IX

Chapter 9: The Lake of Outset


Isang patak ng tubig ang nagpagising sa ’kin sa pagkakatulog ko.

“Uhm...” I moaned. I was irritated by the water that keeps dropping on my face. 

Inimulat ko naman ang aking mga mata at umupo nang dahan-dahan.

Sumasakit din ang ulo ko habang ginagawa ko ang mga bagay na ‘yon.

Ano nga ba ang nangyari sa akin habang kinakausap ako ng dark king na ‘yon? Wala akong maalala na iba pa, basta ang naalala ko lang ay may ginawa s’yang kakaiba na nagpatulog sa akin.

“Aray!” sigaw ko nang may mahawakan akong matulis na bagay. Agad ko namang inihipan ang kamay ko dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Napatayo ako at laking gulat ko no’ng may makita akong napakalaking buntot.

Holy dragon... 

“What the hell?” Taranta naman akong nagpa-ikot-ikot sa kinatatayuan ko nang makakita ako ng isang napakalaking berde na may pagka asul na dragon!

Yes, I did that! I mean... It is embarrassing to admit but I hate dragons! I do hate them. That disgusting scales and faces of them. It makes me want to throw up or something!

Naiinis naman akong napalingon-lingon sa paligid upang hanapin ang mga kasamahan ko. Ugh! Nasaan na ba sina Eunice?

Napasigaw naman ako nang gumalaw ang buntot ng dragon at pumalibot sa kinatatayuan ko.

“W-What do you want?” I shouted as I trembled in disgust. Pilit ko namang inalalayo ang katawan ko sa mga kaliskis nito, ayaw ko siyang hawakan.

I saw how the dragon’s face turn to rage as he growled and blew some blue fire at the air.  Wait... Blue fire?

‘Ano ang ginagawa mo rito?’ Nagulat naman ako nang magsalita ito sa isipan ko habang inilalapit niya ang kan’yang ulo sa harapan ko. Bahagya akong napaatras sa kaniyang ginawa.

“Nagsasalita ka?” nagtatakang tanong ko sa kan’ya. Ewan ko, pero para akong baliw na nagsasalita rito mag-isa.

Nagulintang na lang ako nang ginamit n’ya ang kan’yang buntot dahilan para tumilapon ako sa kabilang dako ng lugar na ‘to. 

“Ano ba?!” galit kong sigaw habang pinanliliitan ng mata ang dragon na ito. Hinawakan ko naman ang balakang ko nang nakaramdam ako ng sakit doon. Ang sadista, a! Walang awa, kita n’yang maliit kinakalaban niya!

‘Bumalik ka rito kapag handa ka na,’ Hindi ko naman naintindihan ang naging tugon niya sa akin.

Akmang magsasalita na sana ako ngunit napatigil ako nang makita ko ang buong kapaligiran namin.

Isang lawa na natuyot na, kaya pala may tumutulo na tubig sa akin kanina, dahil meron palang tira-tirang tubig sa lawa. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa dragon na inihihiga na ang kan’yang sarili sa walang lamang tubig na lawa.

“Ano’ng nangyari rito?” wala sa sarili kong tanong sa dragon na nakahiga. Iminulat naman niya ang kan’yang mga mata na naging sanhi upang makita ko ang kan’yang kulay berde at asul na mata.

Nagtataka ako kung bakit gan’yan ang kulay n’ya.

“Sinong kausap mo?” Halos tumalon naman ang puso ko sa gulat no’ng marinig ko ang boses na iyon.

Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Esh-esh na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

“Dragon,” usal ko habang sinasabayan ng tingin ang bawat paghakbang n’ya papalapit sa akin.

“Nakita mo na ba ang sa iyo?” tanong nito sa akin nang makarating na s’ya sa harapan ko. Kumunot naman ang aking noo sa tanong n’ya.

Anong nakita?

Hindi ako sumagot sa kan’ya kaya hindi na rin siya nagbalak na magsalita pa.

Akmang magsasalita na sana ako upang tanungin s’ya kung nasaan ba sila Eunice subalit laking gulat ko no’ng hinila n’ya ‘yong kamay ko.

“Hindi mo pa pala tinatangal ang singsing,” Esh-esh said. He even smirked at me like an idiot. Oh, God, here he goes again.

“Hindi kasi matanggal. Nilagyan siguro ng spell?” I lied, hindi ko kasi talaga tinanggal ito dahil nakalimutan ko ang bagay na ‘yon at kasalanan ‘yon ng dragon! 

