CHAPTER 84
Chapter 84: Step 3 & chance
“I’M SURE na magiging masaya ang isang iyon,” sabi ni Kuya Markin at umiling pa siya pero may multo naman sa mga labi niya.
“Yeah,” pagsang-ayon naman ni Kuya Markus. I shrugged my shoulders. Malalaman ko iyan kapag nakarating na kami sa opisina but yeah, puwedeng mangyari iyon.
“Tapos na po ako kay Kalezy. Doon naman ako sa kapatid niyo,” sambit ko. Buo na rin ang desisyon ko na tanggapin ulit siya. Naaawa na rin kasi ako.
“Tama ’yan. Maawa ka na sa kanya, Novy.” I just smiled. That’s what I feel.
Lumapit na muna kami sa information desk. Hindi ko na isinuot pa ang baby bag ni Eceniia. Si Lenoah naman ay hindi umalis sa tabi ko at kahit noong papasok na kami ay hinawakan ko na siya.
Agad naman kaming binati ng babae at hindi pa ako nakapagtanong ay may isang babae na ang gumabay sa amin. Sumakay pa nga kami ng private elevator. Kaming tatlo na lang dahil nagpaiwan na roon ang babae. Nagtataka pa ako pero hindi ko na pinansin pa iyon.
Nang bumukas na ay saka kami lumabas. Pinauna ko ang little boyfriend ko. Walang tao sa table ng secretary ni Michael kaya nilampasan na namin iyon.
Tumingala pa sa akin si Lenoah. Nang ngitian ko siya ay mahihinang katok ang ginawa niya.
“Come in,” narinig kong sabi ni Michael mula sa loob. Bumibilis ang heartbeat ko. I don’t know why kung bakit nagkaganito na lang bigla.
Pinihit ko ang doorknob at itinulak ito pabukas. Nauna ulit si Lenoah na pumasok sa loob ng office at ang daddy nila ay nakayuko ito habang may binabasa na papeles.
Mukhang busy siya at subsob talaga siya sa trabaho niya kaya hindi na niya kami napansin pa. Sa paglalakad ko ay lumikha nang ingay ang heels ko hanggang sa nag-angat na rin siya nang tingin.
Nagulat siya at bigla niyang naibaba ang mga papeles na hawak niya. Napatayo na rin siya at mabilis niya kaming nilapitan.
“Hi, Daddy,” bati pa ni Lenoah sa kanya.
“Hello, my son,” he uttered. Binuhat niya ito at hinalikan sa noo saka niya ibinaba ulit.
Nag-aalangan pa siyang lumapit sa amin pero ginawa naman niya. Hinalikan niya ang sentido ko saka niya kinuha ang backpack na dala ko at pati si Eceniia ay binuhat niya rin.
Nakatalikod mula sa kanya ang baby namin kaya nang kunin niya ito ay umiyak pa. But when he kissed her cheek ay huminto rin sa pag-iyak at inosenteng tiningnan siya nito. Sa paraan na iyon ay nakilala na niya ang kanyang ama. Mayamaya ay bumungisngis na rin ito at ilang beses na tinampal-tinampal ng palad nito ang pisngi niya. She really loves her father kahit baby pa lang siya.
Michael stared at me. Ngumiti ako sa kanya at nag-tiptoed para i-kiss siya sa pisngi niya. Saka ako umupo sa sofa at inaya kong umupo roon ang anak kong si Lenoah.
Si Michael ay hayon, tulala na at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Kung sabagay. Sino nga ba naman ang hindi magugulat kapag bigla ka na lang nginitian at halikan ng babaeng may galit sa ’yo?
“I want coffee, Michael,” sabi ko at doon lang siya kumilos. Inilapag sa center table ang backpack namin.
“Okay. Eceniia, kay Mommy ka muna, baby.” Nang ililipat na sana niya sa akin ang anak namin nang muli na naman ako nitong tinalikuran at kumapit nang mahigpit ang matambok nitong mga braso sa leeg niya. May paiyak-iyak pa siya na tila natatakot siyang bitawan nito.
“Aba nga naman may favoritism ka na, ha,” kunot-noong saad ko at hinila ko pababa ang suot niyang baby blue dress niya. Inayos iyon ng daddy niya at saka sila nagtungo sa pantry.
Isang kamay niya lang ang ginamit para magtimpla ng coffee. Dalawang cup ang kinuha niya.
“How about you, Lenoah? What do you want, son?” he asked our son.
“Uhm, coffee, Dad?” Gaya-gaya talaga ang panganay namin.
“No, son. May juice ako rito. Gusto mo?”
