Epilogue:
THIRD PERSON
Masayang-masaya ang lahat sa pagdiriwang na ginanap ngayong gabi sa palasyo. Lahat sila ay may kaniyang-kaniyang mga ginagawa, para bang wala ng katapusan ang kanilang kasiyahan.
Tumatawa si Elijah kasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang mesa nang bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaiba sa kan’yang buong katawan.
“Si Beatrice!” Isang malakas na sigaw ang kan’yang pinakawalan nang bigla siyang sakupin ng isang nakakasilaw na liwanag.
Nagulintang ang lahat nang masaksihan nila ang nangyari sa kanilang kasama. Ang kasiyahan na tinatamasa nila ay nawaglit at napalitan ng pagkatakot.
Habang sa kabilang banda…
Tarantang tumakbo si Eunice patungo sa silid ng kan’yang kapatid kasama ang mga kaklase niya nang makita nila ang nangyari sa guardian ni Beatrice na si Elijah.
Hinihingal silang lahat nang mabuksan nila ang pintuan ng silid nito, halos matumba naman si Eunice sa kan’yang kinatatayuan nang makita niya ang kuwarto na puno ng natuyo nang dugo.
“B-Beatrice!” nanghihinang pagtawag nito sa pangalan ng kan’yang kapatid ngunit ni kahit isang salita ay wala siyang narinig dito.
“M-May abo,” nauutal na saad ni Kristina ‘tsaka itinuro ang kinaroroonan kan’yang sinasabi.
“Nasaan?” natatarantang sambit ni Antonette at hinanap ito.
Hinay-hinay namang napaluhod ang mga kaibigan nito nang makita ang kulay itim na abo na pinalilibutan ng mga dugo.
“It’s the potion, someone killed B-Beatrice,” mahinang usal ni Calvin habang inaamoy ang kan’yang hintuturo na kani-kanina lang ay inilagay niya sa abo na napapalibutan ng dugo.
“Dark King,” bulalas naman ni Sky habang hindi pa rin makapaniwalang napatingin sa itim na abo.
Isa-isa namang tumulo ang mga mumunting butil ng mga luha sa kanilang mga mata nang sabihin ‘yon ni Sky at Calvin.
Napuno ng hagulgol ang buong silid. Habang ang mga ibang estudyante naman sa labas ay nagtataka kung ano bang nangyayari sa loob.
Umiiyak si Eunice habang pilit na binubuo ang mga abo ng kan’yang kapatid. Wala siyang pakealam kung mapuno ng dugo ang kaniyang mga kamay dahil nagbabasakali itong kapag nabuo niya ang mga abo, mabubuhay pa ang kan’yang kapatid.
“No! I still can’t remember anything! I… I want to stay by her side! It’s too early!” ani Eunice sa kan’yang isipan.
Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa nang hawakan ni Antonette ang kaniyang braso.
“I will kill Ken,” mahinang sambit nito at galit na galit na tumayo habang naglakad patungo sa veranda. Nagmadali namang tumakbo ang mga kaibigan nito upang sundan siya.
“D-Dianna! Stop right there!” mahinang sigaw ni Antonette habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha sa kan’yang pisngi. Pilit niyang inaabot ang kaniyang kamay kay Eunice ngunit hindi na niya ito naabutan pa.
Ang lahat naman ay parang nasemento sa kanilang mga puwesto sapagkat hindi pa rin nila mawari ang mga kaganapang biglang-bigla nalang nangyayari ngayon.
Kanina pa ay nagsasaya sila, ngunit ngayon ay naghihinagpis na.
Sinisinok na rin si Kristina dahil patuloy pa rin itong humihikbi. Si Carper nama’y pinipigilang hindi mapahagugol habang maingat na hinahagod ang likod ni Sky na nakaupo sa kama na umiiyak. Si Calvin ay tulala lang sa kawalan, pilit na pinapasok sa kaniyang isipan ang mga nangyayari… Gusto man nilang pigilan ang desisiyon ni Eunice ngunit hindi sila sinusunod ng kaniya-kaniya nilang mga katawan.
Malapit na si Eunice sa dulo ng veranda kung kaya’t buo na at hindi na magbabago ang kaniyang isip na tumalon dito at magtungo sa Demonisia Realm. Akmang tatalon na sana ito ngunit sa kabutihang palad ay naging mabilis si Euhonn kaya agad niya itong napigilan.
