VI

Chapter 6: A Piece of History


Apat na lawa na may apat na kulay ang sinasabing may kakaibang kapangyarihan. Asul, berde, kayumanggi, at pula.  Ang bawat lawa ay nabuo matapos ang pagsabog ng isang bulkan,  at ang iba’t ibang mga katangian ay naging sanhi ng iba’t ibang mga lawa.

Habang patagal nang patagal, ang mga lawa ay nagpapalabas ng ginintoang bato na s’yang nagiging sentro ng buhay ng mga kaharian dito. May mga taong may masamang layunin ang gustong kunin at buohin ang apat na bato at gamitin ito sa hindi kaaya-ayang paraan. Kaya napagdesisyonan ng apat na kaharian na ipamahala ang mga ito sa mga taong may lubos na kakayahan upang ito ay pangalagaan. 

Subalit lumipas ang mga taon ay parami nang parami ang nahuhumaling sa kapangyarihan nito gayundin ang mga taong gustong mapasakamay ito. Hanggang sa isang araw, naghari ang kadiliman. Ang dating nag-iisang mga kaharian ay nagkawatak-watak na ngayon; dahilan sa pagkakabuo ng ikalimang kaharian. 

Himitsu Realm, Arcanum Realm, Mortallis Realm, Schadewe Realm, at ang ikalima ay ang Demonisia Realm. Lahat ng kaharian, maliban sa panglima, ay nagpatayo ng sari-sarili nilang mga paaralan upang turuan at mapaunlad ang paggamit ng mga kabataan ng kani-kanilang mga abilidad, at upang sa umaabot na tangka ay maprotektahan nila ang kanilang mga sarili pati na rin ang kanilang kaharian, at ang mga naninirahan dito. 

Hidden Academy, matatagpuan ito sa Himitsu Realm. Isang engrandeng gusali ang nakatayo sa gitna ng isang napakarilag na reserba ng kalikasan, at napapalibutan ng isang maayos na bakod at napakalaking tarangkahan. Ito ang akademya ng kahariang Himitsu, na kung saan nakukuha ang kaalaman sa pamamagitan ng mahika at pakikipaglaban. 

Isang paaralan na kung saan inihahasa ang iyong kapangyarihan at tuturuan ang mga hindi pa nakakaalam sa kanilang nakatagong mga kakayahan. Tinitawag itong Hidden Academy dahil kumakalap sila ng mga espesyal na mga tao sa mundo ng mga mortal na may mga nakatagong mga kapangyarihan at katauhan sa kaloob-looban nila. 

Sa hindi inaasahang pangyayari, ang apat na tagapangalaga ay nakagawa ng isang kahindik-hindik na pagkakamali. Umibig sa hindi naman dapat ibigin. Nagkaroon ng mga sumpling na hindi naman dapat na mangyari. Isang kalapastanganan na hindi dapat gayahin nino man. 

Nang dahil doon, isang sumpa ang dumating. Na s’yang nakapagpabago sa takbo ng pamumuhay ng mga imortal dito, ang dating kadiliman ay mas lalong dumilim, at ang sumpang kailangan mawaglit ay paulit-ulit na nangyayari. Napataw sa mga anak nila ito... Apat na itim na mahika ang ipinataw sa mga sumpling at isang sumpang walang makakapigil kung hindi sila lamang. Ito ay paulit-ulit na nangyayari, walang hanggang panunumbalik.

Ngunit isang araw may panibagong propesiya ang muling namataan. Isang propesiyang makakapagtapos ng lahat ng kadiliman. Propesiyang makakatalo sa kasamaan, at magdadala ng walang hanggang kaliwanagan. 

Dahil sa paniniwalang ito ay umaasa ang mga imortal dito ng isang malaking pagbabago. Sila ay naghihintay ng isang malaking pagbabago na s’yang ipupuri at hindi makakalimutan ng lahat.

