X
Chapter 10: Lost in the Woods
ㅤ
Napahawak ako sa pisngi ko. I’m sure. I’m really sure that I’m blushing right now. I don’t know, why the hell did I do that to Esh-esh earlier?! I must be out of my mind! Argh!
Napasabunot naman ako sa sarili ko nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina.
“You’re not normal, Beatrice!” I screamed in frustration.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng buong katawan ko. Agad akong napatayo nang makita kong nasusunog na pala ang aking inuupuan!
“Hell of all hellers!” tarantang sigaw ko at pilit na pinatay ang apoy.
‘Control your power. ‘Wag puro landi,’ I stopped when I heard that voice in my mind.
Ano ‘yon? Sino ‘yon? Nababaliw na ba ako?!
“Sino ka?” tanong ko at parang abnormal na lumingon-lingon sa paligid pero wala akong nakitang kahit anino man lang.
Hindi ako nasasaktan sa apoy ngunit natatakot ako dahil baka masunog ang buong kagubatan!
‘Try to use your hydrokinesis ability to stop the fire,’ nagsalita na naman ang kung anong ito sa isipan ko.
Ano ‘to, konsensiya ko? Nasisira na ba ang isipan ko dahil sa mga kakaibang nagyayari sa ‘kin sa lugar na ito? Nako naman! Sana hindi pa!
“Sh*t!” napamura naman ako nang wala sa oras no’ng makita ko na dumarami na ang apoy.
‘I said, use your hydrokinesis ability!’ nagulintang naman ako sa malakas na sigaw sa isipan ko kaya sinabunutan ko na naman ang sarili ko.
“I can’t! Hindi ko nga makontrol ang apoy ko, paano pa kaya 'yong tubig ko?!” inis kong reklamo sa nagsasalita.
Nakarinig naman ako ng miserableng buntong-hininga. ‘Close your eyes and feel that indescribable sensation inside you,’ that voice inside my head said.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hinay-hinay kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay no’n ang sinabi n’yang damhin ko ang kakaibang sensyasiyon. Totoo nga! Mayroong kakaiba akong nararamdaman!
‘Buksan mo ang isang berdeng pinto at kunin mo ‘yong kapangyarihan mo roon,’ saad pa nito sa aking isipan. Wala akong maintindihan kung bakit kailangan kong gawin ang sinabi n’ya pero wala akong choice.
Napakunoot ang noo ko nang nasa ibang lugar na ako.
Parang nasa ibang dimensiyon ako ng mundo.
Puno ito ng mga klase-klaseng pintuan na nakasarado pa, ngunit may isang pintuan ang nakabukas na. Ang asul na may pagka-black na pinto.
Naglakad naman ako patungo rito upang tingnan kung ano ang nasa loob.
Ang buong silid ay napapalibutan ng asul na apoy.
Animo’y isang galit na galit na tigre sa lakas ng liwanag.
Tumaas naman ang kilay ko nang mapagtanto ko kung bakit naging ganito ito ngayon.
Kaya ba nakabukas ito dahil nagawa ko na itong ipalabas? Nagkibit-balikat na lang ako sa pumasok sa aking isip.
And I remember what that voice said a while ago.
Kailangan kong hanapin ang berdeng pintuan.
I wandered my eyes around, looking for the green door. I halted when finally, I found it.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa’t naglakad na patungo rito t’saka binuksan na ito.
Naramdaman ko namang bumabalik na ako sa totoong dimensiyon kaya iminulat ko na ang aking mga mata.
‘Good. Nagawa mo,’ pagbati nito sa aking isipan.
Napatingin ako sa kamay ko. May tubig na nag-form doon, na para bang bola. Agad ko namang ni-release ang ball of water sa apoy. Then I commanded na patayin ang apoy.
Then it works!
I jumped happily when I realized that finally used my hydrokinesis ability without making it run out. Alam niyo na, no'ng nasa classroom pa ako at tina-try ni Miss Anika ang mga ability namin.
“Thank you,” I said in a joyous tone.
‘Hindi—’ magsasalita na naman sana ito ngunit hindi niya na itinuloy dahil sa hindi ko alam na dahilan.
Parang nabunutan naman ako ng tinik, kaya’t napalingon ako kung saan. Bigla namang tumaas ang balahibo ko kaya napayakap ako sa aking sarili.
Hala, beh! Baka multo talaga iyong nakaka-usap ko kanina! Diyos kong mahabagin, bantayan niyo po ako rito!
