V

Chapter 5: Demonisia Realm



Kasalukuyan  akong nanonood ng laban nina Kristina at Carper nang may biglang sumigaw.

“Ang mga alagad ng Darshinians, nandito!” tili ng kung sino, dahilan para magkagulo ang lahat.   

“Sh*t!” sigaw ng isang unano. I mean, sigaw ni Sky.

Nataranta ang lahat, dahilan para hindi makapunta sa exit ang iilan. Sh*t talaga! Ano ba kasing nangyayari dito? Stampede na kami rito sa loob dahil sa mga nagpa-panic na estudyante! 

Napatingala naman ako sa itaas. May mga giant humanoid species na naglalakad sa loob ng arena. Ang lalaki nila at kitang-kita mo talaga ang kanilang mga private genitals dahil wala silang mga saplot! Ang lalaki ng mga baba nila, may iba ring deformed ang mga katawan at may ibang parang the grudge kung maglakad. Matatalas ang mga ngipin nila at makikita sa mga mata nila ang pagkagutom. Ang amoy ng mga ito ay mas masangsang pa sa amoy ng mga namatay na hayop! Ang baho!
Bakit may gan’yang mga nilalang dito?! 

“Leviathan…” Calvin murmured ngunit sapat na ‘yon para marinig naming lahat.

“Lahat kayo! Pumasok na sa kan’ya-kan’ya ninyong mga dorm! ‘Wag kayong mag-alala! Tinawag na ang immortal warriors at ang mga nakatataas na royalty!” sigaw n’ong lalaki at bumaba na sa lumulutang na lupa. “Okay. Ganito, guys—“

‘Di ako nakinig sa kanila. Sa halip ay tumingin lang ako sa likod nami— Holy cow! Maraming mga leviathan ang naglakad patungo sa direksiyon namin! Para silang mga zombie maglakad! Diyos ko po!

“Guys?” sambit ko at bahagyang napaatras.

“Guys!” inis kong sigaw pero hindi pa rin sila nakikinig sa ‘kin. Ano bang problema ng mga ‘to?!

“Bullsh*ts!” Now, I’m pissed.

Agad-agad naman silang napatingin sa tinitingnan ko.  Psh. Pagmumura lang pala ang katapat.

“Holy sh*t!” hindi makapaniwalang sigaw ni Carper.

“Carper, alam mo na ang gagawin!”  sigaw naman ni Euhonn sa kaniya na para bang may plano sila upang mapatumba ang mga ito nang madalian.

“Tumakbo na kayo!” malakas na ani pa Euhonn kaya tumakbo na ang mga kasamahan ko. Pati nga si baklang Esh-esh ay kumaripas ng takbo. 

“Euhonn! Release your earth ability!” Carper commanded as he released his ability. Sinundan naman ito ni Euhonn.

Ginapos ni Euhonn ng mga baging ang isang nilalang at kasabay n’on ay ang pag-release ni Carper ng kan’yang electrokinetic ability. Isang nakabibinging pagsigaw naman ang narinig ko sa isang malaking halimaw na tinamaan ng kuryente ni Carper, kasabay nito ang malakas na impact na tumama sa sahig dahil sa pagkatumba nito. Nasali naman ang ibang kasamahan ng halimaw kaya damay-damay silang lahat na nakuryente. Namangha ako dahil habang ginagawa nila ‘yon ay parang nagbi-blink sila at tumalon-talon.

“Pipi ba sila?” nagtatakang tanong ko sa kanila kaya napatingin silang dalawa sa ‘kin. 

“Beatrice?! Ba’t ka pa nandito?” sabay naman silang napasigaw dalawa sa akin. ‘Di naman siguro halata na gulat na gulat sila, ‘no? Psh. 

“Kasi wala ako ro’n,” sagot ko sabay turo sa itaas. 

Sila Eunice at ‘yong ibang mga kaklase ko ay nagtulungan para mapakalma ang ibang mga estudyante at pinalalabas ang mga ito sa isang lagusan sa ibabaw. Nakita ko namang parang gumagawa ng barrier si Calvin para pigilan ang mga malalaking nilalang na istorbohin sila sa pagpapatakas ng ibang mga imortal.

