BABY KO
Buong araw hindi ako maka usap dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong meron kami?
Ayoko lang umasa pero mukhang umaasa na ako at aasa pa kung nagpatuloy pa ito.
Napatigil ako ng bigla akong kalabitin ni Presi. Anong meron?
"Tina pwede ba kitang makausap?" Masuyong pakiusap sa akin ni Presi.
"Tungkol saan ba presi?" Bagot at walang pakialam kong sabi.
"Basta. Doon na lang tayo sa may gilid tutal uwiaan naman na at weekend na bukas." Sabi nito sabay hila sa akin papuntang gilid ng room.
"Alam mo kanina ko pa napapansin na tahimik ka. Anong nangyari? Hindi ka naman ganyan. Akala ko ba di ni---" Hindi na natuloy ni Presi ang sasabihin niya dahil may biglang kumatok.
"Baby ko?"
Bigla kaming napalingon ni Presi sa nagsalita. Muntikan na akong mahulog sa kinasasandalan ko nung makita ko kung sino ang nagsabi nun.
"Baby ko?" rinig kong mahinang bulong ni Presi sa harap ko.
Ano na namang KALOKOHAN itong ginagawa mo Ash!
"Presi, Vp at secretary. Tara uwi na tayo! Sige Tina una na kami," rinig kong pagpapaalam ni Treasurer sa akin sabay hatak kaila Presi, Vp at Sec.
Oh no! I'm dead... Ba't naman kasi nila ako iniwan dito. Tsaka bakit ba siya nandito? Diba sinabi ko namang dare lang 'yun? So bakit siya nandito sa labas ng classroom ko?
"Baby ko, matagal ka pa ba diyan?" rinig kong sabi niya.
Pagkasabi niya no'n dali-dali kong kinuha ang bag ko at iba pang gamit bago tuluyang pumunta sa kanya.
"Are you out of your mind?" galit na bungad ko rito.
"Out of my mind ba pagsinusundo ang baby ko? Edi kung gano'n sira na nga ang utak ko."
Hayst, kahit kailan talaga wala akong laban sa mga ginagawa at sinasabi nitong si Ash. Hindi naman ako nagsisisi na ginagawa niya ito pero alam mo 'yun some part of me don't agree about what's happening!
"Nako! Pakipot pa ang baby ko," sabi nito sabay akbay ng balikat nito sa akin.
"OMG! So legit talaga sila?"
"Akala ko ba dare lang 'yun?"
"Wala na ba akong pag-asa sa baby Ash ko?"
"Tsk... Mga sunungalin!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko. Pero wala naman akong magagawa dahil kahit ako mukhang mapapaniwala na may kami talaga kahit WALA.
A typical love story ng mga kwento sa wattpad. Sobrang cliche pero inaabangan ng lahat...
"Oh baby ko? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" seryosong tanong nito.
"Can you stop this bullsh*t Ash! 'Wag ka nang umarte please malayo na tayo sa school kaya tigilan mo na ako!" naiiritang sabi ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Ang mga mata niyang kanina'y parang kumikislap ay nawala at napalitan ito ng matalim na titig. Matalim na titig na nagpapakilabot ng buo kong sistema.
"Ito ang tandaan mo Tina. Totohanin ko ang mga sinabi mo kanina!" sinabi niya sa akin habang naka tingin at nakalapit pa rin sa akin.
"Ba-bye baby ko! Kita tayo bukas ah! At sana bukas malamig na ang ulo mo dahil may sorpresa ako sayo," masaya nitong bati at tuluyan nang umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top