“Yes po, Daddy.” Tumayo naman ako para magtungo sa office table niya.
Umupo ako sa swivel chair niya at napataas pa ang isa kong kilay nang makita ko ang litrato namin dati ni Michael. Iyong picture namin noong engagement party. Tapos nandito rin ang litrato namin ni Lenoah. Saan naman kaya niya nakuha ito? May picture naman silang tatlo. Ang lapad pa ng ngiti ni Eceniia rito, ’saktong nakatingin pa siya sa camera.
“Anak, this is not for you.” Napalingon ako kay Michael nang magsalita siya ayy nakita kong pilit na inaabot ni Eceniia ang drinks para kay Lenoah. Isinara niya ang ref at lumapit na sa amin. Ibinaba niya ang drinks na inabot ko naman kay Lenoah. “Doon ka muna kay mommy.”
Nang makuha ko na si Eceniia ay umiyak agad siya. Marahas na gumalaw kaya ang matambok niyang braso ay tumatama na sa mukha ko.
“Just wait for your dad! You are so clingy, Eceniia Mikheeva!” Hindi ko na napigilan pa ang sumigaw at natahimik ito.
Si Michael na parang maiiyak na rin dahil nasigawan ko ang unica hija niya. Si Lenoah ay napatakip sa bibig niya at nanlaki ang mga mata.
Tumingin sa akin ang baby girl ko. Inosenteng tinitigan ako nito. Namumula ang kilay and eyes niya, tapos ang matangos na ilong niya ay lukot na lukot na. Sumibi siya at tumulis ang labi niya.
“N-Novy...”
“Why? Kaya ka bang bigyan ng daddy mo ng gatas sa dede niya, ha?” nakataas pa ang kilay na tanong ko. Isusubo na sana niya ang daliri niya sa bibig niya nang pigilan ko siya. Hihikbi na sana siya nang magsalita ulit ako. “Sige mag-cry ka.”
Tumingala na siya at itinuro niya ang daddy niya. Na-c-cute-an ako sa kanya kaya ang ginawa ko ay marahan kong kinagat ang matambok niyang pisngi. Naririnig ko na ang pagsibi niya at nang titigan ko siya ay nagawa pa niyang hawakan ang cheek niyang kinagat ko saka siya yumuko.
“Ows, you’re so kulit kasi, baby sis,” komento ng Kuya Lenoah niya at nilingon pa niya ito. Tapos parang nanghihingi na siya nang tulong sa kuya niya.
Doon na ako natawa. Ang cute niya. Kung kaya niya lang magsalita ay baka sasabihin niya na inaaway siya ng mommy niya.
Inayos ko ang headband niya at pumungay lalo ang mga mata niya. Hinalikan ko siya sa pisngi niya.
“I’m sorry, baby... Love na love ka ni mommy. Hindi po kita aawayin. You’re my baby girl. I love you, so much, sweetheart,” malambing na sabi ko at ang matulis na labi niya ang hinalikan ko. Hindi na siya mukhang inaapi dahil lumiwanag na ang bukas ng mukha niya.
Niyakap ko pa siya at humilig naman siya sa dibdib ko. Hinalikan ko rin ang kamay niya. Si Michael ay lumapit na ulit sa pantry para kunin ang coffee namin.
Nagsimula siyang mag-ingay pero pasulyap-sulyap pa rin siya sa daddy niya. Michael was about to sit sa kabila nang tawagin ko siya.
“Dito ka sa tabi ko, Michael. I told you na may pag-uusapan tayo,” sabi ko. Tumikhim siya at saka umupo sa aking tabi.
Bumaba ang tingin ko kay Eceniia nang maramdaman ko ang marahan na pagkalabit nito sa akin. I kissed her cheek at hinayaan ko na siyang kunin siya ng daddy niya. Mas lumiwanag lalo ang bukas ng face niya. I rolled my eyes. Magiging daddy’s girl pa yata ang baby ko.
Hinila ko palapit sa akin ang baby boy ko. Hinalikan ko ang noo niya at naglalambing na yumakap siya sa baywang ko. Siya pa rin ang first baby ko.
Kinuha ko na ang coffee ko pero napatingin ako sa mag-ama ko. Eck, mag-ama ko. Iyon ang unang beses na nasabi ko iyon.
Binuksan ko ang backpack para ilabas ang baon namin na biscuit para kay Eceniia. May cookies pa rito na bigay ni Wayne last week. Inilabas ko iyon at pinakuha ko na muna si Lenoah saka ko binigyan ang baby sister niya.
