6: Locked Up
6: Locked Up
Honoka Reign Williams's POV
Is Luna part of the Royals?
Or maybe the Crowns?
"You really don't intend to let us know what kind of ID holder you are?" Kuya Theon asked casually. Hindi na katulad kanina na para silang nagpapatayan sa tingin, ngayon mas friendly na pakinggan.
Luna winked at him. "You need to discover it yourself." Maikling sambit nito at saka masayang naglakad kasama kami. Kung kanina parang magkaaway si Luna at Amythee, ngayon okay na sila.
Weird, right? Weird.
Ganoon din si Harper, parang hindi ito nanakot kanina, nakikipagkwentuhan na ito sa amin ni Art.
Nang malapit na kami sa building para sa kasunod na klase namin. Bigla kaming may narinig na napakatinis na tunog mula sa isang speaker. Halos mapatakip kami ng tainga lahat.
Iyong mga estudyante na naglalakad at nag-iingay ay natigilan din kagaya namin.
Nang mawawala iyon ay lalakad na sana ulit kami kaso ay...
"E."
"Ri."
"Na."
Halos mapatalon yata ako sa kinatatayuan ko. Nakakatakot. Nakkapangilabot. Parang kami 'yung tinawag pero hindi naman. Parang kami 'yung natakot imbis na 'yung binggit na pangalan sa speaker.
Hindi kami makakilos, hindi kami makahinga basta basta. Akala ko kami lang pero nang mapansin ko lahat ng estudyante tumigil. Para bang kapag gumalaw ka may tatamang bala sa iyo kung saan man.
That thought send thousand of shivers to my spine.
"Tempus." Maikling dugtong pa nito.
Tapos ay nawala na iyong tunog na parang may magsasalita sa speaker. Kaya naman halos sabay sabay kaming nakahinga ng maluwag at parang iyong nakakatakot na nagsalita kanina wala na.
"Lu—" tatawagin sana ni Biblee si Luna kaso... bigla itong nawala.
"Na saan na 'yun?" Tanong ni Kuya Cleon.
"She left after she heard 'Erina'." Sambit ni Kuya Akira.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ni Thorn.
"Luminous Erina Melendez." Balewalang saad ni Kuya Akira.
"Siya 'yung tinawag?" Tanong ko.
"Siguro." Kuya Pierce answered.
"Kawawa naman si Luna, kung s'ya nga 'yun." Sambit ni Thorn.
"I'll agree to that," Art said while sighing.
"That voice... it's seriously still echoing inside my ears." Mahinang sambit ko naman. Kinikilabutan pa rin ako. Mukhang hindi lang naman ako, pati yata buong school ganoon din kasi sobrang tahimik nila ngayon.
"Who do you think it is?" Tanong ni Kuya Akira.
"Baka si Kellon?" Sambit ni Art.
"No, I don't think so..." Harper contradicted.
"I'll go with Harper in this, Kellon is sarcastic and intimidating, but not..." Hindi masabi ni Biblee ang kasunod na salita kasi hindi mo talaga mailalarawan 'yung nagsalita kanina, masyadong... nakakakilabot.
"Baka Crown? Isa sa mga Crown?" Sambit ni Ate Amythee.
"Ibig sabihin Crown din si Luna?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"You see... she's kind of mysterious... she gives us the vibe of warmth and like she is our friend, but that ice cold eyes and aura earlier somehow made me intimidated... she's not your ordinary student. And to tell you the truth while Luna's speaking earlier she just knew too much info about the Crown, how did she get it though?" Biblee started.
"Based on her description of the Crowns... hindi naman sila 'yung tipong makakahalubilo ng estudyante basta basta at higit sa lahat they are like the top secret in this school, so bakit ganoon na lang karami ang alam n'ya?" Napaisip kaming lahat bigla sa sinabi ni Biblee.
Basta talaga mga detalye o kahit anong may kinalaman sa ganito basta nandito ang mga Yoon siguradong may sagot kaming makukuha.
"There's really a possibility that Luna's a Crown." Mahinang saad ni Ate Amythee.
"Pero kung Crown nga sya bakit sya lalapit sa atin?" Tanong ko naman.
"Kellon." Kuya Akira and Pierce answered in unison.
"Ha?" Art asked.
"Kung si Kellon nga inoobserbahan na tayo pagtapak pa lang natin sa school na 'to, hindi na ako magtatakha na ganoon din ang pakay ni Luna. And people are mostly avoiding or never talking about her." Sabi ni Kuya Akira.
