#3 Small world

ILANG ARAW lang siyang nagkampo sa bahay niya at iniistorbo si Lane. Well, her ex girlfriend didn't say anything. Nag e-enjoy naman daw ito sa pag-aalaga sa kanya. And of course her parents visited her. Inakala pa ng mga ito na nagkabalikan silang dalawa ni Lane.

Pero nang makita na hirap siyang maglakad, right there and then, she knew her parents had an assumption what happened to her pero hindi nalang ang mga ito nagtanong sa kanya at kay Lane.

"Hindi ka ba hinahanap non?" She asked boredly.

"Busy 'yon! Pinapaalis mo ba ako?!" Lane asked raising her voice at her.

She just shrugged and smile innocently at her. At dahil sa ilang araw siyang hindi pumapasok. Natambak ang mga kailangan niyang gawin sa opisina niya. Sumabay pa ang kapatid niya na gustong magbakasyon sila sa resort niya. She can't say no to Dylan. Marupok siya pagdating sa bunsong kapatid.

So, of course she say yes. Kaya lahat ng mga papeles na kailangan niyang i-review at pirmahan dinala niya sa resort niya. Their business were focused on resorts. Pati tuloy ang mga nagpa appointment ng meeting ay nailipat ang location. Good thing that they're willing na dumayo sa resort niya.

"A Spa e?" She asked again.

"Yes, Ma'am. You heard me right. It's not that bad to have a Spa inside the resort right? A lot of your guests might want to take a full body massage, after doing some extracurricular activities." Paliwanag sa kanya ng isang branch manager ng Noemi's Salon and Spa.

She review the files again. Napag isipan na niya ito bago pa siya makipag meet dito. The Spa is not that bad for her resort, besides marami rami din namang dayo ang nagtatanong sa reception area ng resort kung may ganoon nga silang offer. Not to mention that the effort of making the business proposal was too good.

And the profit that she will gain is not that bad. Malaki laki din ito, dahil kilala na ang may ari.

"Okay. Kailan mag start ang construction? I think I can provide the space near the cabins or sa mga rooms na nasa building? You choose." She shrugged and leaned her back to her chair.

"Well, I saw a large space in between the hotel and cabins. I think, kung doon kami... mas madali nilang makikita." The manager negotiated.

"Okay, deal. I will sign the contract right away." She smiled and stood up and offered her hand.

The manager smiled at her and accept her hand and shake it.

"Thank you, Miss Cortez. We will now take our leave."

Kumunot ang noo niya. "Oh no, you can stay for today. I'll provide a cabin for y'all. Malayo ang biyahe, take this an opportunity to explore my resort." She offered.

Nagkahiyaan pa sila sa una pero napapayag niya din ang mga ito. Deilan called one of her trusted staff, at doon niya hinabilin ang mga panauhin niya. Tumaas ang kilay niya nang biglang pumasok ang secretary niya.

"Miss, I am sorry to disturb your meeting but Mr. Casupanan is outside together with his guard's." Her secretary said. "Kanina pa siya nagpupumilit na pumasok."

"Okay, kakatapos lang namin. Let him in." Utos niya.

Prenteng umupo si Deilan sa swivel chair niya. This old geezer was pestering her for a month now, he's ruining her peaceful mood. Ilang beses na ba niya itong tinanggihan? Hindi na niya maalala.

"Miss Cortez! Goodness! Dapat ay alam ng mga tauhan mo na importante akong tao! Hindi dapat ako pinaghihintay ng ganoon katagal!" Sigaw nito nang makapasok siya sa loob ng cabin niya na nagsisilbing opisina niya.

Pasimpleng napahawak si Deilan sa tenga niya. "Mr.Casupanan. You're not that important to me, besides, may nauna sayo sa schedule ko. Matanda ka na, you should act your age."

"I don't like how you preach me, Cortez." Matalim ang tingin nito sa kanya.

Deilan laid her hand and pointed her cabin door. "Be my guest and leave." Sarkastiko siyang ngumiti sa matanda.

Tumikhim ang matanda at umayos ito ng upo. "By the way, have you decided?" Tanong nito sa kanya.

