Chapter 2

Ethel


"Saan ka pupunta?"

Bihis na bihis si Nanay at may dalang maleta nang bumaba mula sa second floor ng bahay. Nakasabit ang malaking sombrero nito sa handle ng maleta kung saan naroon din ang shoulder bag.

"Saan ka magsasaka?"

"Buang. Mamasyal ako. Nagsasawa na akong marinig kang ngumunguyngoy. Ano ka ba namang bata ka? Hindi ka maghanap ng iba at iniiyakan mo 'yang Joshua na iyan."

Paano makakahanap, wala namang nagkakagusto sa akin?

"Sa dami ng lalaki—"

"Na lalaki na rin ang hanap," katwiran ko na ikinatingin ni Nanay ng masama sa akin.

"Ewan ko sa'yo. Basta ako magbabakasyon. Kasama ko si Mareng Angge. Ikaw na ang bahala dito sa bahay."

Napanguso ako. "Aalis din ako."

"Eh 'di ingat ka," wika ni Nanay na ikinalaki ng mga mata ko.

"Nay, hindi mo man lang ako babawalan?"

"Basta huwag ka lang susunod-sunod sa Joshua na iyon. Bigyan mo ng kahihiyan ang sarili mo Ethel. Hindi ka naman pangit. Wala sa lahi natin 'yan."

"Oo na, baka ma-late ka pa sa patanim," taboy ko kay Nanay bago pa umilit sa litanya niyang ilang buwan ko ng naririnig.

"Saan ka pupunta nga pala?" nakuha na ring itanong ni Nanay sa akin.

"Puntahan ko na lang si April."

"Mabuti pa ang bata na iyon at natauhan na. Ikaw kaya kailan?" pahabol ni Nanay sa pangaral bago naglagay ng lipstick na pamilyar sa akin.

"Lipstick ko 'yan." Pulang-pula ang nguso ni Nanay. "Baka naman magka-step father pa ako niyan huh!"

"Malay mo."

Walang hiya... kadiri.

"Sige na, Nay. Can't take it anymore. Mas nade-depress akong makita kang naka-shorts. Ingat ka. Love you."

Nakakabingi ang katahimikan nang umalis si Nanay. Pupuntahan ko talaga si April bukas.

Naiyak na naman ako sa lungkot. Bakit ba nag-iisa ako?


Kinabukasan, maaga pa lang ay gumayak na ako. Naglagay ako ng mga damit sa sarili kong maleta at ilang pares ng swim suit. Hindi pa pala ako nagpapaalam na pupunta doon baka wala ang mag-jowa do'n, hidi ako papasukin sa isla.

Tinawagan ko si April habang sinasarado ko ang maleta ko.

"Ang aga," angal nito.

"On the way na ako d'yan."

"Whaa..."

Ayan nataranta siya.

"As in now?"

"Oo, as in now. Nasa Isla del Fuego ka naman 'di ba?" hopeful na tanong ko.

"Oo—"

"Okay, see you."

Binabaan ko ng tawag si April bago pa makapag-usisa at malate ako sa biyahe. Isa lang ang biyahe papunta ng Isla del Fuego mula sa Cebu. Isa lang din sa hapon pabalik ng Cebu kaya kung maiiwan ako, kahit isanla ko ang panty ko, hindi ito aabot pang-renta ng buong eroplano.

Sakay ng ferry, nakatanaw ako sa dagat at iniisip ang mga bagay-bagay. Bakit ako nakuhang ipagpalit ni Joshua? Ano ang mali sa akin? Saan ako nagkulang?

Mabuti pa si April, ang best friend ko, masaya na ngayon. Natauhan na silang dalawa ni A.

"Hay, si A. Nauna kong nakita 'yon eh," natatawang bulong ko sa sarili.

Masaya na akong makita si April na masaya. She deserves to be happy.

Isinuot ko ang shades ko na para matakpan ang nangingitim na eyebags ko. Sakit sa mata nitong mga naglalampungan sa harapan ko.

"Ano ba babe? Kainish ka. May kiliti ako d'yan."

Luh, may singaw sa ngipin si girl.

'Di pa kayo tumalon sa dagat!

"Miss, pwedeng pakikuhanan kami ng picture."

Napanganga ako sa mag-jowa sa harapan ko.

"No," maikling sagot ko. Nawala ang ngiti nito.

"Suplada nito. Akala mo ikinaganda mo 'yan. Hmp!"

Aba't, antipatika.