Sa ika-apat na yugto ng kanilang panahon, sa ilalim ng dalawang naglalakihang buwan, kaluwalhatiang hinaharap ay mababanaag, mga balakid ay hindi nila ma-a-alintana, sapagkat ang kanilang inaasam na bukang liwayway ay maaapuhap na at ang apat na sandata ng kaliwanagan ang nakapagbibigay ng panayam sa mga mapaniil na mga nilalang.  ㅤ
 

— 

Napabalikwas naman ako dahil sa napaginipan ko. 

Ano ’yon? Bakit ko ’yon napaginipan? 

Tiningnan ko rin ang mga kasamahan ko na hingal na hingal at may pawis pang rumaragasa sa mga noo nila.

“May napaginipan ako!” sabay-sabay naming sabi kaya nagtataka kaming nagkatinginan sa isa’t isa. 

“History,” Eunice started talking.

“Ng dalawang kaharian,” dagdag naman ni Calvin.

“Dalawang bata.” Nagsimula na ring magsalita si Sky.

“At isang matanda,” dugtong naman ni Carper.

Nagtaka naman ako rito. Akala ko ba parehas kaming lahat ng napanaginipan, e, hindi naman pala. Anong dalawang kaharian? E, lima ‘yon! Nabanggit pa nga ang Demonisia Realm!

“Parehas kayong lahat ng napaginipan?” naguguluhang tanong ko sa kanila at tumango naman silang lahat. Weird.  Bakit sa akin hindi kaparehas sa kanila? 

“Parang gano’n na nga,” Sky answered then stretched his arms. 

“Totoo ba ‘yong tungkol sa kambal?” Kris curiously asked. 

“Oo, dahil ‘yong isa sa kambal na tinutukoy ng matandang babae ay...” sambit naman ni Euhonn at lumingon kay Eunice. 

“Ako,” Eunice said kaya napasinghap silang lahat. Ako naman nakakunot lang ang noo. Ayaw kong maging joiners kaya hinayaan ko lang silang pagtsismisan ‘yong mga napanaginipan nila. 

“Ibig sabihin... kaya mong sirain ang lahat ng kaharian?” gulat na usal ni Anto sabay hawak sa kan’yang baba. Napaka-oa naman ng reaksiyon ng isang ‘to. 

“Hindi... Kalahati lang. Kalahati sa ‘kin, kalahati sa kambal ko,” Eunice answered, making me wonder what kind of dream they’ve been dreaming. 

“Malakas ka pala, e. Nandito na tayo. Ba’t ‘di mo talunin ang hari rito?” sabi no’ng cold na babaeng transferee. ‘Yong sinabing trained daw s’ya at fire user din? 

Teka? Nandito pa rin kami sa kasumpa-sumpang lugar na ‘to? Akala ko nasa eskwelahan na ako, nakatulog lang pala. Psh. 

“No, Eunice can’t do that,” Euhonn replied. Naging seryoso naman ang mga mukha nila no’ng sabihin ‘yon ni Euhonn. Well, except sa aming mga walang alam  tungkol do’n syempre. 
Napabalik-balik naman ang tingin ko sa kanila. Ano ba kasi ang pinag-uusapan ng mga ‘to? At parang hindi yata ako oriented? 

“Dahil tanging kapatid lang n’ya ang makagagawa no’n, na may dugong naimana sa mga dugo ng mga
Darshinians,” dagdag pa ni Calvin na s’yang napagpataas ng kilay ko, so it means, dugong masama?

Darshinians kasi ‘yong tinutukoy n’ya na sa palagay ko ay ang mga pangit na nilalang na nakasalubong at humabol sa amin ni Esh-esh kanina. Hala! So, pangit ang kapatid ni Eunice dahil nga Darshinian?

“Hindi pa pala s’ya nahahanap?” Esh-esh murmured pero sapat na ‘yon para marinig ko. 

“Nasaan na pala ‘yong kapatid mo?” Kris asked.

“Hindi pa s’ya nakikita,” Eunice answered. 

“Paano ba s’ya hanapin? I mean, ano ang palatandaan para makita s’ya?” Anto also asked. 

All of them are curious about it, kaya makikita mo sa mga ekspresiyon nila na gustong-gusto nila malaman ang tungkol dito.

