CHAPTER 9

Chapter 9: Coach Novy

THAT night ay hiningi ni Engineer Michael ang phone number ko. Hindi naman ako nag-inarte pa at ibinigay ko rin sa kanya. Akala ko nga ay tatawag siya or may ma-r-receive akong text message from him but no.

Naghintay lang pala ako sa wala tapos in the next day ay nalaman ko na lang na bumalik na sila sa Philippines. Super ang nararamdaman kong inis. First time ko pa namang kiligin sa lalaking iyon tapos uuwi lang pala siya na hindi magpapaalam sa akin?! Ano’ng klaseng fiancé ba siya?!

God!

***

“Ninang, tinatanggap ko na po ang maging temporary coach. Hanggang kailan po ’yon?” tanong ko sa ninang ko at napahinto pa siya sa pag-inom niya ng tubig.

Bumalik na kami sa hotel after ng birthday ni Dad and currently kumakain kami ng breakfast dito sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin.

“Are you sure about that, Novy?” I nodded.

“Okay lang naman po sa inyo na magpaiwan ako here, Tita Mommy?” I asked my aunt. Siya naman ang napatango.

“Of course, sweetheart. But I can stay with you naman if matatagalan ka. Alam ko na ayaw mo talaga sa country na ito dahil nandito ang family ng Daddy mo,” aniya.

“No, Mom. Sabay-sabay na po kayong umuwi and I can handle myself po,” sabi ko at binalingan ko ulit ang ninang ko. “Ilang days po ba iyon, Ninang?”

“One or two weeks lang naman,” sagot niya.

“Sabihin ninyo na po ang friend mong coach. Count me in po,” ani ko.

***

Maingay sa gymnasium nang makarating kami ni Ninang Avemn. Maraming tennis players ang nagpa-practice at nakikita ko naman na dedicated silang lahat sa paglalaro nila. Iyon nga lang ay puro foreigner sila. Hayst.

Hindi ko masasabi na kung maganda ba ang panahon ngayon dahil maulap siya. Pero mukhang hindi namang magbabadya ang malakas na ulan.

“Hey, Avemn!” tawag ng isang matangkad na babae and base pa lamang sa suot niya ay alam ko na kung sino siya. Naka-black jogging pants siya and white sports bra with her navy green varsity jacket.

Patakbong lumapit siya sa amin at makikita sa looks niya ang happiness na makita ang ninang ko.

“Coach Daisy!” masaya ring tawag ni Ninang Avemn sa babae. Maganda rin ito at skinny rin ang body niya.

“How are you?” tanong ni Coach Daisy at nagyakapan pa sila bago humalik sa cheeks ng isa’t isa.

“I’m fine. How about you? How are you teaching your tennis players?” Ninang asked her.

“I can say that it’s good but just a little more practice so they can compete in the competition in the next two months. Tho, they are just beginners,” she answered and shrugged her shoulder.

“So I’m with my inaanak. Novy Marie,” aniya at napatingin na ito sa akin na may pagkamangha sa face niya.

“Hi, Novy. Nice to see you today. I often watch you at the Olympics games and you’re really amazing,” she said and because she’s a friend of my godmother I won’t be a snob now.

“Thank you very much but I know that I am not in the level of my coach,” I saw that my godmother laughed at. Totoo kasi na wala pa ako sa kalingkingan ng ninang ko. Mas mahusay pa rin siya sa larangan na ito.

“That’s not true, Coach Daisy. Looks like she’s better than me,” natatawang sabi niya at inakbayan pa niya ako.

“Anyway, thank you for accepting my invitation to be a coach of my tennis players even if it’s just temporary,” sambit naman niya na nginitian ko ng tipid.

“We don’t have an invitation yet or my coach plans to compete in the competition so even if I stay here for a few weeks, Coach Daisy. It’s okay,” ani ko naman.

“That’s a good one. I’m excited to work with you and I hope my players will learn a lot,” saad pa niya.

“Thank you for the trust,” I told her.

“Come let me introduce you to my players.” Hinila pa niya kami ni Ninang Avemn para dalhin sa may gitna. “Everyone, come closer here. I just want to introduce you to the two ladies beside me right now. This is Coach Avemn, you know her because she is also one of my former team champions in the olympics games, and the one on my left side is Novy Marie, she’s more famous because she’s an international athlete, several trophies and gold medals she brought to their country. She is a champion in the olympics games and she will be your coach interim. I hope you will learn a lot from her and her techniques in playing,” mahabang saad niya na may compliment pa talaga.

Makikita naman sa mga mukha nila ang pagkamangha lalo na nang makita na nila kami ni ninang. Ang iba ay parang teenager pa nga.

“Actually, I really don’t have techniques. You just hit the ball with timing. That’s all,” sabi ko na parang napaka-basic lang na gawin iyon.

“This? The great tennis player becomes more humble,” Coach Daisy blurted out. I shrugged my shoulder.

***

Nag-aalangan pa nga na iwan ako ni Tita Mommy pero ni-assure ko naman na magiging okay rin ako here. Uuwi naman ako after... Hmm, hindi pa ako sure if when ako uuwi.

Iniwan pa sa akin ni Mommy ang black card niya pero hindi ko iyon gagamitin dahil uuwi ako sa mansion ni Dad.

Pabagsak kong ibinaba ang traveling bag ko sa carpeted floor ko at nanlaki naman ang eyes ng stepmother ko.