Here we go again.

Malalim na bumuntong hininga si Deilan, she picked up her pen and played with it. "Ilang beses na ba kitang tinanggihan? I said 'No' a lot of times now. Gusto mo ba na gumamit ako ng ibang lenggwahe?" Naiiritang tanong niya sa matanda.

Geez. Old and greedy business man is really a pain in her beautiful ass. Hindi niya maintindihan kung bakit pilit nitong isinisiksik ang proposal nito sa kanya. She didn't bother to review the files because first, unang page pa lang ayaw na niya. Second, she's not interested.

"Why don't you bother another company? I'm sure marami kami sa choices mo." She pointed out.

Ngumisi ang matanda sa kanya. Showing off his golden teeths, nanilaw na dahil sa kaka sigarilyo nito.

"Glad that you know I have a lot of choices. You should be thankful I choose your resort." Mayabang na sabi nito sa kanya.

Deilan massage her temple.

"Thank you?" She scoffed. "Look mister, I don't want to have a fucking casino inside my resort's. I don't care about the profits. We can survive without your casino." Madiin na sabi niya at pinupukpok pa niya ang dulo ng ballpen na hawak niya sa lamesa.

Pinukpok din nito ang tungkod na hawak sa sahig. It created a loud sound kasabay ng pagkasa ng baril. Ngumisi si Deilan sa matanda, if this old man think that she gets scared too easy. Well, she's not. She's not afraid of gun and death. She will welcome the bullet with an open arms.

"Go on, shoot me. My answer will still remain a fucking 'No'. At kahit sa Daddy ko pa ikaw lumapit, wala ding mangyayari. It's useless, old man. Just accept the fact that we don't like to have a fucking Casino inside our resort's." Madiin ang bawat salita na binibitawan niya. "Stop being a pushover." sarkastikong dagdag niya pa.

"When my sister said 'No' then it's  a no, Old man."

Tamad na sumandal si Deilan sa upuan niya. Nakasandal ang kapatid niya sa hamba ng pintuan at deretso na nakatingin sa lalaking may hawak na baril at nakatutok pa sa kanya.

"Drop that gun. Can't you see? She's not afraid." Ngumisi ang kapatid niya at umiling iling sa nakikita niya.

"The second born who knew nothing but to whore himself." The old man spat. Doon nagpantig ang tenga ni Deilan.

"Say that again and you will die in a blink of an eye. All of you." Nanggigil na sabi niya.

"What can I say? Women loves me. Unlike you, na kailangan pang magbayad pero hindi naman nakaka score. Tumatayo pa ba 'yan?" Pang-aasar ni Dylan sa matanda.

Natawa si Deilan sa sinabi ng kapatid niya. The old man gritted his teeth and motioned his guard to bring down his gun and leave. Nakahinga ng maluwag si Deilan nang makalabas ang matanda sa opisina niya.

"I deserve a price, Dei." Agad na sabi ng kapatid niya. She was shocked because this is the first time that he said that. Normally, hindi nagsasabi si Dylan sa mga gusto nito kaya kusa nalang nilang ibinibigay.

"What do you want?" Nakangiting tanong niya.

"The key to your man cave."

Agad nawala ang ngiti sa labi ni Deilan. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa kapatid. He knew that her man cave is out of the choices.

"I promise, I'll clean it after." Tumingin ito sa kanya.

Mariin na pumikit si Deilan. Her innocent man cave will be tainted by her horny brother. Ang sakit sa puso na hindi siya ang makakauna sa man cave niya. She sighed and give up. As if naman kaya niyang tanggihan ang pinakamamahal niyang kapatid. She open the cabinet below her table, bumungad sa kanya ang sandamakmak na susi. The key to her room, her car, spare keys ng mga cabin room at ang nasa pinakadulo ay ang susi ng man cave niya.

Nanginginig pa ang mga kamay niya nang kuhanin niya 'yon at ibigay sa kapatid.

"Thanks!" Dylan said and left.

