Choice I
Chapter 1: The Invitation
The princess was humming while looking at the flowers. Mas lumaki ang kaniyang ngiti nang makita na magaganda ang pamumukadkad ng bulaklak ng mga ito. Matagal niya nang inaalagaan ang garden ng Lewison Palace kaya ang makita na magbunga ang kaniyang pawis at hirap ay isang malaking bagay para sa kaniya.
"Greetings, Your Royal Highness, Princess Serene. Ang Marquess Iverson po ay naghihintay sa inyo sa porch." Anunsyo ni Zael.
Agad namang inangat ni Serene ang kaniyang tingin sa kaniyang personal knight. Ilang taon na itong nagsisilbi sa kaniya, ngunit minsan ay hindi niya pa rin maiwasan ang mamangha sa tangkad at tikas ni Zael.
"Ilang taon ka na nga ulit, Zael?" Ngiting tanong ni Serene habang papalapit sa kaniya.
Nakahawak sa magkabilang hem ng kaniyang dress ang prinsesa upang makalakad nang maayos. The gentle breeze are making her hair dance with it. The ray of the sun are reflecting her soft and white skin that's making her look like glowing under the largest star in the solar system.
"Twenty-six, Your Highness." Nakayukong sagot ni Zael.
"Hmm, really? And you still haven't found a partner?" Kunot-noong tanong ni Serene at tinanggal ang tali ng suot na spoon bonnet sa ilalim ng kaniyang baba.
Zael was taken aback by her highness' question. Kaya hindi agad ito nakasagot at saglit lamang na nanlaki ang mga mata sa gulat.
"Wala pa po sa isip ko ang bagay na iyan. Gusto niyo na po ba akong mag-asawa, Your Highness?" Biro ni Zael bilang pambawi.
Natawa naman si Serene at tuluyang tinanggal ang suot na spoon bonnet sa ulo.
"I'm not rushing you to get married, Zael. Nag-aalala lang ako at baka maging mag-isa ka habang-buhay. Malungkot ang mag-isang tumanda." Aniya at inabot sa isang tagapagsilbi na kasama niya ngayon ang kaniyang spoon bonnet.
"I appreaciate your concern, Your Highness, thank you. Ngunit huwag po kayong mag-alala. Makakahanap din po ako sa tamang panahon." Ngiting sagot pa ni Zael.
"And when that time comes, don't forget to invite me on your wedding. Ayos ba iyon?"
"Hindi ko po makakalimutan iyan, Your Highness."
Mas lumawak naman ang ngiti ni Serene. Kagabi niya pa iniisip ang bagay na ito. Kahit si Nimfa na malapit nang lumagpas sa kalendaryo ang edad ay hindi pa rin niya nakikitaan ng interes sa pag-ibig. Pakiramdam niya kasi ay lahat na lamang ng oras ng kaniyang mga tagapagsilbi ay umiikot sa kaniya at sa tingin niya ay hindi iyon katanggap-tanggap.
"You're always as slow as turtle, Your highness." Isang malalim na tinig.
Napatingin naman agad si Serene sa bagong dating. Napanguso siya at halos magdikit ang mga kilay nang masilayan ang pamilyar na mukha habang nakangisi.
"What do you mean, Marquess? I'm almost perfect in every way." Nakangising biro naman sa kaniya ni Serene.
Ngunit imbis na mainis o sumabat ay tinawanan lang siya ni Iverson at lumapit habang dala ang isang basket.
Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang ilang taon na niyang kaibigan. Si Iverson Kalel Rafferty. The heir apparent of the Rafferty dukedom in the Capital of Sardonia.
Marquess ang tawag sa kaniya dahil miyembro siya ng isang pamilya ng nga namumuno sa bawat rehiyon ng kaharian ng Sardonia. Ang kaniyang Ama na si Davidson Rafferty ay ang Duke ng capital ng Sardonia. The current head of the House Rafferty.
"My bad. I brought a peace offering for that silly remark." Ani ng binatang Marquess at inangat ang dalang basket.
The princess' eyes sparkled upon seeing the peeking fruit of Peaches underneath the cloth that's covering the basket. Agad itong naglakad nang mabilis papunta kay Marquess Iverson.
"Is that Peaches?!" Masayang tanong pa ng prinsesa.
Ngunit nang halos ilang metro na lamang ang kaniyang layo kay Iverson ay hindi sinasadyang matapakan niya ang hem ng kaniyang dress. Gladly, Marquess Iverson's reflexes are fast enough to catch her. Pati sina Zael ay halos takbuhin na ang distansiya sa pag-asang masalo ang muntikan nang sumubsub na prinsesa.
