VII
Chapter 7: The Dark Fire
“Run!” Euhonn shouted in fear. Tagaktak ang pawis nito habang sinisigaw n’ya ang mga katagang ‘yon.
“No, stay,” someone said which made me roll my eyes. Duh? Ano kami? Aso?
Narinig ko naman ang mga yapak ng hakbang n’ya. Mukhang naglalakad yata s’ya papalapit sa ‘min. Hindi ko alam ngunit biglang nagsi-atrasan sina Anto dahil doon, pati nga si Esh-esh ay lumayo sa ‘kin kahit na paika-ika itong naglalakad.
Tumingin naman ako sa likod ko upang makita kung ano nga ba ‘yong kinakatakutan nila.
Isa itong lalaki, nakasuot ng korona at napaka-guwapo.
Oo, ang guwapo niya, pero nakakainis ang kan’yang presensiya.
“Seems like ikaw lang ang hindi natatakot sa ‘kin,” he said and he’s playing with my very gorgeous hair na hindi dapat hinahawakan ng kung sino-sino.
“Don’t touch me.” I slapped his hands and then badly gazed at him. Ang ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ng buhok ko, e.
He just laughed teasingly. Huh! Curse him.
“Hindi mo ba ako kilala?” tanong niya no’ng natapos s’ya sa kakatawa.
Napataas naman ako ng kilay nang umiling-iling si Sky habang nakatingin sa akin. Ano bang problema ng mga ‘to? Bakit parang takot na takot ‘ata sila sa lalaking 'to? E, ang amo nga ng mukha nito sa sobrang kagwapuhan.
“Sorry, but hindi talaga,” I answered him and smiled with all the sarcasm.
“B-Beatrice... s’ya si Ken, ang dark king...” takot na takot na sabi ni Sky.
So? Anong pake ko? Who cares? Dark king lang naman pala s’ya e!
Wait... Did he say K-King?
Oh God, Beatrice!
Nasapo ko nalang ang aking noo sa isipan ko.
“Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko!” the dark king shouted angrily, kung kaya’t naitikom na lang ni Sky ang bibig niya.
“So, kilala mo na ako... matatakot ka na ba sa ‘kin katulad nila?” dark king asked then pointed his index finger to my classmates. Halata namang nagmamayabang na siya dahil kinakatakutan s’ya ng mga kaklase ko ngayon.
My brow suddenly arched.
“Hell, no. Sino ka para katakutan ko?” I replied with all honesty.
Totoo naman, ano s’ya? Diyos?
He laughed. “Such a brave Hiddian,”
Such a brave Hiddian~ Heh! Matagal na akong matapang, ‘no! Hindi nga nakakatakot ang mukha n’ya dahil sa sobrang guwapo. Ang akala ko nga magkamukha sila no’ng halimaw kanina, hindi pala.
“Beatrice!” Eunice shouted, kasabay no’n ang pagkahilo ko...
Napatirik naman ang mata ko dahil sa sobrang pagkahilo na aking nararamdaman ngayon.
“Aray,” mahinang sabi ko no’ng bumagsak ang katawan ko sa lupa. Ang sakit-sakit ng katawan ko nang dahil do’n.
“Don't use that power against her, or else, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!” Eunice shouted again in a mad tone.
I don’t know what she’s talking about, but I feel warm inside when I sensed that she cares for me. Sounds weird because we just met, but that’s what I noticed.
“Oh, Eunice! Alam kong hindi mo ‘yan magagawa because—” I did not hear the last words that the dark king was about to utter because my sight already turned black and I lost consciousness.
—
Naalimpungatan ako sa bigat ng katawang nakapatong sa ‘kin.
“Uhm...” I moaned in pain. Sino ba kasing hangal ang papatong sa ‘kin?
Ugh! Ang sakit ng buong katawan ko! Lalong-lalo na ‘yong batok ko.
I slowly opened my eyes.
“Holy cow!” I screamed at dali-daling sinipa ang taong nasa ibabaw ko. What the hell is he doing?
“Aray! Ang sugat ko!” Esh-esh complained while touching the part of his body that is wounded. Umasim ang kan’yang mukha sa sakit dahil siguro sa lakas ng pagkakasipa ko sa kan’ya at sa pagkahulog niya sa ibaba. Oh, I forgot! May sugat pala ‘tong isang ‘to!
