Choice XIV

Chapter 14: No One Else





Pasado ala sais ng gabi nang magising si Levi dahil sa tunog ng Clock Tower ng Capital. Bumungad sa Prinsipe ang mataas na ceiling ng kaniyang kwarto. He groaned and almost cussed when he remembered everything. Him, clinging to Serene, his words, everything.





What the hell was that, Levirence?





Napatingin si Levi sa kaniyang kanan. Doon niya lamang napansin ang natutulog na si Serene habang naka-lean sa dulo ng kaniyang kama. He didn't move a bit, he was just staring at her.






Maya-maya ay kusang gumalaw ang kamay ni Levi at marahang hinawi ang iilang strands ng buhok ni Serene na sumasagabal sa kaniyang mukha.





Anong mayroon sa'yo? I was suffering from headache this whole morning, not until I saw you.





Habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na si Serene ay muli niyang naalala ang mga nangyari sa buong dalawang linggo nitong pag-iwas sa dalaga.





Bumuntong hininga si Levi at hinilod ang kaniyang noo. Nandito na naman ang sakit. Dinadalaw na naman siya nito.






"Your Highness, masakit na naman ba ang ulo ninyo?" Tanong ni Tobi.






Tumango lamang si Levi at tumayo sa bato na kinauupuan. Nandito na naman sila sa tapat ng bahay ni Marcela. He's been going here everyday ever since they've found out about this place. The house is empty and locked. Ngunit nagawa niya itong pasukin noon. Maliit lamang iyon at gawa sa kahoy. Nakatayo rin ito sa gitna ng kakahuyan.





"Should I call Princess Serene later to your office?" Tanong ni Tobi.





Kumunot ang noo ni Levi at malamig na tinapunan ng tingin si Tobi.






"Why would you do that? I don't need her. I'll cure this myself." Iritang sagot ni Levi.






"Forgive my insolence, Your Highness." Tanging naisagot ni Tobi.






Napailing na lamang si Levi at naglakad paalis. They decided to call it a day and went home. Levi's head was throbbing in so much pain while walking to his Palace.





Nang tumawid sila sa mataas na bush papunta sa Centaurus Palace ay halos sabay na napatingin sina Levi at Tobi sa kanilang unahan. Sa hindi kalayuan ay naroon si Serene kasama si Simba. The princess was squatting while fixing Simba's leash.





Like magic, Levi's headache lessened. Matapos ang ilang segundo ay muling naglakad si Levi, at habang palapit siya nang palapit sa Prinsesa ay unti-unti ring nababawasan ang sakit ng kaniyang ulo.





Halos ilang metro na lamang ang kaniyang layo mula sa prinsesa nang mapansin siya nito. The Princess smiled upon seeing him. Agad siyang tumayo samantalang si Simba naman ay patakbo ring lumapit sa kaniya.





"Welcome home, Your Highness." Serene happily greeted him.





Iniwas ni Levi ang kaniyang tingin sa Prinsesa matapos itong tanguan. He focused himself to Simba but he's irritated from the fact that his headache is already disappearing just by seeing the Princess. Ngunit kahit siya ay hindi iyon maintindihan.





Sa buong linggo ay ayun lamang ang ginawa ni Levi. Serene never fails to greet him "Good morning" and "Welcome home". His headache lessened as well. Kung lalala man ito ay sinasadya niyang umuwi nang maaga and just like always, seeing the Princess would automatically deteriorate his headache.





Linggo ng umaga nang magising si Levi dahil sa magkakasunod na katok. He lazily get up from his bed and held his head. Napasulyap siya sa mataas na Grandfather clock sa hindi kalayuan. Alas kuwatro pa lamang ng umaga.





"Come in." Levi answered while robbing his eyes.





Bumukas naman ang malaking double-door ng kaniyang silid at pumasok mula roon si Tobias. Kunot-noo siyang binalingan ng tingin ni Levi. Tanging repleksyon lang ng mga ilaw mula sa labas ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kaniyang malawak na silid.





"Your Highness, excuse my rudeness but you have to know this immediately." Bungad agad ni Tobi.





"What is it?" Levi answered with a horse voice.





"We received an important tip about Lady Marcela, Your Highness."





Agad na naging alisto si Levi nang marinig ang pangalan ni Marcela. Agad siyang tumayo at tinanguan si Tobi upang magpatuloy sa pagsasalita.





