3: Blood of the Ruler

3: Blood of the Ruler
Artemis Elizabeth Williams-Morbelque

"Hindi ba magagalit sina Mom sa ginawa natin?" Mahinahong tanong ko habang nakatingin sa daan patungo sa bago naming eskuwelahan. Iniisip ko pa lang magiging reaksyon ni Mom natatakot na ako.

Si Dad pwede naming lambingin na tatlong babae, pero si Mom. Napapikit at napabuntong hininga ako. Lahat kami sa pamilya takot sa kaniya. Napakabait at napaka-malaangel ni Mom, maliban kapag ginagalit.

"Sa tingin mo, Art? That's why we kept it as a secret, right?" Kuya Theon answered. I shook my head, even though Kuya Theon is meticulous, I still have this uneasy feeling which I rarely get.

"Are we gonna get scolded?" Inosenteng tanong ni Aislynn. Kumuha ako ng wafer na kinakain niya ngayon at saka ako ngumiti sa bunso namin.

"Of course not, Ais. We are going to study hard, para hindi magalit sina Mom at Dad. Para proud sila sa atin." I told her with assurance. Her eyes lit up and sparkled.

"Then both Kuya Theon and Kuya Cleon are gonna be willing to play again in the theme park with me?!" Masayang sambit pa nito.

"Syempre!" Masayang tugon naman ni Kuya Cleon. Si Athena naman ay nanatiling tahimik at nakangiti sa amin. Kinakabahan ang isang iyan kaya ganiyan. Paano katulad ni Kuya Cleon ay siya ang kasunod na pasaway kaya laging napapagalitan ni Mom.

Binggo na talaga siya kapag may ginawa pa. Buti nga kampi madalas sa kaniya si Dad. Pero ngayon... sa tingin ko hindi na kami kakampihan ni Dad.

Agh. Why do we have a scary Mom and intimidating Dad again?

Medyo bumigat ang tensyon sa amin dahil sa katahimikan. Mukhang naramdaman agad iyon ni Kuya Cleon kaya naman bigla itong nagsalita.

"Ikaw, Art ha, may favoritism ka talaga sa amin ni Theon!" Sita sa akin ni Kuya Cleon na ikinakunot-noo ko. Ano na naman ginawa ko? Iba rin talaga si Kuya Cleon minsan. Bigla na lang akong sinisisi sa mga bagay bagay.

"Wala kaya, Kuya, guni guni mo lang 'yan." I answered.

"Oy! Kahapon kaya 'nung miryenda natin, hindi mo ako sinali ro'n sa pancit canton na hinanda mo." Sabi pa niya. I chuckled lightly because of that and shook my head with grace.

I saw Ais and Athena looked at me... in awe. Ugh? Bakit? Bakit ba kasi hindi ko maialis sa kilos ko ang pagiging mahinhin. I am their princess, the main one. Why? Because they told me I act like one.

Malay ko ba, sanay na ako. Pati naman sina Honoka at Harper kagaya ko. Ewan ko ba rito sa mga kapatid ko kung bakit parang mas mangha sila sa akin.

"Nakakainis ka kasi 'nun Kuya, lagi mo na lang akong ginugulo." Mahinang imik ko.

"Nilalambing kaya kita, hindi ginugulo!" Depensa niya.

Lambing o gulo? Walang pinagkaiba. Palaging nakakainis ang kinalalabasan. Paano kasi dapat magbe-bake talaga ako, kaso sinabuyan ako ni Kuya Cleon ng flour at saka ginulo kaya nainis ako at nauwi sa pancit canton ang miryenda namin.

Dad scolded him after he saw what happened. Mom wasn't there because she's at school, teaching.

Tapos 'nung kakain na kami sa garden ng miryenda, hindi ko talaga binigyan ng sariling portion n'ya si Kuya Cleon. Naiinis pa rin talaga ako sa kaniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin 'nung nagpaawa siya.

"Dahil hindi mo ako binigyan, pinagluto ko pa ang sarili ko." Kwento pa niya. He's showing his pitiful face just to make me feel guilty, I remained composed. Hindi ako papadala sa ganiyan ni Kuya.

