I
Chapter 1: Transfer
I made my way through the woods, freezing and soaking, lethargic and drained.
Nakasuot ako ng isang itim na balabal habang tumatakbo. Hinahabol ako ng isang babaeng nanlilisik ang mga mata at galit na galit sa akin.
The glitters of the paragons that I manage to bring are lingering throughout my runaway. Nag-iiwan ito ng bakas habang tumatakbo ako papalayo sa kanya. Hawak-hawak ko ngayon ito upang hindi mapasakanya.
Naghihingalo na ang mga kaibigan at kapatid ko, hindi ko hahayaang kunin ang sentro ng kanilang buhay at maging abo nang dahil lang sa makasariling adhikain.
“Beatrice, stop right now!” she shouted. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo.
If only I can use my powers now...
I halted when I saw a shadow in front of me. Nanginginig ang aking mga paa nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
“Going somewhere, Ayesha?”
ㅤ
ㅤ
Napabalikwas ako sa kama ko at napatulala sa kawalan.
Panaginip na naman. Bakit ba lagi kong napapaganipan ang babaeng iyon? Lagi lang itong sumusulpot kapag kakaiba ang mga panaginip ko, at ako lagi ang hinahabol nila na para bang may gusto silang kunin sa akin.
Napairap na lang ako sa isip-isipan ko. Psh. Baka may lahing kabute lang talaga ang mga ‘yon kaya gumigitaw na lang kung saan-saan.
Tumingin ako sa side table ko. Nando’n kasi ang alarm clock ko na wala namang silbi. Hindi kasi ito tumutunog kahit anong gawin kong pag-se-set dito.
Namilog naman ang mga mata ko nang makita ang oras. “Late na ako!” tarantang sigaw ko at nagmadaling pumasok sa banyo upang maligo. Grabe, nakakagulat! Ang bilis naman ng oras!
Matapos kong gawin ang aking ritwal sa loob ng kwarto ay bumaba na ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman si Tita na kumakain na ng almusal.
“O, gising ka na pala! Umupo ka na rito at kumain!” masiglang sabi ni Tita at tinapik-tapik pa ang upuan na nasa tabi niya. Ngumiti naman ako nang pilit sa pag-aaya niya.
“Sa canteen na lang po ako kakain, late na po kasi ako, e! Sige na po, Tita, babush!” pagpapaalam ko sa kan’ya at nagmadaling tumakbo patungo sa paaralan na hindi naman kalayuan sa bahay namin.
Sa katunayan, p’wede siyang lakarin lang pero dahil mahuhuli na ako ay kailangan ko na itong takbuhin.
“O, bata! Bilisan mo! Malapit nang magsimula ang klase!” sigaw sa ‘kin ni Manong Guard nang makarating ako sa gate. Nakatayo ito at akmang isasarado na sana ang gate. Buti na lang talaga at nakaabot pa ako.
“Yeah, yeah. I know,” walang ganang sagot ko at tumakbo na patungo sa classroom. Wala na akong planong lumingon pa sa kaniya at magkunwaring magalang kasi mukhang kilala niya naman na ako.
“Why are you late, Ms. Sy?” bungad na tanong sa ‘kin ng subject teacher namin ngayon.
“None of your business,” matamlay ko namang sagot sa kanya at saka umupo na sa silya ko.
Dito sa paaralan na kasalukuyan kong pinapasukan, you can do all you want as long as nagbabayad ka nang tama sa tuition. Still, as the principal said, there is a limitation. But who cares?
Hindi na lang ako pinansin ni Ma’am at nagpatuloy na sa pagtuturo niya.
“Don’t mind her, okay? Let’s just go back to our topic. So, as I was saying…” Itinuloy niya lang ang pagtatalakay tungkol sa table of elements.
Psh. ‘Di ko nga alam kung bakit ang sipag ng guro namin. Kahit ni isa sa ‘min, walang nakikining sa mga lesson niya. Pero siya, dada nang dada sa harapan.
