SPECIAL CHAPTER 1
Special chapter 1: Report & Jealous
MICHAEL’S POV
MALAKAS na bumukas ang pintuan ng opisina ko nang pumasok ang mga pinsan ko. May ngisi sa mga labi ang mga ito. Sumunod din na pumasok si Kuya Mergus. Nakapagtataka na sabay-sabay pa silang dumalaw rito sa akin. Pero hindi ko nagustuhan ang mga ngisi nila na gusto kong burahin.
Naka-suit silang lahat na alam kong kagagaling lang nila sa trabaho nila.
“Engineer Michael!” Nagsalubong lang ang kilay ko.
“What are you doing here?” I asked them. It was Daziel, Jemelion, Briell and Zeland.
“Ang ganda ng picture ng mag-ina mo!” sigaw ni Daziel sabay upo sa visitor’s chair at ipinakita niya sa ’kin ang screen ng cellphone niya.
“They looks like a happy family,” Jemelion uttered.
Naningkit pa ang mga mata ko at wala sa sariling inagaw iyon sa kanya. Umigting ang panga ko sa nakita na litrato nga iyon ng mag-ina ko kasama nila ang lalaking nakita ko kanina. Isa siyang photographer. Paano ko nalaman? Of course, halatang-halata iyon sa postura niya. Naalala ko ang pangyayari kanina sa court.
***
Kumuyom ang kamao ko nang makita ko ang paglapit ng lalaking iyon sa kinaroroonan ng mag-ina ko. May dala siyang DSLR camera na nasa leeg niya. Base pa lang sa hitsura niya ay alam kong isa siyang photographer.
Gusto ko tuloy lapitan sila pero alam ko naman na wala akong karapatan para gawin iyon.
Baka kung ano pa ang isipin ng iba. Alam nila na matagal na kaming wala ni Novy at may bago na akong girlfriend na minsan ay kinaiinisan ko pang makasama. Napipilitan lang naman ako at hindi ako komportable sa presensiya ng babae.
“Babe, are you alright?” tanong sa akin ng babae na agad kong tinabig ang kamay niya nang hawakan niya ako sa braso.
“Don’t touch me,” walang emosyon na sabi ko.
“M-Michael, may problema—”
“I told you not to touch me,” mariin saad ko. Pasalamat siya ay hindi ako sumigaw. I stood up at basta na lamang akong umalis doon.
“Michael!” she called me. Mabilis akong nakaramdam ng iritasyon sa babae dahil sa pagsunod niya. “Babe! Wait up!”
Malalaki ang bawat hakbang ko para hindi na niya ako masundan pa at hindi naman ako nabigo. Pagsakay ko sa kotse ko ay mabilis kong pinaharurot ito sa kung saan.
Mahigpit ang hawak ko sa manibela kaya naglalabasan ang mga ugat ko sa braso. Maraming beses kong hinampas ito at napasabunot sa aking buhok. Bayolente ang pagtaas-baba ng dibdib ko at nararamdaman ko rin ang pagsikip nito. Hindi ako bumalik hangga’t hindi ako nagiging kalmado.
Pagbalik ko ay abala na ulit sila sa pag-p-practice at nakita ko ang anak ko na masayang nakikipaglaro sa lalaking iyon.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na naglalakad palapit sa kanila at nang makita ako ni Lenoah ay napatayo siya and ran towards me.
“Daddy!” masayang tawag niya sa akin. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at pumungay ang mga mata ko nang pagmasdan ko siya.
Kinarga ko agad siya at hinalikan sa sentido. Hindi na ako nagpaalam pa sa lalaking iyon na kukunin ko si Lenoah dahil hindi naman siya importante. Iyon nga lang ay ang aking anak mismo ang nagpaalam. Masyado siyang mabait at magalang na bata.
Dinala ko siya sa kabilang bleachers at bumalik na rin sa puwesto ko kanina. Nandoon pa ang dala kong backpack. May gamit ako roon para sa kanya.
Umupo ako at kinandong ko na lang din siya. Nang mapansin ko na basa na ang towel sa likuran niya ay tinanggal ko iyon para palitan ito ng bago.
“Are you hungry, my son?” I asked him softly. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
“Kumain po kami kanina ng pizza ni Uncle Wayne, Daddy. But I’m thirsty po,” he said and I nodded.
