CHAPTER 85

Chapter 85: Marriage proposal

ABALANG-ABALA ako sa trabaho ko noong na-surprise ako sa pagdating ng mag-ina ko. I can’t believe they are the ones who visited me in my office. I was so shocked but I felt joy in my heart. Because it’s my first time that Novy visited me with our children. So, this is how my brothers feel when their wives visit them with the kids.

All my stress is gone and I’m full of energy again but I don’t want to go back to work. I want to be with them for a while, and after that ay naging maayos na ang relasyon namin ni Novy. Binibigyan na rin niya ako ng another chance and she even said na girlfriend and boyfriend muna ang status namin. Of course, sino ako para tumanggi? Matagal kong hinintay ito.

“Kung ganoon tatlo ang anak ni Percy?” tanong sa akin ni Novy. Halata sa tinig niya ang excitement. Tumango ako at ngumiti.

Kagagaling lang namin from a photo shoot. Ginawa ko na ngang profile picture ko ang family picture namin and guess what? Nag-comment pa si Wayne at ako pa rin ang suspect niya sa nag-report ng Facebook accounts niya. I’m not sorry for that.

“Masaya ka na? Wala na sanang mag-m-murder pa sa FB ko. Utang na loob.” Iyon ang comment niya at dahil public iyon at ’saktong active lahat ang mga kapatid at pinsan ko ay ginawa na nilang group chat iyon. Tsk.

Nasa bisig ko si Eceniia na gising na gising pa rin kahit natutulog siya nang maaga. Sabagay, busog pa siya. Ang isang braso ko ay nasa baywang ni Novy at magkahawak kamay naman sila ni Lenoah.

Pumasok kami sa mansion ng grandparents ko. Alam kong sa mga oras na ito ay nandito si Grandpa. Matagal ng nag-retiro si Grandpa at nai-turn over na niya ang posisyon niya kay Kuya Markus.

Yeah, sa halip na kay Dad na ipinamana ang main company namin ay sa panganay niyang apo napunta. May sarili rin kasing business si Daddy at iba ang mana na nakuha nilang magkakapatid.

Wala naman sa pamilya namin ang nagtataasan o nag-aagawan ng ari-arian ni Grandpa. Lahat kami ay nabigyan ng pantay-pantay na mana mula sa kanya. Hindi na rin naman sila nabubuhay na galing sa mga magulang nila ang pera.

Maayos ang pagpapalaki sa kanila ng grandparents namin. Iyon nga lang sumobra sila sa pagiging strict sa amin. Malaki rin naman ang naitulong ni Grandma sa kompanya namin. Nang mga panahon na gipit na gipit si Grandpa ay natulungan naman siya nito.

“Dad, sina Kuya Azeth at Mark po ay may alaga rin silang pusa,” sabi ni Lenoah.

“Yes. Pusang gala nga ang mommy ng mga pusa nila,” I said.

“Ha? Pusang gala? What do you mean by that?” natatawang tanong naman ng ina ng mga anak ko. This is so heaven. Nagagawa na naming mag-usap nang maayos at hindi na kami nagtitiis pa sa isa’t isa.

“Napulot lang daw sa daan si Marue. Theza adopted the stray cat. She even fought with Kuya Markus because it was dirty. Ayaw ipakuha sa kanya. But... it’s only then that he proved that Theza is not the one who sends his ex-girlfriend’s death threats,” I said.

“Wow. Kuya Markus accused Theza of the death threats?” namamanghang tanong niya. She’s so cute. Namimilog kasi ang mga mata niya at curious na curious.

“Yeah, but Theza was also a victim. There are people who send her death threats too.”

“Oh, that’s thrilling,” she commented.

As soon as we reached my grandparents’ mansion. Nasa garden sila at kumakain ng meryenda. Araw-araw silang ganito.

“My great grandparents!” masayang sigaw ng anak ko. Patakbong lumapit siya sa mga ito. Sumiksik sa gitna kahit wala masyadong espasyo.

Well, ganito talaga ang mga apo sa tuhod ng grandparents ko. Palagi silang excited na makita ang mga ito.