"Masarap naman ba luto mo, Kuya Cley ha?" Tanong ni Athena.

"Kasalanan mo rin 'yun, Athena eh!" Alma na naman ni Kuya Cleon.

"Ang dami mong reklamo lagi, Kuya." Biglang sabi ni Ais. Nagkatawanan kaming magkakapatid maliban kay Kuya Cleon dahil doon. Maging si Kuya Theon ay sang-ayon sa bunso namin.

"Ako? Anong ginawa ko?" Inosenteng tanong ni Athena.

"Tinawag mo ako bigla." Nakalabing saad nito.

"Anong kinalaman 'nun?" Kuya Theon queried while grinning.

"Nasira 'yung canton ko!" Parang batang tugon nito. I chuckled lightly. Kahit ano naman pagkain laging sira kay Kuya hindi na ako magtatakha, kaya laging nakadikit 'yan sa akin, kasi marunong akong magluto.

"Ang dali dali lang lutuin n'on Kuya." Athena popped in.

"'Yun na nga eh, ang dali dali tapos nasira." Maktol nito.

"Ano ba kasing nangyari?" Kuya Theon asked then he stopped the car because of the stop light.

"Kuya you should have called me instead, you know, I can help you with lots of things." Malambing na sagot ni Ais. I pinched her nose lightly and gave her a peck on the cheek. My little sister is really lovely.

She chuckled lovingly.

"Kain ako nang kain tapos sabi ko bakit parang sarap na sarap kayo, eh, ako tabang na tabang. Pero ako naman sige lang, kain lang baka sumarap hindi pa lang natalab 'yung lasa." Kuya Cleon continued.

We are already suppressing our laughter.

"Kain lang, kain lang... pero wala talagang lasa!" Reklamo nito sa amin. "Tapos 'nung tiningnan ko 'yung kulay, mapakla. Tapos sabi ko naman nilagay ko naman 'yung langis at toyo." Sambit nito.

"Pero hindi mo nilagay 'yung ibang lahok?" Kuya Theon concluded while laughing.

"Oo na! Oo na! Huli ko na naalala na hindi ko nga naalala ilagay 'yung ibang sahog. Tsk. Kain naman ako nang kain kahit walang lasa. Psh." Palpak talaga kahit kailan 'tong si Kuya Cleon.

The whole car was filled with laughter because of Kuya Cleon's story. Kawawa naman 'yung Kuya ko.

"Ayoko na, kayna Tita Shana na lang ako lagi pupunta. Sarap pa naman magluto ni Tita." He uttered dreamingly. Napangiti ako nang banggitin nito si Tita Shana. True enough, Tita Shana was the one who taught us, the keep calm trio, how to cook.

Nanatili kaming nagkwekwentuhan at nagkukulitan sa byahe. Nakikita ko rin na kasunod lang namin mga sasakyan na gamit ng buong barkada.

Ano kayang magyayari sa amin sa bagong eskuwelahan namin? I feel excited yet there's this feeling of being a little scared.

Maganda ang buhay namin sa dati naming eskuwelahan. We are on top, we are respected. No one ever comes in our way. Why? Because... we are feared. In a good way, not in a bad way.

Now... I have this gut that our stay in this new school will not be our typical.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa napakalaki at napakagarbong gate ng eskuwelahan. It looks so stoic and somehow... elegant. Para kaming dinala sa ibang bansa dahil sa istilo ng pagkakatayo ng gate.

It was castle like... the only thing is it felt intimidating in a bad way. The way the Empire was written in that big grandiose magnificent gate, hold so many secrets... secrets that could kill.

I felt shivers thinking those thoughts so I shook my head lightly.

May lumabas na mga lalaki mula sa gate. Hindi lang basta mga lalaki. Mukha itong mga sundalo. Nakakatakot na sundalo. Pakiramdam ko ay kumabog nang sobra ang puso ko. Mukhang nakaramdam ng takot si Ais kaya naramdaman ko ang hawak nito sa kamay ko.

I caressed her little hands and hugged her a little.

