CHAPTER 1

glimpse.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Thea, nang maramdaman niya ang sinag ng araw na humahaplos at dumadampi sa kanyang pisngi. Tiningnan niya ang labas na abot lang ng kanyang mga mata mula sa bintana at nakitang maliwanag na pala.

Ngunit hindi niya ito pinansin at ipinagsawalang bahala na lamang. Imbis na maghanda papasok ng school, nagtalukbong muli siya ng unan sa kanyang mukha at bumalik sa kanyang pagtulog. Wala siyang pakialam kung tanghali na siya makapunta sa school, na baka hinihintay na siya ng kanyang mga magulang at kuya niya sa baba, o 'di kaya'y maiwanan ng school bus.

'Five more minutes,' tahimik niya pang hiling sa kanyang isipan, tsaka bumalik sa pagtulog.

She was about to forget everything in her surroundings and finally drifted off to sleep, but that's what she thought. Ngunit hindi yon ang nangyari, dahil naramdaman niyang lumubog bigla ang kalahating parte ng kama, dahilan upang magising na naman siyang muli.

Napakunot ang kanyang noo, at sinubukang hulaan kung sino o di kaya'y kung ano ito. Pero kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan niya dahilan upang katukin ng kakaibang takot ang kanyang pagkatao.

'May ibang tao kaya dito sa kwarto ko?' Tahimik at natatakot niyang tanong sa kanyang sarili.

Hindi siya nagwala o di kaya'y sumigaw, dahil sigurado siyang matataranta ang ibang tao na kasama niya sa bahay. Nanatili lang siyang tahimik at pinapakiramdaman niya lang ang taong nasa tabi niya ngayon.

Ngunit, mas lalong lumalim ang pagtataka niya, pati yung gatla sa noo niya, nang mapansing hindi rin kumilos ang kung sino mang nasa tabi niya. Katulad din niya, nanatili din itong tahimik, walang kibo at tila nag-o-obserba lang sa paligid.

'Nay, Tay, kumatok kayo, please? Puntahan niyo ko rito,' piping hiling ni Thea sa kanyang isipan. Na sana'y kakatok ang nanay o di kaya'y ang tatay. Ngunit hindi siya pinakinggan at tila kinakain na nang kakaibang takot ang buo niyang pagkatao, nang mapagtantong parang tumigil ang oras.

Pinagpawisan na siya at ang lakas na nang kanyang kaba, patagal at patagal silang nanatiling ganon lang. Malapit na siyang maiyak nang biglang pumasok sa isip niya ang kuya niyang loko-loko.

"Kuya, ikaw ba 'yan?" Tanong niya, na may nanginginig na boses. Ngunit dismayado siya at mas natakot pa nang wala siyang makuhang sagot mula rito.

"Hoy, kuya, kung ikaw man yan, pwedi bang itigil mo na tong kalokohan mo, hindi na kasi nakakatawa," pagsasalita niyang muli, ngunit, gaya kanina, wala pa rin siyang nakukuhang sagot mula rito.

Habang patagal nang patagal na nasa ganoong sitwasyon siya, dahan-dahang may nabubuong mga luha sa kanyang mga mata, nagsimulang manginig at pagpawisan.

Scary moments like this feels like a torture for her. Hangga't maaari, iniiwasan niya talaga ang mapag-isa, ang malungkot, at ang matakot. Dahil, ayaw niyang ma-trigger ang sarili, dahil kapag nati-trigger siya, hindi na niya alam ang mga pinanggagawa niya. Nawawalan siya nang kontrol sa sarili. That's why, as much as possible, she strive hard in order to avoid such moments like this.

When her tears was about to fall, and when her body's starts to shake, tinawag niyang muli ang kanyang kuya, umaasa na sana'y sagutin siya, this time.

"Kuya, ikaw ba ya-" ngunit hindi niya naituloy ang kanyang tanong nang may biglang humatak sa kumot na nakatalukbong sa kanya. Pero hindi mukha nang kanyang kuya ang una niyang nakita, kundi isang maskara na may mukha ng joker, dahilan upang magulat siya nang sobra, napasigaw at napatalon ng wala sa oras mula sa kanyang kama.

All along, it was her kuya Theo. Gawain talaga ito ng kuya Theo niya. Noon, halos araw-araw pa nga niya itong ginagawa, kaya lumaking gulatin si Thea hanggang ngayon.

Pero ngayong araw, talaga namang sumobra na ata siya. Nakalimutan niya sigurong bawal magulat at ma-trigger si Thea.

