Choice V

Chapter 5: Sign of Engagement




Kinabukasan, alas kuwatro ng hapon ay narating na ng mga Lockridge ang palasyo ng Sardonia. Hindi sumama sina Ahren, Lucio, Ezra At Klaus dahil may kani-kanila silang mga schedule. Kaya sina Levi, Perry at Vester lamang ang nakasama.





"Serene!" Sigaw agad ni Perry nang makita ang dalaga na nakatayo sa tapat ng Christenson Main Palace.





Lumaki ang ngiti ni Serene at agad na binuksan ang kaniyang dalawang braso. Mabilis naman siyang pinasalubungan ng yakap ni Perry. Natawa na lamang nang bahagya si Serene at marahang hinaplos ang likod ng ulo ni Perry. The other princess closed her eyes because of Serene's gentle touch.





"Perry, you should greet the Majesties first before jumping on Princess Serene like that." Saway sa kaniya ni King Luther.





"Oh my gosh! I apologize, Your Majesties. Good morning." Agad na yumuko si Perry sa mag-asawang Christenson.





"Oh, it's fine, King Luther. Good morning as well, Princess Peressia." Ngiting bati rin pabalik ni Queen Mahlia sa dalaga.





"Right, it's fine. We're glad that Serene is making friends. Buong buhay kasi ng batang ito ay nasa loob lang ng palasyo. That's why it's refreshing to see her interact like this with someone." Ngiting dagdag din ni King Estefan saka nginitian ang kaniyang dalaga.





"Really? Then, your quiet life will be over now, Princess Serene." Biro pa ni Queen Theodosia saka sinulyapan si Perry.





Perry pouted and held Serene's arms like a lost puppy. Natawa naman si Serene at pinatong ang kamay sa nakapulupot na kamay ni Perry sa kaniyang braso.





"That's actually better, Your Majesty." Ngiting sagot din ni Serene saka binalingan si Vester na nasa likuran ng kaniyang Ama.





Kumaway si Serene sa binata kaya agad namang namula si Vester at napangiti rin kay Serene bago inilagay ang isang kamay sa tiyan at yumuko bilang pagbati.





Sunod na tinignan ni Serene si Prince Levi na papalapit sa kaniya. His cold gaze is still visible, yet he still managed to make his fiancee's fragile heart go crazy for him.





Nang tuluyan niyang makaharap si Serene ay ginawa rin niya ang courtesy bow na katulad ng kay Vester kanina. Pagkatapos nito ay inabot niya ang kanang kamay ni Serene at dinikit ito sa kaniyang bibig. It was a form of greeting for someone special or you respect the most in the kingdoms of the North.





But it wasn't the case for Levi. Masakit man aminin para sa prinsesa ay kita niya na dinikit lamang ni Levi ang kaniyang labi sa likuran ng kamay ni Serene. It wasn't a kiss. He just simply touched her hand with his lips.





"G-Good morning, Your Highness." Tanging bati ni Serene sa prinsipe.





"Good morning, Princess Serene." The Prince coldly responded before taking a few steps back.





Pagkatapos batiin ni Levi si Serene ay nagbigay-galang din siya sa mga magulang nito. Even Vester bowed to the Christenson couple as well.





Pagkatapos ng batian ay dumiretso na sila sa loob at sa isang receiving room upang pag-usapan ang tungkol sa engangement ng dalawa. Magkatabi sa iisang pang-tatluhang sofa sina Levi at Serene. Kaya kaunting ihip lamang ng hangin mula sa kalapit na malaking bintana ay amoy na agad ni Serene ang nakakaakit na amoy ng prinsipe.





She's a bit uncomfortable and stiff but she likes where she is sitting right now. Beside the man she loves. This is true, she's not dreaming this time.





"Well, that's it. We really feel bad to take your daughter away from you, Queen Mahlia and King Estefan. But you don't have to worry. We will take care of her, especially Levi. He already prepared our best knights and servants to assist her while she's in Zarcaiah along with Mr.Zael and her personal maid."





