XIII

Chapter 13: The Announcement

“Nasaan na kaya ang mga ‘yon?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili habang nililibot ang aking mga mata sa gymnasium.

Napagod kasi ako kanina, kaya napagdesisyonan ko na lang na sumabay sa daloy ng mga nagkukumpulang mga estudyante.

No’ng makita ko na kung saan nakaupo sila Eunice ay pinuntahan ko na sila. Infairness, nahilo ako sa paghahanap sa kanila, napakarami kasing tao. 

“Akala ko, ‘di ka na makakarating!” bungad sa ‘kin ni Kris kaya napairap na lang ako. Bakit ba s’ya nandito sa pwesto namin, e, hindi naman n’ya kami parehas ng section?  Isang ‘psh’ na lang ang reply ko sa kan’ya tsaka nakinig na sa harapan.

Nagsimula namang maglabasan ang mga lumilipad na fairies na may iba’t ibang kulay sa kanilang pakpak, kasabay no’n ang paglabas ng mga usok, at maaaninag mo ang isang naglalakad na babae na para bang siya lang ang nag-iisang magandang babae sa mundong ito.

Well, pasensya siya, dahil kung siya na lang ang nag-iisa ay babangon talaga ako sa aking hukay para ipamukha sa kan’ya na ako ang una.

“Let me introduce myself again, Hiddians!” sabi ng isang babae, at parang pamilyar ang boses nito sa akin.  

Lumitaw naman sa aming harapan ang babaeng nagsundo at naghatid sa amin dito sa paaralang ito. Iba na ang kan’yang suot, magarang pananamit, naka-messy bun na buhok at may korona ito. 

“I’m Allysa Marrie Villavente. The current queen of Himitsu Realm.” Literal na nalaglag ang panga ko. Now, it makes sense kung bakit nakasuot siya ng korona ngayon. 

“Good morning po, your majesty!” bati ng lahat ng estudyante na naririto. Well, I am an exception. 

“Good morning as well! Masaya ako na dumating agad kayo! Well, maraming nagtataka kung bakit ko kayo pinatawag, hindi ba? So, sasabihin ko na ang dahilan!” Bahagya pa siyang tumawa nang sinabi n’ya ‘yon, kaya napakunot ang noo ko.   

Tumikhim naman siya bago nagsalitang muli. “Kaya ko kayo pinapunta rito dahil your wait is over! Magsisimula na ang... Special battle!” 

Isa-isa namang naghiyawan ang lahat ng estudyante rito sa loob ng gymnasium, pati na rin itong mga katabi ko, maliban na lang sa amin na mga bago pa lang dito. 

May isang pakulong hindi ko na naman alam na ginawa ang paaralang ito. Special battle ba ‘kamo? Ano ‘to mag-aaway kaming lahat o ipapatapon n’ya kami sa ibang planeta para maglaban sa mga evil-doers na alien? Psh.
  
“Kagaya ng ating nakasanayan, kukuha ako ng mga estudyante sa Diamond section para maging leader!” 

Diamond section? A, oo nga pala! ‘Yong sinabi no’ng lalaki na nakaapak sa floating island na may mga seniors daw kuno namin na hindi nakapunta dahil may misyon pa silang inaatupag! 

Bigla-bigla namang may nag-pop in na holographic tv na may mga litrato ng mga kung sino na nagsisi-sulpot randomly.   

Hanggang sa tumigil na ito at isang babae ang nakita ko rito.  

Bigla namang pumunta sa stage ang babae na nasa litrato. Napakaganda nito, may chinitang mata, pinkish at sa tingin ko napakalambot na labi, simpleng naka pusod lang din ang buhok niya, may pagka-baby face, ‘tsaka ni kahit anong make up ang hanapin mo sa mukha niya ay hindi mo makikita. May suot-suot din itong magagarang itim na gloves na may mga palamuti pa, at higit sa lahat, suplada at mukhang mapagmataas sa sarili s’yang tingnan. Pero sabi nga nila, ‘don’t judge the book by its cover’  kaya shh muna tayo.

“Oh! An exchange student from Mystrious Academy. Say hi to Princess Thiarina! The current princess of  Arcanum Realm!”

Nagsimula na naman ang bulong-bulungan sa paligid, na sa tingin ko ay hindi ito nagustuhan ng mga estudyante. Napakaarte naman ng mga ito.

“Enough! Let’s proceed to another leader,” And the pictures play randomly again, then stopped.

“Next leader is Felix Gargon! Say hi to him!”