Napasuksok si Thea sa may sulok ng kanyang kwarto at nagsimula nang manginig at wala ng tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha. Habang si Theo naman na kasalukuyang nasa kama ni Thea, ay nagpagulong-gulong habang tumatawa. May pasuntok-suntok pa nga siyang nalalaman sa kama, habang walang tigil parin ang kanyang pagtawa.

Sobrang nakakatawa kasi yung reaction ni Thea, parang literal na nakakita taalaga siya nang multo, at talagang gulat na gulat pa.

"HAHAHAHA, grabi talaga yung reaction mo, Thea, sobrang nakakatawa. Gulat na gulat lang, parang naakita ka nang multo ah, eh ako lang naman to. Sayang, sana nagvideo ako, para naman maipakita ko sayo," natatawang aniya ni Theo, na nakahawak pa sa kanyang tiyan na kasalukuyang sumasakit dahil sa kakatawa.

Natahimik siya habang naghihintay ng sagot mula kay Thea. Nasanay na kasi siyang hahampasin siya nang unan ni Thea bilang paghiganti nito. Ngunit, lumipas nalang ang limang minuto, wala parin siyang natatanggap o naririnig na Thea na nagrereklamo sa kanya.

Kinakabahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at hinanap kaagad nang kanyang mga mata si Thea. Nakita niyaitong sumuksok sa may sulok, at sobrang naawa siya sa kanyang nakikita. Si Thea, nanginginig, umiiyak, at nakahawak sa dibdib ang kanyang mga kamay, na parang nahihirapan siyang huminga.

'You're such a jerk, Theo! You almost killed your sister!' Galit na singhal ni Theo sa kanyang sarili, ngunit sa loob lamang nang kanyang isipan nasabi ang mga salitang iyon. Napahilamos siya sa kanyang mukha, nang magsimulang kumalat ang pagsisi sa buo niyang pagkatao.

Mabilis siyang napatalon mula sa kama at parang si flash na nilapitan si Thea.

"Thea, I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya yon. Medyo napasobra ata yung pananakot ko sayo, I'm really sorry, lil sis," halos naiiyak nang sabi Theo, nagpapaliwanag sa kalokohang ginawa niya.

Sa sobrang panginginig at pag-iyak ni Thea, halos hindi na siya makapagsalita, at tanging pag-iling lamang ang kanyang nagawa. Natataranta na si Theo sa kung ano ba dapat gawin, kaya hinagod-hagod nalang niya muna sa likod si Thea.

"Oh wait, sandali, kukuha lang ako ng tubig. Dito ka muna, and try to calm down, okay?" Pakiusap pa ni Theo bago nagmadaling lumabas sa kanyang kwarto upang kumuha ng tubig.

'Gagiks to, may tubig naman dito sa kwarto ko. Bakit kailangan niya pang lumabas?' natatawang tanong ni Thea sa kanyang isipan. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya at kumalma naman siya pansamantala.

Bumukas muli ang pinto at pumasok ang humihingal na si Theo. May dala itong isang pitsel na punong-puno nang malamig na tubig, at isang malaking baso. Mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay ito kay Thea na may nanginginig na kamay.

'Takot ka naman pala eh. Gagawa kunwari ng kalokohan, 'di naman kaya yung consequences,' natatawang aniya ni Thea sa kanyang isipan.

Tinanggap niya ang baso at mabilis na ininom ito. Tsaka niya binigay ulit ang walang laman na baso kay Theo.

Humugot siya nang malalim na hininga at pinakawalan ito. Tiningnan niya ang kuya niya, noong una, normal lang na tingin, hanggang sa may galit na ito.

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa lang nakaratay na si Theo at nilalamayan na, kaso hindi eh.

Habang si Theo naman ay biglang napalunok ng laway ng wala sa oras, natatakot sa mga titig ni Thea, at sa maaring gawin nito sa kanya.

Dahil hindi lingid sa kaalaman ni Theo, na galing ang kanyang half sister sa isa pinakamakapangyarihang pamilya dito sa Pilipinas.

Palaging pinapaalala sa kanyang Nanay, na tigil-tigilan niya na raw si Thea, dahil baka mapuno ito't mapikon, at baka ano pa ang magawa ni Thea sa kanya. Sapagka't, kahit bata pa lamang si Thea ay sinanay na ito ng martial arts. At nakakalimutan lang ito ng nakakababata niyang kapatid dahil nasangkot ito sa isang car accident noon.

Hindi malayong matutunang muli ni Thea ang mga iyon. Siguro hindi pa nakakaalala yung isipan niya sa mga natutunan niya noon, pero yung katawan at puso niya ay ni minsan hindi nakalimot.

