Chapter Eight

Dindin's

EVER since that night of our first kiss, everything changes between us. Kissing became a routine for the both of us. It makes me happy and tingly all over, but I also realized how touch deprive Jayjay is. He was cold and snobby to everyone – well except to his friends and me. He is shameless whenever he asks for attention from me. He likes kissing – kahit na anong ginagawa ko o niya kapag gusto niyang makipaghalikan ay hahalikan niya ako. Yesterday, in the middle of the laundry, bigla na lang niya akong hinatak at ibinalya nang bahagya sa pader at saka ako hinalikan. My eyes widened in surprise but then I felt how good his lips were and I just had to kiss him back.

The thing is, Jayjay is my first kiss and I realized that I wouldn't have it any other way. I like the fact that he is my first kiss and that I feel safe whenever we do this kind of thing – kahit na ngayon mismong umagang ito sa parking lot ng University habang nakasandal ako sa hood ng kotse niya at walang tigil ang pagkain niya sa labi ko.

"Ja--- wait, stop..." I hissed at him. Bahagya ko siyang tinulak. I looked at him, gusto kong matawa kasi nakapikit pa si Jayjay at tila talaga ninanamnam ang pagkakataong hawak niya ako ngayon, ang problema naman kasi, maraming nakakakita sa amin. Sanay naman akong pinag – uusapan ako ng lahat dahil sa pagiging gold digger at kakaiba ko sa kanilang lahat, but somehow, I didn't want them to find out about Jayjay and me. Hindi naman ako nahihiya, it's just that I want everything between him and me to be just him and me.

"What? Kiss me again..." Kinindatan niya ako saka muling nag – lean para ilapit ang mukha niya sa akin. He was about to kiss me again when I pushed him again. Sa pagkakataong muli niya akong tiningnan ay nakakunot na ang kanyang noo at bahagyang nakaawang ang labi, para bang hindi katanggap – tanggap para sa kanya na tinatanggihan ko siya ngayon. Ang ayoko lang naman ay may makakita sa amin at kung ano – anong sabihin patungkol sa aming dalawa. Hinahayaan ko naman siyang gawin sa akin ang lahat kapag nasa loob kami ng condo niya.

"What is wrong?" He demanded. I looked around – I was right, people could see us and some of the are already raising their eyebrows because of the sight.

"People could see..." Mahinang wika ko.

"Then fucking let them." Muli na naman siyang susunggab sa akin.

"Jacob..." Mahinang wika ko. "What about your fiancée. Si Lauren?" Sa pagkakataong iyon ay lalong kumunot ang noo niya. I have said the magic word. Lalayo na siya sa akin. I guess, pareho kaming hindi handa sa mga sasabihin ng ibang tao. I sighed and readied myself for his withdrawal but then to my surprise, he grinned at me.

"Do not think of other people while we're doing this, Divina." Titig na titig siya sa akin. "I don't care about anyone else. It is you that I want, so I will kiss you again, and we will let these people see what we are doing. Let them talk, let them say whatever. Now kiss me again." May conviction ang lahat ng sinasabi niya, and somehow, he managed to convince me. I let him kiss me again, bahagya niya pang hinawakan ang baywang ko para itaas ako at mahagkan nang mas malalim. I groaned a bit because his tongue is playing with my tongue, nakikilit ang gulugod ko. Hindi ko talaga alam na magugustuhan ko ang sensasyong binibigay niya sa akin and the fact that people can see this thing makes it more fucking exciting.

By lunch, Jayjay and I parted ways. We both have lectures and we're both busy with our incoming prelims. I am looking forward to going home where we can be clingy with each other. Hindi na ako natutulog sa couch niya. After our first kiss, doon pa rin naman ako nahiga sa couch na iyon, pero bandang madaling – araw ay nagising akong buhat – buhat ako ni Jayjay, he laid me down to his bed and snuggled against me. Mula noon ay magkasama na kami sa iisang silid, at sa iisang kama. Being with him makes me feel good. I want him around always. I want to take care of him like the way he is taking care of me. Ang saya – saya ko kapag magkasama kami.

Napag – isipan ko na rin ang lahat ng nangyayari. Bibitiwan ko na lang ang lahat para kay Jayjay. Hindi ko rin maintindihan kung bakit Madali para sa akin ang bitiwan ang lahat. Basta para sa akin, magkakasya na ako sa katotohanang tatayo ako sa tabi niya bilang equal niya at hindi ko kukunin sa kanya ang lahat nang ito. Naghirap din naman si Jayjay sa posisyon niya, I know that it's not easy being him and now all I wanted is to be his equal, so we can help each other. I will tell him the truth, one of these days, I will. I just hope that he will be able to accept me after this.

"Did you see her sliding her tongue inside Jacobo's mouth? What a desperate bitch." Ngumisi lang ako. Heto na naman ang mga inggit. I looked back, winked at them and went back to my lecture. Nagbabasa ako ng notes habang nakikinig sa prof, pero mahirap palang makinig sa prof kung ang mga nakapaligid sa akin ay pinagtitinginan at pinagbubulungan ako. I rolled my eyes at them.

"What did he see in her? Hindi naman siya maganda."

"She's a gold digger."

"Ang kapal ng mukha."

"Magsasawa rin si Jacobo sa kanya."

