EPISODE 09
"The Crown Part 1"
Sa pagpapatuloy...
Nalaman nila kung nasaan si Mr. Cheng at kung sino ang dumukot.
"Hello?" Sagot ni Dave sa telepono.
"Gusto kung makausap ang mga apo ni Jorge. Lalo na ang tagapagmana nya na si Mr. Arashi." Sabi ng boses lalaki sa kabilang linya.
"Ako nga ito. Sino ho ito?" Tanong ni Dave.
"Hindi na importante ang pangalan ko, tumawag ako para ipaalam sainyo na hawak namin si Mr. Jorge Cheng." Sabi ng lalaki sa telepono.
"Si Mr. Cheng, ano bang kelangan mo please wag mong sasaktan si Mr. Cheng." Sabi ni Dave nang marinig iyon nang mga apo ng matanda. Agad silang lumapit sa kinalalagyan ni Dave at inagaw ni Charlie ang telepono Mula Kay Dave.
"Hello, Ano bang kelangan mo, sabihin mo lang at ibibigay namin. Pakawalan nyo si Lolo." Sabi ni Charlie.
"Hindi namin sasaktan ang matanda kung ibibigay nyo ang Korona. Ang Korona kapalit nang buhay ng pinakamamahal ninyong Lolo." Sabi ng lalaki.
"Korona?" Sambit ni Charlie na halatang walang nalalaman sa pinagsasabi ng kausap.
"Korona? Anong Korona?" Tanong ni Clint.
"Parang nakita ko na yan, noong nasa opisina ako ni Miss Amara." Sambit ni Dave.
May pamilyar na boses ang biglang nagsalita sakanilang likuran. Sabay sabay nilang nilingon ito..
"Miss Amara. Dyos ko Po! Anong ginagawa nyo dito? Nagpapagaling pa ho kayo." Pag-aalalang sabi ni Dave.
Agad naman nilang sinalubong ang babae at marami itong pasa sa katawan. Akay-akay sya ng isang kasambahay.
"Nasa safe na Lugar ang korona. Pero ang Lolo nyo, hindi na maganda ang lagay nya. Ako lang ang nakatakas sa mga holdapers." Utal-utal na wika ni Amara.
"Miss Amara, nasaan si Mr.Cheng?" Tanong ni Dave.
"Ang papa! Bakit Hindi mo sya kasama?" Sabi ni Charlotte.
Sabay sabay silang nagsitayuan nang Makita si Charlotte.
"Para kayong nakakita nang Multo? Whats the matter?" Ngiting Sabi ni Charlotte.
"Charlotte ang kapal mong magpakita dito. Kahit kelan Hindi ako nagkamali na anak ka ni satanas." Bulyaw ni Celine susugurin na sana nya ito ngunit pinigilan sya ni Celestina.
"Nasaan si Mr. Cheng?" Tanong ni Dave.
"I can't believe this ma. Ikaw pa? Bakit?" Sambit ni Charlie.
Biglang pumasok naman si Chelsea kasama si Edward.
"Well well, oras na to pack all of your things. Dahil this mansion will be ours. Right Lolo?" Sambit ni Chelsea habang nakataas ang kanyang kilay.
"No, Wala kayong karapatan dito sa mansion!" Sabi ni Clint.
"Bakit naman? I'm also a Cheng and besides this Mansion was sell to me by my half brother Jorge. So, what wrong with that. Now Ija, ibigay ang kasunduan at proof na nakasangla ang Mansyon na ito saakin." Wika ni Edward.
Pagkatapos iniabot ni Chelsea ang titulo at mga dokomento na nagpapatunay na ipinagbibili na ni Mr. Cheng ang Mansyon.
Agad naman nilang binasa ang nakasulat. Ngunit biglang pinunit ni Dave ang papel sabay sabing.
"Pasensya na po kayo dahil hindi ako naniwala, besides Hindi nyo ba alam, lahat nang pagmamay-ari ni Mr. Cheng ay ipinangalan nya saakin. So ang pagbebenta nang ari-arian nang dating may-ari ay walang silbi. Kasi nga ako ang may-ari. Umalis na kayo sa pamamahay ko bago pa ako tumawag nang guardiya o police. Trespassing kayo." Sabi ni Dave at sabay talikod.