"Parang ayaw nilang malaman natin kung sino si Luna kaya parang invisible siya sa atin kanina. Alam n'yo naman siguro na kinatatakutan ang mga Crown base sa sinabi niya kanina. Baka alam nilang lahat na Crown si Luna at hinahayaan nilang mahulog tayo sa patibong niya." Dagdag ni Kuya Cleon.
"But still... we shouldn't blame someone." Pierce concluded.
"Yeah we shouldn't doubt Luna without certain proof, at least we have an idea that Luna can be a Crown or a Royal." Thorn said calmly.
Napatango na lang kaming lahat at saka kami dumiretso sa klase namin ngayon.
Patuloy pa rin akong napapaisip tungkol kay Luna. Pero iyong lalaking nagsalita kanina sa speaker... he caught my attention more than Luna. Sino kay iyon? Pero sa reaksyon ng mga estudyante...
Maaring Crown nga iyong nagsalita.
Lalong lalo na at pinaalalahanan nito si Luna, tungkol sa oras. Tempus means time in Latin.
Just how mysterious... this school can get?
***
May tatlong klase kami ngayon na sunod sunod, usap usapan pa rin kami at pakiramdam ko alam na ng buong eskuwelahan ang tungkol sa amin dahil sa bawat minuto o segundo na mayroon sila ay kami ang pag uusapan nila.
Nakakailang lalo na sa aming tatlo nina Art at Harper kasi hindi naman kami sanay sa ingay ng atensyon, mas gusto namin ang atensyon nang pagkamangha na galing sa mata, at hindi panlalait.
Hindi nagtagal ay napunta kami sa huling klase namin sa araw na ito. Habang nandoon kami ay nagtakha ako kung bakit mas doble ang ingay ng klase kaysa roon sa mga nauna. Dito mga walang modo na talaga sila.
They tried to trip and made fun of us, luckily they didn't succeed that much because of Kuya Theon, Cleon and Akira, while Pierce was sighing and making us feel somehow calm.
"Bakit ba ganito ito klase na 'to?" Nagtatakhang bulong ko kay Art.
"Gawa yata 'nung teacher." Imik ni Art.
Nakinig kami sa bulung-bulongan na nagaganap.
"Iyong matandang hukluban na naman ang teacher natin dito. Walang kwenta naman 'yun."
"Truth, girl. I don't even know why this prestigious school accepted that good for nothing old hag."
"Those commoners are lucky we have our present to the old woman not them."
Napakunot noo naman ako. Ang babastos ng mga estudyante rito. Konti na lang talaga sasang-ayon na ako kay Harper na si Tita Tiara na ang pumunta rito at ituwid ang mga balikong ugali nila.
Ilang saglit pa nagulat kami nang may pumasok na matandang babae at bigla na lamang itong sumubsob sa sahig. Napatayo ng sabay si Pierce at Thorn saka pumunta sa unahan at tinulungan iyong matanda.
Nagpasalamat iyong matandang babae sa kabaitan noong dalawa. Bumalik nang may ngiti sa labi ang mga santo namin. Ang saya na agad nila basta nakatulong sa iba. Pero kapag iisipin kong si Tita Dyosa at Tito Gwapo ang magulang nila... natatawa na lang ako.
How did these two became so holy when their parents are... so... airy? Ahm. Ewan ko rin.
"Good morni—Good afternoon class." Magiliw na wika noong guro namin. Tapos ay nagtawanan iyong mga estudyante maliban sa amin.
"Tanda mo na nga lampa ka pa!" Tapos ay napuno na naman ng tawanan ang buong klase. I sighed secretly. Nawawalan ako ng gana kung gaano kawalang galang ang mga estudyante rito.
Tumawa rin iyong guro. "Kaya nga eh, malay ko rin ba rito sa tuhod ko, ang hina na." Pagsakay noong matanda sa loko sa kaniya ng klase.
"These people are... trash. I was expecting that at least they have dignity, but no they don't have it." Harper commented while looking so disgusted at our classmates— looking at our teacher being treated so poorly.
Ang ingay na nung klase pero parang walang paki-alam 'yung teacher. Hindi ko malaman kung pagod na siyang magsaway o talagang wala lang siyang paki-alam.
"Hey, Mrs. Kiseki, if you really won't teach anything in this class, this will be your hell." Natahimik ang lahat ng may magsalita sa klase. Agad hinanap ng mga mata ko ang ID niya at nakita kong kulay green iyon.
Isang Elite. May katabi siyang dalawa pang elite.