Kinausap ni Kuya Theon 'yung isang sundalo. May baril ito sa likod nito at doon pa lang ay parang gusto ko nang umuwi. Lahat ng lakas ng loob at pagiging sigurado namin noong nagplaplano kami ay biglang umatras sa sistema ko.

Kuya Theon looked calm as always. Hanggang sa tumango 'yung sundalo at bumukas iyong malaking gate. Unang pumasok ang sasakyan na kinaroroonan namin at sumunod ang sasakyan ng barkada.

Akala ko pagpasok namin ay iyong mismong gusali na noong school ang sasalubong pero mali ako. Isang daan na tila patungong kagubatan ang tumambad sa amin.

"Tama ba 'tong dinadaanan natin, Kuya?" Athena nervously asked.

"Don't worry, we'll be there in thirty minutes." Kuya Theon assured.

Nanatili akong tahimik pero nagtakha na agad ako kung bakit trenta minutos pa bago kami makarating sa kailangan naming puntahan. Aren't we here already? We just stopped at the entrance of the school.

"That was just a check point earlier, now this road is the real deal. Should we fasten our seatbelts?" Nakangising sambit ni Kuya Cleon. Napansin kong tumungin si Kuya Theon sa aming tatlong babae.

I immediately fixed Ais seat belt and made sure that Athena's also good to go. When I finished checking our seat belts, our twin brothers' smirked, and just like that... Ais and Athena are both screaming in joy.

Athena, Ais and I were often viewed as sweet, loving and caring... but we have this silly side where we enjoy thrilling things. That's why Ais love going to the theme park and on how Athena is always interested in heavy sport.

I, on the other hand, love guns. Ironic isn't it? I love the bang... that loud sound when I pull the trigger, and the little heavy vibration I feel when the bullet was loaded. Kahit tahimik ako, palaging mahinhin... gusto ko ang baril.

The road was kind of narrow so Kuya Theon drove as if he's in a car race... careful but so fast. It was fun. Ais and Athena are having fun, and seeing my sibling enjoy these things made me at ease in a snap.

Ano ngayon kung bago ang paaralan na papasukan namin? Ano ngayon kung mukhang ang wirdo nito? Wala naman sigurong masama kung ang bagong experience na ito ay magiging parte ng buhay namin, hindi ba?

"Kuyaaaa! You are winning! Ate Amythee's car is way beyond, and also the others!" Tuwang tuwang hiyaw ni Athena, gusto pa yatang ilabas ang ulo sa bintana. Natawa na lang ako dahil doon.

"Should we go, faster?" Tanong ni Kuya Cleon, at saka pinatugtog ang malakas na musika.

"Go, Kuyaaaa!" Ais and Athena both exclaimed. Lumingon din ako sa likod at doon ko nakita na binilisan din ni Ate Amythee ang pagpapatakbo ng sasakyan niya. Napangiti ako.

Sure thing, Liam asked his sister to beat us. Masyado kasing tuwang tuwa si Liam sa sasakyan.

Halos labing limang minuto rin kaming nagkakatuwaan dahil sa nangyaring pagkakarera ng sasakyan, hanggang sa dumating na naman kami sa isa pang malaking gate na mukha pa ring pang kastilyo. Ang kinaibahan lang ay napaka taas at napatayog nito kaysa kanina.

May mga sundalo na naman na lumabas at saka ibinababa ni Kuya Theon ang bintana niya. The soldiers seemed to be meticulous. Lalong lalo na kasi halos ininspeksyon nila ang sasakyan namin, nang halos sampung minuto.

Hanggang sa bumukas ang may kaliitang gate, pero kaya nang pumasok ng sasakyan doon. Doon kami dumaan, at sumalubong sa amin ang napakalaking fountain.

"Waaah!" Sigaw ni Athena at Ais. I also stared at it in awe.

Oh... did we just... teleported to London? To the old English time? To the Greek Castle? To the Italian and Rome myths? Gosh! This place looked like one!

Binuksan namin ang bintana at sobrang manghang-mangha kaming magkakapatid sa nakita. Halos magtatalon si Ais sa kinauupuan habang sumisilip sa bintana habang si Athena ay parang naka-glue na ang mga mata sa nakikita.