Pagkatapos kong palitan ang nasa likod niya ay inilabas ko ang tumbler na may laman na tubig. Binuksan ko na muna ito and I guided him to drink.
Mickee Lenoah, gustong-gusto ko ang pangalan niya dahil magkatunog iyon sa pangalan kong ‘Michael’ at ang isa pa sa ikinagulat ko ay dala-dala na pala niya ang pangalan ng pamilya ko.
Three years old pa lamang siya pero ganito na kataas nang pananalita niya, and I’m so proud of him.
“Who is he, son?” I asked him.
“Sino po, Daddy?” inosenteng tanong niya at kinuha ko na ang tumbler. Ipinatong ko ito sa tabi ko.
“That man. Who is he?”
“It’s Uncle Wayne po. Photographer po siya and a new friend of my mommy,” he answered.
“Bakit uncle ang tawag mo sa kanya? Son, hindi mo pa siya gaano kakilala,” sabi ko na tinanguan naman niya.
“But he’s kind po. Happy sa kanya ang mommy ko, Dad.” I just nodded at hinalikan ko ang noo niya saka ko siya niyakap nang mahigpit.
“I love you,” I whispered.
“I love you too, Dad.”
***
“What’s your plan, pinsan? Hahayaan mo na ba ang lalaking ito na maagaw ang mag-ina mo?” tanong ni Daziel. Napabalik tuloy ako sa realidad.
Ibinalik ko na sa kanya ang phone niya dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
If I lose my temper ay kawawa ang cellphone niya kahit kaya ko pang palitan iyon.
“Lenoah is my son and I’m already taken,” walang emosyon na sabi ko lang at pilit kong ibinalik ang atensyon ko sa pagtatrabaho pero humigpit lang ang hawak ko sa papel. Kulang na lang ay punitin ko na rin dahil sa sobrang inis.
“Jerk,” narinig kong sambit ng kuya ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.
“Wala ka talagang gagawin para mabawi si Ms. Novy, pinsan?” Zeland sale.
I shook my head and answered, “Wala.”
“Asshole,” Kuya Mergus blurted out.
“Kung sabagay, takot pala tayong ma-disappoint si Grandpa pero ibang usapan na kung sarili na nating pamilya, Michael. Magpakalalaki ka naman, pinsan,” Jemelion uttered.
“I don’t want to mess up with her, not again,” I said.
“Moron.” I cleared my throat. Lahat ng katagang lumalabas mula sa bibig ko ay may sinasabi talaga ang nakatatandang kapatid ko. Alam kong galit siya at muntik na nga rin niya akong mabugbog.
“Alam mo naman na maiintindihan ka pa rin ni Grandpa, Michael. Subukan mo naman,” Briell said. I sighed at magsasalita pa sana ako nang mapatingin na ako kay Kuya Mergus. Pinagtaasan pa niya ako kilay.
“Wala akong kapatid na duwag at tanga,” mariin na saad niya at bigla na lang siya tumayo saka lumabas ng opisina ko.
Kahit ano pa ang sabihin ng mga pinsan ko ay hindi nila ako mapipilit sa gusto nika. Inaamin ko na lahat nang sinabi ng kapatid ko ay totoo iyon. Kaya nagpaalam na lang sila sa akin at alam kong disappointed sila.
Muli ko ring naalala ang pangyayari bago kami umalis.
***
Nasa loob ng locker si Novy kaya kaming dalawa ni Lenoah ang naghintay. Nagalit pa ang babae nang sinabi kong ihahatid ko ang anak ko. Alam niyang hindi niya ako mapipilit sa gusto niya. Pinakisamahan ko lang siya dahil sa lolo ko.
“Dad, may lakad po kami later ng girlfriend ko,” my son stated and I knew he was referring to his mother.
“Yeah? Where is it?” I asked him.
“Maybe it’s a date po!” he replied. I clinched my jaw.
“Tell your mom that we have a family dinner tonight, with your great grandparents, anak and of course, kasama siya,” I told him. Kaya nang lumabas ang mommy niya ay agad niyang sinabi rito.
“Babe, sabi po ni Daddy ay may family dinner tayo kasama sina Great Grandpa and Grandma!” he said. Halata sa boses niya ang kasiyahan.
Napatingin pa sa akin ni Novy. Hindi ako nagpakita ng kahit na ano’ng emosyon sa mukha ko.
