CHAPTER 81
Chapter 81: Stay
MICHAEL'S POV
"MICHAEL where the fvck are you?!" bungad na tanong sa akin ni Kuya Markus nang sagutin ko ang tawag niya. Earpad ang suot ko kaya maingat pa rin ang pagmamaneho ko. Mahirap na, ayokong maaksidente gayong manganganak na si Novy. Hindi puwedeng wala ako sa tabi ng mag-ina ko.
"I'm on my way, Kuya! Huwag mo muna akong tawagan! I'm driving!" sigaw ko pabalik at basta na lamang niya ibinaba ang tawag. Tinanggal ko na rin ang nasa tainga ko.
Kahapon pa ako nakarating from Baguio at dumiretso lang ako sa condo ko. Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito dahil ngayon ang balak kong bumalik kay Novy. Kahit na hindi pa ako sigurado kung may chance na ba ako o tatanggapin na niya ulit ako but I want to try.
Lalo na sinasabi nila sa akin na hinahanap ako ni Novy. Inaamin kong natuwa ang puso ko sa kaalaman na hinahanap pa rin niya ako. Ilang buwan din akong nagtiis na hindi umuwi at hindi sila makita dahil lang sa space na ibinigay ko sa kanya.
Iniiyakan ko pa nga gabi-gabi dahil sa kagustuhan kong bumalik. Kung nasa Manila lang ako ay baka hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. So, I chose the project somewhere na malayo rito para kahit papaano ay mapigilan ko pa ang sarili ko. I worked in Baguio for my own sake. Kapag nasa malayo kasi ako ay gugustuhin ko ang hindi bumiyahe.
Nahirapan ako noong una dahil buntis pa ang babaeng mahal ko tapos si Lenoah na walang mag-aalaga sa kanya pero kasama naman nila ang pamilya ko. Nandoon sina Mommy at Grandma, and also Novy's little brothers.
Nang makarating na ako sa hospital ay agad kong pinarada ang kotse ko. Hindi na maayos ang parking. Malakas na kabog ang naririnig ko sa dibdib ko at patakbong nagtungo na ako sa loob ng hospital.
Akala ko ay hindi na ako makaaabot pa at muntik ko nang malampasan pa ang delivery room kung hindi ko lang nakita ang pamilya ko at ang mga kapatid ni Novy.
"Michael!"
"Daddy!" I smiled at my son. Patakbong lumapit siya sa akin. Lumuhod ako para buhatin siya. Hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya. I miss his smells, his embrace.
"I miss you, my son," malambing na sabi ko sa kanya. May tumulo pang luha sa pisngi niya at pinunasan ko iyon.
"I miss you too, D-Daddy. B-Bakit ngayon ka lang po?" he asked at pumiyok pa ang boses niya. I kissed his forehead at gustuhin ko man na yakapin lang siya at buhatin ay hindi naman puwede.
"We'll talk later, anak ko. Doon ka muna sa uncle mo. Pupuntahan ko pa ang mommy mo," sabi ko at tumango-tango lang siya. Humalik pa siya sa pisngi ko saka ko siya ibinaba. Sinalubong naman ako ni Kuya Markus.
"Akala ko ay hindi ka na darating pa," kunot-noong saad niya.
"Matagal kong hinintay ito, Kuya. Hindi puwedeng wala ako," sabi ko at itinuro niya lang ang pintuan ng delivery room. I heaved a sigh and went to the door.
I heard her doctor's voice at pinapakalma niya si Novy. Nakahiga na ito sa hospital bed. Parang bumigat pa ang paglalakad ko at nang makalapit ako sa kanya ay nakapikit siya. Namumutla na rin siya at pinagpapawisan. Ngumiti ako sa doctora saka ko hinawakan ang kamay ni Novy. Nanlalamig at nanginginig na rin ito.
"M-Michael..." she uttered my name. Dàmn it, dude. I missed her voice, I missed everything about her.
"H-Hey." I cleared my throat. "Long time no see, Miss," I uttered as I caressed her face. I kissed her forehead. Tinitigan niya lang ako at hindi siya nagsalita. Silent treatment, I see. Hindi pa tapos ang distansya ko. "After this... D-Don't worry, a-aalis din ako," sabi ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko nang mahigpit.