"This place... is so awesome! We chose the right school! The Evans's are really something if they are in here!" I heard Kuya Cleon's comment as he slowly scanned the whole place.

Kuya Theon's slowly driving for us not to miss the surroundings.

May malaking fountain sa gitna. Hindi lang malaki, sobrang laki. Iyong tipong parang dalawa o tatlong palapag ng bahay ang taas. At tila parang rose garden ang nakapalibot dito.

May mga istraktura rin na parang mula sa Greek na panahon. Parang mga sirang poste pero napakagandang pagmasdan, hindi lang 'yun. Kapag susundan mo ng tingin 'yung mga Greek like structures, ang diretso n'ya ay sa parang isang lake, na may mga statues, na parang isang magical na garden.

Sa kabilang banda naman ay matatanaw mo mula sa parang kagubatan ang isang tuktok ng gusali na parang bubong ng kastilyo. Patrayanggulo pa ito kaya mas nakakamanghang pagmasdan.

Dahil para itong kagubatan, hindi mo na matatanaw pa ang ibang bagay. Pero sapat na ang nakikita namin ngayon para mamangha nang todo. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang eskuwelahang ito.

Magkano kayang ginastos nila rito?

"Kuya? Hindi ba magtatakha sina Mom... para kasing hindi biro ang mga bayarin dito." Sambit ko nang wala sa sarili. Napalingon si Kuya Cleon sa akin. At tumingin ako sa kaniya, pinalampas ang ibang magagandang tanawin.

"Don't worry, same price from our old school." He retorted while smiling like an idiot.

Seriously? This was the same? Hindi ako makapaniwala. Hindi kasi kapanipaniwala na katulad lang ng dati. Because... the way this school is build and the structures... hindi ito simpleng dalawang numerong libo lamang.

Tatlong numerong libo ang kailangan mong bayaran para makapasok dito, hindi lang dalawa. Kaya nakapagtatakha.

Kuya Theon drove, 'til we reached a building that looked like a glass building. Wait, what? Nasa modern naman kami ngayon? It was so modernized. 'Yung building at 'yung kinatatayuan nito.

Para kaming nasa isang city bigla. Parang hindi kami dumaan sa Old English Times. Seriously?

It's like a new country in the forest! Hindi na nga mukhang forest sa pagkakataong ito! Sobrang nakakalaglag panga na lang ang mga nakikita ko rito.

Kuya Theon parked his car, and he stopped it. "Let's go!" He said with a smile. Tinanggal namin ang mga seat belt namin at saka kami bumababa. Pinagmasdan ko ang paligid. May ilang sasakyan at iba pa. Pero walang ganung tao.

Tapos may daan na parang papunta sa isang syudad, at may isang daan na parang patungo sa makalumang panahon. Seeing this... parang divided 'yung school sa modern structures at old structures.

Nagsimulang maglakad sina Kuya. Athena hopped to Kuya Cleon's side, while Ais went with Kuya Theon. Sumama na rin agad ako sa kanila. Tapos naramdaman ko na humabol sa amin ang barkada.

Natural as it is, I am already with Harper and Honoka. The three of us are just scanning the whole city... I mean, the building. Nagsimula na rin ang ingay dahil sa kulitan namin. Hanggang sa makapasok kami sa Admission Hall.

Wala pa pala kami sa mismong school. Which is... kailan pa kaya kami makakarating?

Nandito pa lang pala kami sa lugar kung saan kami kukuha ng uniform, id, at iba pa. Napakunot noo ako nang bigyan kami ng tig-tatatlong susi. Para saan iyon? Magtatanong sana kami kaso ang strikta nila at para silang mga robot kaya hindi na namin nagawa.

Isa isa rin kaming binigyan ng uniporme. Pati na rin ID. Bawal daw pumasok sa loob ng premises ng mismong school kapag hindi naka-uniform at walang ID dahil hindi kami tatanggapin sa loob.

Bakit hindi kami tatanggpin? Naka-enroll na nga hindi ba?

"I am weirded out." Harper whispered.

