VIII
Chapter 8: Waking the Curse
“Argh! Ang kati! Ano ba? Bakit pilit ninyo itong pinapasuot sa ‘kin, ha?” nanggigigil kong sigaw ro’n sa nilalang na nag-aayos sa akin.
“At saka, tingnan mo mukha ko! Parang coloring book kung tingnan sa kapal ng make-up!” reklamo ko na naman habang tinitignan ang mukha ko sa salamin.
Ano ba kasing pakulo ‘to? Wala ba silang magawa sa buhay at kami ang pinagti-tripan nila? Argh!
“Kung hindi lang talaga sinabi ng mahal na hari na aayusan ka, hindi ka talaga namin aayusan!” inis namang sabi ng nag-aayos sa ‘kin.
Inirapan ko nga ang g*ga. E ‘di hindi na sana n’ya ako inayusan, ‘di ba? Fair deal! Wala sigurong maiinis sa ‘ming dalawa ngayon. Psh!
“Ready na ba ang 5th bride?”
Napatingin naman ako sa isang kawal na pumasok sa loob ng silid na pinag-aayusan namin.
“Yes po!” usal n’ya saka tinulak ako nang marahas, kaya matalim ko siyang tiningnan. “Umalis ka na rito, dagdag niya pa at napairap sa ‘kin.
Oo talaga! Aalis ako, p’wede namang hindi manulak. Diyos ko! Na-s-stress ako sa ‘yo!
Rumampa naman ako patungo ro’n sa kawal kahit na malapit akong matapilok sa suot kong high heels at gown ngayon.
Naiinis talaga ako, dahil wala kaming magawa kung hindi ang sumunod sa kanila! Sus, kung meron lang sana akong kapangyarihan na makakapag-control sa kanila, siguro ginamit ko na ito kani-kanina lang.
“Hoy! Ikakasal ba talaga kami?” tanong ko sa kawal nang nasa tabi niya na ako ngunit hindi ako pinansin bagkus ay nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
I heaved a sigh, controlling my temper.
Wala naman akong choice, e! ’Di rin naman ako makakatakas kasi... Inilibot ko naman ang aking paningin.
Ang daming naka-bantay!
“We’re here,” usal ng kawal at inalalayan akong umupo.
Tumayo naman s’ya sa gilid ko. Akala ko nga aalis na s’ya, pero hindi pala. Balak ko sanang tumakas, e!
“You may now kiss the bride!” bungad na sigaw ng dark king na nagsisilbing pari nila Eunice at Euhonn.
Kita ko naman kung gaano kahaba ang ngiti ng dark king habang sinasabi ‘yon, parang nagugustuhan niya ang mga nangyayari ngayon.
“Kiss! Kiss!” nakasimangot na sigaw nina Kris.
Kung hindi lang talaga ako kasama sa kanila, siguro tumatawa na ako ngayon. ‘Yong mga mukha kasi nila ay parang pinagsakloban ng langit at lupa dahil sa nakakasuklam nilang mga ekspresiyon. ‘Yong mga sigaw at nararamdaman nila ay hindi tumutugma. Halatang kinokontrol sila.
“Kiss your bride!” dark king shouted.
Natanaw ko naman ang pagkunot-noo n’ya at pagtaas ng kilay, wari ba’y hindi niya nagugustuhan na ‘di sumunod si Euhonn sa sinabi n’ya. Well, sa totoo lang nakakatakot ang mukha n’ya ngayon.
Nanginginig naman ang kamay ni Euhonn na tinanggal ang veil ni Eunice.
Eunice’s eyes narrowed. “Don't you dare,” diing sabi nito. Nagbabanta na hindi ituloy ni Euhonn ang kan’yang gagawin.
“I’m so sorry, leader,” Euhonn said at hinawakan na ang mukha ni Eunice.
“I’m under his power. Hindi ko alam kong ba’t ko ito n-nagagawa,” dagdag pa nito, pero mukhang hindi naman s’ya nababahala, parang gusto nga niya ‘to, e.
“D*mn,” Eunice swore nang dahan-dahang inilapit ni Euhonn ang mukha n’ya sa mukha ni Eunice.