“Oh, hello there, Lenoah.”

Pati ang bunso namin ay halatang excited. Kaya nang makalapit kami sa greenhouse ay inilahad niya agad ang matambok niyang mga braso kay Grandpa. Tuwang-tuwa naman si Grandpa at kinuha siya.

Hinawakan ko sa kamay niya ang girlfriend ko. God, girlfriend. Parang nagsisimula pa nga kaming dalawa ni Novy at ngayon lang namin mararanasan ang magkaroon ng teenager relationship. I guided her na makaupo saka ako tumabi.

“Masaya akong makita kayong magkasama at mukhang.. road to happy ending na ang relasyon niyo, mga apo,” naluluhang saad ni Grandma.

“We’re almost there po, Grandma. Kukunin na po namin ang pinaalaga namin sa inyo,” sabi ko.

“Ang mga anak ni Percy?” tanong ni Grandpa na tinanguan ko.

“Nasa munting tahanan pa rin nila. Pero kumain na muna kayo ng meryenda,” sambit ni Grandma. “Novy, apo...”

“Bakit po, Grandma?” magalang na tanong ni Novy.

“Salamat dahil binigyan mo pa ng isa pang pagkakataon ang apo ko na patunayan ang pagmamahal niya sa ’yo. Maniwala ka, Novy. Hinding-hindi ka magsisisi na binigyan mo pa siya ng pagkakataon. Mahal na mahal ka ni Michael,” my grandmother said.

“Well, nakatulong naman po ang pagbibigay niya sa akin ng space. Nagawa niya pong i-miss ko siya at naka-g-guilty na po ang palagi siyang dumistansya. Especially po noong...uhm, sa baby gender reveal ni Eceniia. Hindi ko naman po siya aawayin kung lalapit siya sa amin,” sabi niya at sinulyapan pa niya ako.

Wala na iyon sa akin. Masaya na ako dahil okay na kami. Balewala na ang sakit at pagtitiis ko. Ngayon pa nga lang kaming magsisimula.

Masayang nagkukwentuhan na lamang kami at itong araw na ito ang hindi ko makalilimutan na nangyari sa buhay ko.

MY family greeted us dahil sa magandang relasyon namin ni Novy. Kulang na lamang ay maghahanda na naman sila para lang ma-celebrate ang araw na iyon.

In the next day ay sinamahan ko siya sa kompanya niya. Ako raw ang dahilan kaya naipatayo niya ito. Kasama pa rin namin ang mga bata. Tapos nagawa ko pa siyang bitawan noon gayong ang dami niyang effort na nagawa.

“Oh, my God!”

“Ma’am Novy!” Halos dumugin ng mga empleyado ang girlfriend ko nang makita nila ito pero isa-isa na pala nilang niyakap si Novy.

Sabi ni Novy sa akin na maiksi lang ang pasensiya niya na baka hindi niya kayang maging coach pero base pa lamang sa nakikita ko ngayon ay naging mabuting boss siya sa mga empleyado niya. Umiiyak na nga ang iba sa sobrang tuwa nang makita siya.

“Na-miss ka po namin, Ma’am Novy!”

“Talaga po bang nagkabalikan na kayo?” Marami pa ang curious na kung ano ba ang totoong status namin o kung nagkabalikan na sila.

Nahihiya akong magsabi dahil ayokong pangunahan si Novy pero siya na rin ang nagsabi ng totoo.

“I’m with my family, our kids Mickee Lenoah and Eceniia Mikheeva,” she said. “Anyway, where’s Ms. Guerrero?”

“I’m here.” Sumulpot naman ang dati niyang secretary. Binati pa niya ako saka siya lumapit kay Novy.

Kaming tatlo na lang ng mga anak ko ang naiwan sa isang sulok dahil abala na ang mommy nila sa pakikipag-usap sa mga empleyado nito.

Bumaba naman ang tingin ko nang may marahan na humila sa damit ko at napangiti ako nang makita ko ang anak ko lang pala. I kissed her cheek.