“Nawawala na ‘yong kuryente sa katawan nila kaya tumakbo na tayo!” malakas na sigaw ni Euhonn sabay hila sa ‘kin papalayo ro’n sa mga natumbang halimaw.

“Nandoon sina Leader!” turo ni Carper sa pinanggalingan nila Eunice. 

Dali-dali naman kaming tumakbo patungo ro’n. Kami na lang din ang natira dito dahil mukhang napalabas na nila ang ibang mga estudyante sa loob ng arena. 

“H’wag kayong lalapit!” Anto warned us kaya napahinto kami. Bakit nandito sila? Tumulong din ba sila sa pagpapalabas ng mga estudyante? 

“At bakit naman?” nagtatakang tanong ni Carper.

“Sa likod!” tarantang sigaw rin ni Kris kaya agad kaming napalingon sa likuran namin.

“Gotcha!” nakangising bungad sa amin ng isang lalaki. Kakaiba ang itsura nito dahil sa itim na ugat na nakapalibot sa kan’yang katawan. Kulay itim din ang kulay ng kaniyang mga mata, matutulis ang mga ngipin niya, at idagdag mo pa ang purong itim niyang tuxedo. Ang creepy at ang pangit niyang tingnan, para siyang isang demonyo.

Iniwakli ko naman ‘yon sa isip ko at akmang susugod na sana sa kan’ya ngunit— “The fudge! Bakit ‘di ako makagalaw?!” galit kong wika at pinilit na gumalaw pero hindi ko magawa.

“Hindi ka talaga makagagalaw  dahil nasa ilalim ka ng kapangyarihan ko,” the creepy guy mumbled while moving his fingers as if he was holding a puppet doll.

“Sundan niyo na ako, mga alipin,” dagdag pa nito at mukhang masayang masaya ito sa kaniyang ginagawa. 

Hindi ko alam pero biglang sumunod ang mga paa ko sa sinabi niya kaya napalakad ako nang wala sa oras.

Gano’n din naman sina Euhonn at Carper. Naglakad kaming tatlo patungo kina Eunice na ngayon ay halatang galit na galit.

“Bw*sit!” bungad sa ‘min ni Calvin. Inis na inis ito at gusto nang mangain ng buhay. Bakit ba kasi sila nadakip ng lalaking ito? Akala ko ba, malalakas ang mga imortal sa section namin? 

“Nasaan na ba kasi ang dark controller na ‘yon? Nang dahil sa kan’ya, nabuhay itong mga 'to e!” sigaw pa ni Sky at pinilit na magmatigas at makatakas pero hindi niya magawa.

“Oo nga, Leader?! Bakit ang tagal dumating ng kambal mo?” naiinis namang tanong ni Carper.

Nagtaka naman ako. May kambal si Eunice? Kung totoo man, bakit parang siya pa ‘yong may kasalanan kung bakit kami nadakip? Kasama ba siya ng kakaibang lalaki na ito? 

“H’wag na ‘wag niyong idadamay ang kambal ko sa mga kat*rantaduhang ginawa niyo kanina. Kung nakinig lang sana kayo kanina sa ‘min ni Calvin, ‘di sana mangyayari ang lahat ng ito,” walang ganang sagot ni Eunice sa kanila.

Ay, oo nga. Nagpa-plano pala sila kanina tapos ‘di ako nakikinig. Nakaka-amaze and at the same time, nakakatakot naman kasi ‘yong mga halimaw na ‘yon kaya ‘di ko na pinagtuunan ng pansin ang mga pinagsasabi nila kanina. Sorry naman.

“Oh, tapos na ba kayong mag-chit-chat d’yan? Kating kati na kasi akong dalhin kayo sa Demonisia,” sabi ng creepy na lalaki, halatang naiinip na dahil sa pagbabangayan ng nasa harapan niya. 

“E ‘di kamutin mo. B*bo nito,” Kesha retorted while rolling her eyes. Tapang, ah? Kami na nga ‘tong na-trap tapos siya pa ‘yong mukhang tigasin. 