Kita ko naman tinapunan ng masamang tingin ni Eunice ang dark king na parang sinasabi niyang ‘you’ll pay for this’ ngunit hindi naman nagpatinag si dark king.
Until their lips met.
And now, they’re kissing each other.
Holy crap!
Pigil hininga sila nang matigil ang halik na ‘yon! Pati ako nga ay parang nandiri no’ng makita kong gumalaw ang labi nila! Oh, God, hindi sana gan’yan sa ‘min!
“They’re kissing!” masayang h'yaw ni Ken, the dark king kaya nilingon ko muli sina Eunice at Euhonn.
I saw how Eunice’s body stiffed and her eyes are still widening and Euhonn crumpled his hands while he was blushing.
I-ni-announced naman ng dark king na mag-asawa na raw sina Eunice at Euhonn.
Umalis naman na sila sa altar at umupo sa tabi nila Anto.
“And last! Groom! Enter!” dark king shouted.
Nakita ko namang pilit na naglakad si Esh-esh sa ginawang altar-altaran nila. Parang na-estatwa rin ako sa aking kinauupuan nang mapagtanto kong kami na pala ang susunod.
Napatingin din ako sa hari na nakangisi lang.
I gritted my teeth, looking at him intensely.
I want to kill him, right here, right now. Nanggigigil na ako sa kan’ya!
“Bride? Enter,” dark king then showed his playful smile.
Naikuyom ko naman ang kamao ko nang dahil do’n.
“Halika na po,” sabi sa ‘kin ng kawal na naghatid sa ‘kin kanina tsaka inalalayan akong tumayo.
“Kaya kong tumayo mag-isa,” I coldly said while making myself stand. Hindi naman ako lumpo para tulungan niya.
“But I think papatayin ako ng ama ko ‘pag hindi kita in-escort-an patungo roon,” tugon pa nito kaya gulat akong napatingin sa kan’ya.
“That’s your dad?!” I shouted while covering my mouth with my two hands. That’s my overreacting gestures. Which means, that was a touch of sarcasm. I didn’t ask him, why the hell he shared those?
“Stepfather, kaya halika na,” sagot pa nito at inalalayan na akong maglakad patungong impyerno.
Dahan-dahan naman kaming naglakad patungong aisle. Well, maganda naman ang mga decoration dito. Mukhang pinaghandaan talaga. Maraming bulalak, pati na rin foods! Napatingin naman ako sa katabi kong nakatingin din sa ‘kin.
“What?” I asked silently. Naka-iirita lang kasi, may dumi ba sa mukha ko?
“Nothing. You’re just so stunning right now,” he said, straightforward, which made me stop for a second. Wow, grabe naman, a. We just met, in love agad sa beauty ko?
I rolled my eyes, “Well, I will take that as a compliment!”
Ngumiti lang ito sa akin at nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad.
Huminto na kami nang makarating na sa bandang dulo ng nilalakaran namin. Binitawan naman ako ng nag-escort sa ‘kin at ibinigay ang aking kamay kay Esh-esh, at sa hindi inaasahan, tinanggap n’ya ito.
“Okay! Let’s start the ceremony!” masayang sabi ni Ken habang ni-ru-rub ang dalawang kamay n’ya sa kan’yang damit.
Marami s’yang kalokohang pinagsasabi sa harapan namin ngunit hindi ko s’ya pinansin at panay irap lang ang itinutugon ko sa kan’ya, tahimik lang din ‘yong katabi ko.
Tinanggap na siguro na wala na kaming magagawa pa. Hanggang sa sinabi niyang kunin na ang kamay ng isa’t-isa.
I just gave my hand to him, gano’n din naman si Esh-esh.
Sa una, wala lang sa ‘kin iyon pero laking gulat ko nang idiin n’ya ang hinlalaki namin sa isang graphic tablet. “Approved na,” usal ni Ken at parang tangang naka-ngisi sa harapan namin.
It is our palm print na nagsasabing umaayon kami sa kasalang ‘to.
Holy cow! Bakit ba ang tanga-tanga ko?
But...
Nalaman ko lang din ito. Like, kailangan muna ng approval ng parents or guardian namin both sides para ma-legalize ang wedding na ‘to at sigurado akong hindi pumayag si Tita sa kasalang ito! Mag-boyfriend nga, e, hindi. Mag-asawa pa kaya?
