CHAPTER 82
Chapter 82: Step one
MICHAEL’S POV
INAYOS ko ang kumot ni Novy. Nakatulog na siya pagkatapos niyang kumain ng dinner. Hinayaan na niya akong mag-stay rito at kahit hindi pa niya ako kinakausap ay nakontento naman na ako. Paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.
Alam kong umpisa pa lang ito. Paunti-unti pa niyang sinusubukan na muli niya akong tatanggapin sa buhay niya. Handa naman akong maghintay kahit matagal, basta hindi na ako lalayo. Hinaplos ko ang pisngi niya at marahan na pinatakan ko ng halik ang kanyang noo.
I checked her wrist. Sana lang ay gumaling na ito para magawa na niya ang mga bagay na gusto niya. Katulad nang paglalaro niya ng tennis. I know she loves tennis. I kissed the back of her hand.
“Thank you,” I uttered.
Lumipat na ako sa extra bed kung saan nakahiga roon ang mga anak ko. Hindi na namin ibinalik sa nursery room si Eceniia. Sa left side niya ay nakahiga ang Kuya Lenoah niya, na mahimbing na rin ang tulog.
May inilagay ako kanina na unan pero ngayon ay nasa likuran na ni Lenoah at ang kaliwang kamay niya ay nakayakap sa maliit na unan nito na nasa kabila. Na parang pinoprotektahan niya ang kanyang kapatid.
Inayos ko ang pagkakahiga ng panganay ko at ibinalik ko ang unan sa pagitan nila. Hindi naman siya malikot matulog pero para sigurado na hindi niya madadaganan ang bagong silang niyang kapatid ay ibinalik ko na ang unan. Pareho kaming malalagot ng mommy niya.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at napapangiti na lamang ako. Sa kabila ng nagawa kong pagkakamali noon at nasaktan ko ang kanilang ina ay parang ang suwerte ko pa rin ngayon. Tila sila ang malaking achievement ko at ang pagtitiis ko sa malayo ay may maganda pa ring resulta.
“I love you.” Marahan kong pinisil ang tungki ng ilong ni Lenoah. “I love you na minsan ay pinagseselosan na rin kita. Mas mahal ka pa ng mommy mo kaysa sa akin. Oh, baka hindi na ako mahal ng mommy niyo,” naiiling na saad ko at tumingin naman ako sa gitna namin. “You too, little creature. I love you. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nandito si Daddy.” Maingat ko lang pinaglandas ang maliit at matangos niyang ilong. Mariin kong hinalikan ang pisngi niya kaya bahagyang gumalaw ang mga kamay niya pero hindi naman siya umiyak at bumalik lang sa pagtulog niya.
Aliw na aliw akong pinagmamasdan sila. Kung hindi lang ako dinalaw nang antok ay baka gising pa rin ako hanggang ngayon. I just woke up when I heard my daughter’s voice. Umiiyak siya. Mom was the only one who was left in the hospital and Eceniia is already in her arms. I looked at my son, tulog pa rin siya at hindi rin nagising sa pag-iyak nito. Hinila ko hanggang dibdib niya ang kumot na umabot na sa binti niya.
“Mom.”
“Ayokong gisingin si Novy,” sabi niya at tiningnan ko naman si Novy. Pati siya ay hindi rin nagising. Dahil siguro sa pagod at paghihirap niya kanina. “Pero kanina pa umiiyak ang anak mo, son.”
Lumapit na ako sa hospital bed ni Novy at umupo sa gilid nito. Huminga na muna ako nang malalim saka ko siya marahan na tinapik sa pisngi niya at noong una ay umungol lang siya pero nang marinig na rin siguro ang pag-iyak ng anak namin ay sinambit niya ang pangalan nito.
“Eceniia...”
“Gutom na yata siya,” I uttered. Babangon na sana siya nang pinigilan ko na. Kinuha ko na mula sa aking ina ang apo niya at dinala ko kay Novy.
Tumigil na rin ito sa pag-iyak. Nilingon ko si Mommy, bago sa orasan na nakasabit sa pader. Madaling araw pa lang pero sa ganitong oras ay nagigising ang mga bagong silang na sanggol?
Tinapik ni Mommy ang sofa sa tabi niya nang makaupo siya roon at sumunod naman ako. Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa mga sanggol at para na rin daw maging aware ako. Hindi raw ako dapat matulog nang mahimbing at kailangang nasa tabi ako palagi ni Novy para alalayan ito. Sana lang ay kaya pa ako nitong pagtiisan.
