IV
Chapter 4: Ranking Throes
Gaya nga ng sinabi ni Sky no’ng nasa dorm pa kami, t-in-our nga niya kaming mga transferee. Ang dami niyang dada habang naglalakad kami pero hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Maski nga pagtingin sa kaniyang itinuturo, hindi ko magawa dahil ang daming bagay na bumabagabag sa ‘king isipan.
Psh! Bakit ba kasi ako pina-transfer dito? Hindi naman ako katulad ng mga kasama kong mga abnormal! Normal ako! Normal! Gan’yan ba sila ka b*bo para hindi ma-gets ‘yon?
Tumigil naman sila sa paglalakad at nagyayang umuwi na sa dorm kaya ayon, umuwi na kami.
Salamat naman at napagod rin! Kanina pa kasi kami lakad nang lakad rito. Feeling ko nga ay hindi pa kami nakakakalahati e. Ang laki kasi ng eskwelahang ito, dami sigurong budget.
Nakaupo ako sa gitna ng kama ko ngayon habang tinututok ang aking hintuturo sa bulaklak na nasa side table ko.
“Avada Kedavra!” parang baliw kong sigaw at sinubukang ipalabas ‘yong naudlot na tubig doon sa klase namin kani-kanina lang.
Napa-face palm naman ako nang walang nangyari doon sa bulaklak. Akala ko nga, may parang clouds na maliit doon na lumulutang tapos uulan iyon para diligan ‘yong kawawang bulaklak. Pero charan! Walang nangyari!
Frustrated naman akong napahiga sa kama ko at tiningnan ulit ‘yong bulaklak. Tuyong-tuyo na ito at gusto ko itong diligan kasi kawawa naman ngunit mukhang inabutan na naman ako ng katamaran kaya hindi ako makatayo para kumuha ng tubig sa kusina.
“Sana naman ay may clouds na maliit tapos umuulan na dadapo sayo para madiligan ka na,” mahinang usal ko pero wala pa ring nangyayari.
Nagdabog naman ako sa kama ko at ipinikit na lang ang mga mata ko. Ang unfair naman. ‘Yong kay Esh-esh, parang balewala lang sa kaniya ‘yong pagpapalabas ng abilidad niya, habang ako, mukhang nahihirapan pa. Hay nako! Buhay nga naman, parang life!
Nagulat naman ako nang may narinig akong umuulan sa tabi ko. “Huh?!” Napaupo ako nang dahil sa nakikita ko ngayon.
May clouds na umuulan sa tapat ng bulaklak at no’ng parang nabuhayan na ‘yong bulaklak ay naglaho na ito.
“May ability nga ako!” Nagdiwang naman ako sa kaloob-looban ko.
“Hindi ako—“
“What are you doing?” Napa-pause ako sa pagsasayaw nang biglang pumasok si Eunice sa k’warto ko.
“Uh… What are you doing here?” Sa halip ay tanong ko sa kaniya saka inaayos ang pagkakaupo ko sa kama. Gosh! Nakakahiya ka, Beatrice!
“May ranking battle ngayon sa first to fourth sections,” seryosong usal nito, dahilan para mapataas ang kilay ko. Ano na naman bang pakulo ‘yan?
“Can you state the purpose of that battle thingy that you just said?” I asked, crossing my arms.
“To see if you’re worth being on the specific section. If not, then your section will be lowered,” she answered, making my brows lift higher.
Huwaw! Ang gara naman! Sinabihan kami na ito na ‘yong section namin, tapos may paganiyan pa?! Alam niyo, hindi ko na talaga maintindihan ang eskwelahang ‘to! Ang daming kaartehan? Ano na naman bang sunod nito? One-on-one battle sa mga dragon? Or one-on-one battle ng mga abnormal na naririto?
“WHAT?!” inis kong sigaw. Tama nga ang hinala ko! May one-on-one battle ngang nangyayari dito!