“I-I’m sorry!” natataranta kong sabi at agad na tinulungan s’yang tumayo.
“Hindi ka kasi nag-iingat! Ang harsh mo!” he said while glaring at me. Wow! Ang arte talaga nito!
“Sorry na nga, hindi ba?” malakas kong sabi sa kan’ya at tiningnan s’ya.
Napatigil naman ako sa ‘king pagtulong sa kan’ya nang mapagtanto ko na ang lapit na pala ng mukha naming dalawa.
Oh-ow. Wrong move, Beatrice! Wrong move!
“Naga-guwapuhan ka na ba sa ‘kin?” he asked while grinning.
Uh...okay? Bakit ang taas ng tingin nito sa sarili n’ya?
Hindi porket napahinto lang at napatitig sa kan’ya ay naga-gwapuhan na agad! ‘Di ba p’wedeng nagulat lang? Ang hangin. Psh!
“E ikaw? Nadiyo-diyosan ka na ba sa ‘kin?” I asked too, coldly. Alam kong ‘di tumugma ang expression ko sa mga sinabi ko but who cares? As long as nakasagot ako sa mahanging unggoy na ‘to, I am satisfied.
“Answer my question first and I’ll answer yours,” he said and grinned intensely. Mas lalo namang n’yang inilapit ang kan’yang mukha sa akin.
Hmm... six inches away, I guess? Pero hindi ako nagpatinag sa kan’ya. If he’s trying to kiss me, I’m trying to punch his wounds too.
“Nah. No need to punch my wound because kissing you is not my intention,” Esh-esh murmured in a disgusted tone.
What? Nandidiri s’ya? Sa gandang kong ‘to?
Sandali lang! Nababasa n’ya ang isip ko! Is he— Is he a mind reader?
Nervously, I asked him, “Are you a mind reader?”
“Nope, sad’yang makikita lang talaga sa expression mo,” he answered. Lumayo naman na ito sa akin at umupo na sa gilid ng kama.
Hell. Ang dami ko pa namang iniisip na kahih'yan, buti na lang talaga at hindi. Muntik na ako ro’n.
“Where are we?” I changed the topic, looking at him with curious stares.
“Dark palace. Kinulong tayo ng dark king,”
“Nasaan sina Kris at Eunice?” tanong ko na naman sa kan’ya, dahilan para tingnan n’ya ako.
“Nasa kabilang bahagi ng palasyo. Actually, ang layo ng kulungan nating lahat sa isa't isa,” sagot naman n’ya habang hinahawakan ang kan’yang tagiliran.
Ano? Malayo? E ‘di ibig sabihin n’yan ay kami lang dalawa ang naririto sa seldang ‘to? Ano bang nakain ng hinay*pak na dark king na ‘yon at naisipan niya ang bagay na ‘to?
“So, ibig sabihin. Tayong dalawa lang ang nakakulong dito?” Napatayo naman ako habang sumisigaw sa kan’yang harapan.
“Gano’n na nga,” sabi pa n’ya at hinawakan ang braso niya. Nakita ko naman kung paano s’ya napangiwi nang dahil siguro sa sakit ng mga sugat niya.
May sugat din pala siya roon.
“Oh, God!” sigaw ko at ginulo ang buhok ko.
Bago pa lang ako rito pero ang dami-dami na ng mga kamalasan na nangyayari sa ‘kin! Paano pa kaya kapag nagtagal ako? E ‘di mamamatay na ako nito? Nako naman! Ano ba ‘tong napasukan ko at bakit ako pumayag dito?!
“Uh,” I heard Esh-esh winced, so I looked at where he was. He’s tightly holding his shoulders while his eyes were groaning in pain.
“You’re bleeding again,” saad ko at inilakbay ang mga mata ko sa buong silid.
Gusto kong maghanap ng mga bagay na p’wedeng pangtakip sa mga sugat niya upang hindi na ito lumala pa.
“Ayon!” patalon kong sigaw at tinulungan ko s’yang ihiga sa kama na hinihigaan ko kanina.
Nakita ko naman kung paano s’ya nagulat dahil sa ginawa ko, pero hindi ko lang s’ya pinansin at inayos s’ya sa pagkakahiga n’ya na para bang nurse ako sa hospital.
Tiningnan ko naman s’ya sa mata bago magsalita. “You have power, don’t you? Do you have the ability to heal yourself? Miss Anika said you are an earth manipulator!”