“Liar. Ang sabihin mo, you enjoyed our wedding, right?” sabi n’ya pa, at ‘di pa rin mawala-wala ang ngisi sa mga labi n’ya. 

I look at him. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. Anong enjoy r’yan? E, kung batukan ko kaya siya nang magising siya sa katotohanang nakakadiri ang kasalang ‘yon!

“Are you sick?” tugon ko at hinawakan ‘yong noo n’ya. “Hindi naman pala, o nag-a-assume ka lang? Please. You saw my face and I know you only saw how irritated I am when that mad dark king forced us to get married! And to tell you honestly, I don’t like you nor I love you. I was just threatened, because that time we were in his territory!” dagdag ko pa habang bw*sit na bw*sit na tiningnan s’ya.

Isang napakalakas na hagalpak ng tawa naman ang narinig ko sa kan’ya. 

Really? Ugh!

“Tawa lang dahil bilang na lang ang segundo mo,” I said while my eyes narrowed into slits.

“Masyado kang defensive, Beatrice! Napag-hahalataan kang guilty, e!” Mas lalo namang lumakas ang pagtawa niya pagkatapos niya ‘yong sabihin.
Ugh! Cursed him! Kung nako-kontrol ko lang sana ang kapangyarihan ko, kanina ko pa s’ya tinusta!

“Gusto mo bang matusta ng buhay?” galit kong usal dahilan para mag-iba ang kan’yang awra.

“Then go! Tustahin mo ako, kung kaya mo,” he said while fixing his white tuxedo. Hindi pa pala namin nahuhubad ang kasuotan namin kanina, kaya ako ay naka wedding gown pa rin.

Nakita ko naman kung paano semeryoso ang kan’yang mukha. Mood swings? Huh! Baklang unggoy nga ang g*go.

“Fight with me,” dagdag pa niya kaya kunot-noo akong napatingin sa kan’ya nang diretso. 

“Are you crazy? Baka ako pa nga itong matusta mo e!” reklamo ko sa kaniya. Totoo naman, kahit hindi naman s’ya fire user, baka ako pa iyong ma— 

“Hoy, lintik na ‘yan!” isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang biglang kinarga ako ng kahoy n’ya papa-itaas. 

Sumilay naman ang pilyong ngisi niya sa labi habang tinitignan n’ya ako na patuloy pa rin sa pagtaas. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya agad akong nag-isip ng mabuti upang maipalabas ang tubig na kapangyarihan ko ngunit hindi ko alam, ni patak man lang ay hindi ito lumabas!

“Hindi ka na makakatakas sa akin, ugly witch!” he shouted while extremely releasing his earth manipulation ability.

Napapadyak nalang ako sa gilid ko dahil sa paghamak niya sa dignidad ko. Grabe! Kung kaya ko lang talaga siyang gawing letchong unggoy, kanina ko pa ginawa!  Naman, e!

“What happened to your threat, witch?” buwelta niya pa habang nakatingin sa akin sa itaas. Enjoy na enjoy s’ya sa kan’yang ginagawa sa akin, habang ako naman ay iritang-irita na sa kan’ya.

“Makikita mong unggoy ka!” gigil kong sigaw sa kan’ya habang pilit na nagpupumiglas sa mga baging na gusto akong gapusin.

Nagpokus pa ako para magawa ko ang gusto kong gawin sa aking abilidad. Nakaramdam naman ako ng kakaibang pakiramdam, at no’ng inimulat ko ang aking mga mata, nakita ko siyang nagtatalon na dahil sa asul na apoy na nakapalibot sa kan’ya.

“Hoy, bruha patigilin mo ito!” sigaw niya habang hirap na hirap na kumapit sa sanga na ginawa n’ya, ngunit nasunog lang ito kaya napatalon na naman s’ya dahil nahulog s’ya sa apoy. 

Napangisi naman ako sa nasaksihan ko. Gumana nang maayos ‘yong kapangyarihan ko for the first time! I am so proud of myself! 

Magsasalita na sana ako ngunit isang napakalakas na bugso ng hangin ang dumating na naging sanhi para mabali ‘yong sangang kinakapitan ko.

Napahiyaw naman ako nang mahulog ako galing sa sanga na iyon.

“Walang hiya!” Halos mawala ang boses ko sa lakas ng aking sigaw.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinihintay na bumagsak ako sa lupa, ngunit laking gulat ko nang tumalbog ako sa isang parang jelly ace na yari sa tubig.