Hindi siya pinansin 'nung guro tapos ay tumalikod ito at nagsulat sa board.
Self study time.
Tapos ay umupo ito sa teacher's table sa unahan at saka... pumikit? Nagkatinginan kaming magkapatid dahil doon. Kuya Akira seemed curious about why this teacher is particularly nonchalant... and somehow lazy?
Ilang saglit pa habang tinitingnan namin iyong teacher ay nagsimula na itong humarok. She's already sleeping? Ang bilis naman.
Napansin ko na mas sumama ang timpla ng klase dahil sa ginawa noong guro. Ikaw ba naman? Tulugan ng teacher mo.
"Fuck this Kiseki!" Malakas na sigaw ng isa pang Elite lalong natahimik ang klase. Lalo ang mga ilang middle class at commoners na kagaya namin. Nanatiling tulog iyong guro namin.
Lumapit ang elite sa unahan sa may teacher's table kung saan natutulog 'yung mantandang babae. Tapos ay napasinghap kaming lahat ng biglang kuwelyuhan noong Elite iyong matanda.
Padabog na napatayo sina Kuya Cleon, at Pierce.
Nagising 'yung matanda dahil sa nangyari. Halos umangat na ito sa sahig dahil sa pagkakakwelyo sa kaniya at mukhang hindi na makahinga kaya pilit pinapalo nang hirap na hirap iyong elite.
Muntik nang makapunta sina Kuya sa unahan mabuti na lamang at binitiwan din iyong matanda. Hinihingal at halos uubo ubo ito noong makatayo nang ayos. Hindi pa man nakakaayos mula sa nangyari ang guro namin ay sumigaw ang elite.
"Tangina mo, Kiseki!" Walang galang na sigaw nito. Nakakabingi. Doon mo makikita ang tindi ng isang elite. Nakakatakot kalabanin. Hindi kami makasabat sa nangyayari.
"Bakit ka pa pumupunta sa klaseng 'to kung hindi ka rin naman magtuturo? Pano ka nga ba nakapasok sa school na 'to kung halos isang linggo ka nang walang tinuturo simula nang makapasok ka rito?!" Gigil na sigaw nito.
"This is a self fucking defense class, you better start teaching the class now, after your one week of sleeping in front of us!" The elite guy demanded intensely then he punched the table. It cracked.
Nagulat ako sa lakas na taglay nito. At saka ano? Self defense class? Bakit may ganitong klase rito?
"I'm sorry, Mr. Elite, but you disturbed my sleep so please take a sit." The teacher said like she understand nothing about the elite's rant.
"No, you will battle me." Biglang pagdedeklara nito ng laban.
Biglang nagsigawan ang klase at parang nabuhayan.
"Bakit—" Hindi na natuloy ng guro namin ang sasabihin niya nang hilahin siya sa kwelyo ng elite tapos ay binuksan nito ang isang pinto rito sa room. Sumunod ang mga kaklase namin doon kaya sumunod din kami.
Mas malaki ang room na ito kumpara sa kanina na room namin na may mga upuan. Ang buong sahig itong may foam, at sa gilid ay may iba't ibang equipment. Namangha kami sa nakita.
Bigla kong nakaramdam ng pagkasabik.
Physical battle, defense and combat? Woah!
Hinila ng elite ang mantandang babae sa gitna at pumuwesto sila roon.
"Kapag natalo kita sa physical combat. Magsisimula ka nang magturo sa klaseng ito, pero kapag natalo mo ako, hinding hindi na kita iistorbohin sa pagtulog mo." Madiing saad ng elite.
"Talaga? Makakatulog na ako ng hindi mo iistorbohin?" Lumiwanag ang mukha noong matanda.
"Sleep is life." Natatawang sambit ni Cleon.
Umupo kaming lahat sa sahig at pinanuod ang dalawang nasa gitna. Nagbulung bulungan na rin ang mga kaklase namin at mukhang masaya sila dahil matatalo noong elite iyong matanda.
Sabagay... ang tanda na noong babae naming guro. Baka mapahamak lamang ito.
Bakas ang pag-aalala sa mukha nina Amythee, Biblee, Pierce at Thorn. Samantalang kami ay nag-aabang ng resulta.
Nagsimulang umatake iyong elite nang walang sabi sabi. Napaupo iyong matanda nang natamaan siya ng sipa nito. Pakiramdam ko nabalian ito ng buto kaya naman kinabahan ako.
"Woah," they cheered.