Kinabukasan ay dumating ang parents niya para bisitahin sila at pati si Wayne. Sa labas lang ako naghintay dahil ayokong makaabala sa kanila.
NOVY’S POV
THREE days lang kami nag-stay sa hospital. Ang parents ko ay bumalik na muna sa hotel at kami ay kadarating pa lang sa mansion namin. Okay, fine. Tanggap ko naman na bahay na namin ito.
Si Mommy Jina ay karga-karga niya ang apo niyang si Eceniia. Si Lenoah naman ay na kay Lolo M niya. Habang ako ay inalalayan ni Michael. Gusto pa nga niya akong buhatin pero inayawan ko na. Sinungitan ko nga. Inirapan ko lang siya tapos mabilis siyang umatras.
Nasa likod ko na nga siya at hawak niya ang kanang balikat ko tapos iyong siko ko ay hawak niya rin. Mabagal ang paglalakad namin dahil alam niyang may nararamdaman pa akong sakit mula sa panganganak ko.
Nang makapasok na kami sa loob ay may pag-iingat pa niya akong inalalayan na makaupo sa couch. Muntik pa akong mapatayo sa gulat nang bigla na lamang nagsulputan ang mga pinsan at kapatid ni Michael.
“Welcome home.”
“Welcome sa bagong miyembro ng Brilliantes clan.” Mahinahon lang ang boses nila kasi alam nila na may baby kaming kasama.
Pati ang mga babaeng Brilliantes ay lumabas na rin. May iba, mula pa sa kusina, mula sa pool area at mayroon pa sa itaas ng hagdanan. Sa dami nila ay hindi ko na inisa-isa pa ang mga pangalan nila dahil alam kong may malilito.
Ang mga bata ay lumapit sa amin ni Michael para lang magmano sa akin. Napapailing na lamang ako sa ka-cute-an nila. Sila mismo ang bumati at humalik din sa pisngi ko.
Sa ngayon ay kompleto nga kaming lahat. Hindi na raw bago ang eksenang ito. Dahil sa tuwing may new member sa family nila ay mainit na tinatanggap ng iba at may pa-surprise pa sila. Noong afternoon na ay ang parents ko at ang mga kapatid ko naman ang dumating.
Maraming pagkain ang nakahanda, na hindi sila um-order sa labas kundi sariling luto nila.
Lumipas pa ang maraming araw. Wala pang progress ang relasyon namin. Tahimik lang siya at hindi talaga siya nagsasalita kapag hindi ko inuutusan ko, o kung wala rin siyang gustong sasabihin. Like, gutom na si Eceniia, na umiiyak na raw ito o kaya naman ay nagtatanong siya kung ano ang gusto kong kainin o kung may ipagagawa pa ba ako sa kanya. Pero madalas ay nakikitaan ko siya nang pag-alinlangan na lumapit.
Na parang tinatansya niya ang mood ko. Takot siya mapagalitan ko, na kahit minsan ay nasungitan ko ay kulang na lang magtago siya para hindi ko makita.
Minsan nakararamdam na ako nang awa sa kanya pero ipinapakita naman niya sa akin ang mga effort niya. Na kung paano niya kami alagaan ng mga anak niya.
Sa madaling araw ay madalas siyang nagpupuyat para sa bunso namin. Dahil na rin sa nag-work siya sa Baguio ay nag-leave siya sa company niya, na ngayon ang mga kapatid niya mismo ang nag-m-manage. Kami lang naman ang dahilan no’n.
Umiiwas lang siya at hindi ko nakikita kapag si Wayne na ang visitor namin. Maski ang kaibigan kong iyon ay napapansin ang pagdistansya niya.
Hindi ko naman iniiwasan si Michael. Na-g-guilty lang ako dahil mas pinili niya rin ang lumayo para lang bigyan ako ng space at nagtiis pa siya. But pareho naming kailangan iyon and a big help ang ginawa niya.
Dahil sa pagdistansya niya, sa paglayo, sa pagtitiis at sa paghihintay ay paunti-unti nang nawawala ang takot ko na baka iwanan na naman niya ako. Na baka muli siyang mapapagod at bibitawan na naman niya ako.