"Ano ang masama sa pagtanggi? Eh sa hindi ka naman kagandahan, babae ka, sakit mo sa mata." Inirapan ko silang dalawa. Mukha pang sasagot ang lalaki pero hinila na ito ng babae paalis sa harapan ko.

"Ang pangit mo," sabi nito sa akin.

"Wala kang pwet, Miss. Huwag kang magmaldita. Para kang otap kapag nakatagilid ka."

Natawa ang mga nakarinig sa akin.

Mga kabataan ngayon, lalakas ng loob manglait. 'Di nila alam, top 1 ako d'yan. Kahit noong mataba pa ako, napapaiyak ko si Cielo sa laitan. Ngayon pa kayang payat na ako? Sabihan pa ako ng pangit ng animal na batang iyon. 'Di nakatikim siya ng pait ng ganti ko.

Naging tahimik ang biyahe ko hanggang sa makarating ang ferry sa Isla del Fuego. Mabuti at hindi ko na nakita ang babaeng otap. Itulak ko na siya sa dagat kapag nagmaldita pa siya sa akin.

"April," tawag ko sa kaibigan ko na binabandera ang gwapong jowa.

Nagtatakbo ako hila-hila ang maleta ko at yumakap sa kanya.

"I'm so happy for you, sis."

"Teka, huwag kang maingay," pagbabawal ni April sa akin.

Bumitaw ako kay April at napayakap kay A. Bigla naging awkward ito kaya bumitaw na ako.

"A, good job ka sa pa-confetti mo."

Natawa ito. "Galing ko 'no?" Taena, mayabang din talaga.

Namula ng kaunti si April sa biro ko at hinampas ako sa braso. "Huwag kang maingay."

"Kain tayo. Libre n'yo ako kahit nabulabog ko kayo. Wala akong kasama sa Cebu, nagliwaliw si mother. Iniwan ako."

"Tara, saan mo gustong kumain?" tanong ni A.

"Something sinful," Ethel replied. "Seafood."

Tinawanan ako ng sira-ulo kong kaibigan. "Mangangati ka na naman—"

"Bigyan mo na lang ako ng gamot. Tara na. Gusto ko ng alimango."

Hindi man lang tumanggi si A. Parang gusto kong magpaampon at maging E sa pamilya nila.

"'Yong gaging ex mo, na-stress yata si Nanay kaya nagbakasyon. No'ng una, nagmamakaawa, tapos noong 'di ako naawa, nanakot na. Manggugulo raw siya. Sabi ko, 'Ano pa guguluhin mo sa magulong buhay ko?'"

Natawa si A at April habang nagkukwento ako.

"Tapos noong sumunod na bumalik may kasamang tanod, eh binibigyan ng kape ni Nanay 'yon tuwing rumoronda sa gabi kaya ang ending nagkwentuhan lang 'yong tanod at si Nanay. Nakakapagtaka nga ang animal na iyon, biglang nanahimik. Parang may binabalak na masama."

"I paid him," walang kurap na sagot ni A

"What?" Para kaming parrot ni April na sabay pang nagtanong.

Hutangina, magpapaampon na talaga ako.

"Magkano?" hindi ko naiwasang tanongin.

"Sapat na pambayad ng vendors nila." Nagkibit ng balikat si A.

"Ang kapal talaga ng mukha niya." Nanggigigil talaga ako kay Israel na ito. Mukha talaga pera sa simula pa lang. Maitim kasi ang galagid e.

"Kapag ba ginulo kita, bibigyan mo rin ako ng pera?" biro ko kay A.

Nakatikim ako ng hampas sa braso mula kay April. "Joke lang. Hindi pwedeng mag-joke?"

Hindi pa kami nakakarating sa kakainan namin nang madaanan namin ang kakambal ni A na nakikipag-away. Maawa na sana ako sa duguang lalaki na nakahandusay sa daan nang marinig ko ang sinabi ni B na "Ex ni April."

"Dimunyung 'yan, bangasan ninyo. Sige pa."

Panay kurot ang inabot ko kay April na hindi makuhang kumibo sa nangyayari. Hindi niya maawat ang kambal. Kung si Jonel at Axel nga ay hindi umaawat at tumatawa lang sa gilid.

"Yariin ninyo ang dimunyung 'yan," sigaw ko.

"Ethel, tama na."

"Chief, ikaw na bahala d'yan," sigaw ni Axel sa isang guard nang kumalma na ang kambal.

"Opo Sir," sagot naman ng guard.

Nawala ang ngiti ni A sa mukha. Mukhang hindi tuloy ang alimango ko. Hay. Tanginang Israel talaga. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top