Nakita ko naman kung paano ngumiti na abot ngalangala ‘yong Felix, dahilan para tumili ang mga talanding babae. Wow! Hindi nila nagustuhan si Thiarina, pero kapag itong lalaking ‘to ay G na G sila, halatang mga malalanding hipokritang babae. Psh.

In the same pattern, the picture stopped, and the next leader was chosen.

“The third leader is George Feriye! Say hi to him!” Isang malamig na titig lang ang ipinakita sa ‘min ng George na ‘yon, wari bang hindi n’ya nagustuhan na siya ‘yong napiling leader. 

And again, the pictures play randomly then boom! Stop!  

“And the last one! Ace Himilton! Say hi to him!” At kagaya ng ginawa no’ng George kanina. Isang malamig na tingin lang din ang ipinukol niya sa ‘min. 

I am not afraid but those cold stares gave me goosebumps.  

Halos mawalan naman ako ng balanse nang ang direksyon ng titig n’ya ay napunta sa kinaroroonan ko. Kung kanina ay malamig s’ya at walang emosyon ang ekspresiyon, pero ngayon ay nakangisi na siyang nakatingin sa ‘kin. Isang ngising hindi mo gugustuhing makita pa dahil... napakapangit!
Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon. 

Ang creepy naman ‘ata ng ngisi n’ya, parang secret admirer ko lang na obsess sa akin at gagawin ang lahat para mapasakan’ya ako. Psh. 

Nawala lang ‘yong ngisi n’ya nang tawagin na sila ni Miss Allysa at pinapunta sa harap ng stage. 

“Are you okay?” tanong ng katabi kong si Eunice. 

Tanging isang marahang tango lang ang isinagot ko sa kan’ya at ibinaling na ang buong atensiyon sa nagsasalitang reyna.  

Bakit? Mukha ba akong hindi okay? 
“Okay! Pipili ang mga leaders ng mga members sa group nila. Tig-dadalawa sa isang section. Now, first nating papipiliin ay si Thiarina,” announce naman ni Miss Allysa habang nakangiting nakatingin sa amin.  
Isa-isa niyang itinuro ang dalawang estudyante galing sa iba’t ibang seksiyon at ang napipili niya ay pupunta sa stage ‘tsaka tatabi sa kan’ya na para bang tatanggap ng with honor award sa eskwelahan. Pfft— 

Nagulat ako nang tiniro ni Thiarina si Esh-esh at Anto.  

“Jouesh and Antonette. Come here and join your leader!” nakangiting sabi ni Miss Allysa. Nanginginig namang tumayo si Anto, at si Esh-esh naman ay parang wala lang sa kan’ya. 

Ah! Alam ko na ang pangalan ni Anto! Antonette! Yes! 

Nasaulo ko na rin sa wakas! 

“Our first team in our special battle!” masayang sigaw ng reyna at pinapunta na silang lahat sa backstage. May sinabi pa s’yang dapat daw bumuo ng sariling group name na s’yang sinang-ayunan naman ng madla. 

No’ng makaalis na ang unang team ay tinawag naman ni Miss Allysa si Felix para sa susunod na team picking at pagkatapos ay pinapapunta niya na ito sa backstage. Napili naman ni Felix sa aming section ay si Euhonn at Kesha.   

Parehas lang din kay George, pumuli s’ya at ang napili n’ya sa amin ay si Calvin at Eunice.  

Isang matinding irap ang nakuha niya kay Eunice habang si Calvin nama’y ngumiti lang nang pilit. Kagaya ng kanina ay pinapunta sila sa room na nasa backstage, kung saan magme-meeting. 

“And lastly, Mr. Ace Himilton,” wika ni Miss Allysa na nakapagpatahimik sa lahat. Hindi sila natakot, mukhang natahimik sila dahil excited silang lahat na piliin ni Ace.  

He coldly stared at every section and picked two students each, until he gazed at our direction. 

Tinawag ko naman ang lahat ng santong alam ko at nagdasal sa Diyos na sana hindi ako ang pipiliin ni Ace.  

Napalunok ako ng laway nang tumingin s’ya sa direksyon ko. Kumakabog nang malakas ang puso ko to the point na p’wede niya nang sirain ang rib cage ko. Biro lang, masyadong oa na ‘yon. Psh.   

Nawindang naman ako nang itunuro niya ako. Sabi nila,  minsan talaga may mga panalangin na hindi dinidinig ng Panginoon dahil alam niyang mas makabubuti rin ‘yon sa akin. Sana nga totoo ang kasabihang ‘yon.