"Hey, careful, princess." Bahagyang nakakunot ang noo ni Iverson dahil sa pag-aalala.
Ngunit nginitian lang siya ni Serene at bahagyang natawa sa sariling kalamyaan.
"Sorry," The princess smiled.
Iverson'a graphite-colored eyes stayed on the princess' beautiful face while the latter is getting a Peach inside the basket. His dark brown, comb over with tapered sides hair were gently blown by the wind. He unconsciously smiled when he saw how happy the princess is after biting one of the Peaches he has brought for her.
"Is it good, Your Highness?" Ngiting tanong ni Iverson.
"Super!" Tumango-tango pang sagot ni Serene at nag-angat ng hinlalaki.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. I sacrificed my almost perfect body to get you all these, Your Highness."
Agad na napangiwi si Serene matapos marinig iyon. She glared at the Marquess but the young man just shrugged his shoulders while smirking.
"Thank you, then, Lord Iverson." Sarkastikong pasasalamat ni Serene sa kaibigan.
Iverson nodded his head proudly while smiling from ear to ear. Serene had the urge to almost smack his jaw but she has to maintain her dignity. Sa Marquess Iverson lamang siya ganito.
"Let's go inside!" Iritang yaya ng prinsesa.
Bahagyang natawa si Iverson sa pikong itsura ng prinsesa. Ngunit sa kabila nito ay masaya siyang sa kaniya lamang pinapakita ng prinsesa ang ganitong ugali niya. In front of other people, she's so well-behaved, prim and proper.
Nilipat ni Iverson ang basket sa kaniyang kanang kamay at inilahad sa prinsesa ang kaniyang kaliwang braso.
"Baka madapa ka na naman, Your Highness." Aniya.
"You think I'm that clumsy?" The princess pouted before wrapping her slender and smooth hand on the Marquess' arms.
Ngumisi na lamang si Iverson imbis na kontrahin ang sinabi ng dalaga. Sabay silang naglakad papasok ng Lewison Palace habang nag-uusap sa trabaho nilang dalawa.
Ngayong twenty-two years old na ang prinsesa ay may sarili na itong trabaho sa palasyo. Under her jurisdiction is everything that has to do with women and children. Organizations, daycares, schools, maternity clinic or hospitals and such. She's also handling the Southern territory of KIngdom Sardonia.
"How about you? Kailan daw ipapasa sa'yo ang pagiging Duke ng capital? Isn't your father declaired that he's going to retaire soon?" Tanong ni Serene.
"I don't know yet and I feel like I'm still not ready, Your Highness." Iverson sighed.
"Bakit naman?"
"I still have a lot to learn. The towns under the Capital Region is difficult to handle. I might not be able to handle the pressure of workload at this point."
"Well, that's reasonable. Take all your time to learn, I promise to be there on your Inauguration Ceremony."
Mas lalo namang lumaki ang ngiti ng binata at tinignan ang prinsesa.
"Alright, I'll do my very best, then."
Tumango-tango ang prinsesa habang kumakagat sa hawak na Peach. Si Nimfa na naka-abang porch na nasa likuran ng Lewison Palace ay nakangiti habang nakatingin sa dalagang ilang taon nang inaalagaan.
Pagkatapos nitong sumuko sa pag-ibig sa Crown Prince ng Zarcaiah ay nagsimulang ito muli bilang isang responsableng miyembro ng Royal Family. Kahit na may kulang na saya sa puso at mga mata ni Serene, pakiramdam ni Nimfa ay kontento na ito ngayon sa kaniyang buhay.
Not until...
The harsh sound of the opening of door echoed like a thunder in the four sides of the library. Pumasok mula sa malaking double door ang galit na Crown Prince ng Zarcaiah. Magkasabay na tumutunog ang yabag ng kaniyang mga paa at ang sword na nasa kaniyang baywang.
"Mother, Father! What the hell is this? Didn't I say that I won't marry just anyone yet?" Galit na tanong ni Levi habang hawak ang isang folder na mayroong cover at seal ng Zarcaiah.
Natigil sa pagkakape si Queen Theodosia samantalang si King Luther naman ay napabuntong-hininga na lamang sa inaakto ng anak. Ang mga prinsipe ay napatingin din sa kapatid, samantalang ang kaisa-isang prinsesa na nakaupo sa sofa ay napahalukipkip at ngumisi, ready to enjoy his brother's wrath.
"Calm down, Levirence. That's just a list of your potential fiancee. There are princesses from neighboring kingdoms and daughters of promising dukes and marquesses from our country." Kalmadong sagot ni Queen Theodosia.
"Mother, I don't want to marry just anyone." The prince firmly said.
