SPECIAL CHAPTER 4

Special chapter 4: Happy ending

"MIC test, mic test-" Napapitlag pa ako sa gulat. Hinaplos naman ni Michael ang balikat ko.

"You okay, baby?" malambing na tanong niya. Tumango ako.

"Yes," nakangiting sagot ko at humilig ako sa balikat niya. Hinalikan niya ang sentido ko at tumingin naman ako sa stage kung saan nagsasalita ang uncle niya. Si Uncle Godfrey.

"Good morning, everyone. I will be the first to greet a happy mother's day to the first woman I ever loved. Mom, thank you for taking care of me and my big brothers. Thank you for your endless support and reminding things. I love you so much, Mom. You are the best mother I have ever known and for my dearest wife. You may not be the first woman in my life but you are the one I love the most. Thank you for giving me a joy to my life. I love you, so much, wife. To the Brilliantes women, I salute you for hiding my grandchildren-" He chuckled at inilingan siya ng mga pamangkin niya. "Kidding aside, guys. Thank you for the love you gave to my nephews no matter how hurt you were before because of them. You chose to risk again for your children's lives, you chose what was right for them and why they deserve. Thank you for loving and caring for your children. May you live happily, freely, away from sickness and may you be given the strength to give guidance to your children. To the beautiful wives of the Brilliantes clan, Happy Mother's Day to all of you," mahabang speech ni Uncle Godfrey na pumiyok pa ang boses niya.

We clapped in unison at nakita ko na lang ang kasamahan namin na nagpasa-pasa ng isang tangkang ng rosas.

"This is so great. Thank you, so much," masayang sabi ko.

Kung ilan silang mga Brilliantes ay iyon din ang bilang ng nakuha naming tangkay ng iba't ibang bulaklak.

Sobrang kasiyahan ang nararamdaman naming lahat at ang iba ay umiiyak na sa balikat ng mga asawa nila.

"Happy mother's day, Mommy!" sabay na bati sa akin ng mga anak ko. Hinalikan ko sila pareho sa pisngi.

"Thank you, sweetheart."

We shared greetings bago kami bumalik sa seats namin at may servants na ang nag-serve sa amin ng breakfast. Ang mas nakatutuwa ay ang nasa malaking TV kung saan ipinakilala ang mga litrato namin and videos.

We don't have any idea na palihim na pala kaming kinukuhanan ng pictures and videos. Pero sa halip na mainis ay natawa lang kami. Siyempre hindi na nawala ang pang-aasar.

Ganito pala talaga ang maging masaya and super masaya talaga kapag marami kayo.

Tinawagan ko naman sina mommy, tita, my cousin and sisters-in-laws to greet them too.

Dumating ang nag-iisang babae at bunso ng Brilliantes clan kasama ang family nito. Kaya kompleto talaga kaming lahat.




***
"GO, NOVY!"

"Yes! Panalo na ang golden team!"

"Haist!" My daughter hissed nang marinig ang sigawan ng mga fans ng mommy niya at kulang na lang ay sigawan niya ang mga ito. Naiintindihan ko si Eceniia, dahil talagang nakabibingi ang sigawan at tilian nila. Pero para iyon sa mommy nila.

Gumaling na nga nang tuluyan ang asawa ko at nagawa na niyang maglaro ulit ng tennis. Na isa pa noong sinubukan niya ring sumali sa competition ay third runner-up lang siya pero sa mga sumunod ay naging champion na naman siya. Hanggang sa sunod-sunod na nga ang pagkapanalo niya.

"Yes, that's my Mom!"

"Love you, Mommy!"

Pati ang dalawang anak kong lalaki ay nakasali na rin at nang bumaba ang tingin ko sa nag-iisa kong anak na babae ay umikot lang ang mga mata niya. Ibinalik ko sa tainga niya ang headphone niya na sinadya kong bilhin.

Ayaw niya sa maingay at maiksi ang pisi ng pasensiya niya. Nakuha na nga niya ang ugali ng mommy niya na palaging grumpy at matalim ang mga mata nito kapag napatingin sa kung saan-saan.

"Daddy, super ingay naman po nila," sumbong nito sa akin. Ngumiti ako at humalik sa tuktok ng ulo niya.

Kinuha ko mula sa dala naming backpack ang towel niya at pinunasan ang pawis niya sa noo pababa sa kanyang leeg. She's already seven years old at gusto niya palagi ang bini-baby. Ang bunso namin ay three years old pa. While Lenoah ay ten years old na siya. Ilang taon na lamang ay magbibinata na nga ang panganay ko.

