III

Chapter 3: Mukhang Naubos Yata?


The morning was vibrant and windy. With the sunrise light, the footpath I was stepping on was glimmering like a carpet of shattered paragons. No, it is not just like — it really is.

I heaved a sigh. It is all the same. Nothing changed. How can I escape this curse? How can we escape this curse? 

My friends beside me looked anxious, mad, and mournful. Wala kaming nagawa para iligtas sila. Ngayon, kami naman ang isusunod nila.

Defeated, we looked at our opponents’ victorious smile. 

“Goodbye, our imprecated immortals~”   







Napabalikwas ako sa ‘king pagkakahiga. What? A dream? Again? Napapadalas na ‘ata ang mga panaginip ko na ‘yan, a? 

Kinusot ko naman ang mga mata ko at pinunasan ang pawis na nangingilid sa ‘king leeg. What a way to wake someone who is in her beauty rest. Psh.

Napairap na lang ako sa kawalan at tiningnan ang nakabukas na bintana. Nakatulog pala ako.

Tumayo na lang ako at isinara iyon. Nakaramdam din ako ng panunuyo sa aking lalamunan kaya naisipan kong bumaba muna at uminom ng tubig kung meron man.
 
Pumasok ako sa kusina saka nakakita ng pitsel doon kaya kumuha ako ng baso at uminom ng dalawang basong tubig. Bumalik ako sa aking k’warto pagkatapos at pilit na ipinipikit ang aking mga mata ngunit hindi ko nagawa. Kahit anong pikit ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Inis naman akong napapadyak sa kama at umupo rito.  

Napagpasyahan ko naman na lumabas ng k’warto. Bumaba ako sa hagdan at akmang bubuksan na sana ang pinto papalabas ngunit may nagsalita kaya napahinto ako.
 
“Can’t sleep?” Napataas naman ang aking kilay ng marinig ‘yon. 

“Can you state the obvious?” mataray kong tanong sa kan’ya. 

“Feisty!” he commented, making me frown. Ugh! Kung wala naman siyang magandang sasabihin, e ‘di sana ‘wag niya na akong istorbohin? 

“Did you knowbI can’t sleep because I had a nightmare about your face.” Huh, what a good joke, Esh-esh. 

“Kulang ako sa tulog kaya huwag mo akong istorbohin,” walang ganang sambit ko.

“No, I’m serious!” Serious his butt. 

“Ang aga niyo naman ‘atang mag-bebe time.” Lumabas naman si Sky sa kan’yang k’warto habang kinukusot ang kan’yang mga mata.

“Anong bibe time?” nagugulumihanang tanong ko sa kaniya. Like ‘yong mga small animal ba na lumalangoy, kumakain, at umiinom ng tubig sa kanal? Iyon ba ang ibig niyang sabihin? Bibe? May nakikita ba siyang bibe rito?
Hinanap ko naman ang sinasabi niyang bibe. “Wala namang bibe rito, Sky. Baka naalimpungatan ka lang,” I told him, wondering why would he say such thing, before I gave up going outside. Hindi rin naman siguro ako makalalabas dahil mukhang gising na ‘ata silang lahat.

“Be ready, guys. Two candles from now, Miss Anika’s class will start,” Eunice said while looking at the candles.  Ano ‘yon? Oras ba nila ‘yon? 

Tiningnan ko naman ang kandila na nasa candle stand. Wow, bakit hindi ko nakita ito kanina? This is how they can tell time? That’s awesome!  

Nagmadali naman akong naglakad papuntang taas upang mag-ready na. Well, not that I am excited about my first day here. But I think I need to know more about this world, I guess? 

“Your uniform is there,” Euhonn said while pointing at the round table.

“Someone delivered it last night while you were asleep,” he added. Nakita niya sigurong nagtaka ako kung bakit ito nandito kaya sinagot na niya agad ako kahit hindi pa ako nagtatanong.
Ngumiti na lang ako sa kaniya saka ko kinuha ang box at dinala ito sa itaas.  
 







“Luh? Ba’t ganito?” Naglalakad kami patungo sa classroom na pinuntahan namin kahapon habang nakatingin ako sa aming mga suot na uniporme.

“Ba’t ‘di tayo magkakaparehas?” dagdag ko pa at isa-isang pinagmasdan nang mabuti ang aming mga uniporme.  

“Each color symbolizes your ability. You will learn it once we’re in class!” sagot sa akin ni Carper sabay tapik sa balikat ko. P’wede bang tigilan nila ang pagtatapik at paghahampas nila sa balikat ko? Hindi naman kami gano’n ka-close para maging gan’yan ang maging trato nila sa akin. Psh.  

“Ugly ignorant!” I heard Esh-esh clicked his tongue after saying that. Wow, coming from a guy who likes to gossip! 

I was about to hit him when we stopped in front of a double door entrance. It’s his luck day. I just rolled my eyes heavenwards.  

