XI
Chapter 11: Back to H.A.
ㅤ
Nagising ako dahil sa init ng paligid. Naiinis naman akong kinati ang aking leeg dahil sa buhok na dumikit doon. Napakalagkit ng pakiramdam ko, kung kaya’t naisipan ko na lang na bumangon at magpahangin sa labas.
“Gabi pa,” mahinang sabi ko, at dahan-dahang lumabas sa tent. Ayaw kong gisingan pa sila dahil sa ingay ko. Buti’t may anghel na bumulong sa akin na maging mabait at hindi sila bulabugin.
“Ini-insomnia na naman ko,” napairap ako sa kawalan habang sinasabi ko ‘yon.
Tumaas naman ang balahibo ko nang dumampi sa balat ko ang lamig ng hangin.
Naglakad ako at umupo sa nakitang nakatumbang kahoy. Niyakap ko ang aking sarili habang nakatingin sa kawalan.
Isang makulimlim na gabi, ngunit ng dahil sa mga alitaptap na nasa paligid ay kumikinang ito sa ganda. Samahan mo pa ng crescent moon na s’yang nakakabighani ring tingnan. Malamig din ang bugso ng hangin, at hinahayaan kong sumama sa daloy ng hangin ang aking mahabang buhok. Pumikit naman ako upang namnamin ang ganda ng gabi ngayon.
“Can’t sleep?” Napatigil ako nang may magsalita sa ‘king likuran. “O? Ba’t parang na-estatwa ka yata r’yan?” natatawang dugtong nito at nagpakita sa ‘kin.
Agad akong napabuga ng hangin dahil sa ginhawa. Akala ko kasi kung anong masamang elemento.
“Bw*sit ka,” I cursed and gazed at him, irritatingly.
Natatawa naman siyang tumabi sa akin kaya napausog ako upang hindi kami magkadikit.
“Sino namang nagbigay ng permiso sa ’yo para tumabi ka sa ‘kin?” mataray kong tanong sa kan’ya pero ngumisi lang siya. Psh. Hindi ba nangangawit bibig n’ya?
“Ang asawa mo.” Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko no’ng sinabi niya ‘yon.
“Hell,” Naalala ko na naman ‘yong sinabi ng unggoy na 'yon sa ‘kin. “Wala akong asawa,” malamig na sabi ko sa kan’ya.
“Gano’n ba? Ako kasi meron. Tingnan mo,” sabi pa niya at itinaas ang kamay niyang may singsing.
I just rolled my eyes. Psh. The hell I care. Pangit naman ang attitude ng kan’yang asawa.
“Ikaw din naman, a? May... asawa,” dagdag nito kaya tiningnan ko s’ya nang masama at itinago ang kamay kong may singsing.
Ang pakialamero n’ya ‘ata?
“Gusto kong mapag-isa, Calvin,” matamlay na tugon ko at tumingin na naman sa kawalan.
“Ako rin naman, a,” hirit pa n’ya kaya binatuhan ko s’ya ng masamang tingin.
Hindi ba s’ya nakakaintindi?
“Leave now,” mahina pero may diing sabi ko.
Itinaas naman n’ya ang kan’yang dalawang kamay na parang sumusuko na.
“Okay, okay!” natatawang sabi n’ya at tumayo na.
Ba’t ba lagi itong natatawa? Wala atang problemang dinadala ‘to, a?
“You’re similar to her...” mahinang bulong nito bago umalis nang tuluyan.
Nagtaka naman ako sa mga sinasabi niya.
“Ang weird,” sambit ko.
Nagkibit-balikat na lang ako. Baka napagod lang ‘yon kaya kung ano-ano ang mga pinagsasabi.
Hindi ko na lang pinansin ang mga bagay na 'yon, sa halip ay tumingala na lang ako sa langit, ipinikit ang mga mata at ninanamnam ang mahinang paghampas ng malamig na hangin sa aking magandang mukha.
I love this.
Silence.
Darkness.
Peace of mind.
And pe—
“Booo!”
Piece of sh*t.
Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa nanggulat sa ‘kin.