“I would have done it a while ago if I could,” he replied, still agonizing with the pain that he was feeling right now.
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa narinig ko. Hindi ba dapat alam niya ‘yon? Earth manipulator siya, e, may alam sa mga herbs and other kinds of plants na p’wedeng gamitin para sa pagpapagaling at paggagamot ng sugat.
Tiningnan naman n’ya ako. “E, ikaw? Subukan mo kayang ipalabas ‘yong kapangyarihan mo? Hindi ba may kakayahan ka rin, ‘yong naubos ‘ata no’ng nakaraang araw?” At talagang pinaalala pa talaga n’ya ang pangyayaring ‘yon!
Inirapan ko na lang s’ya at tiningnan ang kamay ko na may halong pagtataka. Paano ko nga ba ipapalabas nang maayos ito katulad ng pagpapalabas ko no’ng iniligtas ko s’ya kanina sa mga masasama at mga pangit na nilalang na ‘yon?
Naalala ko naman ang asul na apoy na pinag-uusapan nila kani-kanina lang. Iyon ang napalabas ko kanina. I looked at him and he gazed back at me.
“I’ll try,” I muttered as I close my eyes tightly.
Nakakabaliw mang isipin pero inisip ko na lalabas kuno ‘yong kapangyarihan ko. Kagaya ng sabi sa amin ni Miss Anika ay iyon din ang ginawa ko.
Parang tinatawag ko sila.
No’ng maramdaman kong uminit ang palad ko ay dumilat na ako.
“T-That fire...” Halatang nagulat naman si Esh-esh dahil sa pinalabas kong kapangyarihan.
“Yeah. Blue fire,” saad ko at yumuko. Ang akala ko tubig ‘yong lalabas pero bakit ‘yong apoy na iyon?
Unti-unti namang nawala ang aking kapangyarihan sa palad ko.
“So, ikaw ‘yong nawawalang ka—” I cut him in mid-sentence.
“Porket kaparehas kami ng kapangyarihan ng kambal ng babaing 'yon ay kambal ko na s’ya? ‘Di ba p’wedeng nagkataon lang na parehas kami?” I explained while looking at him.
Para akong defensive sa mga naitugon ko sa kan’ya. Bakit parang apektado ako kahit hindi ko naman napaginipan 'yong panaginip nila?
“No. Walang kaparehas ang kapangyarihan na ‘yan dahil ang may gan’yang kapangyarihan lang ay anak ng dalawang magkakaibang dugo ng dalawang immortal,” sabi pa niya sa akin. Mukhang naguguluhan din siya.
“Huh? E, si Eunice rin naman, a? Half-half? Pero bakit normal na apoy lang ang naipapalabas niya?” tanong ko rito habang nakakunot ang aking noo. Tama naman ako hindi ba? Kung magkapatid sila, e ‘di may dugo ring itim ang nananalantay sa ugat ni Eunice?
“It’s because the white blood prevailed in her blood, not the dark blood.”
“So, you mean na ang may ganitong klaseng apoy, ay nananaig ang masama n’yang dugo kaysa sa mabuti n’yang dugo?” I said and he just nodded.
“Ridiculous!” natatawang sabi ko sa kan’ya.
My power is blue fire... And this is the power that Eunice’s twin sister inherited from their father.
At masama ang nanaig sa dugo mo kapag may kapangyarihan ka na ganito.
Argh! My mind is a mess right now!
May posibilidad ba na ako ‘yong kambal ni Eunice?
Hell, stop that crap possibilities thingy.
I am weak and she’s strong, with or without using her abilities.
“Stop thinking. Just cure my d*mn wound. It hurts, you know?” Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Esh-esh. Namimilipit na ito sa sakit habang hinahawakan ang nagdurugo niyang mga sugat.
“Hindi ko alam kong paano...” I said seriously and with all honesty. Hindi ko naman talaga alam.
“Isipin mo lang na ginagamot mo ako habang inilalapat mo ang mga palad mong may kapangyarihan sa sugat ko! Simpleng bagay, hindi pa magawa!” Esh-esh retorted, he even rolled his eyes as if he was saying that I’m too dumb to not know that. Huh. Heck him.
Hindi ko na sana s’ya gagamutin ngunit naawa ako sa sitwasyon n’ya ngayon. Puno na rin ng dugo ang hinihigaan niya dahil sa ayaw tumigil na dugo n’ya, buti nga at hindi s’ya nauubusan. Unlimited siguro.