Sasama sa akin sina Zael at Nimfa sa Zarcaiah. Dahil sila naman talaga ang mga personal na naninilbihan sa akin. Mabuti na lang at wala pang pamilya si Zael, samantalang si Nimfa naman ay lumaki sa isang orphanage kaya wala silang maiiwan dito. Well, ang tatay naman ni Zael na tanging natitira niyang pamilya ay nasa misyon din ngayon bilang General ng first order ng Knights ng Sardonia. Kasalukuyan silang nagpapatrol ngayon sa Southern boarder ng Sardonia, roon na rin sila naka-kampo.





Kung mayroon lang silang maiiwan dito ay mas pipiliin ko na lang na huwag silang pasamahin dahil makokonsensya lang ako at malalayo sila sa mga mahal nila sa buhay dahil sa akin.





"While Serene is staying at the palace. I assure you, Your Majesties. Her safety will always be one of my top priorities." Biglang sabat ni Levi.





Gulat na napatingin si Serene sa kaniyang katabi. May pagitan man sa kanila ay kitang-kita niya pa rin ang nakakaakit na side profile ng prinsipe. She felt butterflies in her stomach upon hearing those words from him. But then, she realized one thing from that statement.





One of his priorities, my safety is one of them and Marcela is on the very top of it.





Serene smiled bitterly before glancing at the tea cup she's holding.





What a foolish thought, Serene. Syempre, hindi naman ikaw ang mahal.





Serene sighed heavily before taking a sip on her tea. Little did she know that Perry caught that abrupt reaction of hers. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa nakatatandang kapatid. Ngunit dahil sa nasa pormal silang pag-uusap ay hindi niya ito magawang singhalan.





Pagkatapos ng kanilang pag-uusap patungkol sa engagement ay napunta naman ang kanilang topic sa nakaraang selebrasyon. Habang nagtatawanan ang mga nakatatanda ay ginamit na pagkakataon iyon ni Levi upang tignan ang prinsesa.





"Princess," Tawag ni Levi sa katabi.





Agad naman siyang nilingon ni Serene.





"Y-Yes, Your Highness?" Gulat na tanong ng dalaga.





"May I talk to you privately?" Tanong ni Levi.





Saglit na tinignan ni Serene ang kaniyang mga magulang bago muling balikan ng tingin si Levi.





"Yeah, sure, Your Highness."





Tumayo naman si Levi at hinarap ang mga magulang.





"Excuse me, Your Majesties. May I take Serene with me for a minute? I just have to talk to her about some matters." Levi asked politely.





"Oh! Sure. Take all your time. This is a good time for you to see the palace as well. Show him the gardens that you've been taking care of, darling." Ngiting baling ni Queen Mahlia sa anak.





"Alright, Mother. Please excuse us." Ngiting paalam din ni Serene sa mga bisita at mga magulang.





Agad namang napangiti si Perry at sinenyasan silang umalis na. Si Vester naman ay napasimangot na lamang at sumandal sa kinauupuang sofa.





Nang makalabas ang dalawa ay sabay silang naglakad. Tahimik lamang ang mga ito kaya hindi mapigilan ni Serene ang makaramdam ng pagkailang. Idagdag pa ang puso niyang mas nagwawala ngayon dahil sa biglaang pagyayaya ng prinsipe.





Pinaghandaan niya talaga ang araw na ito. She even wore a blue and white dress with red ribbon on the chest and long bell sleeves. Her hair are styled in a simple braided half-updo.





"Saan mo gustong mag-usap, Your Highness?" Tanong ni Serene sa binata nang makalabas sila sa Main Palace.





"Doon na lang." Aniya at tinuro ang gazebo na nasa gitna ng garden sa likuran ng Main Palace.





"Okay." Sagot ni Serene at sabay silang naglakad.





Nang makarating sila sa gazebo ay agad siyang pinaghila ni Levi ng upuan. She blushed immediately before taking the seat. Hinintay niyang makaupo si Levi sa kaniyang harapan.





"Uhm... So, what do you want to talk about?" Ilang na tanong ni Serene.