“Ah, talaga?” mapanghamon na sagot ng lalaki sa kan’ya. 

“Talagang-talaga,” paghahamon din ni Kesha.

“Okay then, kakamutin ko na.” The creepy guy smirked and snapped two times.

Napalibutan naman kami ng isang ambon at pagkatapos, sa hindi ko malamang dahilan ay unti-unting nanghina ang aking mga katawan hanggang sa hindi ko na maramdaman ang aking mga binti at naging itim na lang ang lahat ng aking nakikita. ㅤ 





“Hoy, babaeng binuhusan ng sama ng loob! Gising na!” Naalimpungatan ako sa nagsalita at sa walang hiyang nagyugyog sa ‘kin. 

“Do you want to die?” I coldly muttered then slowly opened my eyes. Ba’t ang lapit ng pangit at bakla niyang pagmumukha sa maganda’t makinis kong mukha? 

“Examining my face, huh?” baklang Esh-esh said while giving his weirdest grin. Aba? Ang feeling naman ‘ata nito?

“Mukha mo,” mahinang usal ko at tinampal ang kaniyang mukha. 

“F*ck!” mura nito at lumayo na sa ‘kin. Hays. What a relief! 

“O? Tapos na ba kayong maglandian diyan?” Napatingin naman ako kay Kesha na iritang-irita na kakatitig sa ‘min or should I say, kay Esh-esh. Hmm… I’ve got an idea.

“Mukhang nagseselos na ‘ata ang girlfriend mo, o,” I teased him. Pinakita ko naman sa kan’ya ang pilyong ngisi ko. 

“Girlfriend? F*cking no!” nandidiring saad ni Esh-esh at tuluyan na ngang umalis sa harapan ko. Sumunod naman ‘yong babae. Pffttt! Gano’n ba siya mainis? 

Akmang tatayo na sana ako nang may tumunog na parang kadena ‘ata? O kadena talaga?

Tiningnan ko naman ang mga paa ko. Ba’t nakakadena ang isa kong paa? Habang silang lahat ay wala? Ang unfair naman.

“Are you ready?” Eunice said. Tumango naman silang lahat. Uh… ‘kay? ‘Di ko sila maintindihan. Kagigising ko lang, hindi ba? Kaya malamang, wala pa akong alam sa pinag-uusapan nila.
 
“Calvin? Tanggalin mo na ang kadena ni Beatrice,” ani Eunice at tinanggal ang kadena na nakakabit sa mga paa niya na ngayon ko lang nakita. Nice. 
Lumapit naman ‘yong Calvin sa ‘kin at ngumiti nang pagkalawak-lawak.

“Pasensiya na kung hindi ka namin pinakawalan kanina. Ang himbing kasi ng tulog mo, nakakahiya namang gisingin ka,” natatawang usal niya habang tinatanggal ang kadena. 

“Ano bang gagawin natin?” naguguluhan kong tanong sa kanilang lahat. Napahinto naman sila sa kanilang ginagawa saka tumingin sa akin. 

Ikinuwento naman ni Euhonn ang lahat ng plinano nilang pagtakas at ngayong ko lang naalala na dinakip pala kami ng weird na lalaking ‘yon. Wow, ha? Third day ko pa lang dito pero ang dami nang kababalaghang nangyayari? Wow! Wow talaga! 

“So, ba’t ‘di niyo ‘ko ginising?” naka-cross arm kong tanong sa kanila.

“Himbing kasi ng pagkakatulog mo. Tulo pa nga laway, e,” Sky answered while holding his laughter. Napairap nalang ako ro’n. Kagaya nga ng sabi ni Calvin, gano’n din ang dahilan nila kung bakit hindi nila ako ginising. Bumalik naman sila sa kani-kanilang ginagawa.

“Calvin,” tawag ko rito kaya tiningnan niya ako.

“Yes?”

“Ano ba ‘yong mga nilalang kanina?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Abala kasi ang lahat dahil may pinag-uusapan sila at nakita ko ring busy sa pagla-lock pick sina Carper at Eunice habang nagmamasid naman ang ilan sa amin kaya sa kan’ya ko na lang itatanong.