“Who’s next?” takang tanong ni Miss Allysa kay Ace nang wala na siyang ituro sa amin. Ngumiti lang ang reyna, at tumangu-tango lang ito saka siya na ang pumili ng kung sino.  

“Beatrice and Loreleign, please proceed to the stage right now!” the queen announced and we obeyed it. Agad kaming tumayong dalawa at nagtungo na papuntang stage.  

Doon ako pumewesto sa pinakadulo. Ayaw ko na malapit ang Ace na ‘yon sa ‘kin. Titig pa lang n’ya, manyakis na, ano pa kaya kung katabi ko na s’ya? 

Napailing-iling na lang ako. 

‘Bw*sit. Bakit ba kasi ako nasali rito?’ I said that in my mind.  

Natanaw ko naman ang mga dismayadong mga mukha ng mga estudyante na hindi napili sa paparating na special battle. Ayos lang ‘yan, better luck next time. Ako nga, hindi ginustong sumali pero napili. Psh.

“Ms. Beatrice?” Nabalik ako sa aking wisyo nang magsalita ang reyna. 
Ngumiti naman ako nang pilit bago pumunta ng backstage at sinundan ang mga kasama kong kanina pa naglalakad. Hindi man lang ako tinawag o hinintay? Mga walang hiya.

“We’re here.” Ibang-iba naman sa titig n’ya ang boses n’ya. Kung ang tingin ay parang isang manyakis, pero ‘yong boses n’ya ay magpapatayo talaga ng balahibo dahil sa sobrang lamig.

Pamilyar din ang kan’yang boses sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko ito narinig.

Pumasok na kaming lahat sa room na ibinigay sa ‘min para magtipon-tipon.   

“So all of you heard it, right? Ako ang pinuno, kaya sundin n’yo ang lahat ng i-uutos ko. For now, hinihingi ako ng mga suggestions ninyo para sa pangalan ng ating grupo. Raise your hand if may naisip na kayo,” walang-ganang sabi ng leader namin. Careless naman niyang inilagay ang phone niya sa desk at umupo sa tabi nito.

Mayaman siguro kaya balewala lang sa kaniya. Ni-kahit isa nga, wala akong nahawakang cellphone e, ano kayang feeling?  

Nagtaas naman ng kamay ang babaeng taga-Garnet section. 

“Phoenix?”  patanong na sabi nito na para bang hindi sigurado sa sinasabi n’ya. 

“Good name, but too common. Next!” pagtanggi ni Ace at tiningnan ‘yong babaing taga-Hematite section ‘ata. Nag-mouth naman ang leader namin ng ‘you’, kaya nanginginig siyang tumayo.

“Filides?” natatakot na sabi no’ng babae. Hindi ko alam kung bakit siya takot pero naawa ako sa itsura niya, para kasi siyang natatae na ewan.

“I haven’t heard that word. Explain it,” ma-awtoridad namang sagot ni Ace sa kan’ya habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng trousers niya. 

“Naisip ko lang po na tayong limang magkakaibang section ay nagsama-sama bilang team. So, gumawa ako nang name. Filides... Fi is for five, while lide is for collide,” pag-e-explain ng babae sa kan’ya kaya napatango-tango si Ace do’n. 

"Sinong may gusto na ipangalan ‘yan sa team natin? Raise your hand,” wika na naman ng leader namin.  

Wala ni isang nagtaas ng kamay sa ‘min kaya nanlumo ‘yong babaeng taga Hematite.
 
“Okay. If wala kayong maisip ako—”  I cut him in midsentence kaya tiningnan n’ya ako ng matalim, ngunit hindi ko ito pinansin.  

“Wait. What about Quesecre? Que—for Quinque, Sec—is for Secare, and Re—is for combinare which is the Latin word for combination of five sections,” I suggested, with matching taas ng kamay pa 'yan na parang nagre-recite sa isang klase. 

Kumunot naman ang noo no’ng nagsabi ng Filides. Yeah, right, parehas kami pero mas maganda ang akin kaysa sa Filides n’ya. 

Ace twitched his lips. 

“Same idea with Ms. Tin, but I like the name. Kailan ka pa natutong magsalita ng Latin Ms. Beatrice?” tanong pa ni Ace at nakangising nakatingin sa ‘kin. Nah. ‘Yan na naman ang creepy n’yang smirk.

Gusto n’ya ba ako kung kaya’t nagkakagan’yan siya?

Naging malikot ang mata ko, parang may hinahanap sa paligid para makagawa ng dahilan. 

Hindi naman ako marunong magsalita ng Latin, pati ako nga ay nagulat sa mga sinabi ko.  