“Are you sure na kasama ako, anak ko?” narinig kong tanong niya sa mahinang boses.
“Yes po! He said kasama ka, Mommy,” sabi pa nito at marahan niyang pinisil ang matambok nitong pisngi.
“Hindi kami makararating ni Lenoah. May naka-appoint na kaming dinner,” walang emosyon na sabi niya. I don’t like that.
“With that guy? Sa tingin mo ba ay hahayaan kong sumama si Lenoah sa inyo? Sasama na sa akin ang anak ko at kung gusto mo ay ikaw na lang,” malamig na saad ko. Ang dalawa kamay niya ay nakatakpan na sa tainga ng anak namin.
“Wala kang pakialam kung isasama ko ang anak ko, Engineer, and besides. Hindi ako parte ng pamilya niyo para um-attend pa sa family dinner niyo,” she fired back. Mas lalo akong nagalit.
“My son,” tawag ko sa anak ko.
“Ask him he want to be with you,” she said firmly.
“What is it, babe? Nag-f-fight ba kayo ni Daddy?” inosenteng tanong nito sa kanya.
“You know that we’re not in good terms, baby,” she answered.
“Come on, son. Uuwi na tayo,” pag-aaya ko pero mabilis niya akong tinanggihan.
“I am fine with Mommy, Dad. Uncle Wayne treat us for dinner and sasama po ako sa kanila.”
“But we have a family dinner tonight,” giit pa niya.
“We can cancel naman po, kasi marami tayong time, a lot of time na mag-dinner, right? Besides, rude po kapag tatanggihan natin ang invitation ng isang tao. Mabait naman po siya. No worries, Dad. I will take care of my mom,” he said.
“Mickee Lenoah.” Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na sambitin ang pangalan niyang may awtoridad sa tinig ko.
“Don’t use that tone to my son, Michael,” she warned me. Marahas na napabuga na lamang ako ng hangin at tumalikod na ako.
“Take care po, Daddy!” pahabol na paalala sa akin ni Lenoah. Hindi niya talaga ako pipiliin.
Kinulit ko si Grandpa na mag-announce ng family dinner pero ang sabi niya lang ay pupunta si Grandma sa hotel para dalawin doon sina Novy at Lenoah.
Alam kong mapapahiya na ako sa puntong iyon dahil wala namang family dinner at malalaman ni Novy na gumagawa lang ako ng alibi.
But on second thought ay hindi na ako masyadong mag-aalala pa dahil kasama naman nila ang lola ko. Naghintay na lang kami ni Grandpa na matapos ang dinner ng apat.
Nang makita namin na nasa labas na rin ang mga taong kanina pa naming hinihintay ay mabilis ko ring nai-park ang kotse ko kasunod ng sasakyan ni Grandpa.
Buhat-buhat ni Novy ang anak namin na mukhang nakatulog na siya kaya naglakad ako patungo sa kanila. Maingat kong kinuha si Lenoah mula sa kanya saka ko siya dinala sa kotse. Ikinabit ko ang seatbelt sa maliit niyang katawan.
Naalimpungatan pa siya nang hinalikan ko siya siya sa ibabaw ng ulo niya.
“D-Daddy...” Ngumiti siya at namumungay ang mga mata.
“We’re going home, son.” Marahan lang siyang tumango.
Mukhang walang balak umalis sa kinatatayuan nito ang mommy niya kaya nagsalita na ako.
“Let’s go home, Novy.” Bukas na ang pintuan sa passenger’s seat.
“Kay Wayne—”
“I said let’s go home,” putol ko sa sasabihin niya.
“Sige na. Novy, sumama ka na. Alam kong pagod ka na rin. Nag-p-practice ka kanina. You need to rest. So... See you tomorrow?” narinig kong sabi ng lalaki.
“Pupunta ka ulit bukas?” she asked the guy.
“Of course, kampi ako sa team mo.”
“Wow—” I cleared my throat na sinadya kong lakasan para makuha ang atensyon niya. “See you tomorrow then, Wayne. Ingat ka sa pagmamaneho mo.” Tsk. Namumuro na siya.
I gritted my teeth when I saw her dress. Hapit iyon sa maganda niyang katawan. Nag-ayos talaga siya para sa gabing ito, ha?
Habang nasa biyahe na kami ay nagsalita siya. “Are you okay there, my boy?”