We are in a room... like a meeting room. Nasa unahan ang isang babaeng mukhang kakagatin ka kapag may mali kang sinabi. Tapos nakaupo kami ng ayos sa tila pa-oblong na shape ng mesa at upuan.

May projector sa unahan at may sinasabi 'yung babae tungkol sa uniform, ID at kung ano ano pa.

"I know right." Honoka retorted.

"But exciting, isn't it?" Sambit ko naman.

They both chuckled like princesses, then resumed in listening to the so called introductory meeting we have. Sa totoo lang wala akong ganung naintindihan dahil masyadong busy ang isip ko sa kawirdohan nitong school na 'to.

Nandito ba talaga sina Ate Silhoue? Kung ganoon... why are they here? Bakit sila nandito?

May binigay na iPad sa amin at do'n namin nakita ang mapa ng buong school. My lips parted a little. When I said earlier that this place is like a little country... I didn't mean it literally... but I think... it just got real.

This is exactly a country! Sobrang laki ng school! Nandito pa lang kami sa Admission Hall. Which is like a dot on the map!

Then there's a big place called "Empire State" in the middle of this map which occupies a big slot. When I clicked that part, it zoomed in and it showed me what it looks like.

Oh my gosh! A place mixed with modernized buildings and old like castles. Which is amazing. It compliments! Para kang nasa Rome, but a modernized Rome.

May isang lugar na parang puro luma lang, at may isa ring parang puro bago lang. The thing is... this place has its own... airport, mall, food alley, residence, and many more. Para talaga s'yang isang bansa na nakatago sa bansang ito.

How come this school isn't searchable and known? This is the biggest school I saw.

Habang manghang mangha pa kami sa kung gaano kalaki at nakakalaglag panga ang school na ito, we were interrupted by a single clap. They lady instructed us to change our clothes, and to wear the uniform, and after that... we'll come back here.

Magtatanong sana si Biblee kung saan kami magpapalit, pero may mga lalaki at babaeng naka-suit na itim ang pumasok.

"Please follow the people assigned to you and they will lead the way." The lady instructed with authority. Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod nang walang imik imik.

Walang tensyon sa amin, bagkus mga tuwang tuwa pa ang barkada dahil sobrang kakaiba ng nararanasan namin ngayon.

I followed the girl who was assigned to me. Naglakad kami papunta sa elevator at saka niya ako dinala sa isang pinto. Ngumiti ito sa amin. "Please tap your ID, mademoiselle." Magalang na saad nito.

I obeyed politely. There was a sound that the room was unlocked so we went in, after I opened the door. A beautiful and elegant room welcomed me. Nanatiling nasa labas 'yung babae.

"I'll wait for you here, mademoiselle." She told me with outmost respect. Kinilabutan ako kasi parang ang taas taas ko kung tratuhin niya ako. Pakiramdam ko tuloy prinsesang tunay nga ako.

It was black and white, minimal design and furnitures, yet it looked so good. Dumiretso ako sa walk-in closet at sumalubong sa akin ang isa pang pinto para sa banyo. Doon ay nagbihis ako ng uniporme.

Matapos noon ay tiniklop ko ang damit at saka lumabas ng banyo at tiningnan ang sarili sa full length mirror.

The uniform was really good and comfortable. The right size for me. Sinuot ko 'yung ribbon para maayos na ang lahat. At inilagay ang ID sa may bulsa nito. Hanggang sa napansin ko sa may bandang dibdib ang simbolo ng isang korona.

Hindi ko na lang 'yun pinansin at lumabas na ng kwarto. Mamaya ay hinihintay na pala ako sa silid kanina, sinalubong ako noong babae at maingat nitong kinuha sa akin ang damit ko kanina. Ayaw ko nga sanang ibigay pero mukhang hindi pwede.

Inabot niya ito sa isa pang babae, at saka kami nagsimulang maglakad pabalik sa silid kanina. The guys are already there. They all looked so hot and proper. Kuminang pa ang isang dyamante sa isang tainga ni Kuya Cleon.

While the Sys are so holy in their uniform, one of them, namely Altair looked so evil with his color black piercing on the right ear. When Altair saw me he whistled. I glared at him.