“Leviathan ang tawag namin sa kanila dahil ‘yon din naman ang tawag ng amo nila sa kanila,” sagot nito at tumayo na, kaya tumayo na rin ako. 

“They’re also called the immortal eating machines. Wala silang kabusugan kaya kapag nawawalan na ng mapapakain ang amo nila, pinakakawalan sila at pinapupunta sa iba’t ibang sulok ng kaharian dito.” Nagtaka naman ako kung sino ang amo na kanina pa niya binibigkas.

“Sinong amo ba ‘yan?” tanong ko at ngumiti siya dahil doon.  Bakit ang hilig nitong ngumiti? 

“Hari ng Demonisia Realm na siyang nagpadakip sa atin ngayon.” Natahimik naman ako sa sinabi niya. Wow? Anong purpose ng pagdakip nila sa amin? At bakit nasali pa ako? 

“Gotcha,” mahinang sabi ni Euhonn at kasabay n’on ang pagbukas ng kulungang kinalalagyan namin. Dahan-dahan naman kaming lumabas.

“P*ta! Ano ba ‘tong lugar na ‘to?” mahina at maarteng sabi ni Anto saka sinipa ang kalansay na ulo. 

“Ugh! I want to vomit!” maarte ring bulong ni Kris. 

“Tumamik nga kayong dalawa. Walang magagawa ‘yang kaartehan niyo kung ‘di ang ipahamak tayo!” sermon naman ni Carper sa dalawa kaya ayon, natahimik sila. Psh. Buti nga. 

Nang natahimik na sila ay naglakad na kami sa hallway… ng mga patay. Yeah, you read it right. May mga bangkay na nasa last decomposition of the body na, ang iba ay nasa second stage, at ang iba naman ay nasa active decay stage pa. Ang baho at nakakasuka kung tititigan mo ang mga ito nang matagal kaya ang ginawa ko na lang ay mag-iwas ng tingin at takpan ang aking ilong. 

“Ito ‘yong mga nawawalang immortal warrior sa Himitsu, hindi ba?” malungkot na saad ni Calvin habang inililibot niya ang kan’yang mga mata sa paligid. 

“Yeah, at nakita na rin natin sila sa wakas. Pero sa kasamaang palad, patay at kalansay na lang sila,” malungkot ding sagot ni Eunice. 

Nakayuko lang kaming lahat at tahimik na naglakad. Lumingon naman ako sa aking likod nang mayamot ako sa paglalakad namin.

“Oh, ba’t nagda-drama ka r’yan?” pangungulit ko kay Esh-esh saka sumabay sa kan’yang paglalakad. Sad boy yarn?

“Tss. Kailan ka pa nagkaroon ng paki sa mga tao sa paligid mo?” nakataas ang kilay na sabi niya kaya napairap ako.

“Gusto mong malaman?” banat ko saka siya tinignan nang malamig.

Tumango naman siya kaya huminto ako sa paglalakad at itinapat ang bibig ko sa tainga niya at may ibinulong na kung ano, dahilan upang mapangisi siya. “Oh, really?” ani niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya.

Inirapan ko na lang siya at tumalikod na. Mukhang ginanahan naman ang g*go. Psh.

Akmang maglalakad na sana ako nang hinigit at tinakpan niya ang bibig ko. Tatanggalin ko na sana ito nang bumulong siya. “Shh. ‘Wag kang maingay, baka marinig nila tayo,” he whispered behind my ear kaya naman napalingon ako sa kinaroroonan nila Eunice. 

My eyes slowly grew wide.

D-Dinadakip sila! Pero ang ipinagtataka ko, ba’t nakangisi lang silang lahat? 

Nang mawala na sila na parang bula ay tinanggal ko na ang kamay ni Esh-esh. “Ano ba? Bakit nakatingin lang tayo sa kanila kanina? D-Dapat… niligtas natin sila!” reklamo ko sa kan’ya at inis na inis na tinitigan siya. 