“Yummy,” Lenoah uttered. Inilipat ko siya sa gitna namin ng kanyang daddy para hindi siya maging OP. Hinila tuloy siya ng kapatid niya na clingy rin sa kanya.
“Huwag namang ganyan, anak. Nasasaktan mo ang kuya mo,” suway ni Michael. Paano kasi hinihila nito ang collar ng polo ni Lenoah. Sa laki at taba ng kamay niya ay magagawa niyang hilahin iyon.
“Uhm, okay... I want to know about what happened to you after our breakup? Mom told me everything...but...” Kinakabahan talaga ako kapag magsasalita na. Ito na kasi ang unang beses na kakausapin ko siya after ng nangyari sa amin.
“Remember the time nang ihatid mo ang alagang pusa natin?” tanong niya. Of course, hinding-hindi ko makalilimutan iyon. Dahil iyon na rin ang huling araw ko sa bansa. Flight namin ng mommy ko at that time.
Napaayos ako nang upo sa narinig. Kasi naalala ko ang alaga naming pusa. “Where is Percy by the way?” I asked him. Malungkot na umiling siya.
“She passed away two years ago after she delivered her kids,” he answered. Nalungkot ako sa nalaman dahil hindi ko man nakita ulit si Percy pero at the same masaya dahil may kids na rin siya. Gusto kong makita. “Anyway, si Kuya Markus mismo ang nag-abot no’n sa akin. Maybe kung ako lang ang nakaharap mo at that time ay baka...hindi kita hahayaan na umalis noon... I saw your anklet... Naalala ko rin kung ano ang ginawa ko sa ’yo. Noong ibinalik ko na rin sa iyo ang spare key ng penthouse mo. Actually, wala iyon sa isip ko na ibigay sa ’yo... My...my purpose kaya ako nasa penthouse mo... I just want to see you because I missed you, so much...” Pumiyok pa ang boses niya nang sabihin niya iyon.
May kung ano’ng malambot na kamay ang humahaplos sa aking dibdib. Pareho lang naman kami ng nararamdaman noon pero tiniis pa rin namin ang isa’t isa. Dahil wala na nga kami at tapos na ang relasyon namin. Na mahirap na ring ibalik pa at ayusin.
“N-Noong... hiniwalayan mo ako... Palagi na akong...nakatambay sa balkonahe ko...kasama si Percy... Nag-assume rin ako noon...na baka...na-miss mo rin ako kaya mo ako pinuntahan... Na baka...b-babalikan mo na ako... Pero iyon pala... Kukunin mo lang ang mga gamit mo at wala ka pang itinira roon. Imagine ang pakiramdam na ubos na ubos na ako? Na parang wala na ring natira sa akin... Ang sakit pala talaga...” sambit ko at nag-init ang sulok ng mga mata ko.
Naramdaman ko ang kamay niyang nasa balikat ko na at kinabig niya ang ulo ko, dinala sa dibdib niya. Ang kamay ko ay na kay Lenoah. I felt his lips on my temple. Bumibilis din ang tibok ng puso niya.
“Maybe... I’m just tired of everything...kaya... K-Kaya nagawa kong baliin ang mga pangako ko sa ’yo noon... That day... H-Hindi agad ako...nakaalis... even the day of our breakup... P-Parang gusto kong bawiin ulit...ang s-sinabi kong pakikipaghiwalay sa ’yo... Pero...hindi ako m-magiging fair sa ’yo kapag...binawi ko... Because I hurt you, big time... I just want us...to take a break... But I didn’t expected that you’re...leaving me... Naisip ko na lang na bibigyan kita ng sapat na oras... Na susunod din ako...” Pigil na pigil ang paghinga namin pareho. Nararamdaman ko rin ang marahan na paghaplos ni Lenoah sa kamay ko na parang pinapakalma niya rin ako.
Ngayon lang kami naglabas ng saloobin namin ni Michael at alam kong after this ay magiging kalmado na kami. Mapapanatag na rin ang kalooban namin kapag naglabas kami nang hinanakit at sa nangyaring bad experience namin sa first relationship namin. Kahit na we’re almost perfect pero wala... Nasira pa rin kami and we chose to stay away from each other. Kahit na rin...nagtitiis lang kami sa sakit ng nararamdaman namin.