“What is it, baby? Bakit mo hinihila ang damit ni daddy?” malambing na tanong ko sa kanya. Tumingala siya sa akin at hindi ko napigilan na pisilin ang matambok niyang pisngi. She’s so beautiful and so adorable. Binalingan ko si Lenoah na malayo ang tingin, bagamat may ngiti sa mga labi niya.

Ginulo ko ang buhok niya kaya napabaling siya sa akin. “I’m happy for my girlfriend, Daddy,” he said.

“Excuse me, my son. Ako na ang boyfriend ng mommy mo. Hindi na po ikaw,” sabi ko at napanguso siya.

“She’s still my girlfriend, Daddy,” giit niya.

“Your mom. She is your mother,” I corrected him and he rolled his eyes.

“She said I am her boy and a friend. So, I am her boyfriend. She told me that, Daddy,” sabi pa niya at pinagkrus pa niya ang dalawang braso niya sa dibdib niya. Nakarinig na lamang kami nang mahihinang pagbungisngis. Sabay pa kaming napatingin sa kapatid niya.

“Ay, pinagtatawanan tayo ng baby,” komento ko. Hinalikan ko ang likod ng kamay niya pero hindi na naputol ang pagbungisngis niya.

Muli akong napatingin kay Novy. Masaya akong makita ulit sa mga labi niya ang magandang ngiti niya at sa tingin ko rin ay masaya na siya. Akala ko ay hindi ko na makikitang ganyan siya kasaya.

Sa sumunod pang mga araw ay mas lalong bumalik ang dati naming magandang relasyon ni Novy. Kontento na kami sa ganoon hanggang sa naisipan ko na lang na mag-propose sa kanya ng kasal kapag nakatunton na ng isang taong gulang ang anak naming si Eceniia.

Hinanda ko na rin ang lahat, ang first birthday ni Eceniia ay isasabay ko sa marriage proposal ko sa mommy niya.

Ang event na magaganap ay roon sa ipinatayo naming isang gusali na naging playhouse ng mga bata. Sa dami naming magpipinsan at magkakapatid ay nag-donate kami para maipatayo ang playhouse and sa request na rin ni Grandpa ay siya ang naging engineer at kami ang mga assistant niya. Take note, hindi lang iyon ang ginawa namin. Nagbuhat din kami ng mga hallow blocks at iba pang materyales.

Mayroon naman kaming contruction workers pero mas mabigat ang naging trabaho namin. Para rin daw iyon sa amin kaya kailangan kuno namin ng maraming effort.

***

Jumpsuits party ang tema, ang mga bata ay lahat sila naka-jumpsuit. Kaya ang makikita mo sa loob ay kulay asul, puti at siyempre may kulay rosas din. Habang kami namang mga lalaki at matatanda ay naka-maong pants. Mayroon ding naka-shorts lang and white sneakers.

Maliban sa anak ko na naka-pink na bestida siya at ang laki pa ng headband niya. Tuwang-tuwa siya na makasama ang mga pinsan niya. Sa dami ng mga ito at kanya-kanya pang regalo ay hindi na ako magtataka pa kung higit pa sa 20 ang bilang ng mga regalo niya.

Si Novy ay naka-jumpsuit lang pero shorts naman pababa at naka-crop top pa nga. Iyong magkabilang baywang niya lang ang kita, hindi ang pusod at likod niya. Hindi pa rin halata sa katawan niya na may dalawa na siyang anak.

“Ano ba ang entrance mo, pinsan?” tanong sa akin ni Daziel.

Ang iba kong mga pinsan ay buhat-buhat pa ang mga anak nila na hindi pa kayang maglakad. Inasikaso rin ng iba ang pagkain ng mga bata.

Ang entrance naman na tinutukoy niya ay kung paano ko isisingit ang marriage proposal ko sa birthday ni Eceniia.

“Saka na kapag nakantahan na natin ang anak ko,” sagot ko.

“Sigurado ka ba na sasagutin ka na niya? Baka mamaya niyan ay ma-r-reject ka lang pala. Alam mo na, trust issue.”

“Hindi, ah. Sigurado na akong hindi ako ma-r-reject. Matagal nang naka-move on ang girlfriend ko,” sabi ko. Malakas pa ang loob ko.