"According to someone that has encountered Lady Marcela two years ago, she saw her with a man, Your Highness. Papunta raw sila sa Southern part ng Zarcaiah kasama ang isang lalaki na hindi lamang nalalayo ang edad sa kaniya. They brought a lot of things with them and the man seems to be well-off judging by the fancy carriage where she took Lady Marcela in. We got a sketch of a carriage but we couldn't find a design like that in any of the noble house's carriage in the capital."





Umigting ang panga ni Levi at kumunot ang noo nito. Kumuyom ang kaniyang noo nang makabuo ng konklusyon sa isipan. Levi suddenly remembered his sister's words.





"Brother, how well do you know Marcela? Yes, you've been together for years but have you always known her life outside the palace? No. So how can you trust a woman with a lot of secrets?"





Napapikit si Levi nang makaramdam ng kirot sa kaniyang ulo. Kinalma niya ang sarili at bumuntong hininga.





Is this what you really want, Marcela?





Muling lumipas ang isang linggo. Lumalabas pa rin ng palasyo si Levi ngunit hindi na upang hanapin pa si Marcela. Ang tanging purpose niya na lamang sa labas ay ang trabaho. Kaliwa't kanang inspeksyon at pagtutugis ng mga rogue warriors ang kaniyang pinagkaabalahan. Kaya naman mas maaga ang uwi niya ngayong linggo kumpara dati.





The whole week went by as well without him going to Marcela's house anymore. Nagbawas din siya ng tao na pinapadala upang maghanap sa kinaroroonan ni Marcela.





But the headache he's feeling and insomnia never disappeared unless he'll get to see his fiancee. Tila mas lumalala pa ng ito sa tuwing inilalayo niya ang sarili sa Prinsesa. He's also confused about this phenomenon. Wala siyang makuhang sagot patungkol sa bagay na ito. But one this is for sure...





Tumayo si Levi sa tapat ng malaking bintana ng kaniyang opisina. He was watching Serene and Simba playing outside. The Princess' smile was like a contagious desease that just by merely seeing it would make you happy as well.





That woman is my remedy...





"Hah... Crazy." Ibinaba ni Levi ang kamay na may hawak na scroll.





Kinabukasan ay hindi niya inaaasahang lalala ang kaniyang kundisyon. Magmula nang umalis siya sa palasyo ay masama na ang kaniyang pakiramdam. Serene's presence only took effect within the palace, but when Levi step outside his head throbbed in pain again.





Ngunit tiniis niya ito sa buong araw hanggang sa makauwi siyang muli sa palasyo. He immeditaley saw the Princess with Simba running to meet him. After greeting Simba, His Highness looked at the Princess.





Ilang sandali niyang tinitigan si Serene. As expected, his headache immediately decreased. From that very moment, there's only one thing running around his head.





I can't run away anymore...





Dahan-dahang tumayo si Levi. Wala na ang kaniyang sakit ng ulo ngunit mainit pa rin ang kaniya katawan. But he's feeling much better than this morning.





Maingat siyang umalis sa kama upang hindi niya magising si Serene. Then he gently carried Serene in his arms and laid her down to the other side of his bed. Inayos niya ang mga nakaharang na buhok sa mukha ni Serene at tinakpan ng comforter ang kaniyang katawan.





Pagkatapos ayusin si Serene sa pagkakahiga ay tumayo siya sa gilid ng kama at humalukipkip. Pinanood niya ang dalaga na mahimbing na natutulog.





She already look like an angel when she's awake, but, she's even more beautiful when sleeping.





Bumuntong hininga si Levi at lumapit sa pintuan. Binuksan niya ito at lumabas. Nagulat naman sina Nimfa, Lorcan, Zael at Tobi na nagbabantay sa labas. Napatayo si Nimfa mula sa pagkakaupo at sabay silang yumuko upang batiin si Levi.





"Y-Your Highness! Maayos na po ba ang kalagayan niyo? Dapat ay hindi muna kayo lumabas." Agad na bungad sa kaniya ni Tobi.





"I'm all right, babalik din ako sa loob. Nimfa..." Baling ni Levi sa tagapagsilbi ng Prinsesa.





"Yes, Your Highness?"





"Can you bring our food later at eight o'clock? The Princess is still sleeping inside. Please inform my family as well." Utos ni Levi.





They were dumbfounded from the fact that Levi is willing to skip dinner with Serene instead. But despite that, it made Nimfa so happy.





"Masusunod, Your Highness."





"Thank you and Lorcan..." Baling naman ni Levi sa Royal Knight.





"Yes, Your Highness."





"Send some more Royal Knights in Andromeda Palace. Assign more servants to assist Princess Serene as well starting tomorrow. See to it that half of the Knights are from the Elite Unit." Utos ni Levi gamit ang malamig na reaksyon.





