Chapter 1
Milo
Kakatapos lang ng operation namin sa pag-raid ng isa sa pinakamalaking factory ng shabu sa Nueva Ecija. Ganito ang gusto kong mission namin. Wala akong patawad sa mga ganitong tao.
Nang maging Knights of the Leaders ako, para akong nabigyan ng bagong buhay. I made it to be on the Alpha Team, ang 'premium' team kung tawagin.
Hindi madali ang training na inabot ko sa Knights Academy. Even Axel— Sir Gabriel's only son went to the same training with us.
Puno ng dugo ang damit namin nang bumalik kami sa Head Quarters kasama ang ibang team ng mga Knights.
"Nagpaulan na naman kayo ng dugo," salubong na sermon ni Ma'am Sakura sa amin pagbaba namin ng sasakyan.
Pasimuno nga ang asawa niya.
Nakangisi lang kaming dinaanan siya. Kanya-kanya kaming tuloy sa weapon room. Binigay namin sa mga cadet ang mga gamit namin para linisin. Nagdaan din kami sa ganitong level noon. Nag-aagawan lagi kami sa katana ni Sir Jacob at samurai ni Sir Kiro para linisin. Iba ang adrenaline rush na humawak ng weapon na puro dugo.
Iba ang amoy nito.
Iba ang init sa kamay.
Bawat daanan namin ay nagkukulay dugo ang sahig. Makakatikim na naman kami ng sermon nito.
Sa common shower room ng mga lalaki ay umaagos ang tubig na nahahaluan ng dugo. Karamihan ng dugo na dumikit sa amin ay galing sa kalaban. Tahimik ang ilan habang nakababad sa shower.
Ako ay pilit binubura sa isip ang nakaraan.
Ang tagal na no'n pero hindi ko pa rin makalimutan. Parang hindi ko na makakalimutan.
"Alpha Team, I need you in meeting room in ten minutes," sigaw ni Sir Gab sa shower room.
Mas lalong tumahik ang lahat. Walang nagsasalitang hangga't hindi nakakalabas si Sir Gabriel.
"Suspended na naman," Bishop said in a resigned tone.
"Kababalik n'yo lang ah," comment ni Frost, ang leader ng Beta Team na kasama namin kanina sa raid.
"Uhaw sa dugo," sagot ni Jonel na pinatay na ang shower. Isa-isa kaming nagpatay ng shower at mabilis na kumilos para makapagbihis.
"May tinira ba kayong buhay?" tanong ng second in command ni Frost na si Ronan.
Umiling si Axel at tumingin sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Wala," maikling sagot ko sa tanong ni Ronan.
"'Yon lang. 'Ge, good luck mga pre."
Tumango kami kay Frost at Ronan. Sunod-sunod kaming lumabas sa shower room at nagbihis. Tumutulo pa ang buhok namin nang magpunta kami sa meeting room.
Hindi pa man kami nakakaupo ay sumisigaw na si Sir Gab.
"Kahit isa, wala kayong tinirang buhay!"
Nagkibit lang ng balikat si Sir Kiro at tumingin sa amin.
"Sino ang huling nagpaputok ng baril?"
Nagtaas ako ng kamay.
Napahawak sa tagpuan ng noo at ng matangos na ilong niya si Sir Gab.
"Sabi ko na. Bakit hindi mo pinigilan, Axel?" tanong nito sa anak.
"I got the book," wika ni Axel. Initsa niya sa table ang black book ng grupo. Hindi sapat pero mas okay na ito kaysa wala kaming lead kung sino talaga ang leader ng grupo na ito sa Pilipinas.
"Not good enough. We need at least one fucking member to interrogate. Magpahinga muna nga kayong lima. Panay kayo uhaw pumatay. Ikaw Axel, magtino ka. Ililipat kita sa Shadow, isang mali mo pa."
Walang umimik sa amin.
Hindi pa naman kami dini-dismiss kaya walang tumatayo.
"Milo—" tawag ni Sir Gab.
"Yes, Sir?"
"Pick up your shit," wika nito at saka humingang malalim.
"Yes, Sir."
"Wala ka ngang katana pero pinapasabog mo ang naman utak ng mga binabaril mo. I want your report tomorrow before eight o'clock bago ang two weeks suspension ninyo."
"Yes, Sir," sabay-sabay naming sagot.
Napabuga ng hininga si Sir Gabriel. "On the other hand, good job team."
Unti-unti kaming ngumisi. Si Sir Kiro naman ay walang imik na nailing.
Overtime ang inabot namin sa HQ para matapos ang report. Halos nakatulala kami sa kawalan dahil wala kaming maisulat kung bakit patay lahat ng suspect.
"Ano ilalagay natin?" tanong ni Bishop.
Nasa office kami ng Alpha Team at pawang nakabukas ang mga laptop namin pero REPORT lang nakaisulat namin sa nakalipas na tatlong oras.
"Nanlaban," sagot ko na ikinatawa ni Axel. Wala ng buhay ang tawa nito buhat ng mamatay ang tinatawag nila ni Jonel na Kim sa Guatemala.
"Kaya sabog ang bungo at putol ang mga ulo?" sarcastic na tanong ni Zorro.
"Hahabulin na naman tayo ng Human Rights lawyers," wika ni Bishop.
"Mabilis sana silang tumakbo," saad ni Jonel. "Ang bagal nila sa totoo lang. Mga bulag ang mga animal."
Huminga ng malalim si Axel. "Ako na lang ang gagawa."
"Ano ilalagay mo?" dudang tanong ko.
"Ang katotohanan na ayaw tanggapin ng Human Rights Lawyers."
Nagsimulang magtype si Axel.
"Pahingi ng mga kuha galing sa body cam ninyo. Lahat para makita nila."
"Pati 'yong mga pugot na ulo?" tanong ni Jonel.
"Lalo na iyon," sagot ni Axel.
Sumunod kami sa leader namin at hinanap sa system file ang mga body cam footage namin.
Kung hindi pa talaga magwala si Sir Gab sa report namin bukas, ewan ko na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top