“So, naka-score ka ba, Michael?” Sumama ang mukha ko sa tanong ni Kuya Darcy.

“Hindi ko puwedeng gawin iyon kay Novy. Kasalukuyan pa siyang nagpapagaling sa kamay niya,” sabi ko. Totoong walang nangyayari sa amin. Kontento naman ako at nagagawa kong kontrolin ang sarili ko.

“Pero aminin mo na nagsasarili ka, Michael.” I glared at my big brother Markin.

“Well, that’s normal.” Pinagtawanan pa nila ako kaya umigting lang ang panga ko.

Sa inis ko ay iniwan ko sila roon. Nilapitan ko na lamang ang girlfriend ko. Nakikipaglaro sa ibang mga pinsan niya ang panganay ko. Hinapit ko sa baywang niya si Novy at hinalikan ko ang sentido niya. Naramdaman ko na natigilan siya.

“Oh? Bakit parang ang sama ng mood mo, Michael?” tanong niya sa akin. Hinila ko siya para makaupo sa malambot na sofa.

Malaki ang playhouse, pinagpuyatan naming lahat na ayusin ito. Lagyan ng mga baloons at lahat ng dekorasyon. Siyempre hindi namin magagawa ito nang maayos kung wala ang tulong ng mga babae, assistant ulit kami at katulong. Iyon nga lang umabot pa kami nang tatlong araw bago naayos ito. Magulo kasi ang mga bata pero hindi naman namin magawang sitahin. Ikaw ang matatakot kapag umiyak sila.

“Wala,” maikling sagot ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na humaharang sa maganda niyang mukha saka ako napatingin kay Eceniia na sobrang ingay dahil sa malakas niyang pagtawa. Habang lumalaki siya ay mas nagiging kamukha niya ang mommy niya. Iyong paraan nang pagngiti lang daw nito ang nakuha sa akin.

“Inaasar ka siguro ng mga kapatid at pinsan mo, ’no? Nakatingin sila sa gawi natin, oh.” Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga taong tinutukoy niya.

“Matagal pa ba nating kakantahan ng birthday song niya si Eceniia, Miss?” I asked her.

“Nasa mansion pa ng grandparents mo sina Mommy, Dad at ang mga kapatid ko. Pati na ang pinsan ko. Let’s wait for them, Michael,” sabi niya sabay tapik sa pisngi ko. Tumango na lamang ako at napabuga ng hangin. Ngayon mas naramdaman ko ang kaba. Posibleng ma-r-reject pa ako but anyway I can still wait for her.

Hindi rin nagtagal ay isa-isa nang nagsidatingan ang pamilya niya. Kaya nagsimula na rin kami sa birthday song para kay Eceniia.

Ako ang kumarga sa kanya para maabot niya ang naglalakihan niyang cake. Nasa gitna namin si Lenoah na nilagyan pa namin ng upuan para may maapakan naman siya.

Natapos ang birthday song ng bunso ko, na hindi pa roon ang entrance ko dahil naglabas na ng regalo ang pamilya namin. Mabuti na lamang ay isinama ni Grandma ang kasambahay nila at sila ang nag-ayos ng mga regalo sa mesa. May maliit at malaki. Na kung sino pa ang mas maliit ay siya pa ang may malaking regalo.

Si Novy naman ang regalo niya ay bracelet. ’Sakto iyon sa regalo ko na kuwintas. While her kuya, nagpabili lang siya ng stuff toy para sa kapatid niya at iyon daw ang ireregalo niya and it turns out na magiging favorite toy pa ni Eceniia.

Sumesenyas sa akin ang iba na kung ano na raw ang entrance ko. After pa iyon ng pa-games namin para sa mga bata at para sa aming mga matatanda.

Umabot pa nang gabi at energetic pa rin ang lahat. Pero ang pinagkaiba na ngayon ay puro nakapormal na kaming lahat. Kumikinang na ang kasuotan ng iba.

Si Daziel ang host namin at nagtawag na siya ng parents ng birthday celebrant at unang sasayaw sa dance floor but the truth is... Iyon na ang entrance ko.