“Syempre magkamukha sila! Kambal nga hindi ba?” buwelta naman ni Carper kaya inirapan lang ito ni Anto.

“No. Mommy Allysa said that we’re a ‘fraternal’ twin. 

So, hindi kami magkamukha,” Eunice explained. 

Ang palitan naman nila ng mga tanong ay hindi ko maintindihan, bakit ba kasi iba ‘yong napaginipan ko? E, sa kanila pare-parehas lang?  
“So, ano nga palatandaan?” tanong na naman ni Kris.

“Her power. Her fire. I’ve got the red fire or the normal fire while my twin got the blue fire,” Eunice answered. 
My body stiffs. B-Blue fire? Hala! Iyon ‘yong napalabas ko kanina ah!  

“May nakakaalam ba kung ano ang dahilan ng bigla n’yang pagkawala?” Napalingon naman ako sa tanong Esh-esh.

“Yes, she ruined our kingdom before she left, that was what my mother said,” Eunice answered. Nakita ko naman ang kalungkutan sa mga mata n’ya nang sabihin n’ya ‘yon.

“Ahh...” they all said in unison. 

“Hey! Beatrice? Are you okay?”  nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Kris. 

Tumango ako at pinunasan na ang rumaragasang pawis sa noo ko. Wow, nakakakaba naman ‘yong sinabi ni Eunice.


Well, baka namalikmata lang ako kanina kasi nga hinahabol kami ng mga halimaw na ‘yon.

“Enough of the twin thingy. Mag-isip nalang tayo kung paano makakatakas dito,” cold transferee said. Halatang hindi n’ya gusto ang topic dahil gusto n’ya na matapos na ito. Psh. 

“Hindi ko kayang makagawa na portal, parang meron kasing pumipigil sa ‘kin,” nakakunot noong sambit ni Eunice. 

“I can’t do it too,” saad din ni Calvin na halatang naguguluhan din.

“So? Paano tayo makakaalis dito?” Anto asked then crossed her arms.

“Maghintay na lang tayo. Alam kong pupunta at pupunta rin ang mga magulang namin dito para iligtas tayo,” sabi naman ni Euhonn, pero mukhang nag-aalangan ito sa kan’yang mga binitawang salita. 

“Ano? Paano kung next year pa sila makakarating? Paano kung pagkarating nila rito’y mga bangkay, o ‘di kaya’y kalansay na tayo? Alam naman siguro nating lahat na mahirap gumawa ng portal para makapunta rito, hindi ba?” Sky screamed like a scared cat kaya napatahimik kami.

I heaved a sigh ‘tsaka tumingin sa paligid.

Ngayon ko lang nakita na lahat pala ng nandito ay patay na.

Patay na halaman, puno, damo pati nga siguro mga hayop ay patay na. Wala kasi akong nakikita e. Miski ibon man lang. Hindi ko alam kung bakit may oxygen pa rito, e, wala namang mga puno para kunin ‘yong carbonara— I mean carbon dioxide at gawing oxygen, kaya bakit kami nakakahinga nang maayos dito?

“Hindi ba’t konektado ‘to sa Purgatory?” Caper broke the silence. 

“Malamang! Konektado lahat ng kaharian sa Purga...to...ry!” Sky slowly said then rolled his tongue on his lower lip. 

“Aha! Makakagawa tayo ng portal patungong Purgatory, tapos patungong Himitsu!” masayang dagdag pa nito.

“Buti’t may matino ka nang nasasabi, Carper,” sabi pa ni Euhonn at tinapik-tapik ang balikat ni Carper.

“G*go!” sigaw naman ni Carper ‘tsaka tinampal ang kamay ni Euhonn kaya tumawa na lang ito. 

“Okay, tama na ‘yan,” Eunice said kaya napatahimik na silang dalawa.

“Gagawa na ako ng portal patungong Purgatory,” dagdag pa nito at pumwesto na.