Ito ang unang beses na makikita ko siya na magsilang sa aming anak at sa nakikita ko rin na paghihirap niya na mailabas lang ng safe ang sanggol ay hindi ko maiwasan ang alalahanin noong mga panahon na si Lenoah naman ang isinilang niya. Hindi na nawala pa ang kirot sa dibdib ko. Dahil sa mga oras na iyon ay wala man lang ako sa tabi niya, kung kaya't hindi ko siya hahayaan na mag-isang harapin ang paghihirap niya ngayon.
Parang lahat ng sakit na nararamdaman ni Novy ay ibinigay na rin niya sa pamamagitan nang paghawak niya nang sobrang higpit sa kamay ko. Hindi rin naman nagtagal ay nakarinig na ako nang pag-iyak ng isang sanggol.
Napako na ang tingin ko sa hawak ng doctor. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil ang anak ko na nga ang umiiyak. Nangilid agad ang mga luha ko at kakaibang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nang tingnan ko si Novy ay may mga luha na rin siya. Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo at sa leeg niya.
"Thank you, baby... T-Thank you for making me happy this time..."
"She's so healthy, Mommy, Daddy," the doctor stated. Nang dalhin nito ang bagong silang namin na anak sa dibdib ni Novy ay roon na bumuhos ang luha ko. Ang hirap ipaliwanag ang kasiyahan ko ngayon.
"W-Welcome to the world, our Eceniia Mikheeva," she uttered her name and that made me cry so hard, with so much happiness.
***
"Oh, Daddy. She's so pretty like my girlfriend. She looks like our Mom! Oh, our Eceniia!" Mahinang natawa ako sa remarks ng anak ko. Nasa labas kami ng nursery room at karga-karga ko siya para makita niya ang nakababatang kapatid niya.
"True," I uttered. Kamukhang-kamukha niya ang mommy niya. Nakuha rin niya ang matangos na ilong nito, ang magandang pilik-mata niya. Ang namumulang labi niya.
"I want to touch and kiss her cheeks, Dad," munting request niya at sinundot-sundot pa niya ang pisngi ko.
"Oh, let ask the nurse inside the nursery room, my son," I said and kissed his temple. Pumasok kaming dalawa sa loob at binati naman kami ng isang nurse na naka-assign dito. Tinanong ko kung puwede naming hawakan ang baby Eceniia namin.
"Hi, Eceniia Mikheeva. I am Mickee Lenoah, your kuya. Nice to finally meet you, baby sis," he said at marahan na hinawakan niya ang kamay nitong may baby gloves. Hinalikan pa niya ito.
Nang hawakan niya ang pisngi nito ay gumalaw ang maliliit niyang mga kamay at nalukot ang maliit nitong mukha. Hanggang sa nagsimula na itong umiyak. Her baby sounds, how cute.
Ibinaba ko si Lenoah at hindi ko na hinintay pa iyong nurse. Agad ko siyang kinarga. Hindi na ako natakot pa na buhatin siya dahil doon pa lang sa delivery room ay ibinigay na siya sa akin ng doctor.
"Why are you crying, baby?" Bahagya akong lumuhod para makita ni Lenoah ang kapatid niya. Hinihila-hila kasi nito ang damit ko. Nang kaya na niyang abutin ito ay matunog niyang hinalikan ang pisngi nito kaya mas lalong umiyak.
"Oh, Daddy. Away mo po baby sis ko," sabi nito sa akin kahit siya naman itong may gawa.
Nilingon ko naman ang nurse na ngumiti agad sa akin. "Ma'am, puwede na ba naming ilabas si baby? Para dalhin sa mommy niya?" tanong ko.
"Sige po, Sir," she politely answered. Hinawakan ko sa kamay ang panganay ko. Maliit lang ang kapatid niya kaya kasya siya sa isang bisig ko lang.
Nailipat naman sa private room si Novy at nandoon pa rin ang pamilya ko. Nakita kong gising na rin siya at lumapit ako sa kanya para ibigay sa kanya ang baby namin.
"Uhm... She's uh..." Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa kaba hanggang sa mailipat ko na sa kanya ang anak namin. She didn't say anything. I sighed. Binuhat ko si Lenoah dahil sinubukan niyang sumampa sa kama.