“Eunice, please calm down,” pagpapatahan sa kan’ya nito, habang tumitingin sa itaas upang pigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
“Let go of me!” pagpupumiglas naman ni Eunice sa kan’ya habang tumutulo pa rin ang mga luha nito.
“No!” pagmamatigas din ni Euhonn na ngayon ay umiiyak na rin. “Your sister will not be happy, if she sees you got perished too,” dagdag pa ng binata at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap nito kay Eunice.
“Aahhh!” malakas at may pagkagalit namang sigaw ni Eunice kasabay no’n ang pag-alab ng buong veranda, kaya agad na itong dinala ni Euhonn sa loob at saka pinapatay sa kanila ang nagawang apoy nito. Agad namang ipinalabas ni Antonette ang kan’yang ability upang mawala ang apoy doon.
Ilang minuto rin bago sila kumalma. Ni isa sa kanila ay walang nagbalak na magsalita. Ang tangi lang nilang ginawa ay ang titigan ang itim na abo ni Beatrice.
Pighati, puot at pagkamuhi. ‘Yan lang ang tanging nararamdaman ng mga kaibigan ni Beatrice ngayon, para silang nawalan ng gana habang nakatitig sa mga dugo sa kanilang harapan. Nawala rin ang mga emosiyon sa kanilang mga mata habang pilit na iniiintindi ang mga nangyayari.
“We need to avenge her death,” bulalas pa ni Calvin ‘tsaka pinunasan ang luha sa kan’yang pisngi. Kumunot naman ang noo nito at nagkadikit ang dalawang kilay dahil sa kaniyang nararamdamang galit.
“Yes, we will,” giit pa ni Eunice at mariing ikinuyom ang kaniyang mga kamao.
Dalawang oras nang nakakaraan…
“Aray!” maarteng reklamo ng isang babae habang pilit ng tumatayo galing sa pagkakatumba nito. Halatang nasaktan ito sa kinahinatnan niya.
“Manahimik ka nga, Zerayah!” pagsuway naman ng isa pang babae rito, habang nababanas itong tiningnan siya.
“Both of you, shut your mouth. This is a surprise!” galit na bulong naman ng isa pa kaya agad nilang itinikum ang kanilang mga bibig.
Isang grupo ng tatlong babae ang dumating sa veranda sa silid ni Beatrice.
Hinay-hinay naman silang pumasok sa loob ngunit imbis na maging masaya sila sa kanilang pagdating ay iba ang kanilang naging rekasiyon sa nadatnan nila.
“A-Anong nangyari kay Beatrice?!” hindi makapaniwalang sabi ng Zerayah habang napahawak sa kan’yang baba. Gulat na gulat ito habang nakatingin sa nakaupo na si Beatrice. Naliligo ito sa sarili niyang dugo, dilat ang mga mata at nakaawang ng kunti ang kaniyang bibig na puno rin ng dugo.
Lumuhod ang tatlo upang makita nila ang kanilang kaibigan. Kitang kita nila ang mga rosas na tumagos sa dibdib nito habang ang dugo niya ay patuloy pa ring dumaragsa. Napangiwi sila nang makita nila ang puso nito na nakalagay sa kaniyang kamay.
Parang may sumasaksak naman sa kanilang mga puso nang makita nila ang kinahihinatnan ng kanilang kaibigan.
Hahawakan na sana ng isang babae ang mga rosas upang tanggalin ito ngunit agad niyang binawi ang kamay niya dahil ito ay napaso.
“It’s the potion,” mahinang usal nito saka hinawakan ang kan’yang kamay. Umasamin naman ang mukha niya habang hinahaplos ang mga malalambot niyang palad.
“Sigurado ka ba, Thiarina?” kunot noong tanong naman ng isa sa kanila.
“Yes, Casxiopea,” siguradong sagot nito kaya nagkatinginan sila.
“Tayo nalang ba ang kakalaban sa Ken na ‘yon?” nanghihinayang namang saad ni Casxiopea kaya tumango nalang si Thiarina rito.
“Don’t kill him,” binasa ni Zerayah ang nakasulat sa tabi ng isang lalaking nakahiga sa gilid. “Sinong hindi papatayin?” nagtataka nitong tanong habang pinagmamasdan ng mabuti ang lalaking nakahandusay sa baba.
“Oh, si Jouesh siguro kumitil sa buhay ni Beatrice!” mahinang sigaw nito kaya napairap nalang ang dalawa niyang kasama.