Nandito na kami ngayon sa napakalaking ewan! Para itong arena but in an ancient style. Nakapunta na ba kayo ng Italy? ‘Yong sa Piazza Bra, Verona sa Italy na tinatawag din nila na little Rome? A, basta! ‘Yong Verona Arena ‘yon! Gano’n kalaki ang arena rito sa eskwelahan nila!
Grabe, ang lalaki ng budget, mga beh! Hindi ko keri!
Hinila naman ako ni Eunice pero umangal agad ako. “Teka nga! Maghinay-hinay ka naman!” Ang kill joy naman nito! Kitang nanonood pa ‘ko sa buong lugar, e!
Hindi niya ako pinansin kaya sumabay na lang ako sa kan’ya na maglakad patungo sa unahan at saka umupo sa tabi ng mga abnormal kong mga classmate.
“Timing, a? Magsisimula na!” sabi ni Carper nang hindi tumitingin sa amin. Bastos!
“Magandang umaga, Hiddians!” sigaw ng isang lalaking nakatayo sa ibabaw ng… nakalutang na lupa? Wait? N-Nakalutang na lupa?!
Kinusot ko ang aking mga mata para masigurong totoo ba talaga ‘tong nakikita ko. E, baka nagha-hallucinate na naman ako! ‘Yong nakalutang na lupa kasi! Para itong Aeolia na kaharian ni Aeolus, ang divine keeper of the winds sa greek mythology. ‘Yong floating island na kingdom niya pero in a small but terrible version? Gano’n!
“Today, we will be having our very own battle ranking! We always do this on the second day of school to test the students if they really belong to their sections!” sabi ng lalaking nakatayo sa floating lupa.
“Sana sa Section Himitsu ako!” rinig kong sabi ng isa sa mga babae sa itaas.
“Oo nga! Para makasama natin si Prince Calvin!” sabi pa n’ong isa at sabay silang nagtilian.
“Ang gwapo rin n’ong lalaking transferee sa Himitsu!” dagdag pa nito kaya napairap na lang ako.
Psh! Ang lalandi! ‘Kala ko pa naman, sa school lang namin ang may gano’n! Meron din pala rito.
“Alam niyo naman ang apat na sections, hindi ba?” saad pa n’ong lalaki.
Isang nakabibinging ‘yes!’ naman ang aking narinig na sagot ng lahat ng mga estudyante rito, lalo na sa sigaw ng katabi kong si Sky.
“At dahil may mga transferee tayo, sasabihin ko na ang apat sa limang section ng paaralang ito!” panimula ng lalaki.
“Section Selenite: this section acclaims peace and calm, mental clarity, and well-being. However, it is fragile that’s why some of their opponents can easily break them. The students of this section are those who don’t have the higher amount of strength to demonstrate their powers properly.” So, dapat, dito ako sa section na ‘to? Well, tatanggapin ko naman nang maluwag, except doon sa peace and calm dahil hindi naman ako gano’n.
“Section Hematite: this section promotes you to stand strong and gives you more courage and willpower! But when their bodies build up excessive energy, it might be breakable, causing the students to not be able to use their abilities properly.” Uh-huh? ‘Yong nagpalabas siya ng kapangyarihan tapos nasobrahan, parang gano’n?
“Section Garnet: this section symbolizes perseverance and strength. The students here are strongly in control of their powers, but not enough. They are still having trouble fighting some strong opponents.”
“Section Sapphire: this section is associated with royalty. They were given abundance, blessings, and gifts. They are one of the strongest and unbreakable sections out of the five. This section is famous for being mysterious that’s why the current name of this section is Himitsu.”
Wow, royalty! And I am not even a royalty! Bakit ako nandito sa section na ito? Strongest and unbreakable? Huh! Hindi ko nga mapalabas nang maayos itong abilidad ko, e! Nako naman! Baka may dayaang naganap dito.
“And, oh! The seniors will not be playing this battle because they’re on their ongoing mission right now!” pahabol pa ng lalaki kaya nagtaka ako. Akala ko ba, apat lang? A, tama pala. Apat sa limang sections!