Inaya ko na ang babaeng mahal ko na magsayaw. Maingat ko siyang hinila sa dance floor. Inilagay niya agad ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. I wrapped my arms around her waist.

Nagsimulang tumugtog ang pamilyar na musika at namilog pa ang mga mata niya sa gulat.

Take your time
We still have one more night
Take my hand, hold me tight
And never let go

I’ll be here
Go ahead dry your tears
Promise me one more thing
You’ll be alright

“This song...” she uttered and I nodded  “Thank you for this, Michael. Parang kakaiba yata ang birthday ni Eceniia,” masayang saad niya.

“Yes. First birthday niya ito. How about, Lenoah?” May kakaibang lungkot sa aking dibdib na wala ako sa first birthday ng panganay namin.

“Well, sa beach kami nag-celebrate ng birthday niya. Masaya naman at enjoy na enjoy siya.” Kontento na ako roon.

Take a breath
And make another step
Baby, don’t be afraid
I'll take the lead

Can’t you hear
Our song playing loud and clear
The lights dimmed, while crickets sing
Stars came alive

“Thank you too, Novy... Thank you dahil sa muli mong pagtanggap sa akin,” I said. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

“Siguro kapag sa point of view ng iba ay magagalit sila sa akin at sasabihan na masyado akong marupok, dahil muli kitang tinanggap. Muli kong tinanggap ang isang taong nanakit sa akin at pinangakuan na hindi rin pala kayang panindigan. Pero iniisip ko pa rin naman ang kasiyahan ng mga anak mo. Gusto ko ng kompleto at masayang pamilya for them. Bagay na hindi ko na naranasan noong bata pa lamang ako. Ayokong pagsisihan iyon, Michael. Ayokong matulad sila sa akin. Kung kaya ko naman palang ibigay ay bakit hindi ko pa kayang gawin?” mahabang sambit niya. Hinalikan ko ang noo niya at sinapo ang kanyang pisngi.

All I wanna do (even though I’m quite afraid)
Is to hold you (and caress you)
A little bit longer tonight (tighter and tighter)
Hold still (it’s making me hard to breathe)
Our hearts in a race
Can you feel it?
I can hear it tonight
As the night grows dim and cold
I’ll be here without fear
I’ll fight for love

Inikot ko na muna siya saka ko siya binitawan para lumuhod sa harapan niya. Mabilis na nagbago ang kanta at nang humarap sa akin si Novy ay napatakip siya sa bibig niya dahil sa gulat nang makitang nakaluhod na ako, na may hawak na rin ako isang velvet box.

“Ayokong madaliin ang lahat pero nandito na ako, Novy. Maglalakas loob na akong hingin ang mga kamay mo para makasama ka habang-buhay. Insecure sa akin ang mga kapatid ko, mga pinsan ko dahil ako lang ang bukod tanging may mahabang pasensiya. Nakuha ko ito mula kay Grandpa. Pero nagawa ko pa ring liitan ang aking pasensiya dahil sa pagiging selfish ko dati. Novy, pinagsisisihan ko na ang mga bagay na ginawa ko noon sa iyo at ayoko nang maulit pa iyon. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko sa pamamagitan ng panibagong buhay na makasama ko kayo ng mga anak natin,” mahabang saad ko at lumandas na ang mga luha niya sa kanyang pisngi. “Sa buong buhay ko ay dalawang babae lang naman ang minahal ko. Sina Mommy at Grandma, pero nang dumating ka ay higit na pagmamahal pa pala ang mararamdaman ko at lalo na nang dumating sa buhay ko si Eceniia.” Nilingon ko pa ang anak ko na kay Grandma.

“Wala na akong mahihiling pa kundi ang...bigyan mo ako ng isa pang karapatan na tawagin kang asawa ko... Tumatanggap ako ng rejection at naiintidihan ko kung hindi ka pa handa. Novy Marie V. Bongon, handa ka bang palitan ko ang pangalan mo sa pangalan ng pamilya ko? Oo at hindi lang ang isasagot mo,” I added at sa halip na sagutin pa ako ay mahina siyang natawa.