Ngunit ngayon ay pinapatunayan na rin niya sa akin na kung gaano siya katakot na masaktan ako, na natatakot siya na muli ring magkakamali. Ramdam na ramdam ko rin ang pagmamahal niya kahit hindi niya intensyon na iparinig iyon. Dahil kapag nakikita niyang nakapikit na ako at handa na ring matulog ay saka niya ako nilalapitan.
Mararamdaman ko ang pagtitig niya at paghaplos niya sa pisngi ko. Hahalikan ang noo ko at bubulong siya na mahal na mahal niya ako. Instead na sorry ang maririnig ko sa kanya ay ibang mga kataga ang lalabas mula sa bibig niya. Ang salitang ‘thank you’ na dahilan para iba rin ang mararamdaman ko. Happiness.
I took a deep breath. Naisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na binibigyan ko na siya ng chance kaya ngayon. Nanghihingi na naman ako ng advice. Isang tao sana ang lalapitan ko pero wala na siya.
Six months old na ang baby Eceniia namin at ang triplets na anak ni Miko ay nawalan na ng mommy. Nakalulungkot isipin pero wala naman kaming magagawa pa.
Sa pagkawala ni Jean ay marami akong mga bagay na na-realize pagdating sa buhay at ayoko rin na may pagsisihan ako sa huli. Isang tao ang lalapitan ko ngayon. Na malapit din sa bahay namin.
“Hi,” I greeted her. Dalawa na rin ang anak niya, baby pa lang ang bunso.
“Novy, hello. Come here. Maupo ka rito sa tabi ko.” Siya ang naging ninang mommy ng isa sa mga anak ni Miko. Kailangan din kasi ng breastfeeding ng mga baby na iyon. Mabuti na lamang ay maraming mommy sa pamilya nila at kung ituring din nila ay parang totoong anak. Na gusto na nga ring ampunin.
Hindi si Rea ang pinuntahan ko kahit na expert din sa advices ang isang iyon. Ayokong lumapit kay Ate Theza, kahit na sa kuwento niya ay may forgiveness and acceptance ang nangyari sa life niya. Her mother na nagkaroon ng bagong pamilya.
Well, kahit si May Ann ay ganoon din naman. Pero gusto kong marinig ang opinion niya, lalo na ang step-mom niya ang nagpapahirap sa kanya dati.
“Nasaan ang magagandang bubwit?” tanong ko, na ang tinutukoy ko ay ang mga anak niya.
“Natutulog si Heshia at binabantayan ng Ate Yeye niya. Nasa room sila,” sagot niya at napatango naman ako saka ako umupo sa tabi niya. “Iniwan mo kay Michael ang mga anak mo?” I nodded again.
“Yeah. Manghihingi lang ako ng advice,” sambit ko at binigyan niya ako ng cookies na kinakain niya.
Magkaiba ang ugali naming anim, iyong sisters-in-law ni Michael pero magaan ang loob ko sa kanila. Pati na rin sa iba pa.
“Hindi ako marunong sa ganyan. Kung nandito lang si Jean ay baka matutulungan ka niya o kaya naman ay si Rea. Isa pa itong na marunong.”
“Gusto ko iyong base on experience, sis,” sabi ko.
“Oh? Like what?” curious niyang tanong.
“Like forgiveness and acceptance.”
“Si Thez, kung kaming dalawa ay mas malala ang pinagdaanan niya dati. Kahit akala ko noong una na wala na ang biological mother ko pero siya? Noong 18 years old siya saka umalis ang mama niya at nagkaroon ng bagong pamilya. Mas masakit ang pinagdaanan niya, lalo na hindi pa siya nakilala ng kanyang ina nang makita niya ulit ito. May isip na siya noong iniwan siya ng mama niya at nagawa pa rin niya itong tanggapin. So, ano naman ang maitutulong ko sa base on experience ko?”
“Alam ko na ang story ni Ate Theza, pero gusto ko, ikaw. Kasi dahil kay Mergus.”
“Wait, apply rin iyon kay Thez, kay Rea rin.”
“Iba naman kasi iyong sa kanila. Ayoko roon kay Rea dahil parang si Grandma Lorainne din na maling akala lang pala siya. Oh, I don’t want to judge them, I love them. Naiintindihan ko ang pagkakaroon nila ng doubt. Sa ’yo ang gusto ko kasi, ’di ba grabe ang break-up niyo ni Mergus? So, my question is paano mo siya natanggap agad-agad?” tanong ko sa mahinahon na boses.