Napahilot siya sa batok. Pagod siya sa kakatrabaho and she was planning to rest inside her man cave dahil walang magbabalak na puntahan siya doon.  But her plan is now gone because of her brother. How unfortunate she is?

Binuksan niya ang cellphone niya at bumungad sa kanya ang post it note na pinicture-an niya at ginawang lock screen wallpaper. Hindi na muling nagkasalubong ang landas nila pagkatapos ng gabing 'yon. And she'll be honest. Deilan can't forget that night. Maybe she's now a bisexual?

She wants to go to Alistair's bar again, para makita kung pumupunta pa rin ba ang lalaki doon. Pero hindi naman siya maka tyempo dahil sa tambak na trabaho niya, at kapag uuwi na, mas gusto niya pang matulog sa kama kung saan nila pinagsaluhan ang init ng katawan nila. She sighed and brushed her hair.

"Stop thinking about him and work! You will forgot that dick in no time! You'll see Deilan, after a month you will look for vagina. A fucking vagina!" Singhal niya sa sarili pero parang hindi naman gumagana.

Gusto niyang iumpog ang sarili baka sakaling magkaroon siya ng selective amnesia. Pero hindi rin naman niya kayang saktan ang sarili kaya wala din naman 'yong silbi.

"Fuck this!" She hissed.

KIEL WANTED TO REST pero hindi pwede dahil ang magaling niyang kaibigan, pagkatapos nitong ma embalido ng ilang linggo, may gana pa itong magbakasyon kasama ang boylet nito. Kiel bit his lower lip and focused on her work.

"Kiel, may tumatawag sa phone mo." One of his hairstylist said.

"Paki sagot, busy pa ako." He answered using his gay voice. Pero minsan ay nahahalata na siya ng mga ito, dahil bigla na lang daw nagiging manly at masyadong mapang-akit ang boses nito.

Of course, tatanggi siya. At papakainin na naman ang mga ito ng kasinungalingan at numang numa slash gasgas na niyang dahilan. Pati ang pagkilos ng mga daliri niya ay nagbago. Simula noong gabing 'yon.

"Kiel, importante daw."

"Paki sabi importante din ang ginagawa ko, I'll call them after this." Pinal na sagot niya rito.

Personal na hiniling ng customer nila na siya mismo ang mag gupit sa buhok nito. Kanina pa dapat ito tapos pero biglang nag iba ang isip nito at nagpakulay pa ng buhok. He can't say no, kahit na tamad na tamad siya ngayon. Ilang oras na niya itong inaasikaso dahil ayaw nitong magpahawak sa ibang bakla na nasa salon niya.

The woman smiled at him, pasimple pa nitong hinawakan ang kamay niya. He felt nothing. Pasimple niya nalang na iniwas ang kamay sa babae, wala 'yong nakakapaso at nakakapanindig na balahibo na naramdaman niya sa babaeng nakatalik niya ilang araw na ang nakakaraan.

"I'll be back within a minute." Paalam niya nang matapos na siyang mag-apply ng pang kulay sa buhok nito. He cleared his throat. Damn, napapadalas na yata ang pagiging natural ng boses niya.

"My phone?" Aniya sa matinis na boses.

"Sabi kasi sayo kanina importante, pwede mo nang iwan sa amin ang isang 'yan. Bakla ka! Kanina kapa chinachansing-an." Bulong nito sa kanya.

Tumawa lang siya at umiling. Tinawagan ulit niya ang isang manager sa branch na balak ulit niyang buksan. Kinakabahan pa siya dahil kilala ang resort na 'yon, and it is his first time na magbalak na mag open ng salon sa loob ng mismong resort.

[Sir.] The manager said when she accepted his call. Masigla ang boses nito kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba.

"Ano? Ano'ng balita?" Tanong kaagad niya.

[Good news, Sir! Nakuha ko 'yong magandang spot sa resort!]

Nakahinga ng maluwag si Kiel. Pinagpuyatan niya ng husto ang paggawa sa business proposal na 'yon, mabuti naman at naisipan ng may ari ng resort na tanggapin sila. Kung hindi mapipilitan siyang maghanap ng ibang resort or hotel na wala pang salon and Spa.