Mas lalong natakot si Theo, nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang nangyari noon. Noong nasa grade 6 pa si Thea at may nakaaway ito dati. Patalikod sana siyang susuntukin nito, ngunit laking gulat nilang lahat, ng biglang humarap na pala si Thea, at hinawakan ng mahigpit ang nakaambang suntok ng batang nakaaway niya. At isa si Theo sa maraming saksi nang pangyayaring iyon.

Thea's body knows exactly what to do, and can sense trouble beforehand. Alam na alam ng katawan niya kung ano ang dapat gawin, and truth be told, kayang-kaya niyang depensahan ang kanyang sarili, kahit na babae pa siya.

"Lil sis, huhuhu, sorry na, please. Forgive your kuya Theo na. Promise baby girl, hinding-hindi ko na talaga uulitin yon. I've already learned my lesson, so please, forgive me," paghihingi agad nang tawad ni Theo, na nagkukunwari pang umiiyak daw siya.

Ngunit hindi siya pinansin ni Thea, at imbis na sagutin siya nito, ay tumayo ito at nagsuklay ng buhok, nagpunas ng luha, tsaka iniwan siya doon at pumasok na sa banyo.

Gustuhin man niyang mangulit pa kay Thea, hindi nalang niya ginawa, dahil mas iinit pa ang ulo nito at mas magalit pa lalo ito sa kanya. Kaya hinayaan nalang niya muna itong magpalamig ng ulo, tsaka space narin at oras para makapag-isip ng mabuti.

Sa oras na hindi nagsalita si Thea, tumayo, at tinalikuran siya, ay ang pinakamasakit na treatment na pinakita ni Thea sa kanya. Hindi kasi siya sanay sa ganito. Kadalasan kasi, kapag nagloloko siya, nanghihingi siya ng tawad, bumabawi, at nagkakabati, before the day ends.

Pero hindi ngayong araw, dahil talagang sumusubra ba yong kalukuhan niya.

'You deserve that kind of treatment, Theo. Gago ka kasi, muntik mo nang mapatay ang kapatid mo, dahil diyan sa kalokohan mo,' muling sumbat ni Theo sa kanyang sarili, ngunit hindi nalang isinasatinig.

Sinubukan niyang hintayin si Thea na lumabas ng banyo, ngunit parang sinadya talaga nitong bagalan ang kilos upang mas lalo siyang magtagal sa loob. Kaya napagdesisyunan nalang niyang bumalik sa kanyang kwarto at maghanda na lamang papasok sa school.

***

Nang makapasok sa banyo si Thea ay doon na niya nagawang kumalma. Ngunit patuloy paring dumadaloy ang kanyang mga luha. Sapagka't hindi niya batid kung bakit ginawa iyon ng kuya niya.

Tanggap naman niyang pagtripan talaga siya nito araw-araw, because this is their kind of bond as siblings. Pero ang gawin sa kanya ang bagay na pinaka-ayaw niya ay talagang nasasaktan siya. Kuya niya yon eh, at mahal niya ito, kaya hindi talaga niya maintindihan ang rason nito kung bakit nito ginawa iyon sa kanya.

She feels like someone's wrecked her heart and hurt it so badly. Para kasing pinaparamdam sa kanya na hindi siya karapat-dapat sa pamamahay na ito. Or more like, parang pinagkaitan siya ng tadhana na maging masayang muli at makasama ang mga mahal niya sa buhay.

'Nasaan na ba kasi ang tunay kong mga pamilya? Bakit hindi man lang nila ako hinanap?' Mga tanong ni Thea sa kanyang isipan, na kahit kailanma'y hindi magkakaroon ng sagot.

Dahan-dahang pumailalim sa shower si Thea at hinayaan niya ang sarili na mabasa ng tubig mula rito. At habang damang-dama niya ang malakas na pagbagsak ng tubig sa katawan niya, patuloy parin siya sa paghahanap ng sagot sa kanyang mga katanungan noon pa man.

'Siguro, hindi talaga nila ako mahal, siguro hindi nila ako namimiss, o baka naman galit sila sa akin kaya nila ako pinamigay at iniwan nalang sa kung saan,' dagdag pang sabi ni Thea sa kanyang isipan, habang patuloy parin na lumuluha ang kanyang mga mata.

For the last few years, kahit papaano, ay masaya naman siya. Dahil kahit na iniwan lang siya sa kung saan, ay natagpuan naman niya ang mga taong tunay. Tunay na nagmamahal sa kanya, tunay na nagpapasaya sa kanya, at tunay na hindi nang-iiwan. Kahit hindi niya kadugo ang mga ito, tinuturing niya parin silang tunay na kamag-anak, dahil tinuturing din siyang tunay na miyembro ng pamilya sa mga ito.