Well, I clearly understand the lesson nonetheless. Hindi ko rin alam kung bakit. But as long as I hear some familiar words about sa lectures, parang na-pe-predict ko na kung ano ang susunod na sasabihin ni Ma’am. Like parang nadaanan ko na ang lesson na ‘yon pero ‘di naman? Basta ‘yon na ‘yon.
By the way, I’m Beatrice Sy. 16 years of age. Wala akong kapatid at lalong-lalo nang wala akong mga magulang. Hep! Hep! Uunahan ko na kayo, my parents are not dead. Iniwan nila ako, sabi sa ‘kin ni Tita.
Si Tita lang ang bumubuhay sa ‘kin although she’s not my real tita! Sabi nga niya sa ‘kin, tita na lang ang itawag ko sa kanya para magmukhang ‘di raw siya matanda. O ‘di ba, ang bongga niyang mag-isip?
ㅤ
ㅤ
CRING!
Tumunog na ang pinakahihintay naming bell. Walang pasabi namang lumabas ang mga kaklase ko kahit na hindi pa dismissed ang klase.
I saw Ma'am Hermoso let out a sigh as she compiled all of the papers that were scattered for her lesson today.
Tumayo na lang din ako saka siya tinulungan. Well, kahit na may pagkamaldita ako sa kaniya, as well as she is to me, may guardian angel pa namang bumubulong sa likuran kong tulungan siya.
She just smiled and thanked me before she bid her farewell and left the class. ‘Di ko na lang ito pinansin at kinuha ang notebook ko sa math. Tama na ‘yong natulungan ko siya, ‘wag na tayong masyadong plastik, okay?
Our math teacher told us that we’ll be having a quiz today and he is our next subject. Confident naman ako about sa mathematical skills ko, but since I have this attitude of discretion, I am going to study this quadratic lesson.
“Solving quadratic equations using the following equations. Factoring. Area of chu-chu…” Para naman akong baliw na binabasa ang notes ko nang malakas, pero ‘di naman ako pinakialaman ng mga kaklase ko kaya keri lang.
“Beatrice Sy!” Ay, bw*sit! Kitang nagi-study hard ako, e!
Masama ko namang tiningnan ang tumawag sa akin na nasa pintuan. Grabe kung makasigaw! For sure, umabot ang pangalan ko sa kabilang baryo kaya ‘di na ako magugulat if may makakaalam dito. Psh.
“Ano?!” inis kong sigaw pabalik sa kan’ya.
“Principal’s office daw! Pumunta ka ro’n! Dali!” atat na atat naman niyang wika. Ay, wow, mas excited ‘ata siya sa flight ko papuntang principal’s office, a?
Iniikot ko lamang ang mga mata ko at niligpit na ang mga gamit ko.
“Dalhin mo na rin daw bag mo,” dagdag niya pa at saka na umalis.
Nagbulungan naman ang mga kaklase ko nang marinig nila ang huling sinabi ng ‘di ko kilalang estudyante. Psh. Mga tsismoso!
‘Di ko na lang sila pinansin at naglakad na patungong principal’s office.
Maki-kick out na yata ako sa sobrang dami ng records ko rito sa school. Pero sabi naman nila, we can do whatever we want, ‘di ba? Ay, oo nga, there’s a limitation and I bet I surpassed it already. Sorry naman.
Nang makarating sa principal’s office, walang pasabi ko namang binuksan ang pinto nito — dahilan para pagtinginan ako ng mga tao sa loob.
“Oh! Nandito ka na pala, Ms. Sy! Good morning!” masayang bati ng principal sa ‘kin. Pinaikot-ikot naman niya ang kan’yang swivel chair habang nakangiting pinagmamasdan ako.
Weird. Did I do something that made him that happy?
“Morning,” bati ko na lamang pabalik. ‘Di naman ako masyadong bastos ‘no?
I roamed my eyes around the office and raised an eyebrow afterwards. I thought I was the only one who had been called here, but two more students were sitting on the couch near the principal.
“By the way, Ms. Sy, this is Antonette De Leon and Kristina Lee. And girls, this is Beatrice Sy!” pagpapakilala ni Sir sa ‘min kahit wala namang nagtanong. Well, how generous of our principal.