"Good job! Nasaan kayo ngayon? Umuwi na ba kayo?" Sunod sunod na tanong niya.

Ang alam kasi niya ay hindi lang ang manager ang nagpunta sa nasabing resort, isinama din nito ang ibang staff para maging pamilyar ang mga ito sa lugar kung sakali.

[Hindi pa po, the owner provided a cabin for us and the service is great! Hindi po ba kayo susunod dito, sir? Nakita ko ho kasi kanina yung kaibigan niyo.] Pagdaldal nito sa kanya.

"Frances?" Tanong niya.

[Yes sir! Ang gwapo nga ho nung kasama!]

"Boyfriend niya 'yon gaga!" Pabirong sigaw niya sa manager ng isang branch niya.

[Sir, sunod ho kayo dito. Promise! Mag eenjoy kayo! Maraming fafa!] Natawa siya rito.

"Sure. I'll try to meet the owner to show some gratitude. Gwapo ba?" Pabirong tanong niya rito.

[Gwapo sir, pero lesbi. Pass sayo.]

Umangat ang kilay niya. "Okay, sunod ako dyan pagkatapos ko dito."

May mga hinabilin pa siya rito bago binaba ang tawag. He continued his work again, pero mas binilisan niya ngayon. Ang boutique ni Frances hinabilin nalang sa staff nito na mapagkakatiwalaan. Even her salon, hinabilin nalang niya para makabiyahe agad siya.

"Thank you! God! Hindi ko nakilala ang sarili ko." His customer exclaimed while checking her self in the mirror.

"You're welcome." Tipid na sagot niya rito.

"Can I treat you? We can have a dinner." Nakangiti itong humarap sa kanya.

"I'm sorry, I can't. I have something important to attend." He apologetically look at his customer.

"Ganoon ba 'yan ka importante?" Kumunot ang noo ni Kiel sa tanong nito, nakarinig din siya ng pagtikhim sa mga bakla na kasama niya sa loob ng salon. He gulped and licked his lower lip. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagsunod ng mga mata ng babae sa dila niya.

"Yes. It's important. I'm sorry, and I'm gay. I don't do girls." Liar.

Gustong mailing ni Kiel sa sinabi niya. Pigs can really fly.

"We can... uh... try? Malay mo diba? After one night, maging lalaki ka na talaga."

Napatigil si Kiel sa narinig. After one night. After that night, he can feel a lot of changes in him. The way he talk, the way he walk, everything changed. Tinignan niya ng matiim ang babae na ngayon ay hindi na makatingin sa kanya ng deretso, probably she's shy about what she just said. Nakakainsulto itong pakinggan.

He smiled and pat her head. "Don't worry, I am not mad. But don't go around gays and tell them like that. Baka masabunutan ka, ikaw rin." Biro niya dito.

"I'm sorry..." The woman whispered. Agad itong naglagay ng bills sa counter at nagmamadaling umalis.

Nang tumingin siya sa mga kasama niya, umarko agad ang kilay niya. They all looked at him like he did something wrong.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito.

"Gurl! Hindi ikaw 'yan! Ibalik mo si Kiel!" Eskahaderang sigaw ng isang hairstylist niya. Kiel rolled his eyes and chuckled.

Itinuro siya ng mga ito at nanlalaki ang mga mata. "Gago! Lalaking lalaki ang tawa! Hindi na siya Mamsh! Papsh na!"

"Tado!" Singhal niya sa mga ito.

"Kiel, patungan mo ako!" Malanding sabi nito.

Inayos niya ang mga gamit na ginamit niya at inabot 'yon sa isang kasama nila na malapit sa kanya. He fixed his collar and unbutton the first three buttons.

"Sarap!" Sigaw nang isa at gumawa pa talaga ito ng popping sound.

Napailing nalang si Kiel. "Kayo na ang bahala dito. May kailangan pa akong puntahan." Habilin niya bago talikuran ang mga ito at lumabas sa salon.