“The only golden rule in this game is you can’t get out of the barrier if you can’t defeat your enemy, ” wika nito at magiliw na pinaglaruan ang floating lupa. Barrier? So, may shield? “So, let’s begin! The first—“
Hindi na ako nakinig pa. Sa halip ay nanood na lang ako sa naglalaban.
Psh! Ang kalaban nila ay mga estudyante rin dito. Bale student vs. student. Pagkatapos ng laban ay sasabihin nila kung ano ‘yong section mo habang ‘yong mga na-knock down naman ay sasabihan na lang nila kapag gising na ang mga ito sa clinic.
Hapon na at hindi pa rin ako o sila natatawag. Halos maubos na ‘yong mga estudyante rito.
“Stephen Sky Slayer vs. Lady Antonnette Kennieshin,” sabi ng lalaki kaya napatingin ako kay Anto na tinutukan ng spotlight sa kabilang side ng arena. Kita ko naman ang gulat niyang mukha at kasama niya si Kris.
ㅤ
ANTONETTE
“Stephen Sky Slayer vs. Lady Antonnette Kennieshin!” sigaw n’ong lalaking nakatayo sa isang lumulutang na lupa.
Nanlaki ang aking mga mata nang narinig ang pangalan ko at ng aking makakalaban.
“Proceed sa gitna, bilis!” nagmamadaling sabi ng lalaki. Sarap kalbuhin, e. Hindi makapaghintay. Tsk. May lumulutang na lupa naman ang lumapit sa direksyon namin.
“Nako! Transferee ‘yan, hindi ba?” rinig kong sabi ng isang babae sa hindi kalayuan.
“Yes, oo! Patay ‘yan siya! Si Prince Sky pa talaga makakalaban niya!” buwelta ng isa pang babae.
“Siguradong marami-raming sugat ang makukuha niya sa laban nilang dalawa,” wika naman ng isa pa.
Kinakabahan naman akong sumakay sa nakalutang na lupa. Sumakay na rin ‘yong Sky at ngayo’y nasa likod ko na siya.
Hindi ko siya kilala pero ang alam ko lang ay sa section Himitsu siya. At sa narinig kong pagpapakilala ng mga sections namin kanina, mukhang mababaliw yata ako kaiisip kung bakit siya ang makakalaban ko!
And more importantly, hindi na ako nagulat about sa school na ito. Ikinukuwento na kasi sa akin ng mama ko na hindi ako normal at lalabas ang totoo kong pagkatao kung lumipat ako ng eskwelahan someday. And here I am! I’ve been transferred to this magical school!
“Don’t worry, ‘di ko raramihan sugat mo.” Nabalik naman ako sa aking wisyo nang bumulong sa tenga ko si Sky nang maka-landing na kami sa gitna ng arena. Nalunok ko naman ang sarili kong laway nang marinig ko ‘yon.
Waaaaaah! What’s wrong with me?! Duh? Ikaw si Antonette! ‘Wag mong sabihing naduduwag ka na?
Tsk! Hindi! Hindi ako duwag! At lalong hinding hindi ako magpapatalo sa taong binuhusan ‘ata ng milyon-milyong gluta? Ang puti kasi ng Sky na ‘to, e!
“Matatalo kitang puto ka,” mahinang sambit ko sabay naglakad papalayo sa kan’ya. Mahirap na, baka bigla niya akong sunggaban.
“Fight!” sigaw ng lalaki kaya inihanda ko na ang aking sarili.
Sh*t! As in tae! Paano nga ba palabasin ‘yong kapangyarihan? ‘Yong pipikit ka? Tapos ano?! Anong sunod? My gosh! Nagpa-panic ako sa gitna ng laban!
“O? Paano mo ako matatalo kung tatanga-tanga ka lang d’yan?” Nagulat ako nang may nagsalita sa harapan ko. At ano raw? Ako, tanga? E, kung gawin ko kaya siyang sculpture na gawa sa yelo?