Inisip ko na naman na lumabas ang kapangyarihan, and it works, my blue fire is on my palm right now.
“Baka, masunog ko ‘yong tagiliran at braso mo,” I nervously said and he just teasingly laughed at me.
May gana pa talaga s’yang tumawa sa sitwasyon n’ya. Psh.
“Just do it. Ang sakit na,” nahihirapan niyang sabi. Hindi na ako nagsalita at inirapan na lang s’ya.
Ipinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa. Nanginginig na ang kamay kong may asul na apoy natatakot ako baka hindi gumana. Nakaka-heal kaya ang apoy? E, mas kilala ito bilang destruction sa buhay natin? Dahan-dahan ko itong inilapat sa sugat n’ya.
‘Cure him,’ I commanded.
Nakita ko namang unting-unting nawala ang nahihirapan niyang mukha.
“I feel warm...” he mumbled as he slowly closed his eyes like he loved the burning sensation that I put to his wound.
“My blue fire reduces your pain and stops the bleeding of your wounds but it can’t cure you. After this, I'll cure you with my hydrokinesis ability,” I said out of nowhere. Hindi ko rin alam kung saan ko napulot ang mga salitang iyon ngunit bigla na lamang ito lumabas sa aking bibig.
Dahan-dahan ko namang tinanggal ang kamay ko sa kan’yang tagiliran, huminto na ang pagdurugo nito kaya ang braso na naman niya ang aking isusunod.
“Just what!?” Esh-esh howled and grabbed my left hand harshly. Why the hell he’s suddenly acting like a raging beast?
“Masakit,” giit ko at pilit binabawi sa kan’ya ang aking kamay. Nakita ko namang nagdurugo na naman ang braso niya.
Kahit na namimilipit ako sa sakit dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay ipinalabas ko pa rin ang kapangyarihan ko sa kanang kamay ko at dahan-dahang inilapat ‘yon sa braso niya.
He just stared at me.
Nang makita kong tumigil na ito sa pagdurugo ay tinangal ko na ‘yong kanang kamay ko, ‘tsaka pilit na tinatanggal ang kamay niya sa aking kanang kamay.
“N-Now, bitawan mo na ang kamay ko,” I said in a low tone. Nanghihina ako dahil siguro sa paggagamot sa kan’ya o dahil sa higpit ng pagkakahawak n’ya sa palad ko.
“Ayesha...” he said then cupped my face with his free hand. Hindi ko alam kung sino ang tinatawag niya, ngunit parang nainis ako nang sabihin n’ya ito.
“Bitiwan mo ako,” mariin kong utos sa kan’ya at pilit na tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.
Napaaray naman ako dahil mas humigpit pa ang pagkakahawak n’ya rito.
“No! Not yet,” he said. “Gusto kong patunayang ikaw talaga ‘yan,” dagdag pa niya. Nakita ko naman kung paano naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Ano raw? Dala ba ito ng sugat niya para makapagsabi s’ya ng kung ano-ano?
“Hindi kita maintindihan,” naguguluhan kong sagot sa kan’ya.
Gusto ko mang ipalabas at batukan ang mokong na ‘to dahil sa ginagawa n’ya sa akin ay hindi ko magawa dahil nanghihina ako sa hindi ko malamang dahilan.
Nagulat ako ng hawakan n’ya ang isa ko pang kamay. “Ano ba!” angal ko rito at pilit na inilalayo ang sarili ko
sa kan’ya.
Ano ba ang nakain nito at bakit naging ganito ang unggoy na ‘to?!
Uminit naman ang pisngi ko nang mapagtanto kong ang laswa ng posisyon namin ngayon.
Nakaupo ako sa tabi n’ya tapos nakahiga s’ya at dahil nakahawak na s’ya sa dalawang braso ko, ang naging posiyon namin ay nasa ibabaw n’ya na ako na parang ako ‘yong hahalik sa kan’ya!
L*tse! Ano ba ‘tong nangyayari rito?! E, gusto ko lang naman pagalingin ‘yong mga sugat niya!
Hinila niya pa ang braso ko dahilan para mas lumapit pa talaga ang mukha niya sa ‘kin, I think three inches away from my face?