"Kaya nga kami pumili ng mga disenteng babae at may mga matataas na status para hindi lang 'just anyone', brother." Pambabara ni Princess Perissia sa kapatid.
"Shut up, Perry." Inis na baling sa kaniya ni Levi.
"Geez, you're so grumpy." Irap ng prinsesa.
"Levi," Buntong-hininga ni King Luther. "You're not getting any younger. The royal council and us are worrying about your position. Hindi na rin ako bumabata. The Kingdom needs to have their own Crown Princess as soon as possible to secure your position. So that the people will stop worrying about your own successor someday." Mahinahong paliwanag ng Hari.
"Anak, kaya rin kami nagbigay ng mga listahan sa'yo dahil gusto naming ikaw mismo ang pumili. Hindi ka namin pipilitin sa isang babaeng kami lang ang may gusto." Dagdag din ni Queen Theodosia.
"But, Mother! I like the one from Kingdom Sardonia. She's so beautiful. Did you see her portrait?" Sabat muli ni Perry.
"You shut up already." Saway sa kaniya ni Prince Ahren at tinakpan pa ng kamay ang bibig ng kapatid.
Napasimangot naman si Perry at kinurot ang likuran ng kamay ng kaniyang kapatid. Tahimik na napamura na lamang si Ahren dahil sa sakit.
"Serves you right."
"Mother, hindi ko pa nahahanap si Marcela. At ikaw, Perry. You approved to this? Can't you just give me some time? Si Marcela ang gusto kong pakasalan. Na-"
"Nangako ako sa kaniya na siya lang ang babaeng pakakasalan ko." Perry cut off his brother and imitated Levi's infamous sentence every time they would talk about this matter.
Napatingin muli sa kaniya ang pamilya. Natawa pa sina Ahren, Lucio at Ezra dahil sa kabalbalan ng prinsesa. Vester and Klaus, the twins and the youngest among them, just shook their heads in disbelief.
"Brother, it's been what? Two years? Kung gusto niyang magpahanap edi sana nakita mo na siya. Kung gusto ka talaga niyang pakasalan, bakit siya umalis in the first place? You're always saying that your promise were intact, but look what's happening? Ni hindi mo nga alam ang totoong ugali ng babaeng iyon." Halos ibulong lang ni Perry ang huling sentence niya.
Kumunot naman ang noo ni Levi dahil sa huling sinabi ni Perry. Ngunit hindi na ito nakapagtanong nang inis na tumayo ang dalaga at tinignan siya.
"I approved to this because you're starting make me feel pity for you. Move on, brother. Remember, you're not just an ordinary person in Zarcaiah. This may sound selfish and inconsiderate, but you are this country's future King and that's the reality you have to face. May malaki kang responsibilidad. Ang kasal mo ay magdadala rin ng malaking koneksyon sa Zarcaiah. You know this better than anyone, brother." Seryosong paliwanag ni Perry.
Bumuntong hininga ang dalaga at naglakad paalis ng library. Ngunit muli siyang tumigil sa tapat ng kaniyang nakatatandang kapatid na ngayon ay malamig lamang siyang tinititigan.
"And dude! You're kulubot na. Gusto ko na ng pamangkin. Iyong tatlong asungot diyan mukhang baog naman kaya wala akong aasahan sa kanila." Pagpaparinig pa ni Perry sa tatlo niya pang kapatid. Pertaining to Lucio, Ahren, and Ezra.
"What the heck, Perry? Baka si Ahren." Inis na sabat ni Lucio.
"Hah! Wanna bet? I can produce as many children as you all want. Try asking Ezra." Nakangising sagot ni Ahren.
"I'm not a sex addict like the both of you. Stop dragging me to hell." Ezra coldly responded.
"Kita mo 'yan?!" Tinuro ni Perry si Ezra. "Day by day, nagiging katulad mo na! Stone face araw-araw. Akala niyo naman ikinagwapo niyo. Mukha kayong tuod!" Inis na reklamo pa ng dalaga at tuluyan nang naglakad paalis.
Napapikit na lamang si Levi at hinilod ang bridge ng kaniyang ilong.
This is stressing me out.
"Oh! And I really like the Second Princess of Sardonia! Pick her, brother! Excuse me, my dear father and mother." Pahabol pa ni Perry bago isara nang tuluyan ang pintuan ng library.
Napabuntong-hininga na lamang si Levi at hinigpitan ang hawak sa folder. Agad na bumalik sa kaniya ang sinabi ng kapatid kanina.
"Remember, you're not just an ordinary person in Zarcaiah. This may sound selfish and inconsiderate, but you are this country's future King and that's the reality you have to face."