I smiled pero lahat ‘yon ay nawala no’ng magsalita ang walang h'yang hari.
“Don’t worry! Mali-legalize talaga ang kasalang ‘to, with or without your parents’ or guardians’ approval! At secret ko lang kung paano ko ‘yon nagawa!" magiliw nitong sabi. He even winked at us. Ugh!
“Crazy bastard,” I heard Esh-esh murmured and I agree with that.
Oo, tahimik lang s’ya, pero alam kong galit s’ya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Wow, ano ako? Mad removal? Psh.
“Beatrice, do you take him as your lawfully wedded husband, to have and to hold from this day forward?” Ken asked.
Esh-esh look at me. Nakita ko namang umiling-iling s’ya. Oo, alam ko! Hindi ako gano’n ka tanga para pumayag.
“Please! Don’t you ever say ‘I do’,” he muttered that’s why I nodded as an answer.
“I don—I do!”
Nagulat ako sa sinabi ko... I covered my mouth. No, no! It’s not me! Hindi ako nagsabi ng I do! ‘I don’t’ dapat
‘yong sinabi ko! I don’t! Confident pa akong sinabi ‘yon!
Akala ko pa naman, ‘I don’t’ ang masasabi ko!
Maglalakad na sana ako papalayo rito pero parang may pumipigil na naman sa ‘kin. Ugh! I hate this! I really hate this!
“Okay. How about you Mr. Jouesh? Do you take her as your lawfully wedded wife, to have and to hold from this day forward?” Ken asked once again.
And now, turn ko namang tumingin kay Esh-esh. Baka kasi hindi tumalab ‘yong pagko-kontrol sa kaniya.
“I don’t! I don’t sabihin mo!” giit ko at mangiyak-ngiyak na tumingin sa kan’ya.
Inalis na n’ya ang tingin niya sa ‘kin. “I—I...” Oh, come on! ‘Wag kang magpakontrol sa kapangyarihan niya, please! Huwag!
“I—Don... I do!” Esh-esh shouted.
“F*ck! You’re controlling us!” dagdag pa nito at halatang nagpupumiglas nang dahil sa inis.
“Why should I?” patay malisyang tanga-tangahan naman ng dark king.
Wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lang na matapos ang kalbaryong ‘to.
And the process goes on. Ibinigay na ‘yong ring sa ‘min.
Hindi sana ako magsasalita habang sinusuot ito pero pinagsalita pa rin ako ng l*tseng dark king na ‘to.
“Take this ring at ibenta mo, pambili ng gamot sa mga sugat mo. ‘Wag mo itong isusuot kasi parang may sumpa ‘tong dala sa buhay natin!” I madly said that and was about to put this ring on Esh-esh’s ring finger, but the dark king stopped me.
“Ayusin mo ‘yang pagsasalita mo! Sacred ‘yang singsing na ‘yan!” galit na sambit ni Ken kaya napairap na lang ako.
Kung kontrolin mo na lang kaya kami? Dami pang keme, e! Wala rin naman akong pakialam kung sagrado ‘to o hindi, kasi pinilit lang din naman kami!
“Okay! Take this ring at isuot mo habang buhay! Dalhin mo rin ito hanggang sa hukay at sa kabilang buhay mo! Dahil sumisimbolo ito ng l*tseng pagmamahal ko sa ‘yo, at pangakong mamahalin kita sa panghabang buhay! Na kahit ano mang-struggle na dumating sa buhay natin, hindi pa rin nawawala ang love ko for you! Just... Grabe! I just can't live without you!” sarkastikong sabi ko at harsh kong sinuot sa kan’ya ang singsing na parang sinasabing ‘wag mong seryosohin ang mga kahibangang sinabi ko.
Nangilabot nga ako sa mga pinagsasabi ko. Feel the cringe!
Napatingin naman ako kay Esh-esh.
And now, it’s his turn.
“Take this ring at isaksak mo sa ulo mo, baka sakaling mabasawan ‘yang pagkab*bo mo. Ibenta mo na rin nang mura kasi parang mura lang talaga ‘to,” sabi ni Esh-esh kaya tiningnan naman s’ya ng masama ng dark king. Even I looked at him badly. Sinabihan ba naman ako ng b*bo?