Napatingin naman ako kay Esh-esh na ngayon ay nakahimlay sa gilid. Wala na itong malay, at ang dungis ng pagmumukha n’ya.

“Hoy, unggoy!” tawag ko sa kan’ya ‘tsaka s’ya nilapitan. Niyugyug ko ang katawan niya ngunit hindi ito kumikibo. Nako, nako! Ito na nga ba ang sinasabi ko!
 
‘Anong ginawa mo sa sagradong lugar na ito?!’ isang nakakasakit sa ulo na sigaw ng kung sino sa isipan ko. Alam ko kung sino ang nakakapagsalita sa isipan ko.

Lumakas pa lalo ang hangin kaya napatingin ako sa itaas. Lumilipad ang dragon, at hindi ko man mawari ang kan’yang ekspresiyon dahil sa kakaibang wangis nito, ay alam kong galit na galit ito.

‘Mga walang respeto!’ dagdag pa nito.

Tumayo naman ako at tiningnan s’ya nang nakakunot ang noo.

“Time pers lang, ha!” sigaw ko habang tinatabunan ng kanang kamay ko ang itaas na bahagi ng mukha ko. “Itong kasama ko ‘yong nauna kaya s’ya ang pagsabihan mo kasi inosente ako!” dagdag ko at itinuro si Esh-esh na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Tama naman ako ‘di ba? Siya naman talaga ‘yong naunang nagsabing mag one-on-one kami!

‘Lapastangan!’ sinunog naman niya ang nakapalibot sa amin kaya sinamaan ko s’ya ng tingin.

“Aba! Sinabi mong walang mag-aaway dahil sagrado ito pero ikaw naman ‘yong nang-aaway sa amin!” pangangatuwiran ko. Tiningnan naman niya ako nang masama at unti-unting nag-landing sa lupa.

‘Pinoprotekhanan ko ang lugar na ito, iba ‘yon sa paglalaban!’ aniya kaya inirapan ko s’ya.

Halata namang nagalit siya sa ginawa ko kaya bumuga pa ito ng napakaraming apoy. 
 
Wow! Ano ba itong mindset ng yucky na dragon na ito?

Ayaw n’yang masira ang banal—o, ano, sagrado ba ‘yon?  A, basta! ‘Yon na ‘yon! Pero siya ‘yong sumisira nito! Psh.

“Bad dragon!” sabi ko na para bang isa siyang pusa. Napatabingi naman ang ulo niya sa sinabi ko at para itong nasaktan. 

“Now sit!” hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay sumunod ito sa aking utos. 

Lumapit naman ako sa kan’ya na para bang isang zoo keeper na pinapaamo ang isang leon na nagwawala sa loob ng hawla. Wala rin akong ideya kung bakit ko ito ginagawa, subalit bahala na si Batman! Basta hindi n’ya lang kami gawing hapunan ni Esh-esh, o ‘di kaya si Esh-esh na lang ang gawin n’yang hapunan niya, ayos na ako ro’n!  “Easy, easy,” dagdag ko pa with matching hand gestures pa ‘yan para feel niyang isa s’yang pusa, pero hindi naman talaga. 

‘Tsk!’  I heard the dragon click its tongue. 

Ngumisi naman ako no’ng makita kong napaiwas ito ng tingin sa akin.

‘Umalis na kayo rito,’ aniya at bumalik na sa walang tubig na lawa.

Nagpaikot-ikot naman ito bago umupo. 

“Ano bang pangalan mo?” tanong ko sa kan’ya at nakahinga na nang maluwag dahil wala na ang delubyo na mangyayari sana dahil sa unggoy na ito. 

‘Umalis na kayo!’ pag-uulit nito sa kaniyang sinabi at mukhang magagalit na naman kaya napaatras na lang ako at pilit na ginigising si Esh-esh na hindi pa rin nagkakamalay.

PAK!

Isang napakalakas na sampal ang inabot n’ya sa ‘kin kaya nagising ito sa gulat.

“What the heck did you just do?!” he complained and was about to attack me, however, when he saw the dragon, he immediately acted like he is a very kind immortal. Psh, hypocrite monkey jerk. 

“Bye-bye, bad dragon!” huling sigaw ko dahilan para mapa-roar ito nang malakas.
 
Mabilis naman akong itinulak ni Esh-esh kaya halos matumba ako sa ginawa n’ya, at parang papatayin ko naman s’ya sa sama ng tingin ko sa kan’ya. 