“Tss. Sa tingin mo ba, kaya natin silang kalabanin? E simpleng pagpapalabas nga lang ng abilidad mo’y ‘di mo magawa, ang iligtas pa kaya sila?” he shot back that made me shut my mouth. Psh. He’s right. 
Humugot muna ako ng hininga saka ginulo ang buhok ko dahil sa frustration. Ilang kamalasan ba ang pagdaraanan ko rito?

“Alam ko ang lugar na ‘to. Tara at pumunta tayo sa palasyo rito. Baka doon sila dinala,” he mumbled then grabbed my hand.

Binawi ko naman iyon sa kan’ya. “Paano mo naman nasabing alam mo ang lugar na ‘to?” I asked him with my knitted brows.

Hindi kaya, isa siyang spy kaya alam niya kung nasaan kami ngayon? Pagkatapos, siya ang may pakana lahat ng ito?

“H‘wag ka na ngang magtanong pa at sumama ka na lang sa ‘kin!” saad niya at hinawakan na ang kamay ko at kasabay n’on ay ang pagdating namin sa ibang lugar.

Sandali… “P-Papanong…” hindi makapaniwalang usal ko saka nagtatakang tumingin sa kan’yang seryosong mukha. 

Pareho kami na transferee at ang alam ko ay baguhan pa lang siya sa pagpapalabas ng kan’yang abilidad kaya bakit alam na niya ‘yong teleportation? E, hindi pa nga ‘yon nadi-discuss ni Miss An sa ‘min?  

“Trained ako, hindi ko lang sinabi. Mas malakas pa ako sa mga kasamahan natin,” he said while looking at me kaya nagtama ang aming mga mata.

“Nasaan tayo?” tanong ko na lamang sa kan’ya at iniwas ang aking tingin. 
“Nasa labas ng palasyo… ng Demonisia Realm,” sagot niya at parang tinitingnan sa ibabang part kung saan kami nagtatago.
 
Napatingin naman ako sa sinasabi niyang palasyo. Tama nga siya, nasa harapan kami ng isang napakalaking palasyo. Ngunit hindi ito katulad sa naggagandahang mga palasyo na makikita niyo sa disney movies. Luma na ito at marami-rami na ring mga crack ang makikita mo. Napalilubutan na rin ito ng mga halaman at ang daming basura sa paligid nito.

“Mukhang nasarapan ka ‘ata sa paghawak sa kamay ko, a?” Napahinto naman ako sa pag-oobserba nang magsalita ang katabi ko.

Saglit naman akong natigilan at agad na binawi ang kamay ko na hawak niya. “Psh. Nasarapan ba kamo? Ha! Baka ikaw! Ikaw kaya ‘tong humawak sa ‘kin!” I slightly shouted without looking at him. Sh*t! Parang ang init ‘ata ngayon? 

“At saka, sabi mo, mas malakas ka pa sa mga kasamahan natin? Ba’t ‘di mo kinalaban ang dumakip sa kanila?” dagdag ko pa pero this time, tiningnan ko na siya. 

Tinulak naman niya ang ulo ko gamit ang index finger niya. “Ano ba?” inis kong bulyaw sa kan’ya. Feeling close, e! Sino ba siya para gawin ‘yon, aber? 

“B*ba ka talaga! Sa kasamahan lang natin, hindi ba? Hindi sa kalaban! Mag-isip ka nga minsan, Beatrice.”
Beatrice? First time kong narinig na tawagin niya ako sa pangalan ko, ah? Ugly witch kasi tinatawag niya sa ‘kin kapag may itatanong siya sa classroom or sa dorm namin. Pero paki ko? Naiinis ako sa sinabi niya! Psh!

“Psh! Ikaw ‘yong mag-isip! E, kung sinubukan kaya nating kalabanin sila, ha?” I lowly yelled at him, too. Huh! Akala niya, magpapatalo ako? Well, no way, highway!

“Kahit kailan talaga, ang liit ng utak mo!” parang nai-stress niyang sagot sa akin sabay sabunot sa kan’yang sarili.