“Agad-agad? Hindi ko nga siya hinayaan na makilala niya ang anak niyang si Mayeese. Pero nakilala pa rin niya at siya ang gumagawa ng paraan para magpakilala sa bata and besides, naawa na rin ako sa kanya. Iyak nang iyak siya habang nagmamakaawa na tanggapin namin ulit siya. Actually, hindi lang siya sa akin nag-effort. Pati rin sa anak namin. Naiintindihan din kita, Novy. Hindi natin basta-bastang maibibigay ang chance na gusto nila pero magsimula ka sa forgiveness at saka, Novy. Space lang iyon dapat pero ginawa kong four years. Sa inyo ni Michael ay break-up agad,” mahabang pahayag niya at nang maubos ko ang cookies ay kumuha pa ako ng isa.
“Kung siguro galit ay wala na akong maramdaman pa. Napatawad ko na yata siya. Kaya lang hindi ko pa alam kung paano ko siya bibigyan ng chance, nang hindi ako nagsisisi sa huli,” sambit ko. Isa iyon sa problema ko.
“Novy, I know it hurts to love a Brilliantes. I’ve been there. Pareho lang ang story natin sa buhay nila. Ako, si Mergus lang ang mayroon ako sa mga panahon na iyon. Ikaw, si Michael lang din ang mayroon ka. But when they show sincere, made effort and showed that they are deserving for us, clear your doubt that you might regret giving him a second chance. Tunay kung magmamahal sila at sa tingin ko naman ay hindi na muling magkakamali pa si Michael. They learn from their wrong decisions, their mistake. Trust me, it’s worth it and hindi ka mahihirapan kung alam mo sa puso mo na kailangan mo siya at mahal mo pa siya,” she said na parang mula pa sa puso niya na hinugot ang mga katagang iyon. Natulala na lamang ako.
“Uhm.”
“Ang acceptance ay magsisimula sa forgiveness. Novy, sa tingin ko nga ay ikaw ang may mas pinagdadaanan pagdating naman sa pamilya. Ang parents mo,” she uttered.
“My father is such a jerk, tanggap ko na iyon at mabuti na ang naghiwalay sila ni Mommy,” sabi ko at natawa naman siya.
“Paano naman naging mabuti iyon kung may isang inosenteng bata ang nawalan ng karapatan na magkaroon ng kompletong pamilya?” tanong naman niya. Doble ang tama no’n sa ’kin.
“Kung hindi sila naghiwalay ay baka wala akong mga kapatid ngayon.” Natigilan siya noong una pero tumango rin at hindi na nawala ang pagtawa niya.
“Relate ako riyan. May mga kapatid ako from both side. I see. So? Suggest ko na unahin mo ang taong nagkasala sa inyo,” suggestion niya at naalala ko si...ano ulit ang pangalan niya?
Ah, si Kalezy Carmencita. Muntik ko nang makalimutan ang pangalan ng babaeng iyon. Hindi naman kasi siya importante pa, eh.
“I would I do that, May? Wala siyang ginawang maganda sa akin,” sabi ko.
“Kaya nga roon ka magsimula. Tapos saka mo kausapin si Michael nang masinsinan. Novy, ayokong utusan ka na tanggapin mo agad si Michael. Nagkaroon naman na kayo ng space sa isa’t isa pero ang akin lang ay sana huwag niyo nang paabutin pa na nagkaisip ang bunso niyo at magiging witness na naman siya sa toxic relationship ng parents niya. Sapat na si Lenoah ang naging witness niyo dahil matalino naman siya kaya naintindihan niya agad ang situation. Hindi tayo magiging masaya kapag hinahayaan natin ang galit na maghari-harian sa puso natin,” mahabang saad pa niya.
“I’ll think about that,” sambit ko lang at inabot niya ang baso na may laman na lemon juice. “Ang aga-aga, kumakain ka na nito,” sabi ko and she just chuckled.
“Nagutom kasi ako, eh. Kaaalis nga lang ni Mergus,” she said. “By the way, may balak ka pa bang ituloy ang treatment mo?” Ininguso pa niya ang kamay ko.