“Nagmo-moment ka ‘ata?” bungad na sabi sa akin ng unggoy na ito kaya matalim ko siyang tinitigan.
“Oo, at ikaw lagi ang sumisira,” I answered and rolled my eyes heavenwards.
Ang galing talagang sumira ng segundo ng lalaking ‘to.
Inilagay niya naman ang kan’yang kamay sa bulsa n’ya.
“Ayusin mo nga ‘yang suot mo,” saad n’ya saka inayos ang blazer na ipinahiram niya sa akin. Or should I say, pilit kong kinuha sa kan’ya.
“Ako na!” Winakli ko naman ang kamay niya ‘tsaka inayos ito.
Nakita ko naman kung paano s’ya napairap, dahilan para mapaghinalaan ko na naman s’yang bakla.
“Isauli mo ‘yan, ha? At labhan mo nang maigi, baka may germs pang natitira d’yan dahil sinuot mo!” reklamo nito sabay upo sa tabi ko.
Agad ko naman s’yang siniko, na s’yang nagpa-aray sa kan’ya. Huh! Serves him right!
“P’wede mo naman itong itapon, napakadungis na nga nito, e!” sagot ko sa kan’ya at nage-gesture pa ng kung ano para ma-feel niyang ang dungis-dungis ng blazer na ito.
“Ikaw rin naman, madungis,” mahinang sabi nito kaya napangisi ako sa kawalan. Alam ko na kung ano ang isasabat dito.
“At least maganda,” I said while flipping my hair. Napaluwa naman s’ya ng laway niya nang makain niya ang ilang hibla ng buhok ko.
“Ew! Ang laway mo! Dugyot!” reklamo ko ‘tsaka pilit na kinukuha ang buhok ko sa bibig niya. “Ang baho!” sabi ko na naman tsaka napatayo. Nakita ko naman kung paano lumawak ang ngisi n’ya dahil sa naiinis kong reaksiyon.
“Ang baho~ Ew~” he mocked me!
Akmang sasabunutan ko na sana siya ngunit bigla na namang sumakit ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan.
Ewan ko ba, pero sa tuwing ilalapat ko ang mga kamay ko sa kan’ya ay bigla-bigla na lang sumasakit ang ulo ko. Nagsimula ito pagkatapos ng trahed'yang nangyari sa amin do’n sa Demonisia Realm.
“Ayos ka lang?” tanong nito. Hindi ko mawari kung nag-aalala ba siya o ano dahil parang wala namang emosiyon ang mga mata niya no’ng sabihin n’ya ‘yon.
Napailing naman ako, obvious naman siguro na hindi, ‘di ba? Psh.
“Baka kulang lang ito sa tulog...” sagot ko sa kan’ya habang napapangiwi dahil sa sakit ng ulo ko.
“Matulog ka na,” aniya kaya tumango lang ako at naglakad na patungo sa tent namin.
“Beatrice, ano ang pinag-uusapan n’yo ni Calvin kanina at ngayon?” pahabol na tanong n’ya kaya kumunot ang noo ko na sinulyapan s’ya.
“Wala naman, nagsasalita lang s’yang mag-isa n’ya,” tugon ko rito at pumasok na nga nang tuluyan.
“Good night!” sabi n’ya pa kaya tumango na lang ako.
“Good night.”
Nandito kami ngayon lahat sa ibaba ng napakalaking puno, nag-uusap kung paano kami makakabalik sa paaralan.
“Nandito tayo sa ikalawang portion ng gubat ng Himitsu Realm,” paninimula ni Eunice habang nag-iisip nang malalim.
“Then? Magteleport na lang kaya tayo para makabalik do’n?” matamlay namang sabi ni Kris.
Nakakapag-panibago. Hindi na kasi ito hyper katulad noon. Siguro napagod din ito sa mga nangyari sa amin.
“Nice idea, Kristina para mapadali na ‘yong pagdating natin do’n.” Pati rin tong si Anto, parang nawalan na rin ng sigla.
“Oo nga! Bakit hindi natin ‘yon naisip?” parang namang nagdiwang si Carper nang sabihin n’ya iyon.