“Tara na, alam ko kung nasaan sina Eunice!” aniya sa akin kaya sumunod na lang ako sa likod niya. 

Habang naglalakad kaming dalawa sa mapusok na gubat ay palingon-lingon ang unggoy na ito sa direksiyon ko na s’yang ikinataas ng aking kilay. 

“What? Is there something disgusting about my appearance?” I asked while feeling distracted.

“Your...” Meron  naman s’yang parang inaano sa dibdib n’ya kaya napatingin din ako sa dibdib ko. 

Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang makita ko na malapit na palang makita ang buong kaluluwa ko dahil sa punit-punit na gown na ito!
 
“Pervert monkey!” usal ko habang tinatakpan ko ang dibdib ko sa hiya. Naman, Beatrice, e! Bakit ngayon mo lang ito napansin?! Nakakahiya!

“Anong pervert? E, ikaw na nga itong pinagsabihan!” saad niya at napatingin sa malayo. Nakita ko naman ang suot niyang tuxedo kaya agad ko itong hinablot at pilit na inihuhubad sa kan’ya. 

“Ano bang ginagawa mo?!” reklamo nito at nakipaglaban sa pagkukuha ko sa suot n’ya. 

“Akin na ito!” I said while forcefully taking away his blazer. 

Naglalaban pa rin kami. Ano ba ‘to?! Pangtakip lang e! Napakadamot at hindi maginoo! Kaya walang nagkakagusto sa mokong na ito, e!

“Sabing sa ‘kin muna ‘yan! Nakikita mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba?” iritado kong sambit sa kan’ya ngunit hindi pa rin s’ya nagpatinag.

“Ang ginaw-ginaw kaya tapos kukunin mo pa! Ikaw ata ‘yong manyak, e!

Hinubaran mo ako! Manyak na bruha!” Aba’t?! Kung I-mudmud ko kaya ‘yong nguso n’ya sa lupa para hindi na s’ya makapagsalita pa?

“Ayaw mo, ha?” kinagat ko naman ang labi ko sa inis dahilan para mapaatras s’ya nang bahagya.

Kinuha ko naman ang necktie niya, at inilapit siya sa akin.

“Give me that blazer, and I will teach you a very bad lesson,” I muttered, making him gulped a few times.

Akmang huhubarin niya na sana ang blazer niya ngunit sa hindi inaasahan, natapilok ako dahilan para matumba kaming dalawa at mamudmud ang mukha ko sa dibdib niya. Napangiwi kami sa lakas ng pagkakatalbog namin sa lupa.

Sumakit naman ang ulo ko ro’n kaya napatingin ako sa kan’ya na kasalukuyang nakatingin din sa akin.

Ilang segundo ko siyang tinitignan. dahilan para mas lalong sumakit ang ulo ko. Agad naman akong napatayo roon.

“Aray,” mahinang sabi ko habang hinahawakan ang aking ulo.

“Ayos ka lang?” Tumayo naman siya ‘tsaka napatingin sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong nkya dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko na hindi ko rin alam kung ano ang dahilan. 

“Ito na, o! Pasensya na kung naging makulit ako, gusto lang naman kitang asarin!” wika ni Esh-esh habang hinuhubad ang puting blazer niya ‘tsaka isinuot sa akin. 

Mukhang na-guilty ‘ata s’ya sa kan’yang nagawa. “Ibalik mo lang ‘yan, ha, kapag nagkita tayo sa dorm!” dagdag pa nito, at inayos ang blazer. 

Agad akong napatingin sa kan’ya, hindi ko naman sinasad’yang matitigan ang kulay kayumangi n’yang mga mata. 

May sinasabi pa s’yang kung ano-ano sa harapan ko ngunit hindi ko ito naririnig. Parang nasa ilalim ako ng isang dagat at s’ya naman ay nasa itaas.

May isang nakakabinging tunog naman akong narinig, dahilan para mapapikit ako sa sakit. 
  
“Let’s meet again in our second life, Ayesha...” 
 
Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko no’ng marinig ko iyon. 

Hinawakan ko naman ang pisngi ni Esh-esh kaya nagulat siya sa ginawa ko. 

“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” utal nitong sabi at parang natatarantang hinawakan ang aking kamay.  Napangiti naman ako sa naging reaksiyon n’ya.

“Jouesh...” 

END OF CHAPTER 9

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top