Kumapit ang amoy ng pang kulay sa kanya pero hindi nalang niya pinansin. He don't have enough time to bath, medyo may kalayuan din mula sa branch ng salon niya ang resort na pupuntahan. He's been eyeing the resort for a months now, simula ng mag-open ito. Maraming mga foreigners ang dumadayo doon. At kahit tag-ulan, hindi ito nawawalan ng guests.

Nang makarating siya sa loob ng resort. Agad niyang ipinalibot doon ang tingin, the resorts beauty didn't failed to fascinate him. As usual, madami na naman tao na nakalublob ang katawan sa pool at ang iba naman ay pakalat kalat lang.

He texted Frances a while ago, pero hindi ito nagreply sa kanya. Malamang ay pagod ito at natutulog na.

"Sir!" Kumaway ang manager ng isang branch niya sa kanya, Carren.

"Carren, thanks for covering me." Agad na sabi niya nang makalapit ito sa kanya. Tumikhim siya at pilit na iniipit ang boses.

"Naku, Sir! No problem, basta ba dito ako ma assign." Biro nito sa kanya.

Kiel chuckled. "Sure." He answered without thinking twice.

Carren is a very efficient woman. Tiwala siya na hindi nito mapapabayaan ang branch ng Spa na bubuksan niya dito.

"Mag stay ka ba dito sir? Lilipat ako sa Cabin ng mga kasama ko." She offered.

Umiling siya dito. "Ah, no. Gusto ko lang talaga makita ang resort. And I want to see my friend, pero hindi ko ma contact."

"E yung may ari, Sir?" Tanong nito.

"That too. Saan ang office niya dito? I just want to thank her." He smiled warmly.

"Sir, kayo ah? Huwag kayong ngumiti sa akin ng ganyan naku! Nakakalaglag ng panty!" Pabirong sabi ni Carren. Kiel laughed at her.

Pabiro itong kumindat sa babae. "Ingat ka." Biro niya.

"Kung hindi ko lang talaga alam na lalaki din ang bet mo, Sir. Matagal na kitang itinali!" Carren laughed when he made a vomiting sound. "Tama na nga ang biruan, Sir! Baka seryosohin ko lalo at ang gwapo niyo sa japorms niyo ngayon!"

Kiel looked at his clothes. Simpleng button down shirt, at naka roll ang sleeves nito hanggang sa siko niya, naka tucked in ito sa suot niyang pantalon at pinaresan lang niya ng Nike na sapatos.

Carren lead the way towards the resort owner office. Kahit gabi na ay walang kasing liwanag ang resort, even the sounds were loud. Sementado ang daan malapit sa mga swimming pools, pero ang daan papunta sa wave pool ay buhangin. Hindi siya sigurado kung anong klaseng buhangin ang ginamit pero mukhang hindi ito ordinaryo.

Carren smiled at the woman in front desk, nagliligpit na ito ng gamit nang makita nila. Mukhang tapos na ang trabaho.

"Yes? May problema ba sa Cabin niyo?" Agad na tanong nito.

Carren shake her head. "This is my boss, gusto lang niya makita ang may-ari."

The woman eyed him from head to toe. Her cheeks turned red in an instant. Hindi maiwasan ni Kiel ang matawa dahil sa reaction nito. Hindi man ganoon ka ganda ang katawan niya, but his face was enough to make woman fall in his hand. Even a man.

The woman knocked on the door and step inside. Ilang segundo lang ang hinintay nila at agad din itong lumabas.

"Pasok daw po kayo, Sir." She said and smiled at him.

"Sir? Text or tawag ka nalang po kapag tapos na kayo, dinner lang po kami. Gusto namin i try yung seafood restaurant nila dito." Paalam sa kanya ni Carren.

Kiel just nod his head. Nakapamulsa siyang pumasok sa loob ng opisina nang may-ari. His eye brows shot up when he saw the inside. It looks like a house to him. He jumped a little when a woman popped up out of nowhere. Naka bathrobe lang ito at basa pa ang maiksi nitong buhok. The water was slowly dripping down to her neck and chest. May dala itong wine glass at isang bote ng wine. Napalunok si Kiel nang makita ang mukha nito.

She was smirking at him. "What a small world. Kiel." She uttered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top