“Siguro. Kailangan ko na ring balikan ang company na naiwan ko. Wala pa nga akong update ngayon dahil sa mga kapatid ko. Pero uunahin ko muna ang problema namin ni Michael. Tatawagan ko si Wayne para magpasama sa kanya,” ani ko at kumuha pa ulit ako ng cookies saka ako tumayo.
“Bakit sa friend mo pa? Bakit hindi ka magpasama kay Michael?” tanong niya.
“Eh, hindi pa kami close ni Michael,” I reasoned out. “Thank you for advice pala. Sige, uuwi na ako. Thank you rin sa cookies.” Nag-wave lang siya.
Pagbalik ko sa mansion namin ay ang umiiyak na si Eceniia ang naabutan ko. Karga-karga siya ng daddy niya at si Lenoah ay nahihirapan na nakatingala sa dalawa.
“What happened? Bakit umiiyak si Eceniia?” nag-aalalang tanong ko. I approached them. I rubbed my daughter’s back and she face me. Her eyes are red na pati ang nose niya.
Hinalikan ko ang munting labi niya dahil nanginginig iyon sa pag-iyak niya. Huminto siya saglit and she extended her arms. Napangiti ako dahil kilala na niya ang mommy niya.
Binuhat ko na siya at hinalik-halikan ang pisngi niya. Umupo ako sa sofa at nang bahagya kong ibinaba ang likod niya ay tumahimik na agad siya.
“Mommy, ubos na po ang milk niya sa feeding bottle,” sabi ni Lenoah.
“Oh, I see.” Nang hindi ako kumilos para i-breastmilk siya ay sumipa-sipa ang mga paa niya, kaya pinagbigyan ko na siya.
“Ipagtitimpla ko na lang siya ng gatas niya,” sabi ni Michael. Hindi niya ginawa kanina dahil kapag umiiyak si Eceniia ay ayaw niyang ilagay ito sa crib kasi nga mas lalong umiiyak.
“Huwag na. Pumasok ka na rin sa work mo,” kaswal na sabi ko lang. Halos siya na nga ang nagtitimpla ng gatas ng anak namin kapag wala ako. Hindi naman ako umaalis sa bahay. Nahihiya lang siya kung minsan.
“Okay. Just call me if you need something,” he said. Binuhat niya si Lenoah at hinalikan ito sa noo. Napatikhim naman ako nang lumuhod siya sa tapat ko para halikan sa pisngi ang bunso namin.
Nilingon siya nito kaya tinakpan ko ang dibdib ko. Hinawakan nito ang panga niya at mahinang bumungisngis. Pinigilan ko na lang ang ngiti ko. Halik sa ibabaw ng ulo ko ang ginawa niya saka siya tuluyang umalis.
“Michael...” sambit ko sa pangalan niya. Natigilan siya at dahan-dahan na nilingon ako. Umaalon ang adams apple niya. Paano kasi ngayon ko lang siya tinawag.
“M-May... May sasabihin ka ba? O may ipag-uutos ka?” Umiling ako. Maski si Lenoah ay naghihintay sa sasabihin ko. He cleared his throat. “Sige... Aalis na ako,” paalam pa niya at nasa pintuan na siya nang magsalita ulit ako.
“Take care. Gusto ko...ng bulaklak.” Ilang beses siyang umatras paabante at nakita ko ang pagpula ng mga mata niya.
“Uhm... A-Ano pa?” Nabasag agad ang boses niya.
“Gusto kong ikaw ang magbigay no’n sa akin. Huwag mo nang utusan pa ang ibang tao. Sige na. Umalis ka na at mag-iingat ka,” sabi ko. Nang sa wakas ay nginitian ko siya ay nag-uunahan na nga sa pagpatak ang mga luha niya. Tumango-tango siya na may ngiti na sa labi niya at saka siya lumabas.
This is the first step, Novy...
I glanced at my son. Sumisinghot na kasi siya. Kinabig ko ang ulo niya at hinalikan siya ro’n.
“Thank you, Mommy... T-Thank you for telling that to my father...” Sumubsob siya sa tiyan ko.
“Then, why are you crying, my boy?” I asked her.
“Tears of joy, my babe. Daddy’s happy too. That’s why,” he answered.
“Oh, that. Hush now, babe. Step one muna tayo ni Mommy.”
“Sasamahan po kita, Mommy. Don’t worry. Step one...” he said and nodded.
“Thank you, anak ko.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top