“Trying to kiss me, huh?” nakangisi kong sabi kaya napaatras siya. Tsk! Napaka-epic ng mukha, sarap picture-an at ilagay sa bulletin board. Pfft…
Pumikit naman ako nang sandali at saka dumilat. Tiningnan ko naman ang palad ko. “Buti’t lumabas ka nang l*tseng yelo ka!” masayang sabi ko sa ‘king sarili.
Binato ko naman ang spikey ice na hindi ko alam kung paano ko ginawa kay Sky kaya nakita ko ang gulat nitong reaksyon. Pero kahit na gano’n, agad niya itong binawi at naging alerto.
BOGSH!
Nakain ko ang aking buhok dahil sa sobrang lakas ng hangin sa aking harapan ko. Pwe! Nakita ko rin kung paano tumilapon ‘yong kawawang yelo na ginawa ko.
“Lower section ka nga. Ang hina mo, e,” mapang-asar niyang sabi sa ‘kin kaya tinignan ko siya nang napakasama.
“Hindi mo pa ako kilala.” Pagkasabi ko no’n ay agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Hays. Para namang ang lakas ko no’ng sinabi ko ‘yong mga katagang ‘yon, a? Ano na? Malakas ka ba talaga, self?
“Okay, then tapusin na natin ito nang makilala na kita,” sarkastikong sagot naman niya at may pumormang ngisi pa sa kan’yang mga labi.
Humangin nang pagkalakas-lakas, dahilan upang matangay ako. “Aray!” sigaw ko nang mapahiga ako sa lupa at mabundol ang aking p’wet.
Huhuhu! Ang sakit, mga beh! ‘Di ba uso sa lalaking ito ang be gentle?
“Ano ba ‘yan? Nakakaantok ka namang kalaban, ang hina. Sabagay, bagay naman. Maliit lang ang kapangyarihan pati na rin ang may-ari,” hirit niya pa na may painat-inat effect pa.
Ah, talaga? Aish! Bw*sit ‘to, ah? Sinaktan na nga ako, ta’s iinsultuhin pa? Argh!
Tumayo naman ako nang dahan-dahan saka napatingin sa direksiyon niya pagkatapos. T-Teka? Ipu-ipo ba ‘yang nakikita ko?
Kinusot ko ang mga mata ko. Oh, man, holy cow! Ipu-ipo nga!
Napaatras naman ako nang dahil sa takot. May sinasabi ang lalaking nasa lumulutang na lupa pero mukhang nabingi na ‘ata ako dahil sa lakas ng hangin dito.
Tiningnan ko naman siya. Tsk! Nakangisi lang ang loko. Sarap punitin ng labi, e!
Lumingon ako sa mga kaklase ko at nakita si Kristina na halatang gulat na gulat. Ibinaling ko naman ang aking atensiyon sa left portion ng arena para tingnan ang mga reaksiyon ng ibang estudyante ngunit nanghina ang mga tuhod ko sa aking nakita.
“Mama…” mahina kong usal habang nakatingin pa rin sa kan’ya — sa nanay kong basta-basta ko na lang iniwan do’n. Pero in fairness, a? Nami-miss ko siya.
Tinitigan ko muna siya nang ilang segundo ngunit nanlaki ang mga mata ko nang may tumakip sa bibig niya.
“Oh, no… ‘Ma!” tarantang sigaw ko sabay takbo palabas pero hindi ako makalabas dahil sa l*tseng barrier na nakapalibot sa amin ngayon.
“T*ngna! Palabasin mo ako!” bulyaw ko sa lalaking naglagay ng barrier dito saka ito sinipa-sipa.
“Ang tornado! Malapit na sa kan’ya! Gusto niya bang mamatay?!” dinig kong sabi ng isang babae kaya lumingon ako sa likod ko. Malapit na nga pero I don’t f*cking care! Gusto kong makalabas sa l*tseng barrier na ‘to!