“N-Na... nagsisinungaling ka lang... Na hindi mo naman pala kayang... panindigan ang mga pangako mo... N-Nasabi ko rin sa ’yo na...nagsisisi akong...naging tayo pero hindi ko pinagsisisihan na nagkakilala tayo... I-Ikaw ang pansamantala kong...p-pahinga... Ang tahanan ko, na ikaw lang din ang mayroon sa akin... Naisip ko rin noon na...I’m not really deserving... Na lumaki ako without my parents kaya baka maraming...kulang sa akin... H-Hindi ako transparent... Hindi ako...nanghihingi ng tulong kahit...gaano pa ako kagipit. Na kahit gaano ko pa kailangan ng tulong... Kasi...gusto ko... Kaya kong masolusyunan iyon, kaya kong gampanan ang responsibilidad ko... Kaya kong...makahaon nang mag-isa...para wala silang masabi... Natatakot kasi ako na sabihin nila... K-Kulang ako sa aruga...kaya kailangan palagi ng guide... Maybe I’m a cold-hearted person but I’m not a robot, I’m still a human... Michael. Has a heart and has feelings. I will still feel the pain no matter how strong I am emotionally...” Humigpit ang yakap sa akin ni Michael.
Sumisinghot na ako at pinipigilan ko pa rin ang umiyak...kahit may mga luha na ang naglandas sa aking pisngi. Kumikirot ang dibdib ko.
“I know, I know, baby... And I didn’t think that... I’ve become so selfish... All I thought at those times was myself... I know I don’t even have the right to ask you for forgiveness... It’s up to you if you can still forgive and accept me in your life...” he said sincerely.
“Pero gusto ko na ng tahimik na buhay, Michael... P-Pagod na akong mag-isip ng mga bagay na...na makabubuti para sa akin... Pagod na akong kimkimin ang galit at sakit ng nakaraan sa aking dibdib... Gusto ko na ng buhay na masaya... Walang problema... Walang hinanakit... Iyon ang gusto ko, Michael... Tama sila...na kailangan kong bitawan ang alaala ng nakaraan...para maging masaya na ako nang tuluyan...” mahabang sambit ko.
“Let me again, Novy... Let me gain your trust again... I won’t make any more promises... but I will... I’m gonna make it a good one... father to our children and to you as...kahit na ano... Boyfriend, fiancé, or your soon-to-be husband? Hinding-hindi na kita bibitawan pa... Not now that I prove to myself that I can’t lose you anymore... That I can’t live without you by my side... I love you so much... I really, really love you, Novy Marie...”
Ang pinipigilan kong emosyon ay sumabog na rin sa huli at pareho na kaming umiiyak ni Michael. Inilabas din namin ang hinanakit sa dibdib sa paraan nang pag-iyak. Nagagawa niyang punasan ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto ba kaming nag-iyakan. Natigilan lang kami pareho nang marinig ang paghikbi ni Eceniia at nakita namin na pulang-pula na ang mga mata nito. Mabilis siyang inalo ng daddy niya pero itinuturo na ako ng maliit niyang daliri. Kinuha ko na siya at doon lang siya tumahan.
“I’m fine, sweetheart... Mommy is fine... Don’t cry, baby...” malambing na sambit ko. Paano kasi pahikbi-hikbi pa siya. Hinalikan ko siya sa pisngi niya at humilig na naman siya sa dibdib ko na ikinangiti ko.
“Are you okay, Mommy and Daddy? H-Hindi niyo na po ba titiisin ang isa’t isa? Can we be happy and forget about bad memories?” tanong ng anak naming si Lenoah na lumuluha na rin pala.
“Yes, my boy. Mommy will no longer be selfish. I will open my heart again for your daddy. I don’t want our family to be destroyed completely now that we have Eceniia. I won’t let her be a witness to the pain and sadness I feel right now and my messy relationship with your father. I’m fine, I’ve healed my wound for a long time. My suffering is over, everything from the past is over... and I want us to be whole again... I want you and your baby sister to be happy too... I want a good life that I can give you, your daddy... I will never let you feel what I experienced before without my parents. There’s probably nothing wrong in forgiving, accepting someone who once hurt you, right? Because no matter how mad you are to someone your feelings for them will still win. The love you have for him... They say life is short so I want us to live happy as long as we still here on earth...” mahabang sambit ko.
Nakangiti kami pareho pero lumuluha pa rin.
Hinawakan ni Michael ang kamay ko at hinalikan niya ito. “T-Thank you, Miss... Thank you, so much... I love you... I love, so much...”
“M-Mahal na mahal din kita, Michael... Mahal na mahal....” For the last time ay nagyakapan ulit kami kaya iyong coffee namin ay malamig na. Nagtimpla ulit si Michael.
“Here...” Kahit mugtong-mugto ang mga mata namin pareho ay bakas na sa mukha namin ang kasiyahan.
Pareho na rin kaming malaya, wala nang sakit at kaligayahan na rin ang nararamdaman namin ngayon.