Napatingin sa kaniya si Kuya Theon at sinindak siya. "Biro lang, brother, biro lang! Ang ganda kasi ni Ate Art." Dahilan ni Altair. I just smiled at him and he was in awe. Napaiwas ako ng tingin.

Hanggang sa sunod sunod nang pumasok ang mga babae.

Nang nandito na kaming lahat, nagsalita 'yung babae kanina. "The most important thing you have in here is your ID. That will be your everything." Makahulugang sambit nito.

"Enough for the introduction... I, one of the board member, Magdalena Accardo, welcome you to the Empire." At kakaibang ngiti ang ibinigay nito sa amin, na biglang nagpakaba sa akin.

Umalis na kami sa lugar na iyon at may binigay rin sa amin na bag. Mukhang nandoon ang ilang gamit na pwede naming gamitin. Hindi ko mabuksan 'yung bag. Ewan ko ba. Baka naman gagana na ito mamaya.

Dumiretso kami sa isang lugar na sinabi kanina ni Mrs. Accardo. Lugar para sa mga nakababatang kapatid namin.

Bumababa kaming lahat wala pa ring tao sa lugar. Nasaan ba mga tao rito?

"Hey. Ais, be a good girl, okay?" Imik ni Kuya Theon kay Ais.

"Yes, Kuya!" Masiglang sambit nito.

"You know what to do, when you are in trouble okay? Just press this button, and Kuya will be there." Paalala pa ni Kuya. Tumango si Ais at masiglang niyakap si Kuya sa binti. Kuya Cleon leveled to her and patted her head.

"Your Kuyas will be there, in a heartbeat, you know that?" Kuya Cleon re-assured.

"Yes, yes, yes!" Masayang sabi ni Ais.

"Athena, ikaw rin." Baling naman ni Kuya kay Athena. Tumango lang ito.

Mukhang nagpaalam na rin ang mga Sy kay Altair at Blithe. Si Harper kay Aristle. Sina Ate Amythee at Biblee kay Liam. At si Akira at Honoka kay Nicholas.

Nasa lower department kasi sina Athena, Ais, Altair, Blithe, Aristle, Liam at Nicholas. Mga bata pa kasi. Silang pito ang palaging magkakasama dahil na rin sa edad. And even though, they are young, we have the outmost trust and respect to them.

"Athena, take care of them, ikaw pinakamatanda sa mga 'yan." Sambit ni Kuya Cleon.

"Yes, sir!" Athena jokingly saluted.

"For goodness's sake Altair, don't make us worried. Bantayan mo si Blithe." Sabi naman ni Pierce sa kapatid.

"You can count on that, brother!" Seryosong saad ni Altair. Now, that's a great assurance. Altair is a mischievous personified, kaya kapag seryoso 'yan, seryoso talaga.

"Aristle, you know what to do." Harper said, Aristle gave her thumbs up. The Villamor siblings both giggled.

"Nicholas and Liam, protect the little girls, okie?" Biblee said while hugging both of them. Masayang  tumango ang dalawa.

Dahil baka mamayang gabi pa matapos ang paalamanan namin. Hinayaan na namin sila nang may dumating na lalaking naka-suit. Mukhang sina Kuya Theon ang may kondisyon na mayroon noon ang mga nakababata naming kapatid.

Nang matapos iyon ay bumalik na kami sa sasakyan at nagmaneho na si Kuya para makapunta kami sa Department namin.

Hindi kalayuan ang pinuntahan namin sa pinagbabaan namin sa mga kapatid namin. Pumarada kami sa paradahan sa tapat ng malaking building na medyo sinaunang tingnan.

Nang makababa ako ng sasakyan ay sinalubong na agad ako ni Harper at Honoka. "Nakakakaba na." Sabi ko sa kanila.

"Okay lang 'yan." Honoka retorted.

"We got this." Harper told us.

Nagtipon tipon kami nina Kuya Theon, Kuya Cleon, Kuya Pierce, Kuya Akira, Ate Amythee, Harper, Honoka, Biblee, at Thorn.