“I am good, babe,” sagot ni Lenoah. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang endearment nila na minsan ay pinagseselosan ko dahil ang close nila sa isa’t isa.
Samantalang ako ay mukang malayo pa ang loob ng aking anak. Na mukhang mahihirapan pa ako kaya ayokong mapalapit si Lenoah sa lalaking iyon.
“Hindi ito ang daan pabalik sa hotel, Michael. Where did you taking us?” she asked coldly when she notice na ibang direksyon ang dinadaanan namin.
“I’m taking my son to my condo,” I answered.
“Ibaba mo na lang ako malapit sa grocery store,” sabi niya lang pero hindi ko siya pinansin. I’m taking to my condo too kaya lang nagalit agad siya. “Engineer Michael.”
Nakababa na kaming dalawa kaya nagagawa na niyang sumigaw, ang kaso lang ay pumara siya ng taxi kaya mabilis ko siyang hinabol.
“Ihahatid kita sa hotel kapag nasa condo ko na si Lenoah,” I uttered. As if gagawin ko pa iyan.
“Eh, ’di sana ako muna ang hinatid mo bago ang anak mo!” I held her hand at pilit niya itong binabawi pero humigpit lang ang hawak ko sa kanya. “Tapos iiwan mo siya ng mag-isa sa condo? O kasama mo ang babae mo?”
What the fvck is that? Hindi ko naman dinadala rito ang babae. Ano ba iyang pinagsasabi niya?
“M-Mommy?”
“Come here, son. Umuwi na tayo sa hotel.” Sa isang utos niya lang ay mabilis na siyang sinunod ng anak namin.
“Novy.” Hinuli ko ang siko niya at nagprotesta siya.
“Second chance. Second chance lang ang gusto ko para mabuo ang pamilyang ito, Michael. Pero ikaw mismo ang may ayaw ng lahat ng ito. Alam mong wala kang laban sa akin pagdating sa anak natin. Kayang-kaya ko siyang ilayo mula sa iyo. Isang salita ko lang ay sumusunod na siya hindi dahil takot siya sa akin. Kumpara sa ’yo ay mas takot pa ang anak mo na mawala ako. Ikaw ay kayang-kaya mo akong bitawan pero siya? Ang laki ng pagkakaiba nito ng anak ko, Michael.” I sighed at pinaalis ko na ang taxi. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” sigaw niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.
“You are invited sa party after the competition. Malalaman mo ang isasagot ko sa gusto mo, Novy,” I told her at tinalikuran ko na siya.
“Daddy?” tawag sa akin ni Lenoah.
“Wala ka talagang kuwentang tao na kahit mag-ina mo ay basta mo na lang tatalikuran!” Parang gusto ko na tuloy suntukin ang sarili ko sa sinabi niya. Yeah right. Wala nga akong kuwentang tao.
“Ihahatid ko kayo kaya babalik ako sa kotse!” sigaw ko rin pabalik.
***
Hinatid ko rin sila kahit labag sa loob ko pero hanggang sa pag-uwi ko sa condo ko ay hindi pa rin ako mapakali sa litrato na iyon. Naghalo-halo ang inis ko dahil sa ginawa ko kanina. Hanggang sa nagbukas na ako ng social media ko na bihira ko lang gamitin pero nang maghiwalay kami ni Novy ay minsan ko siyang hinanap sa Facebook account. Pati page niya ay nahanap ko pero ni isa ay walang new update status niya.
I typed the man’s name in the research bar. Wayne Salvacion. It’s good na nabasa ko ang may-ari ng account na iyon at natandaan ko agad ang pangalan.
Dumiin na ang hawak ko sa cellphone ko nang makita ko ulit ito. Ang ganda pa ng ngiti ni Novy rito at higit na ang ngiti ng lalaking ito. Ang suwerte naman ng gagóng ito.
Bigla ko na lang naisip na i-report ang profile niya. Marami siyang followers but I don’t care anymore. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nawala na ang profile niya pero ang tang-ina ay ibinalik pa rin iyon kaya nag-private message na ako sa kanya para burahin na niya iyon pero hindi niya ginawa kaya natuluyan na na-report ko na rin mismo pati ang Facebook account niya.
Hindi na rin naman niya makikita kung sino ang nag-message sa kanya dahil mabilis ko siyang na-block. I just save their pictures na hindi siya kasama, of course.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top