Nasaan na ba kasi ‘yong unggoy na iyon? Sabi n’ya ay babalikan niya ako kasama sina Eunice! Bakit ang tagal-tagal n’ya?! Baka iniwan niya na ako dahil sa nakakah'yang ginawa ko kanina. E, hindi ko naman iyon sinasad'ya, parang may kung anong nagko-kontrol sa katawan ko na hawakan ko ‘yong malagkit at nakakadiri niyang pisngi!
Bigla naman akong nakarinig ng isang nabaling sanga. Kaya parang abnormal akong umiiling-iling dito.
“S-Sino ka?!” nauutal kong bulyaw sa isang anino na papalapit sa akin.
Natatakot naman akong kinuha ang maliit na sanga sa gilid ko.
Akmang papa-apuyin ko na sana ang napulot kong sanga ngunit napatigil ako nang maaninag ko kung sino ang may-ari ng aninong ‘yon.
“Beatrice, are you okay?” Nakahinga naman ako nang maluwag noong marinig ko ang boses ni Eunice na papalapit sa akin.
Nakasuot pa rin silang lahat ng mga gown at tuxedo nila ngunit ‘yong sa ibabang part ng gown ay mukhang pinunit na.
“Anong nangyari rito?” tanong pa ni Sky, at parang isang tangang umupo sa damuhan na nasunog ko kani-kanina lang.
“May umatake kasi sa akin, isang dragon do'n sa natuyot na lawa,” pagsisinungaling kong sagot kay Sky na s’ya namang nagpalapit kay Calvin.
“Oo, napakalaki nga ng bantay na dragon doon,” saad pa ni Esh-esh habang nakapamulsa.
Agad namang lumapit silang lahat sa akin na para bang mga bata na sabik sa kuwento.
“Alam n’yo, wala kayong makukuha sa akin basta ang alam ko lang, kulay asul at berde ito at napakasungit,” sagot ko sa kanila.
Ano ba kasing importante roon? E, lawa na tuyo lang naman iyon! Teka nga... lawa? Hindi ba, ‘yon din ang napanaginipan ko rati?
“Did you know that only a few immortals can talk to that crazy old dragon?” Calvin said while smiling from ear to ear.
“And that lake is the beginning of our world!” magiliw naman na sabi ni Carper.
Hindi naman nagsalita sina Anto at taimtim lang na nakikinig sa mga ito na nag-uusap.
“At walang makakapasok doon sa tuyot na lawa dahil ayaw ito ng dragon!” buwelta pa ni Sky na ipinagtaka ko.
Bakit nakatulog ako roon nang mahimbing nang hindi man lang natusta ng pangit na dragong ‘yon?
Sandali nga, mukhang kilala ko ‘ata kung sino ‘yong nagsasalita sa isip ko kani-kanina lang, a? Posible kayang s’ya ‘yon?
“And that dragon is not just a guardian of that lake, but also the guardian of one of the cursed immortal,” Eunice muttered while looking elsewhere.
“Madalas na tawagin nila iyong lake of Outset, dahil do’n tayo nab'yayaan ng mga abilidad. Parang it is our beginning, gano’n!” sabi ni Calvin at tumayo na.
Hindi ako interesado sa mga kwento nila tungkol dito sa mundong ‘to, ang gusto ko lang malaman ay kung bakit iniwan nila ako ro’n. Nakakasama sila ng loob, e.
“Teka nga, bakit n’yo ba ako iniwan doon?” naiinis kong tanong sa kanila kaya nawala na ‘yong seryoso nilang pinag-uusapan.
“Pagkagising namin, wala ka na sa tabi namin kung kaya’t pinahanap ka na namin kay Jouesh at hindi naman n’ya kami binigo na hanapin ka.”
Napatingin naman ako kay Eunice nang magsalita itong straight ang tagalog. Wow! Nakakapanibago!
Natanaw ko naman ang hawak-hawak ni Kris na isang basket na yari sa dahon ng saging.
“We’re collecting foods para may makain tayo,” Kris said while standing.
“We've been stuck here for weeks so I know that you all are hungry,” Eunice uttered.
Wait, what? One week? Bigla naman kumulo ang t'yan ko no’ng marinig kong one-week na kaming tulog at ‘di pa nakakakain.
“Paano mo naman nalaman na one week na tayo rito?” I curiously asked.
Tiningnan lang naman ako nito at hindi na sinagot pa kaya napairap na lang ako sa kawalan. Ang suplada talaga!