Hirap na hirap na tumayo ang matanda at saka ito... umimik.
"Amazing special move: Ultraaa kick!" Papalakpak na sana kami dahil sa biglang sigaw noong matanda para sa counter attack... kaso...
Napahagalpak kami nang tawa lahat, maging kami nina Harper ay hindi maiwasang mapatawa.
"Kick?! Ultra kick?!" Halos mamatay na kakatawa si Kuya Cleon dahil sa ginawang move noong matanda.
"Bwisit! Ultra kick tapos sinuntok n'ya 'yung elite nang sablay?" Natatawang dagdag pa ni Cleon. Loko talaga. Nadala tuloy kami sa tawa nito.
Nakakaloka naman kasi iyong matanda. Akala ko talagang ipapakita na niya na malakas siya kahit may edad na siya pero 'nung sinabi n'ya 'yung ultra kick tapos sumuntok siya, nagkatawanan na kami.
"Ehem!" Saway niya. "That's what make it an amazing special move, class! You say kick when you actually do a punch!" Lalo kaming natawa dahil sa paliwanang nitong—lame.
"Hahahahaha! Joke pa tanda!" The class' laughter echoed inside this room.
Akala namin may kakaibang mangyayari pero dahil sa bilang pag imik ni Mrs. Kiseki nang ganoon ay hindi na niya nakita 'yung kamao na papalapit sa tiyan niya at huli na ng lahat...
Knock out.
"Looks like she got the sleep she wanted." Iiling iling na sambit ni Kuya Akira.
Nagtawanan ang klase dahil sa sinabi ni Kuya Akira. Tapos ay naghiyawan sila dahil talo iyong matanda. Akala ko pa naman mananalo siya dahil sa sinasabi niyang amazing special move. Mukhang hanggang salita lang pala.
Walang puso siyang iniwanan ng klase at umalis sila na parang walang nangyari. Lumapit kami roon sa mantanda at binuhat ito ni Kuya Pierce at sama sama namin siyang dinala sa emergency clinic.
Mabuti na lang at nasa building lang din iyon. Umalis na rin naman ang buong klase dahil wala nang klase kasi tulog nga itong teacher namin matapos makatanggap ng suntok.
Inasikaso siya noong mga nurse at doktor na nandoon at lumabas na kami.
"Grabe naman dahil sa isang suntok sa tiyan tulog na agad." Sambit ni Kuya Cleon.
"Baliw ka masakit kaya 'yun, ikaw kaya. Ang lakas pati." Kontra naman ni Art sa kapatid. May punto naman si Art.
"Hindi naman kasi dahil sa suntok kaya nawalan ng malay 'yung matanda." Biglang saad ni Ate Amythee. Napatingin kami sa kaniyang lahat tapos ay ngumisi si Kuya Theon. He knew what Amythee saw.
"Why?" Tanong ni Thorn.
"The punch was just a show, what made the old teacher faint was because the elite targeted the sensitive part at the back of her head to make her lose consciousness." Ate Amythee explained gently.
Kinilabutan ako sa narinig. Ibig sabihin ganoon katatalas at ganoon kagaling ang mga elite? Napaniwala niya ang halos buong klase na dahil sa suntok kahit hindi naman?
"Alam n'yo tara na." Aya ni Art bigla sa amin.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Uuwi na. Alam n'yo namang baka gabihin tayo, tapos na naman ang klase hindi ba? Tara na, puntahan na natin 'yung mga kapatid natin." Art added calmly.
"Mabuti pa nga." Buntong hiningang sabi ni Kuya Pierce.
"Uuwi?" Halos mapatalon kami dahil sa biglang nagsalita! Napalingon kami kasi hindi man lang namin siya naramdaman na nasa likod na pala namin! Gosh!
"Luna!" Biblee exclaimed.
"Kamusta?" Masayang sambit ni Luna.
"We are good." I answered.
"Pero uuwi?" Takhang tanong ulit nito.
"Ahm, yes? Like we are going home?" Harper said questioningly.
"Hindi n'yo alam?" Halatang gulat si Luna. Bakit naman?
"Alin?" Sabay sabay na tanong namin.
"In this school once you enter... you just can't leave whenever you want to, only the crowns and the royals could. This is like a dorm school?" Halos patanong na sambit ni Luna dahil sa reaksyon namin.
"WHAT?!" Hindi makapaniwalang sigaw namin.
So... we are locked up in this school?
No freaking way...
Our parents...
Will...
Declare war...
Or...
Worse...
Will...
Kill...
Us...
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top