Napansin ko na mayroon nang mga estudyante sa paligid. Mukhang pinagtitinginan na rin kami. Bago kasi kaya siguro ganoon. Hindi kami pamilyar.

"Mamaya kapag uwian na kailangan nating bilisan makaalis, baka gabihin tayo, malayo pa naman 'to." Sabi ni Kuya Pierce.

"Oo nga, baka mapagalitan tayo." Imik ni Ate Amythee.

"Sige." Sabi nina Kuya.

"Mamayang lunch pala, tara sa Food Pavilion, doon tayo magkita kita. Huwag na kayong bumili ng pagkain, Mama cooked for all of us." Sabi naman ni Kuya Akira.

"That's gonna be a good lunch!" Masayang komento ni Biblee.

"Basta po, huwag tayo magpasaway, unang araw pa naman." Thorn told us politely.

"Dearest, Cleon huwag ka raw pasaway." Natatawang sabi ni Harper.

"Sabi ko nga." Sukong sabi ni Kuya.

"So may everything be alright." I voiced out.

"It will." Nakangiting sabi ni Honoka.

"Let's go." Kuya Theon said.

"We got this!" We cheered. Which made us... called attention. Napatingin kasi sa amin halos lahat ng dumadaang estudyante.

Hindi ko alam pero 'yung mga tingin nila, nakakatakot. Nakakakaba. Parang may ibang gustong iparating. Ang lamig... ang dilim...

"Tara na." Hila sa akin ni Honoka. Nawala ako sa isipin kong iyon. Naglakad kaming lahat nang sabay sabay hanggang sa may tumigil sa harapan namin na lalaki.

"The transferees, right?" Tanong nito bigla.

We all hesitantly nodded. While Biblee... "Hiiii, Kuya! Are you going to tour us? You are right! We are new here, so we really don't know where to go, are you willing to help us?" Sunod sunod na sabi nito.

She's so cute and friendly. Buti pa si Biblee.

"Hold up a little, Ms. Yoon." The guy said while eyeing at her intently.

"Ah eh—" Mukhang naguilty si Biblee sa bilis at sa kung ano anong sinabi.

Magsasalita na sana 'yung lalaki nang biglang may narinig kaming malakas na ingay ng pagkabasag. Halos tumakbo ang mga estudyante  na kanina pa ang tingin sa amin nang nakakatakot.

Naglakad nang mabilis 'yung kausap namin sa pinagmulan ng ingay. Sumunod kami dahil sa kuryosidad.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang malaking pasilyo kung saan may basag basag na salamin sa sahig at may isang lalaking dumudugo ang kamao dahil sa sinuntok na bintana ng isang silid.

"Don't make me mad, you mother fucker!" The man whose fist is bleeding bellowed.

May ilang estudyante na umalis at parang walang balak manuod at may ilan naman na nakangisi at mukhang nasisiyahan sa munting eksena.

Napatingin ako ro'n sa lalaking sumalubong sa amin kanina. May salamin ito sa mga mata pero hindi mo maikakaila ang angas at lakas ng dating nito. Nakakatakot siya sa totoo lang.

May ngising lumabas sa kaniyang labi habang nakatingin sa isang banda. Agad kong sinundan ang paningin niya.

"You want to die, fucker?!" Sigaw 'nung lalaki sa babaeng nakatayo lang at kalmadong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam pero sobrang nakakahanga ang pagiging kalmado nito.

I couldn't see her face. Naka side view lang kasi ito. "Tsk tsk tsk, wrong move, wrong move." Narinig ko ang mahinang bulong 'nung lalaking sumalubong sa amin kanina habang punong puno nang interes na nakatingin sa nangyayari sa unahan namin.

The guy who looked so scary and bloody... slowly walked to the girl and prepared his bloody fist to punch the girl who is just standing... calmly... oh my gosh, calmly? Paanong napaka-kalmadong 'nung babae?!

The atmosphere intensified when the girl did not even flinch to where she is standing. The guy was so pissed off on how calm the girl can be, so he decided to push through with the punch...

Napahugot kaming barkada ng hininga dahil wala man lang pipigil doon sa gagawin nung lalaki. Hahakbang sana si Kuya Pierce para pigilan ang nangyayari nang hawakan siya sa balikat nitong sumalubong sa amin kanina.