Tumingin ako sa direksiyon ng nanay ko. Kung gulat ako kanina, ngayo’y dumoble na.
Si Mama, nagliwanag! Kung tititigan mo’y nakasisilaw pero kung sa ibang direksiyon ka nakatingin ay hindi.
“P*ta! Palabasin niyo ako! ‘Yong mama ko! ‘Di niyo ba siya nakikita?” sigaw ko na naman at sinipa nang malakas ang barrier pero mukhang hindi nila ako naririnig. Aish!
Tumingin ulit ako sa mama ko.
Unti-unti na siyang naglalaho. “Ba’t ayaw niyong makinig sa ‘kin?! ‘Yong mama ko! Aahh!” malakas kong hiyaw kasabay ng ang malakas na impact na tumama sa likod ko.
Unti-unti akong nanghina’t nahiga. “’Ma!” mahinang sabi ko kasabay ang malakas na pagkabasag na aking narinig.
“I’m sorry, I think I crossed the line. And as my token of apology, I will do this,” dinig ko pang sabi ng kalaban ko. “And that’s not your mom. I used your memory to form an image using my wind to hypnotize you.”
Then everything turned black…
KRISTINA
Natahimik kami… Lahat nakanganga nang matapos ang laban.
“Gagawa na lang ulit ako ng barrier,” ani ng emcee. “At ang nanalo ay… wala! tabla sila! Sky stays on his section as well as Antonette!” he announced, dahilan upang magsigawan ang lahat.
Tumingin naman ako sa walang malay na si Antonette at kay Sky na bitbit-bitbit ng mga first aider ‘ata?
“Okay lang ba sila?” rinig kong tanong ng kung sino sa likod ko.
“Yes. They’re okay.”
Napa-exhale naman ako. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang hininga ko. ‘Di ko narinig kung ano ang isinisigaw ni Antonette sa loob kanina but she looked so frustrated. At imbis na maging masaya si Sky dahil gano’n ang reaksyon ng kalaban niya, mukhang nagi-guilty pa siya. Kaya ang ending, naging shield siya ni Antonette. Wow? Goody-two-shoes lang?
“Okay. May labing-dalawang estudyante pa tayong maglalaban ngayon!” sigaw na naman ng emcee kaya napaupo ako nang maayos.
“Ang susunod na maglalaban ay sina Dianna Eunice at…” Napapikit naman ako. P*steng Emcee! May pa-thrill-thrill pang nalalaman, e! P’wede namang sabihin nang diretso, hindi ba?! “Glendhel May Stone!”
I slowly opened my eyes. Gosh! That’s a relief! Thank God! Akala ko talaga, ako na!
“Proceed to the center! Faster!” the emcee shouted kaya sumukay na sila sa Floating Island na maliit. Kanina pa ‘tong emcee na ito, e. Nagmamadali. Tss.
“Princess vs. Transferee? Mukhang masaya ‘to a!” komento ng babaeng nasa likuran ko.
Isa lang naman ang transferee sa kanila, a? At ‘yon ay ang kaklase kong si Glendhel. Waitie! Don’t tell me na itong Dianna na ‘to ay isang prinsesa?
“The battle begins in 3, 2, 1… go!”
Nagkatingin muna sila saka sinugod ang isa’t isa.
BOGSH!
‘Yan lang ang tangi kong naririnig galing sa loob dahil ‘di ko talaga makita nang maayos ang paglalaban nila. Napalilibutan kasi ito ng usok.
After 10 minutes na gano’n pa rin ang tunog sa loob ay unti-unti nang nawala ang usok. ‘Yong transferee na si Glendhel, puno na ng sugat ang buong katawan habang si Dianna nama’y may sugat din ngunit ‘di gaano karami o gasgas lang talaga ang mga ito.
But wait?!
Halos maligo na si Glendhel sa sarili niyang dugo pero bakit nakatayo pa rin siya?! Omg! Halimaw siya?
