EPISODE 05

"Charles Cheng, Mr Dimple"

"Amara?" Tawag ni Mr. Cheng sakanyang assistant.
Agad namang nagbukas ang pintuan at dito iniluwa ng pinto ang babae.

"Yes Mr. Cheng? Bakit po sir?" Tanong ni Amara sa kanyang amo.

"Pumasok ka." Wika nang matanda at tinanggal nya ang kanyang suot na eyeglasses.

"Bakit po sir? Is there anything wrong?" Tanong nya sa matanda.

"No, everything is working fine. Kamusta si Dave Arashi? At kamusta ang pakikitungo ng mga apo ko sakanya.?" Tanong ng matanda.

"Bago ko iwan si Mr. Arashi sa Opisina nyo sa main office. Nagka aberya ng konti Kasi yung apo nyo. Palaging gino-good time si Mr. Arashi. At believe ako sa pasensya nya sobrang haba. Mumuntikan kana nga pong makita nya. Pero ginawan ko nang paraan. As you requested" Salaysay ni Amara sakanya. Tumango naman si Mr. Cheng bilang ganti na nakikinig sya.

"Kamusta naman sya sa trabaho?" Tanong ulit ni Mr. Cheng.

"Well, madali syang matuto sir. I'm impressed sa Batang yan. Hindi lang yan napakalambing pang magsalita. At ang bait nya." Ngiting Sabi ni Amara.

Samantala sa Mansyon, sabay bumalik sina Charles at Dave. Pagkapasok nila sa loob ng Mansyon. Matalim ang titig ng dalawa sakanila.

"Where have you been guys?" Tanong ni Charlie.

"Oo nga, mukhang masaya kayo ah?" Dagdag ni Clint.

Ngumiti at nagsalita si Charles sakanila..

"Bros, naalala nyo yung kinukwento kung kababata ko. Yung iyakin? You won't believe this." Masayang panimula ni Charles.

"Why?" Sambit ng nanay ni Charles.

"Miss Celestine? Magandang Gabi po." Bati ni Dave sa babae.

"You know what? You shouldn't be here. And stay away from my son!" Sigaw ng babae.

Nagtaka si Dave dahil, kaninang umaga lang ay kinausap pa sya nito kasama ng nanay ni Clint. At sobrang bait ng babae sakanya.
Hindi nagtagal ay dumating ang Isa pang Celestine.

"Celestina! Stop it!" Saway ng isa pang Celestine na nasa likuran ni Clint at kasama ang nanay ni Clint.

"Oo nga Celestina, bisita ang batang yan dito. Umiral nanaman yang ugali mong halimaw." Dagdag ni Celine.

"Sandali dalawa kayo?" Naguguluhang Sabi ni Dave habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawang Celestine.

"Bahala kayo, Basta binalaan ko na kayo. At Ikaw, Hindi ako papayag na magiging parte ka nang pamilyang ito."  Sabi ni Celestina sabay duro sakanya.

Nagulat sila sa ginawa ni Charles.

"Mom, he will be part of our family. Kasi kami na! At may nangyari na saamin. " Sabi ni Charles at nagulat silang lahat sa sinabi ni Charles nagkatinginan din sina Clint at Charlie, maging sina Celestine at Celine.

"I will marry him. Stop controlling my life. Enough, I am not your puppet. Sa gusto mo at sa hindi. I will marry him. " Sabi ni Charles at agad niyang hinila si Dave paalis sa Sala.

Umalis naman si Celestina sa Sala at nagtungo ito sakanyang silid. Naiwan sina Clint, Charlie, Celestina at Celine.

Nabasag lang ang katahimikan ng biglang nag wika ang Isa pang nanay ni Charles.

"Yes, sila na! Sabi ko na nga ba may pagtingin din ang anak ko sa Batang yun. "

"Tita ?" Sabay sabi nina Clint at Charlie.

"Bakit? Boto ako sa Batang yun!" Sagot ni Celestine.

"Hindi kami papayag dapat kami piliin ni Dave" Sabi ni Charlie.

"Dapat ako ang piliin nya!" Sabi ni Clint.

"Clint? Hindi kita tinuruan na maging gahaman sa yaman. Anak, kontento nako sa buhay na to. Please wag kanang makisali sa pakulo ng Lolo mo." Sabi ng nanay nya.

Sa kwarto ni Charles..

"Teka Teka biloy! Bakit mo ginawa yun?!" Sabi ni Dave.