Aba? “At kahit kailan talaga, ang bakla mo!” buwelta ko pa at ginaya ang ginawa niya.

“A, talaga?” Now, he’s pissed. Pfft…
Akmang babatukan niya na sana ako pero agad ko siyang hinila pababa para magtago. “An—“ I cut him short dahil ito na naman ang turn ko na takpan ang bibig niya. 

May narinig kasi akong may nagtatawanan sa ‘di kalayuan. Medyo malakas nga e, kaya rinig na rinig ko.

“May paparating. ‘Wag kang maingay,” bulong ko sa tainga niya.
Nagmasid naman ako sa paligid. Malapit na… Naririnig ko na ang mga yapak ng mga paa nila.

Nagmasid lang ako habang hindi pa rin tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya. “Uhm!” Nagpupumiglas naman siya at parang gusto niya yatang gumawa ng ingay, bw*sit. 

“Just shut up! Malapit na sila!” mahinang sabi ko sa kan’ya pero hindi pa rin siya natinag. Ugh! F*ck him!

Pilit siyang pumipiglas pero mas hinigpitan ko pa ang pagkapit sa kan’ya. In fairness, ha? Naging malakas ako once in a lifetime. 

“Ouch!” pasigaw kong daing nang kinagat niya ang kamay ko, dahilan upang mabitiwan ko siya.

“Nandito lang pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap!” sigaw ng kung sino kaya tiningnan ko siya nang pagkasama-sama.

“Holy cow!” bulalas niya kaya napa-face palm na lang ako.
 
“This is all your bullsh*t fault,” I cursed him then rolled my eyes heavenwards.

Nagmadali naman kaming umalis sa pinagtataguan namin at mabilis na tumakbo.

“At tatakas pa talaga kayo?! Habulin sila!” sigaw ng parang leader yata nila.

Well, I didn’t expect na ang dami pala nilang naghahanap sa ‘min. Hindi ko rin inaasahan na hindi sila mga tao o kawangis ng mga imortal sa eskwelahan namin. Ang papangit nila, swear! They are tall, large, and ugly! Ang lalaki ng tiyan nila at mga kalbo! Para silang ogres! May hawak silang maliliit na spear na yari sa bato at binabato nila ito sa direksiyon namin. 

“Ugh!” I heard Esh-esh groan kaya agad akong napatingin sa kan’ya. 
“Hell!” napamura naman ako nang makita kong nakaluhod na siya. Dali-dali ko siyang tinulungang makatayo at tumakbo ulit kami. 

“Hey! No-brain-girl, s-stop…” Tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. “Iwan mo na lang ako,”  nahihirapang sambit niya.

Wow, ha? Nagawa pa talaga niya akong laitin sa sitwasiyong ‘to? At kung makapagsabi siya na iwan ko siya, ano ito, pelikula? Well, he needs to wake up, we’re not in a fairytale!  D*mba*ss id*ot! 

“Hell, no,” sabi ko na lang at napatingin sa bandang tagiliran niya. “You're bleeding,” dagdag ko pa nang hindi pa rin humihinto sa pagtakbo. 
Napatingin naman ako sa likod ko.

Grabe ang bigat ng lalaking ‘to!

Akay-akay ko siya habang tumatakbo kami! Bakla, e! ‘Di marunong umiwas, l*tse! 

“What the? Malapit na sila!” ‘di makapaniwala kong sigaw at mas lalong binilisan ang pagtakbo. Parang sasabog na nga ang puso ko sa tindi ng pagtakbo namin e.

Takbo lang kami nang takbo, then suddenly… “Ack!” Nadapa kaming dalawa at subsob ang mukha namin sa lupa. Malas, bw*sit!

“A-Ang tanga mo.” He’s annoying me again. 

Tiningnan ko na lamang siya nang masama. Kung hindi lang ako mabait, pinakain ko na siya ro’n sa mga half tao, half halimaw na mga ‘yon. 

“Shut up, annoying brat! Tumahimik ka na nga lang! Paparating na sila! Tumayo ka na!” inis kong utos sa kan’ya at akmang tatayo na sana nang… 

“Opps! Opps! Saan na naman kayo pupunta?” the unidentified creature said. Napasabunot naman ako sa kaloob-looban ko.

