9: Improbus Ille Imperium (I)

This will be a very short update. Part I lang 'to. I'll update the part II as soon as possible. Pasensya na hindi ako makapagupdate nitong nakaraan, sobrang naging busy lang. Sorry! Sana magcomment kayo. Please? 🙏🏻 Sorry for all the errors.

9: Improbus Ille Imperium

Amythee Hope's POV

The Day.

Napahugot ako ng hininga at saka tiningnan ang plataporma kung saan namin kikitain ang Elite Seven na aming makakalaban. Kinakabahan ako, pero hindi ko rin maitago ang pagkasabik na nararamdaman ng puso ko.

I never thought, such a dangerous thing like this, would excite all the nerves in me. I guess... it really runs in the blood. Kahit si Biblee kitang kita mo ang pagkintab ng mga mata dahil sa saya at kakaibang thrill na nadadama.

"Mananalo tayo." Mahinang bulong ni Cleon sa akin. I smiled at him, "Of course." Then answered with a beam. Hindi naman sa nagmamayabang pero dahil sa training ni Luna sa amin, siguradong hindi nila kami mamaliitin dahil sa kakayahan namin.

Luna's program training was harder than we thought. Araw araw kaming pagod. We couldn't even stand after the training. Even, Theon and Akira who were the strongest among us, didn't have it easy. It was brutal, and it was dangerous.

Halos maging human relief patches na kami pagkakatapos ng isang araw, at noong bago pa lang kami tinitrain ay halos sumuko na ang katawan naming dalawa ni Biblee. I even cried at night, because I thought Biblee and I were just burdens to them.

But... seeing our siblings fight on their own to survive this school, we just couldn't complain about how unfair and hard it is. Kaya hindi kami sumuko ni Biblee kahit minsan suko na 'yung katawan namin. Masasabi na rin naming milagro na sa loob ng isang linggo ay lumakas, at naging mas maliksi kami kaysa dati.

Ang sabi naman ni Luna dahil din naman sa amin iyon, ewan ko ba pero masasabi ko na ang laki rin talag ang tulong ng mga nakasanayan naming gawin kasama ang parents namin. There's always a routine in our families, and I guess, that normal routine we always do, wasn't really normal at all.

Hindi nagtagal ay napakunot noo kami nang dumami ang mga tao. May mga ilan na kanina sa pligid pero paunti unti itong dumadami ngayon. Agad na may hinanap ang mga mata ko, at tama nga ang hinala ko.

Naglalakad na ang Elite Seven patungo rito sa kinatatayuan namin. Gosh, their entrance was fascinating and dramatic at the same time. They seriously have the aura and the presence. 'Yung tipong kakabahan ka na, 'yung mapapalingon ka na lang bigla dahil sa kakaibang nararamdaman mo sa paligid.

People in here are... scary.

But, we are also in here, does that mean, we are also scary? O baka naman out of place lang talaga kami?

"Out of place?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang tabihan ako bigla ni Luna. She smiled at me warmly. Sa isang iglap parang okay na 'yung lahat at sigurado akong may tyansa kaming manalo at hindi naman basta basta na talo na talaga kami.

"Huh?" Nagtatakhang sagot ko kay Luna.

"Wala. Your expression, parang out of place sinisigaw ng mukha mo. Bakit? Pakiramdam mo out of place kayo?" Natatawang sabi niya. Woah, Luna really have the guts to laugh and play easy in this situation.

"Medyo." I retorted truthfully.

"Kung alam mo lang." she remarked mysteriously that made me ceased my forehead. But she dismissed the topic. Hinayaan ko na si Luna, takot ko lang, sa loob ng isang linggo pinagdaanan namin sa kanya. Ayoko siyang gawing kaaway.

Hindi nagtagal ay nakarating ang tinatawag nilang Elite Seven sa unahan. Gosh, their presence and strong aura. Hindi mo pwedeng maliitin, higit sa lahat... s aipinapakita nila, alam mo agad kung gaano kataas ang rango nila sa lugar na 'to.

Lumapit sa akin si Biblee at nagtago sa likod ko habang tinitingnan ang naglalakad at paakyat na Elite Seven sa entablado kung saan kami nakatayong pito, kasama si Luna.