He hates to admit it, but his sister was right. Ang mas nakakainis pa para sa prinsipe ay kahit kailan, hindi pinagbawalan ng Reyna at Hari ang kung anumang relasyon ang namamagitan sa kanila noon ni Marcela. Sa kabila ng pagiging tagapagsilbi ay wala silang narinig na kahit anong masasakit na salita tungkol kay Marcela mula sa mga magulang at kapatid. At ang kasal na ito ang kauna-unahang hiling ng kaniyang mga magulang sa kaniya.
Kahit si Perry na mahahalatang hindi gusto si Marcela ay walang sinabing masama tungkol sa babaeng minamahal noon, at least in front of him. Instead, the Princess just ignored them and let his brother be happy beside the long lost maiden.
"Fine." Usal ni Levi.
Gulat na napatingin sa kaniyang muli ang lahat. Halos mabulunan pa sa iniinom na kape si Queen Theodosia nang marinig ang pagpayag ng anak.
"October 25 is next month, my birthday. Since we are throwing a bangquet, invite the candidates." Ipinatong ni Levi ang folder sa lamesang kaharap. "But this is just temporary. Hahanapin ko pa rin si Marcela. I will make that clear to my so-called fiancee."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang umalis sa library. Humalukipkip si Perry at umalis sa tinataguang haligi ng corridor. Narinig niya ang sinabi ng kapatid kanina bago ito tumakbo papunta roon upang magtago.
"Temporary you say, brother. We'll see about that. You can marry anyone but Marcela." Ngising usal ni Perry habang pinapanood ng likuran ng kapatid na papalayo.
Napaiktad si Serene nang biglang bumukas ang double-door ng kaniyang opisina. Natigil siya pagpipirma ng mga papeles nang makita ang nahahapong si Nimfa habang may hawak na kung ano sa kanang kamay.
"Nimfa, anong nangyari? Why are you panting?" Tanong ni Serene.
"P-Pasensya sa abala, Y-Your Highness... May malaking... malaking balita po." Nahahapo niyang saad.
Tumayo si Serene at hinawakan ang hem ng kaniyang kulay asul na dress at lumapit kay Nimfa at hinagod ang likuran nito. Nag-utos din siya kay Zael na nakatayo lamang sa isang gilid na kumuha ng tubig.
"Anong balita? Bakit kailangan mong tumakbo?"
Inabot ni Zael ang tubig kay Nimfa na agad namang kinuha ng tagapagsilbi at ininom. Nang maikalma ang sarili ay tuluyang hinarap ni Nimfa ang alaga at inabot sa kaniya ang kanina pang hawak.
"Imbitado po kayo sa isang pagtitipon, Your Highness."
Kinuha naman ni Serene ang isang makapal na tila envelope. Kulay Royal Blue ito at may mga naka-engraved pa na gold rose, veins at mga dahon sa surface ng envelope. Binuksan naman ito ni Serene at napagtantong imbitasyon nga iyon sa isang kaarawan.
"Ito lang pala, Nimfa. Normal..." Natigil ang prinsesa nang mabasa ang buong konteksto ng imbitasyon.
To: Princess Serenity Everleigh Christenson of Sardonia
In behalf of the Royal Family of Zarcaiah, I write to Your Highness this day to invite your most honoured presence at my, His Royal Highness, Crown Prince Vesper Levirence Lockridge's 26th Birthday Celebration on Sunday, 7:00 in the evening of October 25th.
The celebration is to be held at the Zarcaiah Main Palace Hall. The gates will open from 6:00 in the evening onwards. Her Highness is allowed to wear her crown as a symbol of honour, identity and courtesy to her homeland. Your presence would be much appreciated by the Royal Family, especially by the Crown Prince.
I wish for your days to be joyous and bountiful.
Yours Truly,
Vesper Levirence Lockridge, First Prince and Crown Prince of Zarcaiah Kingdom
"No need to worry, Nimfa. This is just an invitation. Ilang beses na kaming nagkikita ni Prince Levi sa mga importanteng events. This won't faze me." Ngiting hayag ni Serene sa kaniyang tagapagsilbi.
Ngunit umiling si Nimfa. "Hindi ka lang pupunta roon bilang ordinaryong guest, Your Highness."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Isa ka rin po sa mga napiling candidates ng Royal Family ng Zarcaiah."
Humigpit ang hawak ni Serene sa imbitasyong hawak. She's getting the hang of the situation, ngunit ayaw niya itong iproseso sa sarili.
"By candidate you mean..."
"Candidate upang maging fiancee ni Prince Levi, Your Highness."
What the hell...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top