XII
Chapter 12: Returned
ㅤㅤ
Napatingin ako sa gilid ng couch na inuupuan ko ngayon.
Tatlong araw na ang nakalipas nang makarating kami rito sa paaralan ng buo at humihinga pa, ang akala ko nga ay hindi na kami mabuhuhay pa dahil doon sa pag-kidnap ng dark king na iyon, pero buti na lang talaga at naka-survive kami.
Oh? About that mistaken wedding? Hindi na namin ‘yon pinagtuonan ng pansin. Nakaka-awkward kasi.
Ngayon ay pinapansin na ni Eunice si Euhonn. Kaya pala galit, kasi iyon ‘yong unang halik niya na dapat lang daw sa mapapangasawa n’ya… Although it makes sense kasi asawa naman talaga niya ‘yong humalik sa kan’ya!
About their parents? Hindi nila alam ang wedding thingy na ‘yon, at hindi rin sila nag-aalala dahil alam nilang kaya raw ng mga anak nila ang naranasan nila. Well, heller? What about us? About the transferees? Hindi ba nila kami naisip? Well, kung tutuusin hindi naman kami magkadugo kaya ayos lang.
Napahikab ako at tumingin sa maliit kong relo na himalang nadala ko rito.
It’s already 3:30 AM pero hindi pa rin ako nakakatulog, so napag-isipan kong magtungo na lang dito sa salas at panoorin ang kandilang nauupos. Walang orasan dito ngunit gumagana naman itong relo ko kaya alam ko kung anong oras na.
“Hindi makatulog?” Napatingin naman ako sa nagsalita kaya awtomatikong tumaas ang aking kilay.
“E, ikaw?” tanong ko pabalik sa kan’ya.
“Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong?” pabalang na tanong naman nito habang nagpainat-inat pa.
Kagigising lang siguro nito.
“Just now, t*nga nito,” I answered him while rolling my eyes.
“Psh. Kahit kailan, ang sungit mo talaga,” kalmadong wika nito na siyang nagpa-ikot sa aking mata.
“At least, maganda!” I murmured that to myself. Aba! Hindi ko talaga ipaparinig ‘yan sa kan’ya! Sabihan pa ako ng mahangin, bangayan na naman ang aabutin namin dito. Ang aga-aga pa naman.
“What?” Napataas naman ang kilay nito habang kinakamot ang kan’yang ulo. Parang curious siya sa aking ibinulong base sa reaksiyon niya.
“Pangit na nga, bingi pa,” usal ko at tinalikuran siya.
Bakit ba ang hilig nitong lumabas kapag lalabas din ako?
“Pasintabi lang, ha, pero kailangan mo na yatang magpatingin sa doktor, parang lumalabo na ‘yang mga mata mo, e, pati utak mo naaapektohan,” mayabang na sabi naman sa akin ni Esh-esh na siyang ikina-inis ko. Napapadalas na ata itong lalaking ‘to, a?
“Excuse me rin, ha! Kasi sa pagkaka-alam ko, walang deperensiya ang mga mata ko, baka lang nakikita talaga nila ang totoo na pangit ka talaga!” mapang-asar kong tugon sa kan’ya habang malapad na napapangisi dahil nakikita ko na naman ang naiinis nitong mukha.
“Oh, really? Kasi ang alam ko, sa sobrang singkit ng mata mo, parang wala na akong nakikitang mata sa iyo!” banat naman nito sa akin at naglakad na papalapit sa pwesto ko.
Hindi naman ako singkit, a? Walang hiya!
Pinagdiskitahan pa ang magaganda kong mga mata!
“Syempre, hindi kasi ako tarsier katulad mo.” Umirap na naman ako habang nagsasalita, nakakainis kasi ang mga binibigkas ng walang preno niyang bibig.
“At least may mata, at nakakakita. Hindi katulad mo! Wala na ngang mata ang laki pa ng nunal sa pisngi!” Napatayo naman ako sa iniupuan ko, kasabay no’n ang paghawak ko sa aking pisngi.
Sabi sa ‘kin ni Tita, bagay naman daw sa ‘kin ang nunal sa pisngi ko. Tapos ang ganda-ganda ko raw tingnan dahil do'n, bale beauty mark ko raw ito.
“May nunal ‘yan kasi ‘yan ang nagpapatunay sa angking kagandahan ko. Hindi katulad mo! May nunal sa ilong kasi ‘yan ang nagpapatunay na disappointed nose ka!” naiinis na sigaw ko sa kan’ya.
Tumayo naman s’ya nang matuwid dahil parang nagalit ito sa sinabi ko.
“Hiyang-hiya naman ako sa ilong mong katulad sa mga kalahi mo,” banat n’ya pa, kaya nagtataka akong tiningnan s’ya. Ano bang pinagsasabi nito?
May ideya namang biglang pumasok sa isipan ko kaya nakangiti ko s’yang tinitigan.
“Kalahi kong magaganda?” I said while flipping my hair. Hindi naman siguro masama kung magpapakahangin ako ngayon. Although, hindi naman talaga ako mahangin. Maganda—D’yosa naman talaga ako.
“Nope. Kalahi mong mga gorilla,” nakangisi n’yang sabi sa ‘kin, at mukhang proud pa siya sa pagsabi niya no’n.
“Excuse me? Sa ganda kong ‘to, gorilla? Baka ikaw, tarsier na unggoy!” naiinis ko namang sabat sa kan’ya.
“Ako lang ang unggoy na gwapo,” buwelta pa nito, at nagpapogi pose pa sa harap ko.
Umasim naman ang aking mukha nang makita ko ang karumal-dumal na senaryo na ‘yon. Ang sakit sa mata at hindi bagay sa kan’ya!