“Pagod kasi tayo,” sagot naman ni Sky, habang kinakamot ang ulo niya.
“Leader? Kaya mo ba?” tanong ni Euhonn at hinawakan si Eunice sa balikat ngunit agad namang sinampal nito ang kamay niya.
“Don’t you dare touch me again, jerk,” malamig na sabi ni Eunice saka matalim na tiningnan si Euhonn.
Literal naman akong napanganga sa nasaksihan kong love quarrel nilang dalawa.
Umiwas naman ng tingin si Euhonn at akmang ibubuka ang bibig niya para makapagsalita pero agad naman niyang kinagat ang sarili n’yang dila.
“Kung magte-teleport tayo, maiiwan si Calvin,” pagpaputol ni Eunice sa katahimikan.
Kaya nagtaka kami sa sinabi n’ya, maliban sa mga hindi transferee. “At bakit naman?” Kris asked with a curious tone.
“Dahil may dugo siyang Darshinian, kaya hindi siya basta-bastang makakapasok,” pagpapaliwanag naman sa kan’ya ni Sky.
Napaawang naman ang bibig ko sa aking narinig. So, he’s a dark immortal. Bakit pa s’ya hinahayaang tumira rito?
“Hindi siya masama katulad ng iniisip niyo, sa katunayan nga mas pinagkakatiwalaan ko pa si Calvin kaysa kay Sky kasi parehas kaming gwapo!” Napaismid naman ako sa sinabi ni Carper, p’wede namang ipagtanggol niya sa amin si Calvin nang walang halong pagmamayabang, e, ‘no?
“Masama s’ya, hindi ba?” komento pa ni Kris na s'yang nakapag-iba ng aura rito.
“Tabasan mo ang iyong dila, hindi mo pa s’ya nakikilala!” Napatingin naman ako kay Sky nang magsalita ito. Halatang nagalit s’ya sa nasabi ni Kris.
“You should respect the crowned prince of Himitsu Realm,” Euhonn said while smirking at us.
Ito na naman ang nakakawindang na rebelasiyon nila!
“Before you say that, you should do some research first,” rumesbak na rin si Eunice at parang hindi rin n’ya nagustuhan ang komento nito.
Napangiti na lang ako sa aking isipan. Sana all ipinagtatanggol!
“Let’s go. Humawak kayo sa ’kin,” bigla namang sabi ni Eunice tsaka ipinosisiyon ang kan’yang sarili.
Humawak naman silang lahat sa kan’ya. Except sa ‘kin at syempre si Calvin.
“Gusto mo bang magpa-iwan dito?” takang tanong sa akin ni Esh-esh kaya napatingin ako sa kan’ya.
“Sasamahan ko na lang si Calvin,” wala sa sarili kong sagot.
What? Ano ba itong pinagsasabi ko? Pati ako ay nagulat sa aking sinabi.
“Okay. If that’s what you want,” simpleng sabi ni Eunice at nawala na lang na parang bula.
Doon ko lang na-realize na ang t*nga ko dahil nagpaiwan ako. Ano ba kasing sumagi sa isip ko at bakit bigla ko na lang nasabi ‘yon?!
“Kainis!” Napapadyak na lang ako sa inis at ang ‘yong kawawang bato ang binuhusan ko ng sama ng loob.
“Let’s go.” Napakunot naman ang noo ko no’ng makita ko si Esh-esh.
Hindi ba s’ya sumama sa kanila?
“Tsk. Nagpa-iwan talaga ang g*go,” rinig kong bulong ni Calvin bago ako lampasan. Bakit ba parang nawala sa mood ito?
Hindi naman nila ako pinansin at naglakad na, kaya wala akong magawa kung hindi ang sundan silang dalawa. Ramdam ko naman ang tensiyon dito. Bakit ba parang galit ‘tong dalawang ito? May nagaw ba akong ‘di kaaya-aya, kaya sila beast mood?
“Maglalakad ba tayo patungo sa eskwelahan?” takang tanong ko sa kanila na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikibo. Ano ba kasing problema ng mga ‘to? “Hindi tayo maglalakad, lilipad tayo...” Halos lumagpas naman ang kilay ko sa anit ng buhok ko dahil sa sinabi ni Esh-esh.