Hindi inaakala ni Serene na ang palaging seryosong mukha ni Levi ay mas ilalala pa pala. He immediately became more stern after Serene asked him that.





"Princess, I know that asking you to be my temporary fiancee was a rude thing for me to do. So, I would like to apologize for that first. I have already reflected to my actions and words last night."





"You don't have to apologize, Your Highness. I accepted it, so no need to feel bad about it." Agad na agap ni Serene.





Besides, it was my choice to stay by your side as well.





"I would also like to tell you how important my lover is to me. To be honest with you, Princess. Siya ang pinangakuan ko ng kasal."





Serene's heart throbbed with pain. Alam niya na ang bagay na iyan, ngunit ang marinig ito mismo sa prinsipe ay mas masakit kaysa sa inaasahan. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya?





Pinasok ko ang gulong 'to. So I have to deal with the pain.





"That's why I asked for you to be my temporary fiancee to shut my parents and people about my engagement. I am sorry for using you."





Serene hid her pain and shattering heart by smiling gently to the Prince. She needs to be strong. Ayun lamang ang tanging laman ng isipan niya ngayon.





"I know, Your Highness. It's really fine. I'm glad that I could help you out. Wala rin naman akong ginagawa rito bukod sa mga papeles under my jurisdiction. Ipapasa na iyon kay Kuya Constantine once na nakaalis na ako. I'll just treat living in Zarcaiah as my vacation. Until you could find... your lover."





Every word that Serene is saying are shattering her heart piece by piece. She could almost hear it being tore apart.





"Thank you, Your Highness." Levi paused. "And with that, here..."





Pinatong ni Levi ang isang kulay maroon na box sa lamesa at tinulak ito ng kaniyang daliri papunta sa dalaga. Kumunot naman ang noo ni Serene sa pagtataka.





"May I ask what is this, Your Highness?"





"The sign of our engagement."





Kinuha ni Serene ang box sa lamesa at binuksan iyon. Tumambad sa kaniya ang isang singsing. It was a silver bypass ring with a heart shaped ruby stone in the middle.






"That's one of the Lockridge heirlooms. The same design was given to my Mother by Father as an engagement ring as well." Paliwanag ni Levi.






Serene smiled bitterly while staring at the beautiful jewel that she's holding. But instead of putting it on her finger, she closed the box again. Kinabigla iyon ni Levi. Inangat ni Serene ang kaniyang tingin sa binata at muling ipinatong ang box sa lamesa.






"I can't wear it, Your Highness. I deeply apologize." Ngiting pagtanggi ni Serene at tinulak pabalik ang box papunta sa binata.






"But why?" Hindi makapaniwalang tanong ni Levi.






"That's a family heirloom, so it belongs to someone you truly love. I can't tarnish it with my insolence. Hindi para sa akin 'yan, Your Highness."





Sa kabila ng ngiti ng dalaga ay ang walang tigil na pagtibok ng kaniyang puso dahil sa magkahalong kaba at sakit. Mahirap at masakit man aminin ang bagay na iyon ay kailangan niyang magpakatotoo.





This engagement is temporary and everything in it is purely political.




Levi was taken aback by the princess' response. For a second, his heartbeat went fast. This is beyond his expectation about the princess.





Serene chuckled lightly. "It's fine, Your Highness. Hindi na natin kailangan ng engagement ring. Sapat na ang pumayag ako."






Bumuntong hininga si Levi at kinuhang muli ang box. As much as Serene wanted to put that ring on her finger, she can't. Hindi kakayanin ng konsensya niya. Dahil para sa kaniya, ang tunay na nagmamay-ari ng singsing na iyon ay si Marcela.





"All right. Thank you again, Princess Serene."




Serene gently smiled at Levi.




You have nothing to be thankful for, Your Highness. Sapat na sa akin ang makalapit sa'yo nang ganito. Masaya na ako sa ganito.






"No worries... Prince Levi."





Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay hinayaan na munang mauna ni Serene si Levi na bumalik sa receiving room. Nagdahilan na lamang siya na kailangan niya pang dumaan sa comfort room. Nang tuluyang makapasok sa Main Palace si Levi ay napabuntong hininga na lamang si Serene.