“Tatakas, malamang! Mag-isip ka nga, p’wede?” naiinis kong sagot do’n sa mga nilalang na ‘yon habang tinutulungang tumayo si Esh-esh. Ang laki ng ulo pero hindi magawang mag-isip?! Ha!

“Aba’t! Hulihin sila!” galit nitong sigaw sa kan’yang mga kasamahan. Nagulat naman ako nang hinawakan ako ng isa sa kanila.

“D-Don’t hurt her!” namimilipit na sabi ni Esh-esh kasabay ng pagtilapon ng humawak sa ‘kin. May malaking bato kasing basta-basta na lamang sumulpot sa lupa kaya natamaan ito at lumipad na sa ere.

“Aahh!” takot na sigaw nito at bumitiw sa ‘kin.  Napatingin ako kay Esh-esh. ‘Yan! May kapangyarihan pala siya, e. Kung ginamit niya ‘yon kanina pa? 

“Let’s go,” usal ko saka siya inalalayan at tumakbo papalayo sa unidentified creatures. 

“Ahhh! Pinatay niyo siya!” galit na galit na sigaw ng isa sa kanila. Tumingin naman ako sa likod at nakita ang isang deformed na kalbo. Sorry, natatawa ako.

“Ginalit mo sila,” banta ko sa lalaking hawak-hawak ko ngayon. 

“T-Tsk!” Esh-esh clicked his tongue. He even rolled his eyes kahit na nahihirapan siya. Hindi talaga magpapatalo e, ‘no? 

May nakita naman akong p’wedeng pagtaguan kaya nagtungo na kami roon.

“Ano ba kasing tumama sa tagiliran mo?” inis kong sabi habang pinipigilan ang pag-agas ng dugo niya rito. 

“I-Isang matulis pero maliit na bato,” nahihirapan niyang sabi.

“K-Kailangan kong tanggalin,” dagdag pa niya at idiinin ang kamay niya sa kan’yang sugat. 

Hindi ko man masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero narinig ko naman ito. He groaned to death. Sobrang sakit siguro ng ginagawa niya sa sarili. Kinalikot niya ang kan’yang sugat. Hindi ko na siya pinigilan kasi alam kong tinatanggal lang niya ‘yong batong ‘yon. 

“Ugh!” daing niya at nakuha na nga ang matulis na bato. Napatingin ako sa nahihirapan niyang mukha.

I lowered my head. “Sorry…” I said out of nowhere. ‘Di ako marunong humingi ng pasensiya at mukhang kasalanan niya naman kasi. Kung hindi sana siya nag-inarte kanina, e ‘di sana ay okay pa siya ngayon. Psh. 

“F-For what?” Esh-esh asked. I saw how his forehead frowned. I bet he’s wondering what I am apologizing for.

“For being powerless? If only I have cool powers just like the others, e ‘di sana, ‘di tayo naghihirap na makatakas ngayon. Nakipag-sagupaan na sana tayo ngayon sa mga half-half na halimaw na ‘yon,” I told him.

Hindi ako ganitong tao pero nasabi ko na at wala nang bawian. However, another part of me feels useless. Like in times of this situation, if only I am stronger, I could’ve defeated those evil monsters and we will not be suffering right now.

I saw him half-smiled. “Ironic,” he said while forcing himself not to laugh. 

At ngayon ko rin lang na-realize ang mga kahihiyang sinabi ko. Please, kill me now. “Psh. Kalimutan mo na lang lahat ng sinabi ko,” I murmured without looking at him.

Nakakahiya. Kung p’wede lang sanang hiramin ‘yong kapangyarihan niyang i-control ang inang kalikasan, e ‘di sana ay ginamit ko na at nagpalamon na ako sa lupa, now na.

“If I say no?” he teasingly replied.

“I’ll kill you,” I answered and sharply gazed at him. Natawa naman siya nang dahil do’n. 

First time ko ‘yong marinig, a?