Magsasalita na sana ako pero may tinawag silang mga pangalan na hindi ko naman kilala.
“Teo!” sigaw ni Calvin habang seryosong nakatingin sa kan’yang harapan.
“Rain,” mahinang sambit naman ni Esh-esh habang nakatingin din sa kaniyang harap.
Bigla namang napalibutan ng usok ang paligid, at parang may kidlat na tumama sa lupa dahil sa pagtawag nila ng mga pangalang ‘yon.
May naaninag naman akong malaking nilalang na naglakad patungo sa amin kaya napa-atras ako ng kaunti sapagkat sa bawat pag-apak nito sa lupa ay bigla-biglang yumayanig ang kinatatayuan namin.
Nawala na lahat ng ambon at doon ko na nakita kung anong klaseng nilalang ang kanilan tinawag.
Halos magdikit naman ang kilay ko nang makita ko ang itim at puting dragong parehas na hinahaplos nina Eshesh at Calvin.
“Ano n’yo ‘yan?” nandidiri kong tanong sa kanila habang tinitignan ang mga kaliskis ng dragon na isa isang nahuhulog dahil sa paghagod nila rito.
“Guardian,” sagot naman ni Calvin habang nakangiting nakatingin sa akin. Natahimik naman ako ro’n.
Hindi ako makapaniwala na mayroon silang gan’yan dito. Pati nga si Esh-esh na transferee lang katulad ko ay meron na rin, tapos ako wala! And unfair talaga!
“Sumakay ka na,” dagdag pa ni Calvin.
“Ayoko,” matigas kong sabi kaya parehas nila akong tinaasan ng kilay. Duh? Ayaw kong sumakay d'yan ‘no? Baka may germs pa ‘yang mga dragong ‘yan kapag nakasakay na ako!
“Nagpa-iwan ka tapos ayaw mo palang sumakay?” buwelta naman ni Esh-esh na halatang nainis sa sinabi ko.
“Bakit? Nagpa-iwan ka rin naman, a?” mataray na wika ko habang iniwasiwas ang aking kamay sa kan’yang harapan.
Napahilamos na lang siya sa kan’yang mukha. Pati rin si Calvin ay halatang nadismaya dahil sa ugaling ipinakita ko.
Nagulat naman ako nang biglang nagbago ang anyo ng mga dragon nila, at hindi ko na alam kung sino ba sa dalawang ito ang kanilang amo.
“Saan galing ‘yan?” tanong ko na naman na halatang nagpa-inis pa lalo kay Esh-esh.
“Ang dami mong tanong! Mamili ka na nga lang kung saan ka sasakay!” sigaw nito habang itinuro ang dalawang unicorn na may pakpak.
Parang nag-transform ‘yong mga dragon nila kani-kanina lang sa gan’yang wangis at porma.
Agad ko namang itinuro ang kulay itim. Hindi ko kasi bet ‘yong puti, baka madungisan ko at magalit pa ‘yong tagapangalaga nito.
Sumakay naman si Calvin sa kulay puti, habang si Eshesh naman ay inaabot ang kan’yang kamay sa akin.
“Nagbago na ang isip ko, sa puti na lang pala ako sasakay,” saad ko pa, ngunit bago pa ako makalapit kay Calvin ay agad niya akong hinila dahilan para makasakay ako sa unicorn na guardian n’ya.
“Ito ang una mong pinili, ‘di ba? Kaya dito ka sa akin,” sabi pa ni Esh-esh habang nakalingon sa akin. Halata namang may binabalak s’yang kung ano sa akin kaya nagpumilit ako na bumaba pero hindi ko magawa dahil bigla nalang lumipad itong sinasakyan ko.
“Ano bang problema mo?!” iritadong wika ko at hinampas ang kan’yang likod gamit ng aking kaliwang kamay. Natanaw ko namang sumunod na si Calvin sa paglipad kaya nakasabay na ito sa ‘min.