Umiwas naman ako ng tingin sa kan’ya ngunit bigla n’yang hinawakan ang mukha ko kaya hindi ko ito nagawa. “Look into my eyes... Hindi mo ba ako naaalala?” he sadly said.
I just stared at him, trying to absorb what he was saying. Kumurap naman ako ng ilang beses.
“Pasensiya na pero wala akong ala-ala tungkol sa ‘yo,” I said while looking straight into his eyes.
He released a deep sigh. “Kung gano’n, mapipilitan akong gawin ito,” sabi pa n’ya at mas lalong inilapit n’ya ‘yong mukha niya sa mukha ko.
I can’t speak and I can’t move. My heart is throbbing so fast.
Nakita ko naman kung paano niya ipinikit ang kan’yang mga mata habang unti-unting inilalapit sa ‘kin ang mukha niya. Napalunok naman ako nang ngumuso ang labi niya.
Diyos ko! Ano ba ang ginagawa niya?
“Tinatawag kayo ng mahal na hari.” Napatigil si Esh-esh sa kahibangan n’ya nang bumakas ang pintuan kung saan kami nakakulong.
Dahan-dahan naman s’yang umupo at hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.
“Bilisan niyo. Ayaw na ayaw n’yang pinaghihintay siya,” sabi pa ng isang kawal.
Mukhang nagising naman si Esh-esh at binitawan na ang kamay ko.
“Let's go,” he awkwardly said, pati rin ako ay hindi kayang titigan ang mukha n’ya.
I just nodded at sumunod na sa kan’ya.
“Sumunod kayo sa ‘kin,” sabi pa no’ng kawal at naglakad na, agad naman kaming sumunod sa kan’ya.
—
“Oh! Ang sweet niyo namang tingnan,” bungad sa ‘min ng dark king na nakaupo sa trono niya.
I gritted my teeth secretly. D*mn him! Nagagalit pa rin ako sa kaniya dahil sa ginawa n’yang pagpapatulog at pagkukulong sa amin.
Like, ano bang purpose n’ya para dakpin kami?!
“What do you want?” cold na tanong sa kan’ya ni Esh-esh.
“Gusto kong makasal kayong dalawa,” dark king said.
My whole body stiffed.
“Wait! Just what?” gulat kong sigaw. Umalingawngaw nga ang boses ko sa loob ng silid dahil sa lakas nito, e.
“Bakit? Hindi lang naman kayo ang ikakasal, a? Sila rin naman.” dark king sabay itinuro sina Eunice at Antonette na naka-wedding attire na.
My eyes narrowed into slits. Holy cow!
"We have no choice," nakasimangot na sabi ni Kris.
“Sandali lang! Nasisiraan ka na ba ng bait?” nanggagaliti kong bulalas. Nakita ko naman kung paano ikinuyom ni Esh-esh ang mga kamay n’ya.
“Nope. Lahat talaga ng tumatakas sa kulungang ‘yon ay pinapakasal ko. Kahit isang babae lang ang tumakas, ipapakasal ko pa rin siya sa mga kawal ko, but since pareho lang ang bilang ng lalaki’t babae sa inyong grupo ay hindi ako nahirapang pumili,” dark king uttered. Parang ang saya-saya pa niya sa kan’yang ini-announce sa ‘min.
Hindi ako makapaniwala sa kan’ya. Sigurado akong may tinatago pa siya kung bakit niya kami pinapakasal sa isa't isa! Walang hiya siya!
“Just kidding, I was just doing this to wake the curse!” the crazy dark king mumbled. Hindi ko ito masyadong narinig sapagkat ‘di pa rin nagsi-sink in sa utak ko na ipapakasal niya kaming lahat sa isa’t isa.
“Oh, God,” I said then messed my hair. Hindi ko alam kung bakit napunta sa kasalan ito, e, pagdadakip lang naman siguro ang gagawin nila sa amin!
“I’m not going to marry her,” Esh-esh said coldly.
Gan’yan nga, huwag kang pumayag!
“E ‘di sapilitan ko kayong ikakasal,” dark king.
“Pasuotin niyo na ‘yan. Malapit nang magsimula ang seremonyas,” utos ng dark king sa mga kawal at utusan n’ya. He even smiled at us na parang sinasabi n’yang we need to thank him dahil ginawa n’ya ‘to. Huh! F*ck him!
Ugh! Hinding-hindi ako magpapakasal ngayon! No! Not ever!
END OF CHAPTER 7
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top