“Let’s just eat. Gutom na ako. Mamaya na tayo mag-usap.” We just all nodded in response. She’s right, I am starving.
Nagsimula namang ilagay nina Anto at Kris, na halatang pagod na pagod, ang mga prutas na hawak nila sa isang dahon. Habang sina Sky at Carper ay niluto ang mga isda na nahuli ‘ata nila. Habang ‘yong isang cold na babaeng transferee naman ay nilalagay ang mga bilog na tubig sa isang dahon.
Tanging ako lang, si Eunice, Euhonn, Calvin, at Eshesh ang walang ginagawa rito.
“Euhonn, come with me. Magtatayo tayo ng tent para may matulugan tayo, at kayo naman Beatrice, Jouesh, at Calvin ay gumawa kayo ng bonfire, hindi sapat ang kahoy na kinuha namin kaya kumuha lang kayo ng mga sanga ng kahoy do’n,” utos sa amin ni Eunice na siyang sinunod naman naming lahat. Wala, e, siya ‘yong boss, kaya sumunod na lang tayo.
“Malapit nang gumabi, bilisan n’yo,” dagdag pa nito kaya mabilis kaming nagtungo sa kakahuyan.
ㅤ
“Bakit pa tayo nandito? Sabi kasi sa ‘kin no’ng dark king, ibabalik na raw n’ya tayo sa Himit-ho? Himityo? A, basta! Ibabalik niya raw tayo sa lugar na pinanggalingan natin,” sabi ko sa kanilang dalawa habang yakap-yakap ang mga sanga ng kahoy na kinuha namin bago lang.
Bahagya namang tumawa si Calvin sa sinabi ko. Hindi ko naman ito nagustuhan kaya sinamaan ko s’ya ng tingin. Seryoso ‘yong taong nagpapaliwanag tapos tinatawanan n’ya lang? Psh.
“Yeah. Nakabalik nga tayo, pero niligaw n’ya rin,” sagot ni Esh-esh at hininaan ang paglalakad niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin?
“Ken is Ken. He did send us back, but there was a price, and that led us to be lost in here,” Calvin said. Nagulat naman ako nang matabig ni Esh-esh ang dala kong kahoy dahil pumagitna siya sa amin ni Calvin, kaya s’ya naman ngayon ang sinamaan ko ng tingin.
“We’re here,” walang ganang sabi ni Esh-esh.
“Ang tagal n’yo. Nagutom na kami kaya umuna na kami sa pagkain,” bungad na reklamo sa ‘min ni Euhonn nang makalapit na kami sa kanila.
May nagawa na rin silang tent, at ‘yong mga nasunog kong parte ng kalikasan ay nawala na. Ginamitan siguro nila ng kapangyarihan para mabuhay ito ulit.
Nilagay ko muna sa tabi ang sangang kinuha namin bago sumagot. “Try mo kayang pumunta roon sa gubat na madilim?” I said that while crossing my arms.
Inirapan lang n’ya ako at nagsimula na s’yang kumain. Bakla ‘ata ‘to, e.
“Kumain ka na.” Nabalik naman ako sa wisyo ko nang sabihin ‘yon ni Esh-esh kaya kumuha na ako ng mga prutas na nakahain ngayon sa aming harapan at nagsimula nang kumain.
“Hindi ka ba kumakain ng isda?” They asked in unison kaya napalunok ako. Nakakatakot ang mga tingin nila.
“H-Hindi. Hindi ako kumakain ng isda, unless pritong isda o sinabawan iyon,” I replied at iniwas ng tingin sa kanilang lahat.
Halata namang hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ko.
Heller? Iba-iba tayo ng taste bud kaya hindi niyo ako masisisi kung hindi patok ang lasa ng inihaw na isda sa panlasa ko!
“Tsk! Akin na nga lang ‘yang natitirang isa!” si Carper, at walang pasabing hinablot at kinain ‘yong isda.
“Ang arte,” rinig ko naman bulong ni Kesha. Bulong lang ba talaga?
Hindi ko naman nagustuhan ‘yong mga reaksiyon nila, kung kaya’t mabilis ko na lang ilunok lahat ng prutas upang hindi na masayang pa.
Nawalan na ako ng gana. “Ako na lang ang gagawa ng bonfire,” sabi ko na lang at nagsimulang bitbitin ang mga sanga patungo sa nakita kong tent na gawa nila.