Akmang susugurin na sya ni Chelsea. Nang biglang harangan sya ni Charlie.
"Anong gagawin mo fiance ko?"
"What nagpapatawa ba kayo? Lalaki ka at bading naman si Dave. Do you think, people accept you? Don't be fooled by your emotion Charlie. Besides, That guy cant give you a child." Sabi ni Chelsea at isang mabilis na Sampal ang kanyang nakuha galing kay Celine.
"Tama na! Tama na! Wala Kang karapatan manlait nang tao. Ni tomboy o bakla ang papakasalan nang pamangkin ko. Wala Kang karapatan at mas mabuti pang sa bakla sya mapunta kesa nga sa babaeng anak ng mga yawa!" Galit na Sabi ni Celine na agad namang pinigilan Nina Clint at Charles nang akmang susugurin pa nya ulit Ang babae.
"Mabuti pa umalis na kayo! Or else papakasuhan ko kayo nang trespassing." Taboy ni Amara.
Ngumiti lang si Edward at nag Sabi nang..
"Hindi pa tayo tapos Mr. Arashi. Makukuha ko din ang mga ito. Pronto lumabas na Tayo dito!" Sigaw ni Edward at sabay silang tatlo na lumabas kasama si Charlotte.
"Ma!" Tawag ni Charlie sa kanyang Ina ngunit hindi man lang ito lumingon sakanila.
Samantala pagkatapos nang mga nangyari, ligtas namang nakauwi nang Mansyon si Mr.cheng.
"Lolo, papano kayo nakaligtas sa pangingidnap ni Tita Charlotte?" Tanong ni Clint.
"Itinago ako ni Amara. Pero Wala na akong masyadong matandaan. " Sagot nya.
Pumasok naman sa silid si Dave at Charlie.
"Biloy" tawag ni Mr. Cheng sakanyang apo na si Charlie.
"Lolo, nahihiya ako sa ginawa ni mama. Ako napo ang humihingi nang tawad." Sabi ni Charlie sabay Yuko.
"Apo, naiintindihan ko si Charlotte kung bakit nya nagawa yun. Sya ba si Dave?" Tanong ni Mr. Cheng.
"Ah oo nga po Pala si Dave po." Pakilala ni Charlie Kay Dave sa kanyang Lolo.
"Sandali po, Ikaw yung Lolo na tinulungan ko sa kakahuyan. Hindi ako nagkakamali." Gulat na Sabi ni Dave.
Biglang nagbalik sakanyang mga alala nang minsang nag aakyat sila ng kanyang kapwa guro sa isang bundok.
Tyempo nyang nakita si Mr. Cheng sa isang malaking Puno na walang malay.
"Naku po, kawawa naman." Agad naman nyang pinulsuhan ang matanda at nang maramdaman pa nya ang pulso nito agad niyang binuhat ang matanda kasama ang co teacher nya.
"Bes, sure ka Hindi pa patay?" Natatarantang Sabi ng co teacher nya.
"Darlene, Oo Hindi kaya nga tulungan mo akong mabuhat si tatang." Sabi ni Dave.
"Ano ba Kasi ginagawa nya sa kakahuyan? Nasa Buti nalang nasa paanan pa Tayo nang bundok." Sabi ni Darlene.
"Nako mag tanong ba talaga sa oras nang emergency Hindi ko din. Teka ayun may taxi. Ako na maghahatid sakanya sa Ospital. Ikaw na ang bahala magpaliwanag Kay principal Mercedes." Sabi ni Dave na agad niyang ipinasok sa taxi si Mr. Cheng nasa mga oras na yun ay nagkakamalay na.
"Bes, mag iingat kayo!" Sigaw ni Darlene nang makaalis na si Dave.
Pagdating nila sa Ospital agad silang inasikaso nang mga doctor at nurse.
"Baka hiker po nurse, sa paanan Kasi nang bundok ko sya nakita nang walang malay." Sagot ni Dave.
"Nasaan ako?" Tanong ni Mr. Cheng.