“Omg! Ang lamig! May dumaan sigurong hangin?” sabi ko pa at nag-acting na parang giniginaw para ramdam niya kung gaano s’ya kahangin.
“A, gano’n ba? Kanina kasi, may nagsabing maganda raw s’ya tapos biglang humangin nang malakas, dumaan siguro si gorillang habagat!” saad pa n’ya sabay pakita ng nakakalokong ngisi.
Hindi ko naman napigilan ang inis ko sa kan’ya kaya padabog kong nilampasan s’ya roon.
Ipipihit ko na sana ang siradora ng pinto nang magsalita ulit ang mahanging tarsier na unggoy.
“Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin kaya nilingon ko s’ya.
Umirap naman ako at nakita ko s’yang pinipigilan ang tawa n’ya.
“Pikon!” sabi pa niya habang tinatakpan ang bibig niya.
Bakla talaga.
Hindi ko naman pinansin ang komento niya, sa halip ay sinagot ko ‘yong tanong niya. “Sa pinanggalingan mo,” sagot ko at tumalikod sa kan’ya.
Alam ko namang nagtaka s’ya, kaya dinugtungan ko na lang ang sinabi ko.
“Sa impyerno, sa Demonisia Realm, sama ka?” walang ganang dugtong ko at nilingon siya sa huling pagkakataon.
Sandali naman s’yang natigilan sa sinabi ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas ng dorm, at iniwan na siya ro’ng nakatulala.
“Bw*sit!” Sa inis ko ay sinunog ko na lang bigla ang bulaklak na nasa harapan ko.
“Arogante! Walang hiya! Mayabang! Mahangin! Argh!” Hindi pa ako nakuntento, pati ang bato ay sinipa-sipa ko.
“I hate him! His voice, eyes, guts, face, smirk, smile, his sh*tty attitude, his presence, his whole body, and his soul!” Oh? Did I forgot to say that I hate him? No, of course!
“Grrr! I want to end his immortality right now! Right here! In front of me!” At dahil sa gigil na gigil na ako ay sinunog ko na naman ang red roses na nasa harapan ko.
“May plano ka sigurong sirain ang magandang garden ng paaralang ito!” Boses pa lang n’ya, naiinis na ako.
Tiningnan ko naman ang nakatayong si Esh-esh habang pailing-iling na tinitingnan ang mga nasunog kong mga halaman. Nabigla naman ako nang bigla itong nagkabuhay muli kaya tiningnan ko siya nang masama. Alam kong ginamit n’ya ang kapangyarihan niya para ito ay manumbalik sa dati nitong anyo.
“Ano bang ginagawa mo rito? Bakit mo ako sinusundan?!” galit kong sabi sa kan’ya.
“Hoy! Hindi kita sinundan! Napag-utusan lang ako ni Eunice na sunduin ka dahil malalate na tayo!” pagdepensa naman niyang tugon sa akin.
“Hindi ako papasok kaya p’wede ka nang umalis!” naiinis ko pa ring sagot sa kan’ya.
Nagkibit-balikat naman s’ya.
“Okay. If that’s what you want! Basta ‘wag kang masyadong magpalabas ng hangin, a? Mahirap na, malakas pa naman ang hangin ng gorillang habagat, masira pa ang buong hardin!” natatawa n’yang sabi, at dahil sa inis ko ay ibinato ko sa kan’ya ang tsinelas na suot ko, pero bago s’ya matamaan ay nawala na lang s’ya na parang bula.
Mandurugas, bw*sit! Sarap n’yang igapos at tustahin nang buhay! Tuwang-tuwa pa s’yang inaasar ako. Kapag ako, hindi nakapagtimpi, sus!
Argh! Simula no’ng hintay-thingy na ‘yon ay napapadalas na yata ang pang-aasar n’ya sa ‘kin, at parang walang hanggang mababaon ito sa isipan ko.
Hinilot ko naman ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa mokong na iyon, e! Nakakasira ng araw!
“Hinga, Beatrice. Breath in, breath out. Inhale, exhale,” at habang sinasabi ko 'yan ay ginagawa ko naman ito.
No’ng makarelax-relax na ako ay kinuha ko na ang tsinelas ko.
Nagsimula naman akong maglakad para umuwi na sana sa dorm, nang may biglang nag pop out na holographic tv sa gitna ng buong school.
Nagsitigil naman ang lahat ng mga estudyanteng naglalakad at nagkwekwentuhan nang may isang imortal ang nagsasalita rito.
‘Attention, all students of Hidden Academy! Go to gymnasium right now! No more questions to ask! Be quick!’ sabi no’ng babaeng nasa screen at bigla na lang nawala.
Nagsibalikan naman na silang lahat sa ginagawa nila, kaya ako ay naglakad na rin patungo sa dorm. Hindi ko pa kasi alam kung nasaan ang gymnasium na pinagsasabi no’ng babae sa holograph kaya sasabay na lang ako kay Eunice.
Anong bang meron? Bakit pinapapunta kami roon, at bakit parang nagmamadali ata s’ya?
Nagtataka man ako ay hindi ko na lang ito pinansin, sa halip ay sumisingit na lang ako sa mga nagkukumpulang mga estudyante na halatang excited na magtungo sa gymnasium.
Napa-irap na lang ako sa kaloob-looban ko, bakit parang ang saya-saya ata nila no’ng marinig nila iyon? Ano ba kasi ang mangyayari? Ano kaya ‘yong announcement?
Napailing-iling na lang ako at nagmadali nang maglakad.
Takteng isip. Daming tanong.
ㅤㅤ
END OF CHAPTER 12
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top