CHAPTER 2

new teacher.


Sa huli, napagdesisyonan kong basahin na lamang kesa itapon, at pagsisihan ito sa huli, o baka nama'y habang-buhay akong maging curious sa kung ano ang nilalaman nito.

Binuksan ko ito, at inilabas ang isang kayumangging parang papel. Maya't-maya pa ay sinimulan ko itong basahin.

Dear Apo,

Hindi ko alam kung nasaan ka man sa mga oras na ito. Nawa'y nakaabot ka sa iyong tutuluyan ng ligtas at walang nangyaring masama.

Inutusan ko si Mang Thomas sa pagtakas at pagdala sayo sa mas ligtas na lugar, kung saan malayo sa gulo, at ligtas kang mamumuhay.

Nasa panganib ngayon ang pamilya natin kaya napilitan akong gawin ito, para narin sa kaligtasan mo.

Pumunta ka sa kaibigan nang tatay mo na si Reymound Ramirez. Doon ka ihahatid nang driver mong si Mang Thomas .

Ngayon pa lang, humihingi na ako nang tawad sa iyo, sa gagawin kong ito. Pasensiya ka na kung kailangan mo pang mawalay sa amin, sa mga magulang at sa mga kapatid mo.

Pasensiya na kung wala kami sa tabi mo kapag kailangan mo nang karamay, at kakampi sa ano mang dagok ng buhay, na maaaring ibigay o maranasan mo.

Patawarin mo ako kung lalaki kang wala kami sa tabi mo at hindi mo kami makakasama.

Patawad din kung wala kami sa bawat birthday mo o di kaya'y sa graduation mo. Sayang at hindi ko masaksihan ang paglaki mo, lalong-lalo't na kapag naging dalaga ka na.

Patawarin mo ako, aking apo. Sapagkat hindi kita matutulungan at madadamayan sa tuwing may problema ka o saloobin.

Ang nais ko lamang ay maging masaya ka, kasama ang bago mong pamilya, at sana'y mamumuhay ka nang ligtas diyan at puno ng pagmamahal. Malayo sa magulo at delikadong lugar.

Sana'y magkita ulit tayo sa lalong madaling panahon. Mamimiss kita apo ko, at 'wag na 'wag mong kakalimutan, mahal na mahal ka ng lolo mo.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagamamahal,
Lolo.

Matapo kong basahin ang sulat ay napahagulgol na naman akong muli. Mas naging mabigat ang dibdib ko kumpara kanina.

Hindi ko alam kung ano ang wasto at dapat na maramdaman matapos kong malaman na kaya ako narito dahil nilalayo ako ng aking lolo sa kapahamakan.

Ngayon, mas naging malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung nasaan na ang driver na sinasabi ng lolo ko ayon sa sulat.

Sana'y nasa ligtas na lugar siya.

Matapos ang ilang minuto na pananatili doon, napagdesisyonan kong hanapin ang Reymound Ramirez na tutuluyan ko raw.

Inayos ko ang aking sarili, sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri, tsaka ko pinunasan ang aking mga luha, at ngumiti.

Tinupi kong muli ang sulat at pinasok sa sobre tsaka inilagay muli sa aking bulsa.

***
Ang haba nang nilalakad ko, at ng makalipas ang halos kalahating oras, wala parin akong nakitang mga bahay. Dahilan upang mawalan ako ng pag-asang matuntun ang bahay nang Ramirez.

Idagdag pa ang sakit at hapdi na mga sugat ko sa katawan.

Napagdesisyunan kong magpahinga muna, dahil talagang nakakapagod namang maglakad na nakapaa lang.

Umupo ako saglit sa may gilid ng kalsada, ngunit tumayo agad kahit hindi pa naman uminit ang aking puwet. Natatakot kasi ako na baka may mga lasing na taong dadaan, tapos mapagtripan pa ako, eh talaga namang wala akong kalaban-laban sa kanila.

Napag-isipan ko na lamang na magpatuloy sa paglakad at paghahanap sa mga ito. Nabuhayan ako ng loob nang sa wakas ay, may namataan na akong mga bahay at nagsimula naring lumiwanag ang daan dahil sa ilaw na galing sa poste.

Hindi nagtagal, ay nasa harapan na ako nang isang malaking kulay pula na gate, na may 'Ramirez Residence ' na nakasulat.

Noong una, nagtatalo ang isip at damdamin ko kung magdodoorbell ba ako at magpakita sa kanila o 'di kaya'y huwag na lamang.

'Paano kung masasamang tao pala sila? Tapos kikidnapin nila ako, o baka nama'y kunan ng body organs, at ibenta ito? Paano na?'

Mga tanong nang munti kong isipan. Pero sa huli, pinili ko paring magdoorbell, dahil hindi naman sabihin sa akin nang Lolo na dito ako titira kung masasama naman palang tao ang mga ito.

Kaya naman, nilakasan ko na lamang ang aking loob at nagdoorbell na. Nakita ko ang isang manang na parang mayordoma na lumabas tsaka ako binuksan ng gate, na wala akong tanong na natatanggap.