“And?” mataray kong tanong dito.
“Sit down,” sagot niya kaya umupo na ako sa isang couch na nakita ko.
Bigla namang tumahimik ang office.
The atmosphere became serious kaya parang kinakabahan ako sa kung ano ang susunod na mangyayari.
“I bet the three of you know why I called you all here. Due to many records that you’ve made inside the campus, as the principal of this school, I need the three of you to pay for it.” Seryoso naman akong napatingin sa mukhang pera naming principal. Seriously?! Another payment na naman?
Bigla naman siyang tumayo at imbis na makita ang galit niyang itsura, kabaliktaran ang nakapaskil sa kaniyang mukhang. He’s smiling like a crazy old man. Looks like he is planning something that I am not going to like.
“Oh, my god! I’m so excited about this! This is the 2nd time! I’m going to exile the three of you again from this school!” our principal exclaimed, giving us a weird feeling about the payment he was saying.
“Is he going to r*pe us?” I heard Kris — I don’t know what’s completely her name but let’s just call her that.
“I bet yes, look at his creepy smile and laugh!” Anto — or whatever — answered. I am not good at memorizing names kaya pasensiya sila. ‘Di ko sila matatawag sa mga pangalan nila nang matino.
“HAHAHAHAHA!” Kasabay ng tawa niyang ‘yon ay ang pagbukas ng pinto.
Pumasok naman ang isang magandang babae na sa tingin ko’y nasa mid 30s pa. Kasama niya ang tatlong naglalakihang bouncer na mukha talagang mga unggoy.
“Ms. Allysa, ikaw pala! I was just about going to spill the tea on them but I am late, sorry!” the principal said.
“Hello, Mr. Park! Can I take them to their new school now?” giit ng magandang dilag na bagong pasok lang na tinawag ni Sir Park na Ms. Allysa. Well, simple name, madali lang sauluhin.
“We are transferring? That’s our payment?” mataray na sabi ni Anto.
The principal nodded, making the three of us sigh in relief. Gosh! Akala ko talaga, re–r*pin na talaga kami!
“So, Sir Park, ipata-transfer niyo kami to another school kasi sakit kami sa ulo niyo?” seryosong tanong ko sa kaniya.
“Parang gano’n na nga. It’s just like sweeping some dirty dust out of my house,” he replied while smirking.
Ay, wow? Kung sakalin ko kaya siya nonstop? Makaalikabok ‘to, e siya naman ang mukhang alikabok. Psh!
“You can take them now, Ms. Allysa! I am so happy that my school will be cleaned!” he loudly exclaimed and laughed like an abnormal animal. Psh. Annoying crazy old man.
“Tse! Unahin mo kayang linisin bunganga mo bago school mo?” iritadong komento ni Kris.
“I agree, smells like you don’t brush your teeth for decades na kasi!” resbak naman ni Anto. ‘Di na lang ako nakisali sa bangayan nila dahil sayang lang sa laway kaya ‘wag na.
“Let’s go na, girls. Just don’t mind your former principal okay?” nakangiting tugon sa ‘min ni Ms. Allysa.
Actually, intimidating siya if she’s not smiling, making me don’t want to look at her. But when she smiles, parang gusto ko na siyang titigan forever — kasi nga, ang ganda.
“We will go to your houses. I have to inform your parents about the transfer thingy that we talked about earlier. Also, don’t worry, I’m going to give the three of you a ride to your houses kaya just tell me the directions, okay?” she added, still smiling, making the three of us nod in response.
Ipinalakpak niya ang kaniyang mga kamay nang dalawang beses dahil doon. “Great! So, let’s go!” she said with excitement at nauna na sa amin.
Literal namang bumagsak ang panga ko nang pumasok siya sa isang limousine na nakaparada sa harapan ng school. ‘Yong mga kasama ko naman, kumikinang ang mga mata at parang tutulo na ‘ata ang laway nang makita nila ito.
“What are you waiting for? Hop in!” Ms. Allysa said. Pumasok naman kami sa loob ng sasakyan gaya ng sabi niya.