Para sa kanya, kontento na siya. Na makapiling ang mga mahal niya sa buhay, kahit na hindi naman talaga sila magkadugo. Dahil hindi naman nababase yan kung kadugo mo ba o hindi ang pagiging pamilya.

Sa mga umampon ni Thea naramdaman ang tunay na pagmamahal, kaligayahan, at kapayapaan. Pero ng tumanda siya ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang totoo niyang pamilya. Pati ang mga katanungan ay unti-unting pumasok sa kanyang isipan.

Kahit masakit para sa kanya ang isipin kung bakit siya iniwan nalang basta at inabandona, ay palagi niya parin itong iniisip, at hindi siya titigil hangga't hindi ito nabibigyan ng sagot.

Hindi napansin ni Thea na kanina na pala siya natapos na maligo at ngayon ay nasa harapan na ng kanyang full length mirror habang nakasuot ng roba.

Kinuha niya ang kanyang toothpaste and toothbrush, upang magsepilyo. Ngunit ng pigain niya ang toothpaste ay walang lumabas.

"Hayst, ano ba 'to? Nakakainis!" Naiinis na sabi ni Thea nang walang lumabas na toothpaste kahit anong piga pa niya sa kinalalagyan nito.

Ngunit hindi siya nagpadala sa kanyang pagkainis, dahil alam niyang wala itong patutunguhan. Isa pa, sirang-sira na ang araw niya, sisirain pa ba niya?

Kaya naman ang ginawa niya ay, pumikit, huminga nang malalim, at nagbilang ng isa hanggang sampu.

At nang dumilat naman siya ay dumiritso ang kanyang tingin sa repliksiyon niya sa salamin. Tsaka niya ito tinitigan ng mabuti. Isa lang naman ang masasabi niya sa kanyang sarili, ang dami at ang laki ng pinagbago nang kanyang katawan.

Mula sa isang mataba at malusog na katawan, na may maraming dungis, dugo at sugat sa una niyang pagtapak sa bahay na ito, ngayon ay nag-iba na, dahil mas payat siya ngayon. Yung inosenting mukha na simula noong nakita nila si Thea ay tuluyan ng nawala, at napalitan na nang seryosong mukha.

Tiningnan niyang muli ang kanyang repliksiyon. Simula sa hanggang balikat niyang kulot na buhok, saktong kapal ng kilay, maninipis na labi, medyo matangos na ilong, at ang pinakagusto niya ay ang mukhang bored niyang mga mata. Para kasing palagi siyang inaantok tingnan, dahil sa mga mata niya.

Sa edad na benti anyos, ay mas mataas ang height ni Thea kumpara sa karaniwang taas ng ibang kababaihan. Mas mataas pa nga siya sa kanyang kuya Theo na mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon.

Kung tutuosin, Thea has an exceptional beauty. Yung ganda niya ay pweding sumali sa kahit ano mang pageantry. Hindi maipagkait na talagang galing siya sa magagandang lahi, ngunit hindi niya alam kung kanino siya nagmana.

Ngunit sa likod ng kagandahan ni Thea, ay nakakubli ang sakit, ang pagkadismaya sa sarili, at mga tanong na kay tagal na niyang hinanapan nang mga sagot. Kahit ano mang tanggi at pagtago ang gagawin niya sa sakit na naramdaman, ay siyang sabi naman ng kanyang mga mata kung gaano na siya kadurog sa loob.

'Maganda ka nga, hindi ka naman hinanap ng iyong tunay na pamilya. Mataas ka nga, hindi ka naman nila namimiss. Hindi ka nila hinanap, dahil hindi ka nila gusto. Siguro nga isa ka lang pagkakamali na aksidenting nagawa nang iyong mga magulang,' sabi ng isang bahagi ng isipan ni Thea, dahilan upang maluha na naman siyang muli.

Hanggang ngayon, hindi niya parin alam ang tunay niyang pagkatao.

'Sino ba talaga ako? Hearthea Lindsay nga ba ang tunay kong pangalan?' Muling tanong ni Thea sa kanyang isipan, habang tahimik parin na lumuluha.

Tinitigan na naman ni Thea sa pangatlong beses ang kanyang sarili. Ngunit sa pagkakataong ito, may galit na, at ang kanyang mga palad ay unti-unti niyang kinuyom.