“Good morning!” bungad na bati sa ‘min ni Miss An na nasa harapan. 
 
“Good morning, Miss An!” bati naming lahat pabalik at pumasok na saka umupo sa kan’yang-kan’ya naming silya. 

“So, let’s stop the formalities and get to our lessons!” she said while clapping her hands three times. Napaupo naman ako nang maayos nang tignan ako ni Miss An. 

“Come here, Eunice!” Napahinga naman ako nang maluwag nang hindi tawagin ang aking pangalan.  

“Since we have our new ones here, let’s introduce each one of your abilities!” nasasabik nitong sabi sa amin at hindi mawala-wala ang ngiti nito sa kan’yang labi. Looks like she’s more excited than us. Psh. 

“Eunice, if you may?”

Tahimik lamang akong nakatingin kay Eunice habang tinataas niya ang kan’yang hintuturo. Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Bigla kasing may lumabas na apoy sa kaniyang hinntuturo at kung namamalikmata ba ako ay hindi ako sigurado. Basta nag-iba ang kulay ng kan’yang mga mata.

Pyrokinesis ability. The possessor of this ability holds supreme power and complete dominion over flames, heat waves, and magma. It is also a particularly potent and hazardous ability. So, careful kayo kay Eunice, baka tustahin niya kayo!” Tumawa naman mag-isa si Miss Anika sa harapan namin habang ako ay nakatulala lamang sa apoy sa hintuturo ni Eunice na unti-unting nawawala.

H-Ha? Hindi kaya nagha-hallucinate lang ako ngayon? E, hindi naman ako gumagamit ng bawal na gamot, ah?
Gusto kong sampalin ang sarili para malaman kong hindi ako nananaginip pero mukhang iisipin ‘ata nilang nababaliw na ako at itusta ni Eunice kaya ‘wag na lang. Behave na lang ako rito sa gedli.
 
“Carper, come over here!” Umupo naman si Eunice at sumunod naman si Carper sa kan’ya.  

Hindi na nagsalita pa si Carper at kagaya ng ginawa ni Eunice, nag-iba ang kulay ng mga mata niya at laking gulat ko nang biglang may lumabas na lightning sa buong silid kung kaya’t napayuko ako dahil baka makuryente ako nang wala sa oras! Diyos ko po! 

“Carper!” galit na wika ni Miss An kaya napa-peace sign naman si Carper. Wow? Papatayin niya ba kami? 

Electrokinetic ability. The person who has this ability is capable of producing and manipulating electrical energy psychically. And, Carper, don’t scare your new classmates, they’re still absorbing this kind of thing!” paliwanag ni Miss Anika sa ‘min na may halong sermon kay Carper. Umupo naman na ito saka ngumit nang pilit. Napairap na lamang ako sa kaniya.  

Tinawag naman ni Miss An si Sky kaya pumunta na ito sa harapan namin. Humarap siya sa amin at walang pasabing ginamit ang kapangyarihan niya harapan. Biglang lumakas ang bugso ng hangin sa loob ng classroom kaya nagsibukasan ang mga bintana rito. Nag-iba rin ang kulay ng mata ni Sky habang ginagamit niya ang kan’yang kapangyarihan.
 
Aerokinesis ability, the user can regulate air particles oscillate at a proportionate amplitude to the air pressure/sound wave proportion. This gives the user the ability to produce and manage hypersonic currents of air.” In short, the possessor can manipulate air, wind, and gas! 
Ang taas-taas ng explanation ni Miss Anika, e ito lang naman talaga ang main. Psh. 

Si Euhonn naman ang sumunod kay Sky. Pinakita niya sa amin kung paano niya pinatubo sa palad niya ang maliit na punong ginawa niya, bonsai ‘ata ang tawag sa ‘min, at pinahangin ang paligid. Wait, what? Dalawa? Dalawa ang kapangyarihan niya? May gano’n ba? 

Aegeokinesis ability, the user can manipulate air and earth. There’s no explanation of how that came out, but as the elder says, it came from their mother and father,” Miss Anika stated at pinaupo na si Euhonn. 

“Jouesh? Can you step in—“ Hindi na natapos ni Miss An ang kaniyang sasabihin dahil may biglang sumabat sa kaniya. 

“I’m sorry, I’m late!” Napatingin naman kaming lahat sa pintuan nang may dumating.

“Oh, Calvin! When did you get back?” Sky greeted the newcomer. 
Nakita ko naman kung paano lumutang ‘yong Calvin at ibinitin patiwarik ng kung sino. “By the way guys, I have the Geokinesis ability, also known as Terrakinesis. This is the ability that can command the earth and all of its components, including rock, silt, wildlife, and the life of plants!” Miss Anika explained while walking towards the latecomer.  

“Now, now, Mr. Calvin. Can you state your valid reason why you’re late?” Si Miss Anika pala ang bumitay sa kan’ya. Namumula na rin ang mukha niya habang tinitignan si Miss Anika. 