Nang maupo na rin siya sa tabi ng kanyang ina ay nagawa pa siya nitong halikan sa tuktok ng ulo niya. Napatingin ako sa Mommy at Grandma ko. Tipid lang sila ngumiti sa akin. Tumango ako saka lumabas. Muli akong didistansya.
Sapat na rin siguro ang makita kong pareho silang ligtas ni Eceniia at babalik na ulit ako sa distance moment ko?
Umupo ako sa bench na nasa labas at isinandal ko ang likod ko sa headrest nito. Ipinikit ko ang mga mata ko at bumuntong-hininga.
"Son." I opened my eyes when I heard my father's voice.
"Dad." He sat down beside me and tapped my shoulder.
"Matagal din tayong hindi nagkita, Michael," sabi niya at tumango ako. "Kahit ang tumawag man lang ay hindi mo ginagawa."
"Gusto ko lang po mag-focus sa trabaho ko sa Baguio, Dad," I reasoned out.
"Yeah, that's it? Kaya mo pa bang magtiis? Dalawa na ang anak mo, son. Hindi pa ba ito ang oras para muling kunin ang loob ng ina ng mga anak mo?" tanong niya. I sighed again.
"Hindi pa tapos ang space na ibinigay ko sa kanya, Dad. Kaya baka kukunin ko na ang project sa Cebu," sabi ko at kumunot ang noo niya.
"Kung ganoon ay iiwan mo ang mag-iina mo rito? Michael, bagong silang lang ang pangalawang anak mo. Huwag mong sabihin na hindi ka tutulong sa pag-aalaga?"
"Nandiyan naman po sina Mom at Grandma. Alam ko naman ho na hindi nila pababayaan ang mag-iina ko, Dad," sabi ko.
"Son. Iba naman ang pagbibigay mo ng space kay Novy sa pagkuha ulit ng loob niya. Tapos na ang space na ibinigay mo and this time, kumilos ka na. Sapat na ang walong buwan, Michael. Tapos na ang paghihintay mo. Ang kailangan mo lang ay ang ipakita na sa kanya ang nga effort mo. Doon mo patunayan sa kanya na deserving ka pa rin," mahabang sambit ni Daddy at nahulog lang ako sa malalim na pag-iisip.
Paano ko gagawin iyon kung palagi naman akong binibigyan ni Novy ng silent treatment? Paano ko magagawang lapitan pa siya, eh pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras para muli akong tanggapin. Sinipat ko naman ang relo kong pambisig at nakita kong 2PM na rin pala.
"Kailangan ko na yata umalis, Dad."
"Michael. Seryoso ka talaga na aalis ka kahit nasa hospital pa sila?" hindi makapaniwalang tanong ni Dad.
"I promise her that I will leave kapag nakita kong maayos na ang kalagayan nila."
"Michael."
"Dad, kaya ko pa. Kaya ko pa ho kung hanggang kailan akong maghihintay at kaya ko pang magtiis." Bumukas naman ang pintuan at nakita kong lumabas si Mommy. Namumula pa ang mga mata niya at nagmamadali siyang lumapit sa akin para yakapin ako. Nabigla naman ako at nagtataka. "Mommy? Are you alright?" I asked her as I hugged her back.
"Go on, son. Bumili ka ng pagkain sa cafeteria saka ka bumalik."
"Paalis na kaya siya, hon," sabat ni Dad.
"No, son. Go, wala man siyang sinabi na bibigyan ka na niya ng chance ay maghintay ka na muna, Michael. She wants you to stay with them." Nanlambot agad ang mga tuhod ko sa narinig. Ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas ay nag-uunahan na ito sa pagpatak.
Dahil sa saya at excitement na nararamdaman ko ay hinalikan ko ang magkabilang pisngi ng aking ina. Nagawa ko ring magmano kay Dad saka ako nagpaalam sa kanila na bibili na ng pagkain sa cafeteria.
NOVY'S POV
ALIW na aliw ang little boyfriend ko habang pinagmamasdan niya ang baby sister niya. Ilang beses na niyang hinalikan ang munting kamay nito kahit naka-baby gloves pa ito. Matunog na halik pa sa pisngi nito.