Napakapit naman ako sa kan’ya no’ng biglang bumilis ang takbo ng unicorn.
"Dahan-dahan lang, Esh-esh!" reklamo ko sa kaniya.
Ngumisi lang ito at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.
Nasa himpapawid kami, hindi n’ya ba maintindihan?! Paano kung mahulog ako, at hindi niya saluhin? Tapos mamamatay ako! Mawawala na ang pinaka-magandang nilalang na nabubuhay sa balat ng lupa!
Biro lang, pero natatakot talaga ako sa ginagawa ng unggoy na ito.
Makalipas ng ilang minuto ay nakaramdam naman silang dalawa ng tawag ng kalikasan kaya agad kaming napahinto at nagmadali silang magtago upang ipalabas ito.
“Bilisan niyo!” angal ko nang makita ko sila na nagmamadaling naglakad patungo sa akin.
Nakapamwewang naman akong napatingin kay Eshesh na hindi pa sumasakay.
“Sakay na!” reklamo ko na naman dahil gusto ko na talagang umuwi.
Ngumisi lang ang unggoy kaya agad ko siyang binatukan dahilan para mapahimas siya rito at tiningnan ako nang masama.
“Sumakay ka na nga sabi!” pag-uulit ko at halatang gusto na talagang maka-uwi.
“Oo na! Hindi ba uso sa’yo ang salitang ‘hintay?!’” galit nitong sigaw pabalik sa akin at agad na sumakay sa harapan.
At ano raw? Hindi lang pala unggoy, at mahangin ang lalaking ito, e! Bastos din pala!
Naramdaman ko namang bumwelo s’ya kaunti nang makasakay na ito.
“’Di talaga uso! Hindi ako katulad mong bastos— Ahh!” sumigaw naman ako nang pagkalakas-lakas nang bigla n’yang pinalipad ang guardian niya.
“Ano bang bastos sa hintay, ha?! Hindi naman ‘yan bastos!” pasigaw na sagot din niya sa akin.
“Talagang hindi bastos ‘yan sa inyong mga lalaki, kasi heaven ‘yan sa inyo!” pasigaw kong wika sa kan’ya. Hindi ko man makita ang mukha n’ya ngunit alam kong nakakunot ang noo nito dahil sa sagot ko.
“Talagang mga lalaki talaga?” sigaw naman ni Calvin na nakisali na sa ‘min.
Ang senaryo namin ngayon ay magsigawan sa isa’t isa dahil hindi namin gaanong naririnig mga boses namin kasi nasa himpapawid nga kaming tatlo.
“Oo! Talagang lahat ng lalaki!” proud ko namang sabi sa kanilang dalawa.
“Mga lalaki naman talaga ang naghihintay, a! Hindi mga babae kasi mga maaarte kayo!” biglaang hugot ni Esh-esh kaya sinamaan ko siya ng tingin kahit nasa likod niya ako.
Kung broken s’ya, dapat hindi n’ya nilalahat ang mga babae, kung upakan ko kaya s’ya?
“Hindi kami maarte! Sadyang hindi lang talaga kami nanonood ng p*rn animated videos!” diritsahang sigaw ko dahilan para mapatigil ang pagtakbo ng mga guardian nila.
Lumilipad pa rin naman ito ngunit hindi lang umuusad. “B-Bakit? Totoo naman, a?! ‘Di ba, hentai?” dugtong ko pa, at parang hindi makapaniwala nila akong tiningnang dalawa.
Hanggang sa ilang segudo ay napahalakhak sila. Napataas naman ang kilay ko dahil doon.
“Seriously, Beatrice? Hindi hentai ang pinag-uusapan natin dito, kung hindi ‘hintay!’ As in ‘wait!’” Parang nawindang naman ako nang malaman ko iyon. Nag-init ang pagmumukha ko habang tinitignan nilang dalawa.
“B-Ba’t hindi niyo sinabi agad?!” wala sa sarili kong saad habang nakatingin sa ibaba.
Omg, Beatrice! Kung ano-ano kasi ang iniisip mo, e! Ayan tuloy, may bagong pang-asar na naman ang unggoy na ito sa iyo! Psh.