“Ikaw lang yata ang may kakaibang marriage proposal, Michael,” she uttered.

“I agree to that!” sigaw ni Grandpa. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko saka ako tumikhim.

“Miss... Will you marry me?” I asked her.

“Ikaw ba, Michael... Kaya mo bang mas habaan pa ang pasensiya mo at kaya mo pa ba akong tiisin, na hindi ka magsisisi kung matatali ka na sa isang katulad ko?” tanong niya sa akin at tumango ako.

“Para sa ’yo, para kay Lenoah, para kay Eceniia at para sa akin... Para sa ating apat ay handa kong tiisin ang lahat, ang makasama ko lang kayo...”

“Then let’s get married. My answer is yes,” she said at inilabas ko na ang singsing. Maingat kong isinuot sa daliri niya. Hinalikan ko na muna ito saka ako tumayo. I kissed her forehead at mahigpit ko siyang niyakap.

“Now, puwede na raw magsayawan ang iba. Beautiful ladies and engineers, ngayong gabi ay nasaksihan na natin ang marriage proposal ng isang miyembro ng pamilya natin na mayroon na pinakamahabang pasensiya ngunit may limitasyon naman pala. Palakpakan naman natin sila. Again, congratulations! Aabangan na naman namin ang kasal!” sigaw ni Daziel.

“Engagement party!” sabay na sigaw ng mga pinsan namin.

“Hep! Huwag na iyon. Kasal na agad! Nauna na nga ang dalawang anak nila baka nga lumalangoy na ang sperm ni pinsan sa tummy ni Novy!” Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa ulo ko. Tang-inang Daziel ito.

“Daziel! Bumaba ka na nga riyan! Ang daming bata!” sigaw sa kanya ng asawa niya at mabilis pa sa alas-kuwatro na bumaba na nga siya. Natawa na lamang ako nang makita ko ang pagsabunot nito sa buhok niya. Hindi naman siya gumalaw pero hinila niya ito sa dance floor.

Inaya ko na rin ang fiancé ko na makabalik sa table namin. Niyakap pa kami pareho ng pamilya niya.

“You deserve to be happy...” I smiled at them.

“Thank you... Thank you for loving my daughter, Michael,” umiiyak na sabi ng mommy ni Novy. Hindi pa nga namin kasal ay umiiyak na siya.

“No, Tita. Ako po ang dapat na magpasalamat dahil sa pagtanggap ulit sa akin ng anak niyo sa buhay niya,” sabi ko at binalingan ko ang babaeng mahal ko.

This is it... Tama nga si Daziel, dapat diretsong kasal na pero gusto ko na maranasan ulit ni Novy ang lahat. Iyong engagement namin na wala nang pumipilit sa amin na pakasalan ang isa’t isa. Because this time ay mga puso na namin ang may gusto ng lahat.

Can you dance with me tonight?
Under the moonlight sky
Never, oh, never let go of me tonight
Oh woah

Can we dance?
Can we dance again tonight?
Take my hand
Never, oh, never let go
Take my heart, take my heart
One more night
Can we dance again tonight?

Song credits: SLOW DANCE
( Kelvin Miranda )

A/N: Road to epilogue na po tayo, dudes! Thank you so much for reading po! Hehehe. Sa ibang readers na alam kong disappointed dahil may endgame. Sorry, dudes. Kailangan na may happy ending ang Brilliantes Series. Deserve po nilang maging masaya.

Anyway, hindi pa naman po matatapos ang Brilliantes Series dahil susunod na po ang D. Brilliantes. Sino-sino po sila?

#6:Darcy
#7:Darrius
#8:Daziel.

Mauuna po si Darcy kasi siya naman ang pangalawang apo ni Don Brill at magkakapatid po silang tatlo.

Hindi pa po tapos ang kina Miko at Jean. Huhuhu. Mahaba pa ang journey natin sa epilogue at POV na po lahat ni Michael. Yes!

Again, salamat po sa walang sawang pagsuporta at pagbabasa! Mahal na mahal ko kayo, dudes!💋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top