“Every time,” sabay na sabi ng dalawa na para bang alam na nilang mangyayari ang mga nangyari na.
“Let’s go, we can’t revive her. This is our last life,” saad pa ni Casxiopea at malungkot na tiningnan si Beatrice.
“She’s a fool,” komento naman ni Thiarina at tumayo na sa pagkakaupo.
“Don’t worry, we will not kill him, just a little torture,” dagdag pa nito at tumabi na kay Casxiopea.
“Dadalhin ba natin si Jouesh?” tanong naman ni Casxiopea.
“Oo,” tipid na sagot ni Zerayah.
Hindi man nagpapakita ng emosiyon ang tatlong babae ngunit sa kaloob-looban nila ay nag-uumapaw na ito ng pagkapoot at paghihinagpis.
Nakakagalit isiping nagtiwala na naman ito sa dating nagpatay sa kan’ya, at nakakalungkot din dahil hindi na nila ito makikita kahit kailan. Minsan lang sila magkita-kitang apat dahil palagi nilang nakakalimutan ang kanilang mga katauhan sa nakaraan, subalit kapag ito nama’y bumalik na, isa o dalawa ang makukuhanan ng buhay sa kanila.
Ikinuyom naman nilang tatlo ang kanilang mga kamao.
“Tara na.” Akmang tatalon na sana ang dalawa sa baba ng veranda nang bigla silang pigilan ni Zerayah.
“S-Sandali!” pagpipigil nito sa kanila, habang may pinagmamasdan ng maagi.
“Naalala niyo ba ‘yong sinabi ni Beatrice na hindi lang siya isang kandila?” bulalas pa ni Zerayah kaya napairap ang dalawang kaibigan niya ng dahil dito.
“Oh! The candle thing she use to describe herself in our first meeting?” sagot naman ni Thiarina rito at ikinu-krus ang kaniyang mga kamay sa dibdib niya.
“Oo! Sabi niya, hindi lang siya kandila lamang na kapag inihipan mo madali lang mapapatay, isa siyang apoy na kahit na ihipan mo at dayuhin man ng malakas na hangin, hindi ito basta-bastang maaapula, sa halip mas lalo pang lumalakas ang alab nito,” paliwanag pa nito habang kumikinang ang mata na tinitingnan si Beatrice.
“Ang taas talaga ng tagalog…” komento pa ni Casxiopea kaya sinamaan lang ito ng tingin ni Zerayah. “Ano namang point mo ro’n?” dagdag naman nito kaya ang sama ng tingin niya’y napalitan ng ngisi.
“’Yong puso niya.” Itinuro naman nito si Beatrice.
Nagmadali namang pumasok pabalik ang dalawa sa loob at agad silang nakahinga ng maluwag nang makita nila ito, parang nabunutan ng tinik ang kanilang mga puso sa nasaksihan nila.
“Do your magic, Zerayah,” nakangising sabi ni Thiarina rito kaya agad niyang inilabas ang kan’yang palitong pangsalamangkà saka ito ginamit.
Napangiti naman silang dalawa sa nakikita nilang paggamit ni Zerayah ng kan’yang mahika. May sinasabi siyang kung ano-ano sa kanilang harapan hanggang sa ito ay matapos na.
Agad naman nilang pinasakay ang katawan ni Beatrice at Jouesh sa isang lumulutang na bagay na ginawa ni Zerayah, habang pinalibutan naman ni Casxiopea ng isang rosas na gawa sa yelo sina Beatrice upang hindi ito malaglag, kung sakali man. Si Thiarina nama’y inilagay ang puso ni Beatrice sa isang malinis na tela saka ito dinala patungo kela Casxiopea.
Ngumiti naman ito nang makita niya ang mahinang pagpintig nito.
“Just what I thought. She will not be easily killed,” sambit pa ni Casxiopea at inihanda ang kaniyang sarili sa kanilang paglisan.
“Oo nga!” sagot naman ni Zerayah dito habang masayang sumakay sa tabi nila Beatrice.
“She cannot be rubbed out facilely, after all, she’s the dark controller goddess,” nakangising buwelta pa ni Thiarina at maingat na inilagay ang puso ni Beatrice sa sinasakyan nila Zerayah.
“Everything’s fine already?” paniniguradong tanong sa kanila ni Casxiopea kaya tumango silang dalawa roon.
“Then let’s go!” At lumisan na nga silang lahat sa palasyo ng Himitsu Realm.
END OF CHASING DARKNESS I
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top