“Wala kang mahahanap na sagot sa paligid. Sit down now. May sasabihin na ako.” Napahinga naman ako nang maluwag noong sabihin niya ‘yon kaya umupo na ako. 

“Quesecre is our team name now. And it’s final. So dahil next week pa gaganapin ang special battle ay may isang linggo pa tayo upang makapag-training. Tomorrow, before the lighting of candles, let’s meet here. That’s all. Any questions and violent reaction?” Para siyang teacher na nagsasalita sa harapan namin. Walang sumagot sa tanong n’ya kaya tumayo na s’ya at ibinulsa ang cellphone niyang nasa lamesa, wala namang pasabing naglakad siya papuntang exit door kaya naglakad na rin ako palabas. 

Ugh! Ang sakit ng leeg ko. Agad akong napaunat-unat nang makalabas ako sa meeting room namin. 
Hindi kasi ako gumagalaw habang nag-di-discuss ‘yong leader namin sa harapan kaya siguro nagka-stiff neck ako.

No’ng makalabas na ako ng gymnasium ay dumiretso ako sa garden. Hindi muna ako uuwi sa dormitory namin. Paniguradong nandoon na naman ang asungot slash kupal na ‘yon. 

Umupo ako kung saan ako nakapwesto kanina.

Hmm... Malapit nang gumabi. Nakikita ko na kasi ang unti-unting paglubog ng haring araw. 

I closed my eyes habang dinadama ang paghampas ng hangin sa aking mukha. 

Ilang minuto akong nakagano’n hanggang sa naramdaman kong may tumabi sa ‘kin. 

“Who are you?” I asked without opening my eyes.  

“Oh? Is that you, Ms. Beatrice? What a coincidence.” 

No’ng marinig ko ang boses na ‘yon ay agad akong napamulat at nanginginig na tumingin sa kan’ya. Natatakot ako, baka may gawing hindi maganda ang manyakis na ito sa akin.   

Bumulagta sa ‘kin ang walang ka-emo-emosyon n’yang mukha. 

“Terrified?” Ace asked and laughed a bit. Hindi naman ako nagsalita.  

I was so shocked when our eyes met so I immediately looked away.

Kakaiba ang mga mata nito, parang naka-contact lense s’ya dahil may maaaninag kang kakaibang kulay sa kailailaliman ng mga mata niya, kung tititigan mo ito nang maayos. 
Umayos muna siya ng upo at nagsalita ulit.

“Beatrice, this is just a reminder. Once the taken is back, don’t hesitate to go to the Lake of Outset and ask the dragon for the paragons. Upon taking it, come back here and never hold back on bringing darkness to the ones who brought our kingdom into a miserable and distressful realm,” he said in a serious manner.  

Tumayo naman s’ya tsaka pinagpagan ang kan’yang sarili. 

“Remember that, because one day, you will be able to do it,” dagdag pa nito at naglakad papalayo sa akin.  
Napatingin naman ako sa kan’ya na unti-unti nang nawawala sa aking paningin.

What Ace said made my mind a puzzle. What was that?  

Lake of Outset, the dragon, and the paragons. 

Napuntahan ko na ang Lake of Outset before, na siyang natulugan ko no’ng pinatapon kami ni Ken. ‘Yong dragon ay siyang nakita ko at siya ang guardian na nagbabantay doon, habang ang paragons naman ay hindi ko alam kung ano. Medyo pamilyar siya sa akin at mukhang narinig ko na ito kung saan.
 
Nakatulala lang ako sa kawalan habang naglalakad na papauwi sa dormitory namin, napagdesisyonan ko kasing matulog na dahil napapagod na rin ako.  

Pagdating ko sa dorm ay bumulagta sa ‘kin ang mga kaklase ko. Binati nila ako ng magandang gabi pero hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang ang lakad papasok sa aking kwarto.  

Hindi na ako nagbihis pa ng pangtulog at agad nang humiga sa kama.   

Napatingin naman ako sa buwan na nagsisilbing ilaw na naman ngayong gabi. Hindi rin nakasarado ang aking bintana kaya kitang-kita ko talaga rito ang sparkling effect na dulot ng liwanag nito.
   
Ipinikit ko naman ang aking mga mata, pero bago ako nakatulog, isang tanong ang s’yang bumabagabag sa isipan ko.

Bigla namang lumakas ang hangin, kasabay no’n ang pagsayaw ng mga kurtina sa bintana.

“Ace Himilton... Who the hell are you?” tanging usal ko na lang bago ako dalawin ng kadiliman.

END OF CHAPTER 13

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top