Kung enggrandeng tingnan sa labas, paano pa kaya sa loob? Grabe, parang may araw sa loob dahil sa sobrang kinang nito.
Napailing naman ako sa dalawa na masayang naglibot sa loob, ‘di kagaya ko na halos hindi na makakilos dahil parang isang galaw ko lang, mukhang iikot na ang buong mundo ko.
Umupo na lamang ako malapit sa bintana at isinandal ang ulo roon. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng sasakyan ay ‘yong air-conditioned, nakakasuka at ang baho, l*tse.
Itinuon ko ang tingin sa labas at nag-isip ng kung ano, one of my ways para makalimutan kong nahihilo ako sa baho ng sasakyan na ito.
I thought about how Tita will react when the principal kicked my a*s out of that school and transferred me to another so that I am not going to mess around again.
Bigla namang bumigat ang talukap ng mga mata ko katitingin sa labas kaya hinayaan ko na lang na lamunin ako ng antok at natulog. I already told Ms. Allysa about the location of our house kaya no problem na ako rito.
ㅤ
ㅤ
“Hoy!” sigaw sa ‘kin ng walang hiyang tao. Bw*sit! Kitang natutulog ako, e!
“Ano?!” bulyaw ko pabalik sa kan’ya.
“Gumising ka na! Tapos na kaming magpaalam! At saka tingin sa labas!” sigaw rin sa ‘kin ni Anto sabay turo sa labas ng bintana.
Tinignan ko naman ‘yong sinasabi niyang labas. Psh! Nandito na pala kami sa bahay namin.
Inirapan ko naman ang g*ga. Feeling close kung makasigaw, e kakakilala lang naman namin kanina. Tumayo na lang ako at lumabas sa sasakyan.
“Tsk! Hindi ba uso sa ‘yo ang salitang thank you?!” inis niyang sigaw at ipinagdiinan talaga ang salitang thank you.
I just raised my middle finger at her at tuluyan nang lumabas sa sasakyan kaya narinig ko ang frustrated niyang sigaw sa loob. Pft.
Sumabay naman sa akin si Ms. Allysa. Manghang-mangha siya sa bahay namin at ang ganda raw. Marami siyang pinagsasabi pero tinatanguan ko lang siya dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Tita.
“Panigurado akong instant sermon na naman ‘to,” bulong ko sa sarili at napailing-iling na lang.
“Tita, I’m home!” kinakabahang pagbati ko. Kinuha ko naman ang susi sa bulsa ko at ini-insert ito sa keyhole.
Nakarinig naman ako ng footsteps pababa. Nang mabuksan ko na ang pinto, nakita ko kaagad ang gulat na reaksyon ni Tita nang makita niyang may kasama ako.
“Y-You did not tell me about your guess! C-Come in!” Suspiciously, parang wala sa sarili si Tita matapos niyang makita si Ms. Allysa na nasa tabi ko.
“Good day! I just want to talk to you! School matters, you know?” Ms. Allysa greeted and awkwardly laughed a bit. Pagkatapos n’on ay pumasok na kami sa bahay.
“Magbibihis lang po ako,” pagpapaalam ko at nakayukong naglakad sa pagitan nila.
Umakyat na ako sa itaas. Iiwas muna ako ngayon sa sermon. Nakakahiya, may tao pa kaya save for the last na lang ‘yon para ‘di na maulit.
After several minutes, nakarinig ako ng pag-usog ng upuan kaya agad akong lumabas ng kwarto ko.
“What happened?” I asked with my knitted brows. Nakita ko namang nakangiti silang dalawa na nakatingin sa akin. Ang weird.
“Pack your things now, Beatrice.” Something got probably stuck in my throat when I heard that. I want to say something but I couldn’t.
P-Pack my things? Why? Did I do something wrong this time?
“T-Tita?” Iyan lang ang lumabas sa bibig ko.
Palalayasin na ako?! My goodness! Kasalanan ito ng principal, e! Ipapa-salvage ko talaga siya bukas. Ay, hindi! Ako mismo ang mag-sa-salvage sa kaniyang l*tse siya!