Humagalpak na naman sila ng tawa. Nakakahiya ka talaga, Beatrice. Hindi na kita ipagmamalaki! Nako po, hihiramin ko lang ang kapangyarihan ni Esh-esh ‘tsaka bababa at magpapalamon sa lupa!
“Baka ikaw ang nanonood, kasi alam mo,” natatawang sambit ni Calvin.
“Oo nga! Nanonood ka ba, ha?” resbak naman ni Eshesh na natatawa rin.
“H-Hindi, a! Narinig ko lang ‘yan sa mga kaklase kong lalaki ro’n sa aking paaralan dati!” pagdepensa ko sa mga mapang-husga nilang tingin sa akin.
“Hindi ka naman namin tinanong kung saan mo ‘yan narinig, e!” wika pa ni Esh-esh na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
“Mukha kang guilty!” At si Calvin na naman ngayon ang rumesbak.
“Patakbuhin niyo na nga lang tong Unicorn!” pilit kong pag-iiba sa topic dahil ayaw kong asarin nila nang sagad.
“Pegasus, Beatrice. Hindi unicorn,” pagtatama sa akin ni Esh-esh na namumula na ngayon dahil pinipigilan pa ang kan’yang tawa.
Wow! Nahiya pa s’ya, e, ‘no? Kanina pa naman silang dalawa na napahagikgik d’yan!
“Whatever! Basta patakbuhin niyo na ‘to!” tugon ko nalang na halatang naiinis na sa kanilang pangangantyaw.
“Aye-aye, hintay girl!” sabay na sigaw nilang dalawa at ipinalipad na nga ang uni—ano nga iyon? Pegatchu? Basta! Ipinalipad na nila ang kanilang mga guardian habang walang tigil pa ring nang-aasar sa akin. Ahh! Mga walang hiya!
“We’re here,” sabi ni Calvin at bumaba na.
Bumaba na rin kami ni Esh-esh sa guardian niya.
Nagtatakang napatingin ako kay Calvin na seryosong tinatanaw ang masukal na gubat. Anong nandito na?
“Huh? Wala namang gate, a?” nagtatakang tanong ko sa kanila.
Hindi naman sila makapaniwalang nakatingin sa akin. Bakit? Ano na naman ba’ng problema nilang dalawa? “Bulag ka ba? Ang laki kaya! Nasa harapan mo pa!” ani Esh-esh habang itinuturo ang gubat.
Nakakunot naman ang noo kong tiningnan s’ya. Wala naman akong nakikitang gate dito, a? Puro nga punong kahoy lang ang makikita mo, walang gate na may nakaukit na Hidden Academy.
“O! ‘Di ba, meron?” duet namang sabi nilang dalawa.
Hindi na ako nakapag-pigil pa at binigyan na sila ng tig-da-dalawang matitinding batok. Nababaliw na ‘ata sila, e!
“Aray! Ano bang problema mo?!” sigaw nilang dalawa kaya napapikit ako. Showering kasi.
“Nag-iilusyon lang ata kayo e! Nando’n ‘yong gate, o!” saad ko at tinuro ang kaliwang dako.
Nakita ko kasi ito pagkatapak ko pa lang sa lupa nang makarating kami rito.
“Hala? Bakit dalawa ang gate?” hindi makapaniwalang sambit ni Esh-esh.
Agad namang napakamot sa ulo si Calvin. “T*nga! Nasa Illusion Forest pa pala tayo,” aniya.
“Illusion Forest?” sabay na tanong namin ni Esh-esh kaya nagkatinginan kaming dalawa.
“Kung gano’n, lumipad na uli tayo,” salita naman ni Esh-esh at agad na nag-iwas ng tingin sa akin.
Kaya ang ending, sumakay na naman kami sa Pegatchu at lumipad. Mga thirty-minutes ata kaming nasa ere no’n bago bumaba.
“Finally, we’re back,” we said in unison when we saw the real giant gate with an engraved name of Hidden Academy.
Sa wakas! Nakarating na kami!
ㅤ
END OF CHAPTER 11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top