Dahil sa mga bagay na pumasok sa kanyang isipan, ay parang sapilitan siyang binalik sa nakaraan. Parang bumalik siya sa gabing kinasusuklaman niya sa lahat. Ang gabing tinalikuran, kinalimutan, at iniwan siya nang lahat.

Gustuhin man niyang tuluyan nang kalimutan ang madilim niyang nakaraan, ngunit hindi niya magawa. Sapagka't hindi ito madali katulad nang pagbibilang ng isa hanggang tatlo. Kahit ibaon man niya ito sa limot, babalik at babalik parin ito, upang ipaalala na naman sa kanya nang paulit-ulit ang sakit at hapdi na naramdaman niya nang mga oras na iyon, sa edad na walong taon pa lamang.

Hilam ng mga luha at may namumulang ilong, na hinayaan ni Thea ang kanyang sarili na maglakbay muli ang kanyang isipan, pabalik sa gabing pinakasusuklaman niya sa lahat.

13 years ago...

"Keianna! Keianna, anak ko, papunta na si mama diyan. Keia, anak, please hold on, ililigtas ka ni mama!" sigaw nang isang babaing nakasuot nang kulay rosas na bestida.

Pilit siyang nagpupumiglas at ninanais na makawala sa hawak ng dalawang taong naka-itim na may malalaking katawan. Hilam ng luha ang kanyang mga mata at patuloy paring lumuluha. Ang buhok niya'y sobrang gulo na, ngunit hindi niya ito inalintana. Patuloy parin siyang nagpupumiglas, ngunit masyado siyang nanghihina upang makawala sa dalawang ito.

"Ma'am, gustuhin man naming pakawalan ka upang matulungan mo ang iyong anak, ay hindi namin magawa. Dahil masyadong delikado, ma'am. Umuusok na yong kotse at baka madamay pa po kayo, huwag nalang po kayong magpumulit ma'am," sabi nang isa sa dalawang lalaki doon sa babae, ngunit mas lalo lang itong umiyak.

"Exactly! Umuusok na yong kotse, at ilang sandali lamang ay puputok na ito. Nandoon sa loob yung anak ko, anak ko iyon. Hindi ko siya pweding pabayaan, dahil hindi ko siya ipinanganak at dinala sa mundong ito para lang mamatay!" Halos sigaw niyang sagot habang nagpupumiglas parin.

"Manong, parang-awa niyo na, pakawalan niyo na ako. Maawa naman kayo sa akin, gusto ko lang naman iligtas ang anak ko. Keianna!" Pakikiusap pang muli sa babae, at tinawag na namang muli ang anak. Ngunit parang walang narinig ang dalawa at hindi parin ito pinakawalan.

"Ma'am, mahigpit na ipinagbilin ng chairman na kailangan niyong makaabot sa pupuntahan niyo ng ligtas, kaya hindi ka namin mabibigyan sa hinihiling mo," matigas na sabi ng isa.

"Alam ko yan! At mas lalong hindi magustuhan ng chairman na pinabayaan ko lamang ang kanyang apo na kainin ng apoy!" Galit na sagot ng babae. Nagkatinginan ang dalawa, ngunit umiling naman ang isa, hudyat na hindi nila pakawalan ang babae.

"Keianna, anak ko! Ano ba, pakawalan niyo na ako! Keia! Anak! Keia, anak ko!" Patuloy niya pang sigaw kahit inakay na siya sa dalawang lalaki papalayo sa umuusok na kotse.

***
Gumalaw ang mga daliri ng bata, at unti-unting naalimputagan dahil sa ingay na naririnig niya mula sa labas. Hindi niya ito narinig ng mabuti at ang salitang klaro lamang sa kanyang tenga ay ang salitang 'anak ko'.

Nawalan siya ng malay ng mabangga ang sinasakyan nilang kotse at tumilapon ito, na napadaosdos pa pababa sa bangin. Lulan siya ng kotseng ito na kasalukuyang umuusok na.

Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata, at ang unang sumalubong sa kanya ay ang itim na kotse na halos hindi sirang-sira na. Nilibot niya ito ng tingin, at nang makitang walang tao ay doon na siya nakaramdam ng matinding takot at kaba. Napabangon siyang bigla nang maamoy niya ang pangit na amoy sa pinaghalong gasolina at oil ng sasakyan.

"Nasaan na ba ako? Anong nangyari dito?" Tanging tanong na naisatinig ni Keianna Ross, ang walong taong gulang na bata.

Itutuloy...

***
"Don't forget to vote, comment, and share."

Hanggang sa susunod na KABANATA, guys, see you in next chapter, my little Rainnedrops 🧡
God bless, everyone 💗

Pag-amping mo, kanunay 🤗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top