“And the winner is…” Napatingin naman ako sa emcee. Is he dumb? Kita na ngang nakatayo pa silang dalawa, e! So, it means wala pang natalo o nanalo sa kanila!
Then suddenly, biglang natumba si Glendhel kaya nakita kong napangisi si Dianna. Seriously?
“…Dianna!” sigaw ng emcee at kasabay n’on ang malakas na hiyawan ng mga estudyante rito sa loob.
Kaagad na kinuha naman sila ng mga first aider na mga unano at sinabi rin ng emcee na mananatili si Dianna sa kan’yang section.
“Next! Kristina Camille Throan versus…” Pumunta sa kinauupuan ko ang spotlight. Sh*tsu! It’s my turn na! Pero ‘yong emcee talaga, e! Sarap pektusan! Dami pang pa-thrill-thrill!
“Versus Carper James Death!”
Ay, anak ng koki monster! Why him? Why him na dati nang student sa school na ‘to?! P’wede naman sigurong si Kristel, ‘di ba? Transferee pa kaming dalawa! O, ‘di ba? It’s a tie!
Well, alam kong hindi siya transferee kasi heller? ‘Yong mga malalanding babae na kanina pa tumitili ay tinatawag siyang Prince Carper! So, in conclusion, isa siyang prinsipe at nasa section Himitsu pa! Diyos ko naman, Lord, bakit naman ganito huhuhu!
“Ako lang ba? O mukhang kawawa talaga ngayon ang transferees?” usal ng isang lalaki sa ‘di kalayuan. Hindi rin. Parang pinagplanuhan talaga ang pagpili. Obvious na obvious, e. Sinong nag-organize nito? Pepektusan ko lang.
Sumakay na lang ako sa little floating island na kanina pa naghihintay sa ‘kin. Sumakay na rin kasi ‘yong Carper.
“’Wag kang mag-alala, Kristina, ita-tie ko— natin ang laban,” giit ni Carper kaya nabuhayan ako ng dugo. Music to my ears!
“Really?” I mumbled then playfully clapped my hands.
“Kilala mo ba si Joke?” seryosong tanong niya naman. Huh? Sino naman ‘yon? May gano’n bang pangalan?
“Hindi, bakit?” nagtataka ko namang tanong sa kaniya.
“Ako kasi ‘yon, e!” sigaw nito sabay halakhak nang pagkalakas-lakas.
Tss. Baliw! Gets ko na, p*ste siya! Ngunit hindi ko na lang siya pinansin.
“Ayiee! Ang gwapo talaga ni Prince Carper hubby ko!” tili ng mga babae kaya napairap ako. G’wapo nga, abnormal naman.
“Thanks, ladies!” Carper said then winked. Kaya ayon, tilian na naman. Tuwang-tuwa pa ang g*go.
Bumaba na ako sa LFI (little floating island) nang makarating na kami sa battle portion ng field.
Naglakad naman ako patungo sa kabilang side para mailayo ang sarili sa abnormal na ‘to.
“Ready! Get set… go!” the emcee shouted in excitement. ‘Yong totoo? Ano kami? Runner? Tss.
“Hey. ‘Wag mong pinagtutuunan ng pansin ang mga tao sa paligid. Dapat sa ‘kin lang— dapat sa laban lang nating dalawa,” Carper whispered at my ears.
Napatingin naman ako sa kaniya. Nakangisi ito sa akin kaya nagulat ako. Sandai! Nasa kabilang side lang ‘to kanina a?
“God! Kristina! Bumalik ka sa wisyo mo!” dagdag pa nito at parang siya pa ang nai-stress sa naging reaksyon ko.
SWICHK!
Nakuryente naman ako sa ginawa niya. Argh! “Ouch!” I groaned in pain. That stings!
SWICHK!
“Ugh! Cr*p that lightning of yours!” I shouted again, angrily. Tumakbo ako patungo sa kan’ya.
