa kakaiba ang hugis nito.

‘Malalaman mo lang ito kapag susundan mo ako,’ sagot nito sa akin at nagpatuloy na sa kaniyang paglalakad. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Alam ko namang hindi ako sasagutin nito kaya bilang isang magandang nilalang ay maghihintay na lang ako.

Makalipas ang ilang minuto ay naaninag ko na ang natuyong lawa, lumakas naman ang bugso ng hangin dahil sa paglipad ng dragon patungo ro’n, saka lumundag sa lawa na walang tubig na naging dahilan ng mahinang pagyanig ng lupa. 
Inilagay naman niya ang kaniyang pakpak sa edge ng lawa, kaya nagkasalubong ang kilay ko sa ginawa niya.

‘Gawin mong hagdanan,’ usal nito habang semesenyas pa kaya napatango na lang ako at ginawang hagdan ang kaniyang pakpak. 

Nadudulas ako ngunit pinipilit ko na hindi matuluyan, bakit ba kasi kailangan pang may ganito? No’ng makababa na ako ay tumapak na ako sa lupa. May kaunting tubig pa rin ito ngunit nagsisilbing putik na lang ito sa lawa.

Ngayong kontento na siya na sumunod ako sa kaniya ay umupo na ito sa aking harapan. At ngayon, tatanungin ko na siya kung ano ba talaga ang pinunta ko rito.

“Sabi ni Ace—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang itong nagsalita sa aking isipan.

‘Alam ko nang darating ka rito,’ sabi pa niya habang nakatabingi ang kaniyang ulong nakatingin sa akin.  

Alam niyo, kung hindi lang nakakadiri, at parang ipis ang mukha ng dragon na ito, siguro pupurihin ko siya, dahil sa tingin ko ay nagpapa-cute ito sa akin, ngunit pasensiya na sa kaniya dahil hindi ko naman type ang kaniyang mukha. Psh.

Ibinaling ko na ang atensiyon ko sa kaniya no’ng nagpatuloy siya sa pagsasalita.
 
‘Hindi ba’t gusto mong malaman ang iyong pagkatao?’ seryosong tanong nito sa akin kaya napatitig ako sa kaniya.

“Oo,” simpleng sagot ko at hindi pa rin kinakalas ang aking paningin sa kaniya.

‘Sa lawang ito nagsimula ang lahat, kaya gamit din ito ay mapababalik mo ang iyong alala, Ayesha,’ malumanay na saad nito sa akin kaya biglang kumunot ang noo ko ro’n.

P’wede bang huwag niya akong tawaging Ayesha? Hindi naman ‘yan ang pangalan ko. Beatrice ang aking ngalan, hindi niya ba alam ‘yon? 

“Beatrice ang pangalan ko, para malaman mo,” sabi ko pa habang naiinis na tiningnan siya.

Hindi niya pinansin ang aking sinabi, sa halip ay bigla itong naglakad papa-atras sa akin at lumipad nang pagkataas-taas.
  
Sumasayaw ang buhok at pati na rin ang palda ko dahil sa malakas na hangin na dulot nito. Wala akong alam sa kaniyang ginagawa o binabalak na gawin, nakatunganga lang ako at pinagmamasdan siyang sumasayaw na parang baliw do’n.

Nabigla naman ako no’ng bigla siyang napalibutan ng kakaibang mga paruparo, pati na rin ng mga mala-gintong alikabok na patuloy na iniikutan siya. Unti-unti namang nagbabago ang kaniyang anyo na siyang ikinagulat ko, nagka-paa ito at nagka-kamay na parang tao, at higit sa lahat may wangis ito ng isang tao.

Hinay-hinay naman siyang ibinaba ng liwanag, hindi ko gaano maaninag ang kaniyang mukha ngunit ang pigura nito ay pamilyar sa akin. Hindi ko mawari kung sino, pero alam ko na kakilala ko lang ang taong ito. 
Naglakad naman ito patungo sa direksiyon ko, at do’n ko nakilala kung sino ito. Tama nga ang hinala ko, kilala ko talaga ang l*tseng imortal na ito!