“Y-You’re coming with Ms. Allysa,” Tita added na ikinakunot ng aking noo. Did I hear her right?
“Why? I am just going to transfer to a school not a house, right?” I blabbered.
“Iwan ko muna kayo.” Ms. Allysa tapped my Tita’s shoulder and went outside our house.
“The school that Ms. Allysa mentioned — you need to live there. They have dormitories, you will study there without going home. But don’t worry! Tita will visit you more often if I have plenty of time naman!” She faintly smiled. It was all fake! Tita’s smile is fake!
Umusok naman ang ilong ko sabay tingin sa labas. “Did that lady messed up with you? Bina-blackmail ka ba, Tita?” I howled, clenching my fist.
“Then, I will not transfer to their school! Like hell, marami pang school d’yan, ‘di sila kawalan! I will tell them that they need to leave now.”
Maglalakad na sana ako papuntang labas pero mahigpit akong hinawakan sa braso ni Tita. “I’m going to pack your things,” she muttered without looking at me. Pumasok na siya sa kwarto ko kaya sinundan ko siya.
Minutes passed and it was all done.
Napa-irap naman ako sa kawalan. “Did you think na pagkatapos mong iimpake ‘yan lahat, e sasama na ako sa kanila? Hell, no!” walang galang kong sabi kay Tita.
Nag-iba naman ang atmosphere sa loob ng kwarto kaya napatingin ako sa kaniya. Wala akong pakialam kung pagalitan niya ako, hindi ko lang gusto na may gumaganito sa taong nagpalaki sa akin.
“Leave or palalayasin kita?” Napaatras naman ako sa sinabi ni Tita. Parehas lang naman ang kahulugan no’n pero mas masakit lang ang palayasin ako.
Tinanaw ko ang kan’yang mukha. She’s freaking serious. I can see it through her eyes.
Gagawin niya iyon dahil lang sa hindi ko gustong mag-transfer doon? At kung hindi ako pumayag, e ‘di wala na akong mapupuntahan?
“But—“
“No buts, leave. You don’t belong in this house. Remember, you are just adopted. Wala kang karapatang tumira dito.”
Those words broke my heart. Biglang tumulo ang mga luha ko ro’n. Alam kong ampon ako, but hearing my tita who raised me through ups and downs say that made my heart shattered.
“I hate saying that to you, but you made me do so. Now, leave. You know what will happen if you don’t,” she added, giving me the backpack she used to pack my things.
Nanginginig naman ang mga kamay kong inabot ‘yon. “I-I thought, you love—“
Tita cut my sentence short. “Can you please stop the drama and leave already? I am going to clean up the messes you have made in this room.” With those, napatalikod na ako sa kan’ya.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Hahakbang na sana ako paharap, but there was something I want to do before I leave this house.
“I’m grateful, Tita! A-And I apologize if I did something that made you upset. I am sorry.” I hugged her as tight as I can.
I regret doing something unnecessary at school, ‘di sana ako i-ta-transfer at hindi sana ito mangyayari. God, Beatrice! You’re such an assh*le!
Nagulat naman ako nang niyakap ako pabalik ni Tita habang hinahaplos ang aking ulo.
“Me paenitet, mi.” I hope those are comforting words.
Tita loves to say things that I don’t understand so I am not surprised by it anymore.
“Oh! I’m sorry if I disturbed your heartfelt moment!”
Kumalas naman ako sa pagkakayakap at tumingin sa baba.
“Goodbye.” Tita bid her farewell as I left the house.
The same position, kung saan ako umupo kanina sa sasakyan, do’n din ako umupo ngayon. Daldal nang daldal ang dalawa at wala ako sa mood para makisali.
I’m sad, as well as tired. ‘Di ko alam pero parang may sinabi si Ms. Allysa kay Tita para sabihin niya iyon sa akin. And now, I am homeless. No parents, just myself.
Hays, buhay nga naman. Parang life.
END OF CHAPTER 1
Dedicated to: @seoliyes
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top