“Hi po, wife ni Dad,” bati ko at gumuhit agad sa mukha niya ang inis. Hindi na maipinta pa ang reaction niya.

“Ate Novy?” tawag sa akin ng nakababatang kapatid ko na si Primo. 23 years old na siya. According to my tita ay paunti-unti na siyang tinuruan ni Dad na mag-handle ng business company nila. Wala naman akong cares about that. Minsan na akong pinilit ni Daddy sa business na iyon pero tinanggihan ko pa rin naman.

Dahil sa excitement ng kapatid ko ay lumapit siya sa akin para lang yakapin ako. Nakatingin sa amin ang Mommy Helleya niya at gusto ko lang siyang asarin kaya ang ginawa ko rin ay sinalubong ko nang mahigpit na yakap ang brother ko.

Kinapitan ko pa ito sa leeg niya since mas matangkad kasi ito kaysa sa akin, eh. Ganoon talaga ang mga height ng mga lalaki. I kissed on his left cheek na ikinagulat pa niya. Mabilis na namula ang pisngi niya. Narinig ko ang pagsinghap ng kanyang ina.

Inayos ko ang necktie ng kapatid ko at saka ko pinagpagan ang coat niya.

“Dito ka mag-s-stay, Ate?” tanong nito sa akin.

“Yup,” tipid na sagot ko lamang. “Now go to your work na,” ani ko.

“Ate Novy?!” Ganito talaga ang reaction nila kapag nakikita ako. Kasi once in a blue moon lang talaga nila ako nakikita sa mansion nila. Because alam din nila na pinakaayaw kong pumunta rito at lalo na ang mag-stay but now, kusa talaga akong pumunta rito.

“Hello, Lemery,” I greeted him. Patakbo siyang lumapit sa akin. He’s 15 years old and junior high school pa lamang siya. Ewan ko kung saan sila nagmana dahil kahit ayaw ko pa sa kanila ay sinubukan pa rin nila na makuha ang loob ko.

Wala naman talaga akong hinanakit sa kanila dahil wala silang fault sa ginawa ng daddy namin sa akin. But I can’t stand na makita sila kasi baka ma-insecure pa ako. Because complete family ang mayroon sila. Samantalang ako ay si Tita Mommy lang ang nag-aalaga sa akin.

Niyakap ko ang braso niya. Isa pang matangkad na ito, eh. Baka sa height ay kay Dad sila nagmana.

“You’re so plastic, Novy. Cut if off at huwag mong idamay ang mga anak ko,” malamig na saad niya.

“Mom, please be kind to her. She’s my sister,” pagtatanggol sa akin ni Primo. May natitira pa naman akong respect sa kanya kaya hindi ko ginawa na pandilatan siya pero sinamaan niya nang tingin ang panganay niyang anak.

“At ano naman ang ginagawa mo rito, Novy?” tanong pa niya.

“Wife ka lang ng daddy ko at bakit mo na ako pinagbabawalan na pumunta rito, ha?” tanong ko sa kanya. “Kung ayaw mo pala na nandito ako ay puwedeng ikaw ang umalis.”

“Wala ka talagang manners kahit na kailan. Napaka-spoiled brat mo.” I shrugged my shoulder.

“Sige na, little brothers. Ingat kayo sa biyahe ninyo,” pagtataboy ko sa dalawang kapatid ko na nakadikit na sa akin. Noong bata pa sila ay ganito na talaga sila sa akin. Ako lang talaga ang lumalayo sa kanila kasi ayokong maging close kami.

“Ako na po ang magdadala ng luggage mo sa room mo, Ate!” excited na sabi pa ni Lemery.

“Ilang araw ka rito, Ate?” Primo asked me.

“Depende sa attitude ng Mommy mo,” sagot ko na mabilis niyang nilingon ang kanyang ina. Halos matawa ako sa nakita kong reaction niya. Malakas ako sa mga anak niya, eh.

“Please, Mom. Kahit ilang araw lang po ay sana huwag ninyong pag-initan ng ulo ang ate ko,” paalala pa niya.

Dahil sa inis nito ay padabog na umalis na lamang siya.

“Honey! Nandito ang panganay mo!” sigaw niya at si Dad yata ang tinawag niya. Naiiling na lamang ako sa kanya at pinagtulakan ko na si Primo. Baka ma-late siya sa work niya.

Mayamaya ay kausap ko na si Daddy. Casual lang naman noong binati niya ako at ang stepmom ko ay parang linta kung makayakap sa aking ama. Nang-iinggit ba siya dahil mas close sila ng daddy ko?

“Your Mama Helleya said ay nanghihingi ka raw ng pera, Novy?” I rolled my eyes.

“Siya lang po ang may sabi niyan, Dad. Kilala po ninyo ako. Hindi ako nagpunta rito na para lang sa money ninyo. But if bibigyan ninyo ako ay hindi ko naman iyan tatanggihan. Tamang-tama po na may orphanage akong pinatayo. You can be my sponsor,” suggestion ko at kulang na lang ay sigawan na ako ng wife niya. Kasi ayaw niya talaga na mapunta lang sa wala ang mga pera ni Dad. Hindi naman siya ang nagtatrabaho, eh.

“Okay, I’ll do that.” That’a biro naman pero hayon tinanggap agad ng daddy ko. So, tatanggi pa ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top