Umiikot-ikot pa siya sa harapan ko at ngumingiti ng para bang isang baliw, habang ako naman ay inis na inis siyang pinagmasdan. No’ng makalapit na ito nang tuluyan sa akin ay agad ko siyang sinunggaban ng napakalakas na batok.

“Aray ko naman!” reklamong sabi nito habang hinahawakan ang kaniyang batok.

“May pasabi-sabi ka pang puntahan ang dragon dito, pero ikaw rin naman pala ang dragon!” iritadong sigaw ko kay Ace habang pilit na pinepektusan siya, ngunit iniiwasan niya lang ito.

“E, gusto ko kasing dito mo malaman ang totoong pagkatao mo!” buwelta pa nito habang kinakamot ang kaniyang ulo.

“Ang arte-arte mo! P’wede namang do’n na! Wala kang hiya, Ace!” sagot ko sa kaniya habang pilit siyang kinukurot.

Now it makes sense why that voice I often hear in my mind is familiar.

“Nandito kasi ang paragons! At saka hindi Ace ang totoo kong pangalan! Ako si Elijah!” takot na takot nitong sabi. Napatakip naman ako ng bibig ko no’ng marinig ko ang kaniyang pangalan.

“Anong pangalan ‘yan? Makaluma!” sabi ko habang nakatakip pa rin sa aking bibig. Sinamaan naman ako nito ng tingin na siyang mas nakapagpatawa sa akin.

“Ikaw kaya ang nagbigay sa akin niyan, tapos tatawanan mo?!” inis nitong usal kaya napatigil ako sa pagtawa at tiningnan ko siya nang may halong pagtataka.

Ano ko siya, anak? Bakit naman ako ang magpapangalan sa kaniya?

“Hindi naman ako nagka-anak, a?” nagtatakang tanong ko sa kaniya kaya siya naman ngayon ang tumawa.

“Hindi! Malalaman mo rin iyon kapag nasa iyo na ito,” sabi pa niya habang tinituro ang malaking biyak sa gitna ng lawa.

May naaninag naman akong kakaibang kulay na nando’n kaya sinenyasan ako ni Ace o Elijah na pumunta roon.

Hindi ko alam pero sinunod ko siya, parang tinatawag ako nito sa hindi malamang dahilan. Naglakad ako patungo ro’n, sumasakit din ang aking ulo habang papalapit nang papalapit ako rito.

No’ng makarating na ako ay may nakita akong nakalibing na isang diamond ata na kulay berde.

Tinitigan ko ito, umaalon-alon din ang repleksiyon nito kapag nasasagian ito ng liwanag.

“Iyan ang paragon, ang totoong taga pamahala niyan ay ang yumaong reyna na si Asralyn, at ipinamahala sa kaniyang anak na si Ayesha,” Napatingin naman ako kay Ace nang dahil do’n. Siya ba ‘yong Ayesha na tinatawag-tawag niya kani-kanina lang?

“Kunin mo,” mahinang saad ni Ace.  
Nagtataka man ngunit agad ko itong kinuha at may halong kuryusidad na tinitigan ito.

“Nand’yan lahat ng memorya mo, Ayesha, kung kaya’t hawakan mo pa lalo, upang magising ang diwa ng berdeng diwata,” mahabang sambit niya, at parang may isang martilyo ang pumupukpok sa aking ulo, dahilan upang mapaluhod ako at mas lalong hinawakan ang paragon na sinasabi ni Ace.

Nakaramdam naman ako ng hapdi sa aking kamay, do’n ko nakita ang dumadaloy na dugo ng kamay ko habang hawak-hawak ang paragon na ito.

Isang napakalakas na sigaw ang binitawan ng aking bibig no’ng may parang kamay ang lumukot sa aking utak.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa ibang dimensiyon na pala ako. Pamilyar sa akin ang lahat ng lugar, at alam kong akin ito.

“Ayesha.”

Isang pangalang hinding-hindi ko kailaman papalitan. Nahulog ko naman ang paragon na hawak ko, kaya kinuha ito ni Elijah at nakangiting ibinigay sa akin. Napatingin ako sa kaniya habang dahan-dahang inilagay niya ito sa aking mga palad.

“Alam kong mababago niyo na ngayon ang tadhana ninyong apat,” masayang sabi nito, at unti-unting nawala sa aking paningin.

END OF CHAPTER 19

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top