“So? What now?” panghahamon nito sa akin habang hindi pa rin tinatanggal ang ngisi sa kan’yang labi.
“Tss. Take this!” sabi ko kasabay n’on ang malakas na suntok ko sa abnormal niyang pagmumukha.
Halatang nagulat naman siya ro’n dahil hindi niya agad ito napigilan.
“What the hell!” sigaw niya nang ang suntok na ‘yon ay sinundan ko pa ng high kick sa pagmumukha niya. Kaya ayon!
BOGSH!
Tumilapon siya. Huh! Akala niya siguro, hindi ko siya malalabanan! Well, trained ‘ata ‘to ni Mommy! Okay. Mommy. I miss her…
“Anong iniisip mo, ha?” malakas na sigaw ni Carper na mukhang naka-recover na ‘ata.
“None of— Ugh!” ‘Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakal niya ako gamit ang kan’yang kaliwang kamay.
“Ang daldal mo,” he uttered in a serious tone. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ko kaya napaubo ako. Aba? Hindi ‘ata gentleman ang isang ‘to?
“W-Walang hiya ka!” pagpupumiglas ko saka siya malakas na siniko, dahilan upang mabitiwan niya ako.
“Ang sakit no’n, ah?!” reklamo niya sa akin sabay hawak sa tagiliran niya.
‘Di ko siya pinansin, sa halip ay sinugod ko siya at sinuntok sa bandang dibdib niya. Napaubo naman siya nang laway niya. Yuck!
“The fudge! May plano ka bang patayin ako?!” sigaw niya at iniluwa ang dugo na galing sa labi niya. Huh! Serves him right!
So, ang nangyari, imbis na gamitin namin ang kapangyarihan namin sa labang ito, nagsuntukan na lang kami. Mas okay na ito kaysa sa kasali ang powers, ‘no? ‘Di pa ako sanay gamitin ‘yon!
“Unang-una, immortal ka, hindi ba? Ba’t ka nasasaktan sa mga simpleng atake ko? Hindi na nga ako gumamit ng kapangyarihan, e,” mahinang usal ko sa kan’ya at huminga nang malalim.
“Second. Royalty ka ba talaga? Dahil sa pagkakaalam ko ay malalakas sila, hindi mahihina na tulad mo. And lastly, hindi ka mamamatay kasi hindi naman ako mamamatay-tao,” dagdag ko pa. Halata namang iniinis ko siya, ‘di bA? E, kasi naman, nakakainis din talaga siya.
“Tsk. Ang daldal mo nga,” Carper coldly retorted. Oh, no. Serious na po siya!
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Para siyang si Goku na nagiging super saiyan pero hindi nag-iba ang buhok niya, mata lang.
Well, ang masasabi ko lang… Ang creepy! Sobrang nagalit ko ba siya?
“H’wag kang mag-aalala, ito na talaga ang tunay na laban,” Carper muttered before smirking evily.
Naglakad siya patungo sa ‘kin. My whole gorgeous body stiffened nang makitang lahat ng tinatapakan niya’y nasisira. I slowly closed my eyes due to fear.
Lord, ikaw na po ang bahala sa ‘kin! Sana tanggapin niyo po ako nang maluwag diyan sa inyong kaharian. Salamat po sa lahat. Sorry din po sa lahat ng kasalan ko. Sana po bantayan niyo nang maiigi ang pinakamamahal kong Mommy at sana rin p—
“Aahhh!” Natigil ang pagdarasal ko nang sumigaw nang pagkalakas-lakas ang mga tao, este imortal sa paligid. Then suddenly, may narinig akong malakas na pagsabog.
“Ang mga alagad ng Darshinians, naninira na naman,” malamig na anas ni Carper saka pinatunog ang kaniyang dila kaya napatingin ako sa tinitingnan niya.
My eyes widened. “Oh my god!”
END OF CHAPTER 4
Dedicated to: richanzai_
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top