“Tutulungan na kita,” sabi sa ‘kin ni Calvin at tumakbong kinuha ang natitirang sanga.
I just nodded at walang ka-emo-emosyong naglakad patungo sa tapat ng tent.
Nang makarating na kami ay inayos ko na ang mga sanga para umilaw talaga ito.
“Hindi ako fire manipulator. Paano natin 'yan paaapoyin? Kumakain pa si Leader o,” sabi pa ni Calvin no’ng matapos na naming i-arrange ang mga sanga. I looked at him, ngumuso naman s’ya na parang tinuturo ang kumakain na si Eunice.
Napangisi naman ako nang wala sa oras. Hindi niya siguro alam na may kapangyarihan na ako.
“O? Para saan ‘yang ngising ‘yan?” Calvin said while arching his left eyebrow.
“Hindi mo pa pala alam na isa sa mga kapangyarihan ko ang apoy?” nagmamayabang kong sabi sa kan’ya na s’yang hindi naman n’ya pinaniniwalaan base sa mga titig n’ya sa akin.
“Oh, really? Sige nga. Paapoyin mo ang mga ‘yan?” he challenged me, he even smirked na para bang hinahamon ako sa isang laban.
I smirk too. “You'll see,”
Hindi ko alam pero madaling lumabas ang asul na apoy sa mga palad ko para pal'yabin ang mga sangang kinuha namin.
At ngayon ko lang naisip na isang katangahan ang pagpapalabas ko sa kapangyarihang ito.
Napatingin ako kay Calvin.
Ang akala ko’y magugulat s’ya pero hindi...
Ang ngisi niya’y napalitan ng isang malawak na ngiti.
“Tama nga ang hinala ko,” sabi niya habang nagliliwanag ang kan’yang mga mata na para bang napukaw ko ang diwa n’ya.
At ano raw? Anong tamang hinala ang pinagsasabi n’ya? Nababaliw na ba s’ya?
Tiningnan ko siya na may halong pagtataka pero ngumiti na naman s’ya sa ‘kin.
“Huwag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan n’yan... diwata,” he murmured in my ears. Kasabay no’n ang pag-iba ng kulay ng apoy. Sa asul hanggang sa naging normal na apoy na ito.
Iniba niya ba ang kulay nito? I looked straight into his eyes.
“Anong binubulong-bulong mo sa kan’ya, Calvin?” Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Carper pala na kasama sila Eunice na nakataas ang mga kilay.
Napalunok ako nang unti-unting lumayo sa ‘kin si Calvin. Kinakabahan ako na baka sabihin n’ya ito.
Ngumiti naman siya na abot ngala-ngala. “Nothing, I just asked her who is more handsome out of the two of us. And you know what? She answered me. Sayang nga at hindi mo narinig,” he lied. Hagalpak naman ang tawa ni Carper doon sa sinabi n’ya. Ako nga, e, gustong tumawa nang may halong sarkasmo dahil napakahangin n’ya.
“Oh really?” Parang naghahamon naman si Carper habang sinasabi ito.
“Really. Matutulog na ako. Bye!” masaya niyang sabi at tumalikod na, pero bago n’ya ginawa ‘yon ay tumingin muna s’ya sa ‘kin na nakangisi bago tuluyang pumasok sa tent.
What’s with that guy? Why is he calling me diwata? Or goddess in English. Napatawa naman ako nang mahina no’ng mapagtanto ko kung bakit nasabi niya ‘yong katagang ‘yon.
Nagagandahan s’ya sa akin? Haba talaga ng hair ko. Parang abnormal naman akong nag-flip ng buhok.
“Ganda yarn?” nababaliw kong tawa.
Napahinto naman ako nang may umubo kaya napatingin ako sa likuran ko. Napangiwi ako no’ng makita kong kanina pa pala nakatingin sa ‘kin ang mga kasamahan ko.
“A-Alis na ako!” nauutal kong sabi at mabilis na pumasok sa kabilang tent.
Ayaw kong tanongin nila ako dahil base sa reaksiyon nila ay hindi sila naniniwala kay Calvin na iyon ang tinanong n’ya.
Malaman pa nilang nagagandahan sa ‘kin si Calvin, tuksohin pa ako.
Mahirap na.
Tiningan ko naman ang nakasimangot na Esh-esh.
Magselos pa asawa ko.
Wait.
Loading...
Processing...
Twerking...
Holy cow!
Beatrice, wala ka na talaga sa katinuan mo!
ㅤ
END OF CHAPTER 10
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top