Umatras naman kami ng kaunti.
Napatitig ako sa isang bilog na nilikha ni Eunice, palaki nang palaki ito, at sa hindi malamang dahilan ay para kang hinihigop nito kapag lalapit ka dito. 

“Nakakasilaw,” bulong ko sabay takip sa mga mata ko gamit ang sariling braso. 

Sunod naman ay may pinalabas si Eunice sa kabilang kamay n’ya, ewan ko kung ano ‘yon, basta dahil doon, nagkakulay ‘yong bilog at lumakas ang bugso ng hangin.

Parang ipo-ipo naman kung tititigan mo ang kan’yang ginagawa, at para ka lang nananalamin dito.

Hindi man ako maalam sa mga ganitong bagay ngunit parang nilakasan ni Eunice ‘yong kapangyarihan niya upang gumawa ng malaki at hindi basta-basta naglalaho na portal. 

“Nandito sila!” Napalingon naman ako dahil sa sumigaw sa aming likod. 

“What’s that?” Nakakunot-noo kong tanong habang pinagmamasdan ang mga mukha ng nagsalita bago lang. 

May malaki itong mga mata, matalas na tenga at matulis na ngipin. Kahit napakapayat kung titigan mo sila ay nakasuot pa rin sila ng kanilang mga panglaban na kasuotan. 

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot dahil sa nasasaksihan ko ngayon pero mukhang matatawa ‘ata ako. Hindi sa pagiging judgemental, pero ang kanilang mga wangis ay nakakadiri. 

Unti-unti namang naglaho ang kapangyarihan ni Eunice kasabay no’n ang malakas na pagsabog sa direksiyon ng mga yucky na mga nilalang. 

“Dark warriors!” sigaw ni Calvin dahilan para mataranta ang iilan sa ‘min. 

Narinig ko namang nagdadasal si Kris sa may gilid habang si Anto naman ay weird na nagsasalita mag-isa. 
Pinapunta kami nila Eunice sa likod nila para salubungin ang sandamakmak na mga yucky na nilalang.

Tinulungan naman ako nila Kris na buhatin itong baklang ‘to. 

“Ouch! Maghinay-hinay ka nga Beatrice!” angal nito at maarteng pinagpagan ang sarili. Wow! E ‘di sana tinulak ko nalang s’ya ro’n sa bangin para hindi na s’ya masaktan!

“Hiyang-hiya naman ako sayo! Tinulungan ka na nga nag-i-inarte pa!” sagot ko rito at napa-irap na lang. 

Nakita ko namang pinagtutulungan sila ng sandamakmak na mga kawal ng Demonisia. Si Calvin ‘yong nagpipigil para hindi makalapit ang mga ito sa ‘min. Si Sky naman, nilalaro-laro n’ya ito gamit ang kan’yang hangin. Si Carper ay parang tangang tumatawa habang pinapaulanan ng kuryente ang mga kadiring nilalang, pati si Euhonn, gumawa s’ya ng parang Christmas tree tsaka binitay ‘yong mga nilalang na para bang desenyo rito. Napatingin naman ako sa ibang bahagi. Wala na ngang buhok, kinalbo pa ng one hundred times ni Eunice gamit ang apoy n’ya. Si Eunice lang ang babae roon, pero s’ya talaga ang nakakaagaw ng atensiyon kapag nakikita mo s’yang lumalaban. Ang galing kasi nito. 

Ang cool nilang tignan habang naglalaban sila. Parang wala lang kasi ito sa kanila dahil kita mo naman parang pinaglalaruan lang nila ang mga ito. 

Nagkatinginan naman kami nila Kris at Anto. Gusto man namin silang tulungan, ngunit mukhang magiging pabigat lang kami sa kanila dahil hindi pa namin alam kung paano gamitin ang aming kapangyarihan.
Sinundan ko naman ng tingin si Kesha yata ‘yon, at nakitang nakisali ito sa pakikipagbakbakan. 

“Motherf*cker!” duet namang nagmura nina Sky at Carper kaya napatingin ako sa taong minura nila.

“Run!” Euhonn shouted. 

END OF CHAPTER 6

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top