“The Queen says to escort the late transferee, so I did! Please, Miss Anika, put me down!” At sa hindi inaasahang pangyayari, agad na ginawa ito ni Miss Anika.  

“Why did you use that?” galit na sabi nito kay Calvin.  

“I’m sorry, nahihilo na kasi ako, Miss An!” sabi ni Calvin at inayos ang k’welyo niya. 

May pumasok namang isang babae sa loob. “This is Kesha, the transferee. Sinamahan ko siya para hindi siya maligaw.”

Unti-unti namang nawala ang galit sa mukha ni Miss Anika at napalitan ng napakalawak na ngiti. “Oh! You’re such a gentleman, Calvin!” sabi nito at pinisil pa ang mukha ni Calvin na para bang hindi niya ito binitin kani-kanina lang. 

Nako, Beatrice! Palagi ka pa namang nale-late sa St. Joseph Academy! Kaya magbagong buhay ka na ngayon at huwag na huwag kang magpapa-late para hindi ka mabitin katulad ng Calvin na ‘to! 

“Since ikaw ang late, ikaw ang unang magpapakita ng iyong kapangyarihan, Miss…?” Rumampa si Miss An papuntang gitna kaya umupo na ‘yong dalawa sa likuran ko. 

“Kesha,” tipid na pagpapakilala ng babae.

“Pumunta ka rito sa harapan, at tuturuan kita kung paano palalabasin ang iyong kapangyarihan!” masayang saad nito ngunit parang hindi nasiyahan ang transferee rito kaya nawala ang masayang ngiti ni Miss An. 

“I’m a fire user, I am trained. I know how to use my ability,” tipid na naman nitong sagot at umupo na.

Napatango-tango na lang si Miss An at tumingin kay Esh-esh. Mukhang na-gets naman niya ito kaya tumayo  siya at pumunta sa harapan. 

“Close your eyes, feel the energy that surrounds you. Isipin mong may kapangyarihan ka at sa pagmulat ng mga mata mo ay mabubuksan ang iyong pintuan.” Para bang nagbibigay ng motivational speech si Miss An habang sinasabi niya ‘yon kay Esh-esh. 

Pumikit naman si Esh-esh at parang may kung ano naman siyang naramdaman dahil nakita kong kumibot nang kaunti ang kan’yang mga mata. Nagulat naman ako dahil sa pagmulat niya ay nag-iba na ang kulay nito, kasabay no’n ang mahinang paglindol at may lumabas na isang napakagandang bulaklak sa may paanan niya.  

Nakita ko naman kung paano kuminang ang mga mata ni Miss An nang malaman niyang gano’n ang kapangyarihan ni Esh-esh. “Wow! We have the same ability!” magiliw na sabi ni Miss An at niyugyug pa si Esh-esh. 

Ako naman ang nahilo sa ginawa ni Miss An sa kan’ya and at the same time, natatawa dahil alam kong nahilo siya sa ginawa ng guro namin. Pfft… 

I heard her fake a cough and turned her gaze toward me. “It’s your turn, Miss Beatrice!” tawag nito sa ‘kin kaya tumayo na ako. 

Nagkabangga naman ang balikat namin ni Esh-esh. “Don’t embarrass yourself, ugly witch,” I heard him whisper.

I shoot him a death glare. “Try me!” I mumbled. Tumawa naman siya nang mahina dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Psh. 

Nang nasa gitna na ako ay biglang lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako… Aba? Sinong hindi kakabahan dito? Hindi ko nga alam kung may gano’n akong kakayahan, e! At hindi naman siguro ako kaparehas sa kanila na hindi normal, hindi ba?  

“You may start now, just do as I said to Mr. Jouesh!” Miss An said while smiling.

I heaved a sigh. Nakaka-abnormal mang isipin ay ‘yon din ang ginawa ko. After kong pakiramdaman ang something extraordinary na energy kuno raw ay parang may naramdaman akong kakaiba sa aking katawan. Parang may kakaibang dumadaloy sa mga ugat ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. 

Dahan-dahan ko namang minulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa palad ko. May lumabas nap tubig sa mga palad ko kaya tiningnan ko ito nang maigi. Parang… parang may mali ‘ata rito. 

“Pfftt— HAHAHAHA!” Napuno naman ng halakhak ang silid. Pati nga si Ms. An, gustong tumawa pero pinipigilan lang niya. 

“Psh!” naka-poker face kong sabi. Ano namang nakakatawa ro’n? E, newbie pa lang naman ako kaya normal lang ‘yon, hindi ba? 

At bakit ba sila parang mamamatay-matay na sa katatawa?

E kasi naman po, may lalabas na sanang tubig sa mga kamay ko pero bigla naman itong naglaho at may sound effect pa na plok na pahabol!

Psh! Mukhang naubos ‘ata?

END OF CHAPTER 3

Dedicated to: @aeriina_

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top