Buti nga sa ‘kin kanina naka-sugar coat, e, sa kan’ya? Psh.
He rolled his eyes and looked at me.
“Take this ring and just wear it. This symbolizes that I’m madly in love with you. So, yeah. Just wear it!” Pag-iiba nito sa kan’yang sinabi at isinuot na ang singsing sa ring finger ko. Pero nagtaka ako, bakit hindi harsh ang pagkakasuot n’ya? Gentle? Oh, yeah. Just like that.
“And ang pinakahihintay natin! You may now kiss the bride!” Ken shouted at nagh'yawan naman ‘yong mga puno sa paligid. Weird, right?
Wala kasing audience kaya parang no choice 'tong gumawa ng kalokohang ‘to.
Nabalik naman ako sa aking wisyo nang maalala kong nasa halik na pala kami na part ng kasalan.
“No, don’t kiss me! I'm warning you!” I uttered when I felt his hands cupping my face. Kumalabog naman ang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.
“Someone is controlling me. Hindi ko alam kong sino. Parang sinusunod ng katawan ko ang mga sinasabi n’ya,” he explained at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Someone? So, hindi si Ken?
Napalinga-linga ako sa paligid ko.
I just smiled when I saw him.
Parang baliw itong tumatawa habang gumagalaw ang kan’yang kamay. Parang may sinulid siyang hinawakan.
Napatingin naman ako kay Esh-esh, which is the wrong move dahil nagtama ang ilong namin, ngunit hindi na ako naglagay ng pakialam pa dahil alam ko na ang makakapigil ng kalbaryong ‘to.
“I found him,” I mumbled and secretly released my powers toward that someone.
Namumukhaan ko s’ya! Siya ‘yong nagdala sa amin dito no’ng nasa Hidden Academy pa kami.
Nakakadalawa na siya sa amin! Tutustahin ko talaga s’ya mamaya!
“Wait! Sinong may gawa no’n?” I heard him shout, kasabay no’n ang pagbitaw sa ‘kin ni Esh-esh.
Natanaw ko naman kung paano nasunog ang mga sinulid na ginagawa niyang pang kontrol sa ‘min.
“Great job,” mahinang sabi ni Esh-esh at bigla nalang natumba sa harapan ko. Nagulat naman ako sa pangyayaring ‘yon.
“H-Hey!” tawag ko sa kan’ya at pilit na inalalayan s’ya.
“Maraming dugo ang nawala sa kan’ya,” Ken said kaya napatingin ako sa kan’ya. “And because you ruined your wedding, wala na akong balak na gamutin yang asawa mo,” dagdag pa nito na halatang halata na hindi n’ya nagustuhan ang aking ginawa.
Hindi ko na lang s’ya pinansin at sa halip ay tiningnan ang mga kasama ko. Wala na rin itong mga malay.
“Pinipigilan kasi nila ang kapangyarihang ‘yon. So, ayan,” saad pa nito na para bang wala lang sa kan’ya ang mga nangyayari.
Napatayo na lang ako tsaka ikinuyom ang aking mga palad.
“Bakit mo ba kami gustong ipakasal sa isa’t isa?!” inis na inis kong sigaw sa kan’ya.
“You want to know why?” he teasingly smiled at me, that’s why I gritted my teeth. “To start again the curse!” he added. I look at him. I don’t understand him. What curse? He murmured something but I did not hear it.
“What?” I asked with knitted brows, curious about what he just whispered.
“Akala ko narinig mo, but sadly, hindi. Good luck na lang sa kaharian niyo dahil hindi ako magdadalawang-isip na sirain 'yon. For now, dahil may awa pa ako, ibabalik ko muna kayo sa Himitsu Realm,” Ken said as he positioned himself. “Oh, I forgot! I enjoyed the wedding. Thank you for the cooperation,” he added while happily smiling again.
May sinabi s’yang hindi ko alam kasabay no’n ang nakakasulaw na liwanag na pumalibot sa ‘min.
“Goodbye, for now, controller...”
ㅤ
END OF CHAPTER 8
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top