Hindi pa ako handa para maging ganap na binata na siya. Dahil mas gusto ko pa rin ang bata siya na inalagaan namin pero wala. Ang bilis lumaki ng mga bata.

"I told you kapag ayaw mo ay roon ka na lang sa mga pinsan mo," sabi ko.

"But gusto ko pong makita ang mommy ko, Daddy," she reasoned out and pouted her lips. Hinalikan ko iyon at dinala ko sa dibdib ko ang ulo niya sabay na inayos ang headphone niya. I rubbed her back.

Nasa gitna namin ni Lenoah ang nakababatang kapatid niya na mukhang nagmana rin yata sa 'kin dahil ang haba rin ng pasensiya ng isang bubwit na 'yan.

Napatayo na ang mga tao nang mag-announce na kung sino ang nanalo. Bago ko pa man mapigilan ang dalawang anak ko ay mabilis na silang tumakbo para lapitan ang mommy nila. Hawak ni Lenoah sa kamay si Raze. Napahawak ako sa batok ko. Palaging excited.

Tumayo na rin ako at sinukbit ko ang backpack sa balikat ko. Binuhat ko na si Eceniia at lumapit na rin kami. Nakaluhod na si Novy para mayakap ang mga anak namin.

"Congrats, Mommy babe!"

"Yay! Congrats, Mommy ko!"

Ibinaba ko si Eceniia at dahan-dahan na siyang lumapit sa kanyang ina. Nang makita siya nito ay naglahad agad ng mga braso at tumalon-talon pa siya.

"Congratulations, Mommy."

"Thank you, sweetheart. Kahit na mukhang badtrip ka. Siguro ay naingayan ka na naman," she said. I approached her and hugged my wife. I kissed her cheek.

"Congrats, baby."

"I smells bad, baby," sabi niya na inilingan ko lang.

"You smell so good, wife." She rolled her eyes at ako na ang nagpababa kay Eceniia dahil may kabigatan na siya. Humawak na lang ito sa kamay namin ng mommy niya.

"Bola. Okay, my boys. Nanalo na naman ang mommy niyo. So, saan tayo pupunta to celebrate?" malambing na tanong niya sa aming mga anak.

Si Lenoah ay mukhang nag-iisip pa at tumitig lang si Raze sa kuya niya. Si Eceniia ay walang pakialam at nanatiling tahimik lang.

"Uhm... What about hiking together with daddy's friends, Mom?!" excited na tanong nito.

My wife chuckled. "Kung ikaw ay kaya mong umakyat ng bundok, babe. But your sister and brother. Nah..." She shook her head.

"Mom, let's go hiking po." Nagsalita na ang nag-iisa naming prinsesa. Tumingin sa akin ang asawa ko.

"Ikaw na naman ang kawawa, Engineer. Tiyak na unang mapapagod ang unica hija mo," sabi niya sabay turo sa anak namin. Mahinang humalakhak na lamang ako.

"That's okay, baby. Kaya ko naman silang buhatin kahit dalawa pa sila," sabi ko lang. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay at umirap din sa huli.

"Mag-s-shower muna ako and... Hey, Kalezy! Congratulations!"

Okay na nga ang relasyon nila ni Kalezy. Nagawa niyang patawarin ang babae. She's kind-hearted at lahat ng mga taong nagkasala sa kanya ay nagagawa niyang patawarin. Kaya mas lalo ko siyang minahal sa mga nakalipas na tao at mamahalin ko pa habang-buhay.

"Thank you po, Coach Novy!" Ngumiti sa akin ang babae na tinanguan ko lang.

Kung ikaw man ay nagkasala at maraming nakaaalam iyon ay huwag mong hayaan na malugmok ka sa kalungkutan. Kung siningil ka man ng karma mo ay labanan mo at puwede kang magsimula ulit ng panibagong buhay.

Hindi iyong habang-buhay na wala kang gagawin para sa ikabubuti ng sarili mo at huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa 'yo ng taong nagawan mo ng atraso.

"Let's go hiking. Tell your best friends about that," my wife said and I nodded.

Sa ngayon, hanggang dito na muna kami pero ang buhay namin ay patuloy pa rin sa pag-usad. Sa uulitin.

WAKAS

A/N: Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa at pagsusubaybay hanggang sa dulo ng kuwentong ito. Kung wala po kayo ay hindi ito matatapos agad. Hehe.

Love you, dudes! Kitakits naman tayo kay Miko!

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) officially signing off...

Date finished: May 12, 2024

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top