Hindi agad na-proseso ng apat ang mga iniutos ng Prinsipe sa kanila. Ngunit ilang segundo rin ang nakalipas nang unti-unting mapagtanto ni Lorcan ang nais mangyari ng Prinsipe.





"Roger that, Your Highness!" Lorcan nonchalantly answered.





"Thank you. You can go now. Do whatever you want." Huling bilin ng Prinsipe bago ito pumasok muli sa kaniyang kwarto.





Nagkatinginan ang apat matapos ang ilang sandaling pananahimik hanggang sa tahimik silang napabuga ng hangin. Nimfa was still staring at the door while her hand is on her chest.





"His Highness is finally acknowledging our Princess, right?" Maluha-luhang tanong ni Nimfa.





"It seems like that, Miss Nimfa."





Masayang dumiretso si Nimfa sa Hydra Palace. Agad naman siyang pumasok sa dining hall kung saan naroon na silang lahat. Agad na yumuko si Nimfa upang batiin ang Royal Family.





"Your Highnesses, Your Majesties, inutusan po ako ng Crown Prince na sabihin sa inyong hindi sila makasasabay ni Princess Serene sa inyo ngayong hapunan."





Natigil sa pagsubo ng karne si Perry sa narinig at unti-unting ngumiti.





"The Crown Prince really instructed that? I thought he's sick?" Manghang tanong ni Perry.





"Yes, Your Highness. Lumabas lang po siya saglit para utusan kami at bumalik din po kaagad ng silid niya upang magpahinga."





"And Priness Serene? I heard she took care of Levi this afternoon?" Tanong naman ni Queen Theodosia.





"Yes, Your Majesty. Inutusan din po ako ng Crown Prince na mamaya na ihain sa kanila ang kanilang hapunan dahil natutulog pa raw po ang Princess Serene."





"Natutulog? Sa kwarto mismo ni Kuya? Sa kama niya mismo?!" Excited na tanong ni Perry.





"Geez, don't make it sound like they did some kind of miracle in there." Saway ni Klaus sa kaniyang kapatid.





"Nimfa?" Perry ignoring her brother's remark.





"Mukha nga po, Your Highness."





Binitawan ni Perry ang mga hawak na kubyertos at pinagsalikop ang dalawang mga palad na tila nagdadasal.





"Thank you guardians of Zarcaiah for hearing my prayers." Usal niya pa.





"You went to the temple?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucio.





"Anong tingin mo sa akin, Kuya? Hindi nagdadasal? Ganoon na ba ako kademonyo sa paningin mo?" Masungit na tanong ni Perry sa kapatid.





"That's exactly why I was wondering how you were able to enter the temple without burning? Are you all right, Sister?" Pambabara pa ni Lucio.





Umigting ang panga ni Perry at sinamaan ng tingin ang kapatid.





"Sana bumangga ang daliri mo sa paa somewhere. Sana makalimutan mo kung saang page ka na sa binabasa mong libro. Sana magka-typographical error ka mga tinatranslate mong libro. Sana bad hair day ka bukas. Sana mamalat ang gilid ng kuko mo. Sana dry lips ka for a week tapos hindi sinasadyang makakakain ka ng maasim. Sana-"





"Okay, stop! Goodness, what are you? A witch?" Iritang saway sa kaniya ni Lucio.





"Stop it already, you two." Saway ni Queen Theodosia sa dalawa bago muling bumaling kay Nimfa. "Thank you, Nimfa. Do whatever he instructed you. I will visit his palace tomorrow as well."





"Yes, Your Majesty."





Nang makalabas si Nimfa ay humalukipkip si Perry habang ngiting-ngiti. Ilang sandali ay may bigla siyang naalala. She smirked again upon remembering that.





Well, well... Isn't this a great timing? I shouldn't inform Serene about it yet. Keep doing what you're doing brother. 





Pasado alas otso nang unti-unting buksan ni Serene ang kaniyang mga mata. Saglit niyang inikot ang kaniyang tingin sa malawak at pamilyar na kwarto. When she realized that it wasn't her room, she flinched and immediately get up.





"You're awake?"





Napaiktad si Serene at agad na tinignan ang pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Levi na nakaupo sa isang upuan malapit sa bintana habang nagbabasa ng libro.





"Y-Your Highness! Bakit ka nandiyan? You should be resting. How's your fever? Your headache?" Sunod-sunod na tanong ni Serene habang bumaba sa kama ng Prinsipe.