Looking at them made me feel a little nervous. They looked so powerful. Lahat sila napakalakas ng epekto sa bawat nanunuod sa kanila. They could make the crowd go crazy, yet they could hush them with a simple word.

But... still... why do I feel like that the girl we saw in our fist day in here, is more scary than them? That girl could make someone kneel in front of her just by a stare. Though, these people aren't to be underestimated too.

Hindi nagtagal ay nakapila na pala sila sa harap namin. Napatitig ako sa nasa gitna nila. Mas attractive siyang tingnan sa personal. His skin is white... and his hair is ash blonde. And... most of all... he is wearing a suit, and he has half of his lower face masked. Not to mention his pair of orbs which are truly dark.

"The one with the Ash Gray hair is the leader, and he'll give you a headache." Mahinang paliwanag ni Luna. Napatango ako sa kaniya. We know them. Tuwing gabi bago matulog, inaral namin ang mga makakalaban namin. Sa tulong ni Cleon at Biblee.

We didn't bother Luna at all about the information about them. Siya na nga ang nagtrain at nagpakahirap sa amin para maging malakas at para naman makalaban kami sa kanila, hindi na kami aasa sa ganoong bagay. And we know Biblee and Cleon would be able to do the job well.

There are seven members from the Elite Seven. Lahat sila lalaki walang babae. Most of them are from Europe. Kaya ang tatangkad masyado, pero hindi naman mahuhuli ang height nina Theon. Medyo mature rin silang tingnan, parang hindi estudyante, maliban na lang doon sa leader nilang baby face.

Habang tinitingnan ko sila isa isa, bumalik ng kusa sa ala ala ko ang mga impormasyon na nabasa namin tungkol sa kanila. Parang gusto kong panghinaan ng loob. Pero... kaya namin 'to, kakayanin namin 'to.

Nakipagtitigan sa amin iyong Elite Seven.

"You'll include these children?" The tallest and the bulkiest bald guy asked. The second in command.

"Children?" Kunot noong bulong ni Biblee, tapos ay unti unti itong humakbang mula sa pagtatago sa likod ko. Nako naman, ang aga-aga naman nitong pikunin 'tong kapatid kong walang tigil ang bibig.

Naglakad papalapit sa amin ni Biblee 'yung lalaki na ang bigat ng hakbang kada lakad.

"Sinong tinatawag mong mga bata ha?" Inis na tanong ni Biblee. Kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon, gusto kong matawa kay Biblee. Why do I have a cute little sister? I want to put her in my pocket.

"Don't tell me you'll seriously participate in this game? Dude, children are never allowed to play this game." The bald guy said. Konti na lang makakalapit na talaga siya sa min ni Biblee.

Pero nagulat kami ng nakapamulsang humarang si Theon sa harapan nito. Napalunok ako ng wala sa oras. Theon's aura is no joke. Pati ako na kaibigan niya ay napaatras sa kinatatayuan ko. Si Biblee na asar na asar ay natahimik.

Hindi ko alam kung anong pinagawa ni Luna sa kaniya sa individual training namin, pero kung isa ito sa resulta... Jusko Luna, isa kang hulog ng langit. Napatigil 'yung kalbong lalaki dahil kay Theon.

Kahit sobrang minimal ng kilos nito ay hindi nakatakas sa mata ko ang saglit na pangambang naramdaman nito dahil kay Theon. Because... honestly, Theon, right now, is not the Theon I've known one week ago.

"Don't block my way, asshole." Tiim bagang na sambit nung kalbo kay Theon.

I heard Theon smirked. "Tch." Natatawang dugtong pa nito.

Bago pa magkagulo kahit hindi pa nagsisimula ang laro ay biglang may umawat na tinig sa kanila. The leader of the Elite Seven spoke for the first time, "Stop, Ald." Tanging sambit nito at awtomatikong bumalik sa kinatatayuan niya kanina 'yung kalbo na tinawag nitong Ald. Short for his name, Aldwin.

Humarap muna si Theon sa aming dalawa ni Biblee. He tapped my forehead and smiled at Biblee. Nawala lahat ng takot ko kanina sa kaniya. Ang gaan na ulit sa pakiramdam.