"Para matigil na ang nanay ko. Hindi ko talaga nanay si Celestine. Ang totoo tita ko sya. Yung babaeng masunget na nakausap at sumugod sayo kagabi. Yun ang nanay ko. Si Mama Celestine nag luwal sakin. Kakambal nya si Celestina which is ang nanay ko. Ginawa nilang Surrogate mother si Tita Celestine. Naglayas si Mama sa bahay namin noon dahil sa isang Hindi pagkakaintindihan." Paliwanag ni Charles.

"That's right, she's my twin sister pero mas maganda ako sakanya. " Wika ni Celestine.

"Papano ka nakapasok ma?" Tanong ni Charles.

"Bukas yung pinto ng kwarto mo sa likod so doon ako dumaan. Gusto ko lang din makausap si Dave. And Sorry ulit sa ginawa ng kakambal ko!" Sabi ni Celestine.

"Ayus lang po yun Tita." Ngiting Sabi ni Dave.

"Ma, naalala mo pa ba yung Batang kalaro ko noon? Doon sa squatters area.? " Sabi ni Charles.

"Oo bakit? Bumalik kaba doon? Bakit mo Hindi sinabi. Gusto ko sanang bisitahin si Aleng Nene. Nakita mo ba sya doon nak?" Tanong ni Mama saakin.

"Ma, si Yakin yang nasa harapan mo ngayon." Sabay turo ko Kay Dave na nakangiti pa din.

"Ay talaga ba? Oh my goodness! Ang laki na nang Batang to. Sabi ko na para kasing pamilyar ka saakin." Niyakap ni mama si Dave at niyakap din naman ni Dave si mama. Minsan na ding maalagaan ni Mama si Dave noong pinakausapan sya ng nanay ni Dave noon na sa Bahay namin si Dave tumambay ng isang araw.

Binibihisan ng damit pang babae ni mama si Dave noon. At Hindi naman nagagalit o nagrereklamo si Dave noon.

"Teka totoo bang kayo na nang anak ko?" Tanong ni mama Kay Dave. Hindi sumagot si Dave at tumingin ito saakin. Agad naman akong nagpaliwanag Kay mama.

"Hindi po, ginawa ko lang po yun para tigilan na sya ni Mommy." Sagot ko.

"Ganun? Ay akala ko kayo na. Nakakaloka. Pero, Dave anak? May itatanong ako." Tanong ni mama Kay Dave. Kinakabahan nako baka Kasi ano nanaman ang itatanong nya.

"May pag-asa ba si Biloy Sayo?" Tanong ni mama.

Ngumiti lang si Dave at nagsalita.

"Hindi naman po mahirap mahalin ang anak nyo, mabait po sya pero sa Ngayon. Masaya ako dahil nakita ko kayo ulit tita." Sabi ni Dave at niyakap nya ulit si mama.

"Wag tita, gusto ko mama na ang itawag mo saakin." Sabi ni Mama sakanya.

"Ma! Wag mo na ngang kulitin si Dave." Saway ko.
Ngumiti lang si Dave at nag bigay ng thumbs up saakin. Tanda na ayus lang.

Kinabukasan...

Nagising ako sa lakas ng katok na nagmumula saaking pintuan. Nagmamadali akong bumangon at nagtungo sa pintuan.

Pagkabukas ko ay nakita ko si Dave at napasigaw at tinakpan nya ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay.

Nawala ang antok ko nang maalala kung natutulog ako ng hubot-hubad. Agad kung isinara ang pintuan at kinuha ang kumot para matakpan ang hubad kung katawan.  Binuksan ko ulit ang pintuan nakatalikod na saakin si Dave sa pagkakataong ito.

"Pwde ka nang humarap saakin. Bakit ba Kasi?" Tanong ko.

"Ah eh, " nauutal na Sabi ni Dave, bago ito humarap saakin huminga ito ng malalim bago humarap saakin at nagsalita ulit.

"Oo nga pala, Ngayon kasi yung araw na magtatrabaho ako sa Hotel. Gusto ko lang maging maaga sa trabaho. Pasensya na kung nagising kita. " Sabi nya habang nakayuko.

"Wag Kang yumuko, Hindi makapal ang tela ng kumot ko. Baka may makita kang. Alam mo na!" Sabi ko sabay kindat sakanya. Napansin kung biglang namula ang magkabilang pisngi ni Dave. Senyales na kinikilig sya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top