Actually, it is not music to my ears. Nakaririndi nga at ang sarap niyang kunan ng vocal cords. Psh. 

“H’wag ka nang magsalita. Nahihirapan ka na nga,” dagdag ko pa. ‘Di ko muna siya ngayon aawayin kasi nakakaawa siya.

“Concerned?”  Esh-esh teased. Halata naman, sa tono pa lang ng pananalita niya. Psh.
 
He didn’t stop and just continued teasing me. E, kung ibalik ko kaya ‘yong batong kinuha niya kanina sa tagiliran niya?

I darted him a sharp glare. “Shut up,” I warned him pero hindi pa rin siya nagpatinag. He laughed again. Curse him. 

Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan ang tagiliran niyang binalot ko kanina ng tela para hindi lumabas ‘yong dugo niya.

“Beatrice, sa likod!” Esh-esh shouted at hinila ako. Napahawak ako sa braso niyang tinamaan na naman ng maliit at matulis na bato. Now, he’s bleeding again at wala na siyang malay.

Hindi ko alam pero biglang nag-init lahat ang laman ko. I stood up. If my gaze could kill someone, patay na sana silang lahat ngayon.

“Pangalawang beses niyo na siyang sinaktan!” inis na inis kong sigaw sa kanila. Ewan ko kung bakit ako nagagalit, e hindi naman kami close ng isang ito. 

Napatingin naman ako sa balat ko. Napalilibutan ako ng apoy pero hindi naman ako napapaso.

I-Ito? Ito na ba ang kapangyarihan ko?! E, tubig ‘yon, hindi ba? Paano naging apoy na ito ngayon?

Napatingin ako sa kamay kong puno ng apoy. Napangisi ako. “It’s barbeque time.” Hindi ko alam kung required bang sabihin ko ‘yon pero feel ko lang. Para kasi akong nasa movie.

Agad ko namang tinira sa kanila ang apoy na nasa kamay ko. “Aahhh!” sigaw ng isa sa kanila na tinamaan ko.

May bigla namang sumugod sa akin kaya kumuha ako ng bato at pinalibutan ito ng apoy saka itinapon sa tumatakbo.

“Bullseye,” bulong ko sa sarili nang matamaan ko siya sa ulo. Tumba ang g*go, buti nga sa kan’ya.

Sumugod naman ‘yong isa pa at nagpalabas ulit ako ng kapangyarihan ko pero bigla na lang itong nawala. Mukhang naubos na naman yata! 
Sh*t! Bakit ang daling maubos ng kapangyarihan ko?!

Agad akong tumakbo patungo kay Esh-esh at kinarga siya. Tatakbo na sana ako nang bigla silang sumulong lahat. Nagbatuhan sila ng mga sandata nila at todo iwas naman ako, nagtatago sa mga malalaking bato rito para gawing pananggalang.

Bigla namang sumigaw ‘yong isa at nag-iba ang anyo niya. Kung nakakatakot siyang tingnan kanina, pwes ngayon, ten times na nakakatakot na. Great! Just f*cking great!

But then, an idea popped up in my mind. That would work, right? Well, it is now or never!

Nag-isip ako na napalibutan sila ng apoy. Pinagpapawisan ako dahil alam kong malapit na silang makarating sa pinagtataguan naming dalawa ni Esh-Esh-esh. After several seconds, it worked! They’re now surrounded by a blue fire. 

Malaki ang ngisi kong lumabas sa pinagtataguan namin. Tumakbo ako kahit ang bigat-bigat ng karga ko.

“Argh!” sigaw ko at napahawak sa binti ko. Napatingin ako rito. Psh. Nadaplisan pala ako.

“Beatrice!” Napalingon naman ako sa tumawag  sa akin. Si Kristina! 
Napatingin ako sa kanilang lahat na tumatakbo patungo sa ‘min.

Napanganga ako. Nakatakas sila!
Nang makalapit na sila sa ‘min ay tumatalon-talon sila. At alam niyo ang sunod na nangyari?

Nahimatay po ako sa tuwa!

END OF CHAPTER 5

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top