Wala lang itong imik dahil bini-breatfeed ko pa siya. Dinala siya kanina ng daddy niya at ang boses niya agad ang narinig ko dahil umiiyak nga siya. Siguro nagutom na rin kahit kaninang kalalabas niya lang ay sinubukan siya ng doctor na i-breastfeed, and compared kanina na mas maliit siya pero ngayon ay malusog na malusog.
Pulang-pula ang pisngi niya at kahit parang matutulog na ulit ay ang bilis gumalaw ng munting labi niya. Magaan na hinalikan ko siya sa noo niya. She's so beautiful.
Siya iyong baby girl ko na hindi ko pa pinaghandaan na darating agad siya sa buhay ko pero binigyan niya rin ako ng panibagong kasiyahan. Kompleto na ako, may baby boy na ako and baby girl.
Tiningnan ko si Lenoah na ang lapad-lapad ng ngiti niya. Kinabig ko ang maliit niyang katawan at hinalikan siya sa sentido niya.
"Ikaw na ngayon ang Kuya Lenoah namin, babe. But still, ikaw pa rin ang little boyfriend ni Mommy," sambit ko. Binalingan ko naman si Grandma na nakangiti lang siya habang pinapanood kami.
"You deserve to be happy, Novy."
"Thank you po."
"Alam kong hindi ka pa nagdedesisyon kung bibigyan mo na ba ng isa pang pagkakataon ang apo ko, hija. Pero hayaan mo na muna siyang lapitan kayo at alagaan. I know he can wait." Ngumiti lamang ako. To be honest ay lumabas na nga si Mommy para lang sabihan si Michael.
I want him to stay and tama si Grandma. Hindi pa ako nakapag-decide kung may chance na ba si Michael. But like what she said ay hahayaan ko na muna itong makalapit sa amin.
Sabay na sila ng mommy niya na pumasok sa loob na may bitbit na siyang paper bag. Huminto na si Eceniia kaya inayos ko na ang hospital gown ko. Pinagmamasdan ko pa siya at dahil nakapikit siya ay mas nadepina tuloy ang mahahaba at malalantik niyang pilik-mata. I love this beautiful little creature.
"Uhm... Here's the food, M-Miss," sambit niya. Mariin kong naitikom ang aking bibig. Parang gusto ko siyang tawanan dahil kapag nagsasalita na siya ay hindi man lang niya magawang magsalita nang hindi siya nauutal. Na parang tensyunado siya.
I didn't say anything at basta ko na lamang inilapit sa kanya ang baby namin. Hindi naman siya slow para hindi agad maintidihan ang gusto kong gawin niya. Umupo siya sa hospital bed ko at inilipat na niya sa bisig niya si Eceniia. Ingat na ingat siya nang hawakan niya ito at hinalikan ang noo saka pisngi.
Nasa kabilang side ko na si Mommy Jina at nasa kanya na rin ang paper bag.
"Kumain ka na muna, hija. Para bumalik ang lakas mo. Namumutla ka pa kasi." Pati ang mommy ni Michael ay bumabawi na rin sa akin.
"Nasaan na po pala ang mga kapatid ko, Mommy?" tanong ko dahil hindi ko na sila napansin pa.
"Unuwi na muna sila. Babalik daw sila mayamaya o baka bukas na," sagot naman niya. I just nodded.
Nagsimula na akong kumain at nag-iingay ang nasa tabi ko. Later on ay pumasok na rin si Grandpa at si Daddy M. Nagkakape na silang apat at habang ako ay marami na akong nakain.
Binabawi ko ang nawala kong lakas kanina dahil sa panganganak ko. Nakapapagod man at masakit pero worth it naman siya. Noong narinig ko na ang boses niya ay parang isang magic na nawala ang sakit na nararamdaman ko.
Si Michael, as of now. I want him to stay with us. Ayoko nang maramdaman pa ang guilt at isa pa. Anak niya si Eceniia. Kung gusto niyang makita ito palagi at maalagaan ay hahayaan ko siya. Siguro, may tamang oras pa rin naman para makapagdesisyon ako kung bibigyan ko na ba siya ng chance.
Gusto ko lang na dahan-dahan na muna dahil hindi naman kami nagmamadali. Kahit wala ni isang salita ay pamilya pa rin naman kami. Isang pamilya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top