"Warning one: Don't get involved." Pakiramdam ko may libong butalhe ng kuryente ang dumaloy sa likod ko dahil sa paraan ng pagkakasabi 'nung lalaking 'yun. Hindi normal. Para iyong isang batas sa lugar na ito.

Tinadyakan nang lalaki ang isa pang bintana at nabasag na naman iyon. Napaatras kaming tatlo nina Harper sa gulat samantalang nabato sa kinatatayuan sina Kuya.

Gaano... gaano kalakas ang lalaking iyon, para magawa niya ang bagay na iyon sa isang sipa lang? Bakit hindi pa tumakbo o umalis 'yung babae? Her life will be in danger!

The girl stood still despite of the shatter. Kahit may ilang basag na parte ang halos tumama sa kaniya ay parang wala lang iyon. Halos kumawala ang puso ko sa dibdib ko sa kaba.

Wala bang mga guro man lang?! O kahit student council?! How can they stay so interested in violence right before their eyes?

Dahil walang epekto sa babae 'yung ginawa 'nung lalaki ay hindi na ito nakapagpigil pa kung hindi muling ihaya ang kamao upang tuluyan nang suntukin sa mukha 'yung babaeng kaharap niya na hindi mo kakikitaan ng kahit anong takot sa postura.

Kitang kita ng mga mata ko kung paanong bumuwelo 'yung lalaki ng suntok at kung gaano kabilis ang kamao nito para puwersahang patalbugin ang babae, ngunit, nahigop ko ang sariling hininga nang...

...biglang tumigil ang lalaki sa gagawin niyang suntok halos isang sentimetro ang layo sa tungki ng ilong 'nung babae.

"Fucking shit!" I heard Kuya Cleon cussed. Muntik na! Muntik nang masuntok 'yung babae, pero natigil 'yun dahil sa...

...sa isang titig mula sa babae.

Hindi ko alam pero nasisigurado kong iyon ang dahilan.

Oh my gosh!

The girl stopped that punch, almost one centimeter before her face...

...with a stare!

Stare!

Titig!

Dahil sa isang titig!

Akala ko 'yun na 'yun pero hindi... nagulat kaming barkada nang biglang manginig sa takot 'yung lalaki.

Bakit?

Paano?

Bakit natakot 'yung lalaki? Wala namang ginagawa 'yung babae? Nakatayo lang naman ito ng kalmado.

The girl intensified the whole atmosphere into another degree, when she calmly glared at the guy, and her lips formed into a small, small, small... smile.

"Didn't you know?" Dahil sa katahimikan ng paligid ay narinig naming lahat ang marahan nitong pananalita.

Kahit ako na hindi niya tinitingnan o kinakausap ay gusto nang tumakbo mula sa kinatatayuan ko. I can feel it from here... the power, the authority, the... blood... the blood of the ruler.

"I am..."

"Absolute."

Then the guy was on his knees, bowing down, then he... lied down on the floor, unconscious. The girl just made a terrifying man, unconscious with three words... doing absolutely nothing but stare.

Just... who she is? Who is that monster personified?

***

Tip for easier memorization of the names:

#GabLight- nouns.
(Miracle, Law, Justice, Rebel, Fate)

#LianTim- double "e" sa huli & combination of their names.
(Biblee, Amythee, Liam Chasse)

#SkyNicka- god & goddess/ royalty like.
(Theon Apollo, Cleon Ares, Artemis Elizabeth, Athena Celestine, Aislynn Theia.)
Ais is pronounced as "Ace"

#JaShan- Japanese names
(Akira, Honoka, Nicholas Raiden)

#AlyxThon- Sosyal, medyo dangerous.
(Pierce, Thorn, Altair, Blithe)

#TiaraKurt- something na elegante.
(Harper, Aristle)

HAHAHA. SO 'YUN SANA NAKATULONG. BY THE WAY, HIGHWAY MARAMI PANG CHARACTERS NA LALABAS AT HINAHANAP.

Stay tuned! Thank you so much. Love lots.
26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top