Pinanood lamang siya ni Levi na lumapit sa kaniya at walang kagatol-gatol na dinampi ang palad nito sa kaniyang noo.





"May sinat ka pa, Your Highness. Come here, please just stay in bed." Nag-aalalang pakiusap ni Serene.





Ngunit tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Levi. Nang mapansin iyon ni Serene ay ginapangan siya agad ng kaba at pagkailang kay mabilis siyang umatras at umiwas ng tingin.





"I... I apologize for my rudeness, Your Highness." Naiilang na usal ni Serene.





Tumayo si Levi at pinatong ang libro sa katabing display table. Napakagat na lamang si Serene sa kaniyang ibabang labi at napatingin sa sahig, hinahanda ang sarili sa magiging galit ng Prinsipe dahil sa masyado niyang pangingialam.





"Now, you're really acting like my fiancee."





Nanlaki ang mga mata ni Serene dahil sa narinig.





My fiancee...





"I'm so-"





"It's fine. The dinner will be here in any minute. I asked them to give us our dinner here. Bubuksan ko na muna ang mga ilaw."





Umawang na lamang ang bibig ni Serene habang pinapanood ang bawat galaw ng Prinsipe. His aura is still cold but it seems bearable now. Napapikit sandali si Serene dahil sa biglaang pagsindi ng ilaw. Kasabay nito ay ang pag-alingawngaw ng katok sa kwarto ng Prinsipe.






"Come in."






Bumukas ang pintuan at pumasok si Nimfa kasama ang iilan pang mga tagapagsilbi. May mga dala silang cart tray kung nasaan ang mga pagkain.





"Nimfa, sana ay ginising mo ako kanina? Nakakahiya sa Royal Family. I skipped dinner with them." Ani Serene.






"I personally instructed Nimfa to tell them that we'll skip dinner. I didn't want to wake you up earlier." Sabat ni Levi at umupo sa upuan na may pabilog na lamesa na gawa sa marmol.





"Ayos lang sa akin 'yon, Your Highness. You should've woken me up." Nahihiyang sagot ni Serene.






"Forget about it. Kumain na tayo."





Nginitian na lamang ni Serene si Nimfa bago lumapit sa lamesa. Pinaghila ng isang tagapagsilbi si Serene ng upuan. Tinanggap naman ito ni Serene at agad na nagpasalamat.






"I won't go out for a week, so if you need anything, don't hesitate to go here and tell me. Also, starting tomorrow, let's have a tea time every afternoon."





Natigilan sa pag-inom ng tubig si Serene nang marinig ang lahat ng iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwalang binalingan ng tingin si Levi.






"Y-Your Highness, are you sure about this? I thought..."





"You can do whatever you want from now on. Fiancee kita, hindi ba? So fulfill your duty as my fiancee and I will fulfill mine as well." Levi explained while cutting the meat on his plate.





Halos malaglag ang panga ni Serene. Hindi niya maproseso nang maayos ang nangyayari sa Prinsipe. Natulog lamang siya at nagkasakit lamang si Levi, but how can he change within a day?






"A-All right. That's... That's fine with me."





Nevertheless, Serene is happy. Now that Levi is finally opening up to her, she will do her best to make him happy too.






Kinabukasan, pasado ala siyete ng umaga nang makarinig si Levi ng tahol mula sa labas. Natigil siya pagbabasa ng dokumento at napatingin sa nakabukas na malaking bintana. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Sinundan naman siya ng tingin ni Tobi na nakatayo lamang sa gilid.






Doon nakita ni Levi sa ibaba sina Serene at Simba. They were playing catch and Serene is looking more cheeful than before.





"That woman..." Usal ni Levi.






"Yes, Your Highness?" Tanong ni Tobi.






"That woman... Marcela."






Nanlaki ang mga mata ni Tobi. Nanigas siya sa sinabi ng Prinsipe. Nagtataka kung ano na naman ang nais niyang ipagawa upang mahanap si Marcela.





"Order everyone in dispatch to come back to the palace and continue the work they have left here." Usal ni Levi habang nakatingin pa rin kay Serene sa ibaba.






"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tobi.





"The search for Marcela Russell is over." Tumalikod si Levi at kinuha ang nakasabit niyang cardigan sa backrest ng sofa at sinuot ito.






Naglakad siya papunta sa pintuan ng kaniyang opisina ngunit saglit din siyang tumigil at sinulyapan ang isang painting na nakatago sa likod ng cabinet na malapit sa pintuan. It was Levi and Marcela's portrait together.





"From this day onwards, Serenity Christenson is my one and only fiancee. No one else."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top