Sigurado talaga ako na lahat sila ay papatay para lang makasama si Jacobo. He is the most popular and richest man in the school tapos he happens to be with me. Mamatay kayong lahat sa inggit. Ang papangit ninyo naman. I giggled silently. Nang matapos ang lecture ay nauna na akong lumabas sa kanila. Ayokong maabutan nila ako, baka hindi ako makapagpigil at may masabi pa ako sa kanila.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang kasalubong kong tao. Nabangga ako sa kanya, nalaglag naman ang mga dala niyang kung ano -ano. I said sorry and I helped the person pick those things up, nang matapos kami ay saka lang namin tiningnan ang isa't isa. Napaawang pa ang mga labi ko dahil kilala ko ang babaeng nasa harapan ko.

Si Lauren Asistio. Ang fiancée ni Jayjay and it seems like she knows who I am that's why she smiled.

xxxx

I FOUND myself inside a coffee shop with Lauren Asistio. Siya ang nag – order ng kape para sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na sumama sa kanya. Hindi ako dapat nandito, hindi kami dapat magkasama. Si Lauren ay kabaliktaran ng lahat ng ako. She is clean and neat, beautiful and rich, habang ako, basahan at tinaguriang gold digger ng lahat.

"How was your day, Divina?" Napakabait ng tono ng pananalita niya. Nakaramdam ako ng guilt. Sigurado akong alam niya ang nangyari kanina sa parking lot. Nakarating na sa kanya ang paghahalikan naming ni Jayjay. Paano ko siya titingnan sa mga mata?

"Fine."

"Just fine?" She chuckled. "I heard you put quite a show at the parking lot earlier. How was it?" Nakapangalumbaba pa siya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Napalunok ako. Sinasabi ko na nga ba! Ano kayang gagawin niya sa akin? Sasapakin niya kaya ako? Sasampalin o iyong klase ng pang-aaway ng mga mayayaman, iyong kalmado pero mapanakit magsalita?

"Lauren..."

"Oh don't worry!" She laughed. "Hindi ako nagagalit. Yes, we are engaged, we will be married ten years from now, pero para kay Jacob, wala pa naman sa isip niya iyon. I am letting him have fun, but that's all you'll ever be."

Ay! Ganoon pala siya magalit, iyong kalmado pero mapanakit magsalita. Siyempre, hindi naman ako papatalo. Hindi dahil mahirap lang ako at inaakala ng lahat na gold digger ako ay hindi na ako magsasalita. I looked at her eyes and smiled.

"So, wala lang sa'yo ang lahat ng ito?" I asked her. She nodded.

"Hindi naman ako tulad ng ibang fiancée."

"Kung talagang wala sa'yo itong mga ito, why are you here? Why are you telling me that I am nothing but fun to him? Paano pala kung seryoso na pala kami sa isa't isa? Paano kung ako ang piliin niya sa huli at hindi ka niya pakasalan?"

"Our engagement is a done deal, my dear. I am doing everything para sa impluwensya ni Jacob at ng magiging pamilya naming dalawa."

"You could be everything to him, pero hindi ibig sabihin noon ikaw ang pipiliin niya." Nginitian ko siya, tumawa naman siya, oh how fake that laugh sounded. Nakakapalan ako sa mukha niya.

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala, aalis na ako. Hinihintay na ako ni Jacob sa bahay." Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Kung ipinamukha niya sa akin na wala lang ako kay Jacob, ipapamukha ko naman sa kanya na ako ang kasama ni Jacob ngayon, ako ang gusto ni Jacob ngayon at kung hanggang kailan ba iyon, bahala na, basta ang mahalaga, ako ang gusto ni Jacob sa ngayon.

I got home fifteen minutes later, naroon na si Jacob sa bahay. He just got out of the shower. Natigilan pa nga siya sa paglalakad dahil dumating ako. He only has a towel around his waist and he was holding another towel to dry his hair. Ngumiti siya sa akin, ako naman ay lumapit sa kanya at yumakap ako sa kanya kahit na galing ako sa labas. I snuggled on him and he giggled a bit.

"What's wrong?" He asked me. "Did you have a tiring day? How will I make it better?" Sunod – sunod na tanong niya sa akin. I shook my head.

"Can we just cuddle like this?" Tanong ko sa kanya.

"Let me put my shorts first or do you prefer me like this?" Nanunudyo pa siya sa akin. Napatawa na rin naman ako.

"Bihis ka, magshower din ako." I tiptoed to give him a light peck on his lips saka ako tumalikod. I went inside the common bathroom, took all my clothes off and stood under the shower. Doon ko inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Malakas ako. Marami akong pinagdaanan pero ngayon nakakaramdam ako ng takot, matapos ang mahabang panahon dahil kay Jayjay. Ayoko nang maging mag – isa. Ayokong mawala si Jayjay kaya handa ko talagang gawin ang lahat h'wag lang siyang mawala sa akin. I have been alone for a long time and now that I found the one that I care about again, I will never let him go.

Tinapos ko ang pagligo, nagbihis at lumabas. I found Jayjay on the couch waiting for me. I went to him, snuggled again and let him hug me.

"Jacob..."

"Hmm?"

"Until when do you want me?" I felt him stiffened. I looked up at him.

"I like you." Sabi niya sa akin. "And there is no expiration date for that." Malumanay na wika niya.

"What do you like about me?"

"You. I like you and I want to be everything you need."

Somehow, I believe in everything that he said. I kissed him again and I prayed hard for this not to end. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top