Parang may on and off switch si Theon, kanina para syang si Tito Skyler, tapos nung humarap siya sa amin, para na siyang si Tita Annicka.

Bumalik na si Theon sa tabi ni Cleon.

Tapos ay napatingin ako sa nasa harapan namin. Ito na, magsisimula na talaga ang laban.

"Are you serious that you are including children in this game?" Kung pwede ko lang talagang pilosopohin ang mga 'to kanina ko pa ginawa. Hindi ba nila kita na kaya nga kami nandito ni Biblee ay dahil kasali kami? At bata? Huh! Mukha lang kaming bata, pero hindi kami bata!

"Hoooy kalbo kanina ka pa ha!" Napanganga yata ako bigla ng biglang sumigaw si Biblee.

Napaiwas ng tingin sa amin sina Akira, Thorn, Pierce, Theon at Cleon. Ibig sabihin, labas sila sa gagawing pagbubunganga ni Biblee.

Mukhang nagulat yung Elite Seven dahil sa biglang sinabi ni Biblee. Nakakaintindi naman ng tagalog 'tong mga hilaw na 'to sigurado ako.

"Hindi na kami bata pwede ba? Hindi porket mukha ka nang lolo, eh tingin mo sa amin eh, pwede mo nang maging apo! Intindi mo?" She ranted without even breathing. God, if Biblee is in a rap battle, she'd win.

"At saka hindi mo ba alam? Para ka kayang poste ng ilaw r'yan sa get up mo? All black, tapos pagdating sa ulo! Ting! Kumikislap! Gusto mo, manalamin pa ako r'yan eh, ano?" Napaiwas ako ng tingin. At nagpigil ng tawa.

Minsan talaga nasosobrahan sa kakaobserba ang kapatid kong 'to. Kahit hindi ko ganoong kita ay pakiramdam ko nanlaki ang mata nung Aldwin na 'yun dahil sa mga pinagsasabi ni Biblee.

Even the crowd who are watching us, almost gave a laugh. Nagpipigil lang din sila gaya ko.

Tiningnan ko si Biblee at napansin ko na hihirit pa sana ang magaling kong kapatid kung hindi lang pumaibabaw ang isang tawa. Napakunot noo kaming lahat dahil doon. Eh? Pakiramdam ko nagkaroon ng mga question marks sa ulo ko.

The leader of the Elite Seven, who's often called as Sven... is laughing while holding his stomach.

Si Biblee ay napanganga dahil sa tawa nito. Mala-anghel na tawa nito. Maging ako ay gulat na gulat. Paano ang isa sa impormasyon na nalaman namin sa kaniya, ay hindi ito magaling makihalubilo sa tao, higit sa lahat hindi rin daw ito palatawang tao.

But he suddenly looked jolly and carefree.

"Ehem." A fake cough, stopped him from laughing. And all attention was focused to the person who interrupted Sven. It was no other than... Luna.

"Luminous." Medyo hindi ko inaasahan na ang masayang parang anghel na tumatawa sa pinagsasabi ni Biblee ay naging isang demonyo sa harapan namin. Kitang kita mo sa mga mata niya kung paano itong nanlilisik kay Luna.

"Sven." Luna greeted.

"Let's proceed." Walang kaemo-emosyong saad ni Luna. Pero hindi ito sinununod ni Sven.

"We are waiting for our other members." Maikling paliwanag nito sa kung bakit ayaw pa nitong simulan ang laro. Napatingin ako sa grupo nila. I counted them... seven. Pito naman ah? Pito na rin naman kami.

"What do you mean?" Akira asked.

To answer Akira's question, three more people from the crowd suddenly walked to us and lined up along Elite Seven.

"Here, we have ten members." Nakangiting saad ni Ald.

"No. We are seven, so be fair and square to fight against us, as seven members." Madiing saad ni Cleon sa kanila.

"Dude, we never agreed about a certain amount of members, we just agreed that we have to match up the numbers. And we, elites, ranks above you have the right to do this." Aldwin smirked while explaining.

Napakagat labi ako dahil sa namumuong inis. Ano? This is not freaking fair!

"We have ten members, so you have to adjust your numbers to ten, if not... you are disqualified." Balewalang dagdag pa ni Aldwin. Napatiim bagang akong dahil doon. We assumed that we'll seven members because they are Elite Seven. Seven.