"Mabuti nalamang at Hindi Malala ang mga galos nya. Lalagyan ko nalang nang first aid si tatay." Sabi nang nurse. At sa mga oras na yun ay Hindi pa din nagkukwento si Mr. Cheng tungkol sakanyang sarili. Nilingon sya ni Mr. Cheng at nakita nyang kinakagat ni Dave ang kanyang mga kuko. At halatang nag-aalala.
"Sir, may naalala pa po ba kayo?" Tanong nang nurse at tumango lang si Mr. Cheng at palihim na napangiti habang nakatingin Kay Dave.
Nang matapos nang gamutin nang nurse si Mr.cheng.
"Pwde nyo nang iuwi si Tatay, he's okay na mabuti nalang at Hindi Malala ang mga sugat nya." Sabi ng nurse.
"Maraming salamat po. Tayo na tatay. Iuuwi na Kita sainyo alam nyo pa po ba kung saan sainyo.?"
Tanong ni Dave sa matanda.
Ibinigay ni Mr.cheng ang isang papel kung saan nakasulat ang address. Nang biglang nag ring Ang kanyang cellphone.
Pagkatapos sagutin ng binata ang tawag malungkot itong ibinalita sa matanda na Hindi na nya ito masasamahan sa kanyang Bahay.
"Tatang Hindi ko na po kayo masasamahan sainyo may nangyari Kasi sa kasama naming teacher. Kelangan ko pong bumalik doon sa bundok para mag turo. Ganito nalang po. " Sabi ni Dave at agad pumara nang taxi.
Ipinasakay nya si Mr. Cheng at sinabihan ang driver na ihatid ang matanda sa lugar na nasa papel.
"Manong pakihatid naman si Tatay sakanila, mountaineer yan. Dyan sa address na yan please. Ito po Yung bayad." Inabutan nya ang driver nang 500 pesos at binigyan pa nya si Mr. Cheng nang 200 pesos.
"Tatay yan nalang kasi natira sa Pera ko. Magbibisikleta nalang ako malapit nalang din naman ako sa Bahay namin. Ay sandali ito po tubig. Hindi na malamig kaloka. Pero malinis Po yan. Basta po na po kayong mag aakyat nang bundok or humiwalay kayo sa mga kasama nyo. Teka yung mga gamit nyo Hindi ko Kasi nakita pero. Kapag nakita ko po~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Dave nang nakatanggap sya nang text Mula Kay Darlene at pinapapunta na sya.
"Basta tatay mag iingat kayo!" Sabi ni Dave at agad isinira ang pintuan nang taxi at sumenyas sa taxi driver sabay palo nang pangalawang beses sa taxi.
Nang umandar na ang taxi at papalayo ito Kay Dave tinandaan ni Mr. Cheng ang mukha ng binata.
Pagkalipas nang ilang oras nakarating na si Mr. Cheng sa Mansyon. Bago pa bumaba ang matanda ay nagsalita ang driver.
"Naitext ko na po Yung apo nyo sir, hinabilin Kasi nya kapag nakauwi na kayo itetext ko sya. Ang swerte nyo po Kasi may apo kayong ganoon ka bait." Sabi nang driver.
Ngumiti naman si Mr. Cheng at saka nag salita.
"Ay Teka pwde ko bang Kunin yung number nang apo ko. Hindi ko Kasi Dala yung phone ko." Sabi ni Mr.cheng at agad namang ibinigay ng driver Ang isang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Dave at number.
"Dave Arashi" sambit ni Mr. Cheng.
Balik sa kasalukuyan....
"Ako nga, si tatang na mountaineer." Ngiting Sabi ni Mr.cheng.
Gulat naman ang lahat nang malaman nilang si Dave Pala ang palaging kinukwento ni Mr. Cheng sakanila.
"Kaya pala familiar ang pangalan mo." Sambit ni Clint.
"Oo nga Ikaw Pala yung sinasabi nyang tumulong sakanya." Sabi ni Charles.
"Salamat yakin sa pagligtas Kay Lolo!" Sabi ni Charlie at niyakap sya nang lalaki.
Namula naman ang pisngi ni Dave nang Gawin iyon ni Charlie.
Nakangiti naman sakanila si Mr. Cheng.
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top