Hanggang sa makapasok ako, sinalubong ako nang magandang babae at bigla akong niyakap ng napakahigpit. Sa hula ko ay nasa 30+ na ata ang edad. Pagkatapos niyang kumuwala sa yakapan, tiningnan niya ako na parang napakaganda kong nilalang, habang may matatamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Welcome to your new home, anak. Welcome to your new family," malumanay ang boses niya nang sabihin sa akin ito.

Nang marinig ko ang mga katagang yun, may mainit akong naramdaman na pumuno sa buong pagkatao ko.

Natapos ang gabing yon na masaya. Masaya nila akong tinanggap, at tinawag na anak.

Sa gabing yon, kinalimutan ko na ang lahat. Ang tunay kung pamilya, ang sulat, ang aksidenti, ang kwento ko, at kung saan talaga ako nanggaling.

Kasabay doon ay ang pagkawala nang memorya ko. At kahit kailanman, hindi ko na sinubukan pang kilalanin ang tunay na ako, ang tunay kong pangalan, kung anong klaseng bata ako noon, at kung sino ang pamilya ko.

Present days...

Hindi ko napansin na umiyak na pala ako, habang inaalala ko ang lahat. Parang bumalik ang hapdi at sakit na matagal ko nang kinalimutan at tinalikuran.

"Sino kaya ang tunay kong pamilya? Hindi ba nila ako namimiss, bakit walang naghahanap?" Malungkot na tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko matandaan kung ilang taon pa ba ako nang gabing iyon. Walo, siyam, o sampong taong gulang? Hindi ko alam.

Natawa nalang ako ng marealize kong pati edad ko nang mga panahong yon ay hindi ko talaga matandaan, pati pangalan ko, hindi ko alam. Nakakatawa.

"Hija, Thea? Hinanap ka na nang mga magulang mo, hinintay ka nila sa baba. Sabay-sabay na raw kayong mag-agahan," biglang sabi ni manang Rosa, ang isa sa mga katulong dito sa bahay.

"Sige po manang, bababa na po ako. Salamat po," mabilis kong sagot, tsaka inayos ang aking sarili.

Hindi na ako nakapagsepilyo, dahil sa sobrang pagmamadali. Lumabas ako nang banyo at kinuha ang bag at mga aklat ko bago bumaba na.

Binilisan ko ang paglakakad pababa nang makitang malapit nang mag-alas 8. Hindi pa naman pweding mahuli si Tatay. Nang nasa baba na ako, nadatnan kong masaya silang nagkwentuhan at nag-asaran.

Unang nakapansin sa akin si kuya Theo, at talagang lumaki pa talaga ang mga mata niya nang makita na ako.

"Sa wakas, sisz, bumaba ka narin. Bakit ba ang tagal mo sa taas? May problema ka ba?" Nag-alala niyang tanong sa akin.

"Ha? Ahh, wala kuya, walang problema. Okay lang ako," mabilis na sagot ko sa kanya, at ngumiti pa.

"Sigurado ka ba diyan, lil sis? Hmmm? Bakit parang umiiyak ka ata?" Tanong niya ulit, kung makaimbestiga naman to.

Imbis na mainis, huminga ako nang malalim tsaka ko sekretong pinatid ang isa niyang paa sa ilalim ng mesa. Napaigtad naman siya dulot ng ginawa ko.

Natahimik naman siya matapos ko siyang pinandilatan ng mata. Hindi naman na nagtanong pa sina Nanay at Tatay, at nagsimula ng kumain.

"O siya, bilisan niyo ang pagkain nang makapunta na tayo nang skwelahan, mahirap na, baka mahuli pa tayo," saway sa amin ni tatay.

Napatigil naman kami at natahimik na lamang, ng si Tatay na mismo ang nagsalita. Kaya naman, binilisan na lamang namin ang pagkain.

Hindi naman nagtagal ay natapos narin kami. Saktong nagpaalam na kami ni Nanay nang huminto ang school bus sa tapat ng bahay namin.

Matapos makapagpaalam kay Nanay, ay sumakay narin kami sa school bus. Pinili namin ang maupo ni kuya sa may pinakahuling upuan sa likod, at si Tatay naman ay tumabi sa driver.

Hindi naman masyadong malayo ang paaralan sa tinitirhan namin, kaya pagkalipas ng kensi minutos, ay nakaabot na kami sa school.

Mabilis akong bumaba sa school bus at hindi na pinansin si kuya. Mas naging mabilis pa ang paglakakad ko ng makitang sampung minuto nalang at mag-a-alas otso na.

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin at nakita ang kung sino man ang nasa harapan dahilan upang mabangga ko ito. Mabuti nalang at mahigpit kong hinawakan ang mga aklat ko, kaya hindi ko ito nabitawan.

Handa na sana akong pagalitan ang kung sino mang nilalang ang bumangga sa akin, ngunit sa sandaling nasilayan ko any kanyang mukha, ay para akong naestatwa.

Parang nakalimotan kong huminga for 3 seconds, dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Napakaputi nang kanyang balat, matangos ang ilong, makakapal na kilay, at malalim at seryosong mga mata.