“Michael, may tanong pala ako,” sabi ko. Sumimsim muna siya ng coffee niya saka niya ako hinarap.
“What is it, baby?” Napangiti ako dahil nagagawa na rin niyang maging malambing ulit sa akin.
“About sa Facebook account ni Wayne. May alam ka ba kung sino sa mga kapatid mo ang nag-report ng account niya? M. Brilliantes,” sabi ko at pekeng napaubo pa siya. Napahawak pa siya sa dibdib niya at hinimas-himas ang chin niya. “Kilala mo ba, Michael?” tanong ko pa kasi hindi na siya sumasagot pa.
“Uhm...” Naglumikot din ang mga mata niya at hindi na siya mapakali pa.
“Hmm, what if babaguhin ko ang tanong ko? Ikaw ba ang M. Brilliantes na iyon, Michael? Ikaw ba ang nag-report ng Facebook account ni Wayne?” Doon, parang namutla siya at ilang beses na siyang tumikhim na parang nangangati ang lalamunan niya. “Ano na, Michael?” untag ko pa. “Ikaw iyon, ’di ba?” Dahan-dahan na siyang tumango at mariin na napapikit pa. Napairap ako. “Muntik nang hindi mabawi ni Wayne ang account niya. Why did you do that, Michael?”
“A-Ako nga. My cousins showed me a picture. So, I thought of reporting the profile picture but it turns out that it’s even his Facebook account. But I don’t regret my mistake, even if it should be his profile picture... I got jealous... Dahil mabuti pa siya ay may picture na kasama kayo ni Lenoah. Habang ako na daddy ng anak mo ay wala...” malungkot na sabi niya.
“Michael...”
“Sorry, but I won’t be sorry for what I did.” Napabuga ako ng hangin. Sabi ko na nga ba, hindi siya guilty.
“Eh, what about our competition. Why are you wearing white? I knew you were rooting for Kalezy,” I uttered.
“Hindi, ah. I should support you but maybe... some have something to say... Like... I’m wearing a white shirt but... I brought your team shirt...” pag-amin niya at namula nang husto ang tainga at leeg niya.
“So, you’re really supporting me?” nakataas ang kilay ko habang tinatanong ko iyon sa kanya.
“Yeah... Simula pa noong nakilala kita at hanggang ngayon pa rin,” nakangiting sabi niya at kinuha niya ang kanang palad ko. Nasa bisig niya si Eceniia at nasa gitna pa rin namin si Lenoah. “Bakit... nanginginig ito, Novy?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
Ngumiti ako nang tipid. “Nagalaw ko, eh. Namanhid nang husto kapag matagal ko siyang ginagalaw,” sagot ko. Hinalikan niya lang iyon nang ilang beses.
“You’ll be fine... Panonoorin pa rin kitang maglaro ng tennis. Show the world how good and efficient you are. That no tennis player is yet born that can beat you. You’re a legend, baby and I’m so proud of you,” he said para lang bumilis ang pintig ng puso ko.
“But I want Eceniia to be the one who can beat me when it comes to tennis,” sabi ko.
“Hmm?” Napangiti kami pareho nang nilingon ako nito na parang naintindihan niya ang sinabi ko. She even uttered ‘hmm’.
“Do you want her to be a tennis player too when she grows up?” he asked.
“Yes,” I answered and nodded.
“We will support her in whatever she wants, Miss.”
“Of course,” nakangiting tugon ko naman and I lowered my face to kiss her temple. “I love you, and your Kuya Lenoah,” sabi ko at ang pisngi naman ni Lenoah ang hinalikan ko. “Anyway, labas muna tayo, Michael.”
“Why? May gusto ba kayong puntahan?” curious niyang tanong.
“Tayo,” tumatangong saad ko. “Para hindi ka na magselos. Tara, magpa-picture tayo. Kailangan na may remembrance tayo para sa araw na ito because we’re fine... Come on... I’m sorry for being a jealous fiancé pala. I’m just pregnant...ganoon din kasi ang mommy ko.” Humalik lang siya sa pisngi ko saka niya ako inalalayan na tumayo, even our son.
“It’s okay.”
“Let’s upload our picture on social media para malaman nila na masaya na tayo,” suggestion ko pa. Tumango-tango siya at iniwan na nga niya ang work niya saka kami umalis at sumakay ng private elevator niya.
It’s good to be fine, right? Na wala ng sakit. Malayang-malaya ka na para maging masaya. Hindi naman ako gaano kasama para hindi magpatawad sa mga taong nagkasala sa akin. I want to be free from my pain and sadness.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top