Hindi naman namin inaasahan na magdadagdag pa sila ng mga tao.

"Then if we add three more members... it'll be good?" Luna interrupted calmly.

"Luminous, you can't join." Biglang saad ni Sven. Galit na galit ang mga mata habang nakatitig kay Luna. Anong ginawa ni Luna, kay Sven na ganito na lang ang leader ng Elite Seven sa kaniya?

"In case you are forgetting something Luna..." Madilim na imik ng isa pa nilang miyembro.

"You. Are. Not. A. Commoner." Sven emphasized each word with heavy breathing and dark gaze.

"Wala naman akong sinabi na sasali ako." Nakangising sagot ni Luna. "At alam ko naman ang rule na kilangan kalebel ng grupo ang makakasali kung sakaling kailangan ng dagdag. You added three elites, so I guess, this team could also add, three commoners, right?" She added brightly.

Hindi nakasagot 'yung Elite Seven sa sinabi ni Luna.

Nagkibit balikat si Luna tapos ay, "Okay. Then let me call the three more members for this team." Nakangising sambit nito, at saka biglang lumingon sa likod namin. At doon namin nakita ang tatlo pang makakasama namin...

"Oh my God." I couldn't help but utter.

"Luna!" Theon stated irritatedly. But Luna didn't seem to care at all.

"Kuya! Ate!" Masayang masayang sambit ni Art, Honoka, at Harper. Yeah... the trio are the ones who will be joining us.

Hindi makapaniwala ang sampung lalaking kaharap namin na may limang babae na ngayon sa harapan nila. Halos manlaki ang mga mata nila at halos malaglag ang kanilang mga panga, maliban na lang kay Sven at Aldwin.

Katahimikan ang namayani sa paligid dahil sa pagdating ng trio. Gosh, the trio. Hindi ko alam ang nasa isip ni Luna, pero...

Saglit akong napalingon sa tatlo at nakita ko silang nakangiti at ni bahid ng kaba ay wala sa kanil. Sa puntong 'yun, hindi ko alam pero kumalma ang kaninang nagwawalang sistema ko. The keep calm trio effect? They somehow made me feel calm just looking at them.

"Are you mocking us? Are you fooling with us?!" Malakas na sigaw ni Aldwin, halos umusok na ang ilong ng ipakilala ni Luna ang tatlong dagdag na miyembro namin.

"No. Not even a bit..." Mabagal na sagot naman ni Luna. Luna really knows how to upset someone with words and actions.

"Then why are these children in here?!" Segundo naman ng isa pang miyembro.

"Why the fuck are you giving us little petite girls to play this game?!" Hindi makapaniwalang hinaing pa ng isa.

Napayukom na ang kamao ko ng wala sa oras. Kanina pa nila kami minamaliit ah?! Oo, medyo maliit nga kami, pero hindi naman height ang usapan!

"Hoy, kanina mo pa pinupuro kaming mga babae ah!" Sigaw rin ni Biblee. Inawat ko na siya, kasi balak ko ng sumagot. Hindi na ako makakapayag sa ganito.

"Are you really going to fight with these members?" The whole place went silent the moment Sven spoke his thoughts.

Nakapamulsang humakbang nang isa si Theon sa harap ni Sven. In a snap the tension grew heavier. I almost stopped breathing when I saw one side of Theon's lips curved into a playful half-smirk.

"Why?" He sounded bored yet there's clearly a hint of sarcasm in his tone.

"Are you nervous?" He mocked with a low voice, then he touched his ears then tilted his head.

Hindi nakapagsalita si Sven dahil sa ginawa ni Theon but I clearly saw how his eyes burned with flames due to anger and excitement.

"Okay na? Tapos na? Pwede na ba tayong nagsimula?" Luna broke the silence, then she clapped her hands. Lumayo si Theon ng kusa at bumalik sa kinatatayuan. Pagkatapos ay pumuwesto siya sa harap at nagsimulang magsalita.

"Now, Elite Seven... you should meet your opponent... they are..." Sinadya ni Lunang pabitinin ang sinasabi niya hanggang sa tiningnan nito ang ibang nanunuod sa amin.

"The Improbus Ille Imperium."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top