Nakasuot ito nang simpling maong na pantalon at simpling white t-shirt, ngunit ang lakas ng kanyang dating. Idagdag pa ang kanyang suot na eyeglasses na talaga namang nakadagdag sa pagiging cute niya.

Nang mapansin kong medyo naging matagal na pala ang pagtitig ko sa kanya, tumikhim ako at tsaka umayos nang tayo. Nakakahiya naman, baka guro pa 'to, nako patay na.

"Are you okay, young lady?" Bigla ay tanong niya, at kakaiba ang dating nang kanyang baritono at buo niyang boses.

Sa sobrang pagkataranta, ay hindi na ako nakasagot pa, ngunit mabilis na lamang akong tumango at mabilis na naglakad papalayo.

"Gwapo nga't cute siya, ngunit nakakatakot naman. Aanhin ko naman ang kagwapuhan mo kung palagi naman akong takot takot sayo," nawiwindang kong sambit sa aking isipan.

Dahil sa takot ko ay lakad-takbo na ang ginawa ko upang makaabot ng mabilis sa classroom namin. At dahil nasa pangatlong palapag pa ang room namin, hindi agad ako nakaabot.

Humihingal ako at tagaktak ang pawis nang sa wakas ay nakarating na ako. Nasa may pintuan palang ako ng sinugod bigla ako ni Mythe ng isang yakap, at tumatalon-talon pa.

Napapantiskuhan ko siyang tiningnan, litong-lito at naguguluhan sa inaasta niya.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang bata ka diyan? Nakabingwit ka na ba ng Kano?" Naguluhan kong tanong sa kanya.

"Eto naman, excited lang ako," masaya niyang sagot, halos umabot na nga ang ngiti niya sa may tenga niya eh.

"Excited saan? Pwedi ba, 'wag ka nang magpaligoy-ligoy pa, huwag ka ng mambitin, wala ako sa mood, okay?" Medyo naiinis na sagot ko sa kanya.

"Eto naman, ang aga pa kaya, bakit ang sungit mo? Hay nako, sige na nga. May bago kasi tayong adviser, bagong lipat na guro, and according sa source ko, gwapo daw ito, matangkad, yung tipong mala Lee Min Ho ang dating, ganon?" Mahabang pagbabalita niya.

Ng marinig ko ito, ay biglang dinamba ng kakaibang takot ang buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon palang, natatakot na ako.

"Ganon ba, maganda yan," sagot ko nalang sa kanya, na kunwari nasisiyahan ako.

"Hindi kaya yung taong nabangga ko kanina at ang magiging adviser namin ay iisa lang? Huwag naman sana, ayaw kong mag-aral na palaging may takot," Tanong ko sa aking isipan ng magsink in sa akin ang lahat na sinabi ni Mythe at ang nangyaring banggaan kanina.

Mabilis kong binura sa aking isipan ang bagay nayon. Ngunit, dahil sa naiisip kong iyon, mas lalong lumala ang kaba ko, na halos pinagpawisan pa ako ng malala.

Umupo nalang muna ako sa aking upuan at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako mapakali at nagsimula na akong maglikot, kung saan-saan na ako tumingin.

Maya't-maya pa ay biglang natahimik ang lahat. Nang tiningnan ko sa harap ay may dalawang tao nang nakatayo.

Ang principal namin at ang lalaking nakabanggaan ko kanina. Letiral na tumigil ang lahat nang masilayang muli ang napakaganda niyang mukha.

Ngunit, kasabay doon, ay ang kakaibang takot na magsimulang kumalat sa buong pagkatao ko, Lalo na ng makita siyang diritsong nakatingin sa akin.

"Good morning, BSIT 1C, standing in front of you is your new adviser for the first semester. Be kind to him, okay? Mister, please introduce yourself to your new class," maya't-maya pa ay nagsalita ang school principal namin.

He stepped forward, at ngumiti. Ngiting normal lang naman, pero bagay na bagay naman sa kanya.

"Hello class, starting today, I will be your new adviser. My name is Zarred Xylle Chua. Nice to meet all of you," pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"Zarred, Zarred, Zarred," paulit-ulit na sambit ko nang pangalan niya sa aking isipan.

Parang narinig ko na ata ang pangalan na yan. Hindi ko lang alam kung saan.

Maya-maya, naramdaman ko nalang na biglang sumakit ang ulo ko, parang hinahati ito, na hindi ko maintindihan. Napasubsub na lamang ako sa aking desk ng hindi ko na makayanan ang sakit.

Hanggang sa napaiyak nalang ako.

"Thea, okay ka lang? Anong nangyari sayo?" Narinig ko pa ang nag-alalang boses ni Mythe.

Pero masyadong masakit ang ulo ko upang mapansin at sagutin siya. Hanggang sa naging madilim na ang aking paningin at tuluyan ng nawalan ng malay.

TO BE CONTINUED...

"Don't forget to vote, comment, and share."
Hanggang sa susunod na KABANATA, guys, see you in next chapter, my little Rainnedrops 🧡

Have a blessed Agape Day, readers! 💛
Pag-amping mo kanunay, God bless 🤗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top