"I don't know if I should be proud of you or what." Isang pamilyar na tinig.





Napaiktad si Serene at agad na lumingon. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Constantine na nakahalukipkip habang nakasandal sa isa sa mga sementong haligi ng gazebo.






"K-Kuya! Saan ka nanggaling? Narinig mo ba ang lahat?" Gulat na tanong ni Serene.





"Unfortunately, yes. Naglalakad lang ako sa garden kanina. It wasn't my intention to hear your conversation, but I still decided to stay for a bit." Tinuro ni Constantine ang matayog na bush na ilang metro lang ang layo mula sa gazebo.





Halos tampalin ni Serene ang noo dahil sa sariling kapalpakan. Ngunit agad din siyang umayos nang makita ang seryosong tingin sa kaniya ni Constantine.





"He was just using you to buy him some time." Constantine said as if stating a fact.




"I know, Kuya. Don't worry about me. Isipin mo na lang na tinutulungan ko ang prinsipe."




"That's a stupid thought you have there. Stop hurting yourself. Just cancel the engagement." Seryosong dagdag pa ni Constantine.





"Kuya, I can't. Just... Just let me handle this, okay? I promise I'll be just fine. Please?" Pakiusap pa ng prinsesa.





Ilang sandaling tumitig si Constantine sa kaniyang nakababatang kapatid bago bumuntong hininga bilang pagsuko. Umayos siya ng tayo at naglakad palapit sa prinsesa.





"Fine. Hindi rin makararating ito sa mga magulang natin o kila Ate Adelaide at Rolfo. So stop pouting, silly." Constantine put his hand on top of Serene's head.





Agad namang napangiti si Serene at niyakap ang kapatid.





"Thank you, Kuya! Promise, magiging maayos lang ako sa Zarcaiah. Kasama ko naman sina Nimfa at Zael kaya wala kang dapat ikabahala."






"Alright."





Niyakap din pabalik ni Constantine ang kapatid at marahang hinaplos ang likod at ulo nito. He closed his eyes for a bit before opening it with a dangerous gaze.




I will let you go for now, Serene. But the moment I will see you cry because of that bastard, I'll drag you home without hesitation, sister.




Sa palasyo na rin nag-lunch ang royal family. May mga pinag-usapan pa ang mga matatanda pagkatapos ng kanilang lunch, samantalang si Perry naman ay nag-request na makita ang kwarto ni Serene. Kaya agad namang pumayag si Serene at dinala si Perry sa kaniyang residence palace.




Agad na namangha si Perry sa light yellow and white themed color na kwarto ni Serene. Her favorite color is yellow kaya hindi na nakakapagtaka na ganito ang kulay ng kaniyang kwarto.




Kinahapunan ay kinailangan nang bumalik ng royal family sa Zarcaiah. Kaya muli nila itong hinatid sa labas upang makapagpaalam.






"Serene! I will wait for you next week. We'll have a plenty time to bond with each other. I will make sure to make your room elegant!" Masayang prisinta ni Perry.





"You don't have to put too much effort, Perry. Ayos na sa akin ang simple lang."





"No, no. I'll make it beautiful. Just leave it to me." Giit pa ni Perry.






Serene chuckled. "Okay, okay. I'll look forward to it. Thank you, Perry."





Tuluyan nang nagpaalam ang mga Lockridge sa mga Christenson. Nang tuluyang makalabas ng gate ang royal family ay nagpaalam na rin si Serene na magpapahinga sa kaniyang kwarto.




The moment Serene entered her bedroom, the tears she was trying to suppress since earlier fell like waterfalls. The pain was unbearable and yet she still managed to held it this far. Mukhang nasanay na siya na itago ang bagay na iyon. She already mastered the skills of it.




Napahawak si Serene sa kaniyang dibdib at tumingala habang nakaupo sa malamig na marmol na sahig ng kaniyang kwarto.






Hanggang kailan ako magiging matatag?




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top