CHAPTER 8
Chapter 8: Kiss
I AM staring at the handsome face of the engineer na ka-eye to eye ko ngayon. His eyes are cold but I can see the twinkle in his eyes. Enjoying the beautiful view in front of me right now, I couldn’t help myself cupping his jaw, with my left hand because he was still holding another one.
“Won’t you have anything to say? I’d like you to introduce me too,” sa mababang tonong saad niya.
“You know me na kaya, ha,” I uttered and shoved one finger into his lofty nose.
“I still want to hear your name from your lips,” he said and when I bowed down he lifted my chin up and our eyes met. That nailed it on his red lips.
“Why are you so importunate?” I said. He just smiled at me just to melt my heart. I’m still a cold girl but this engineer can soften my heart. “Okay, fine. I’m Novy Marie V. Bongon, 27 years old. Can I kiss you?” suddenly I asked and my finger landed on his lips, ang lambot din pala. I saw the redness of both his cheeks and his eyes were rolling. Until he picked me up and made me sit on the bed.
I looked at him in awe and just saw his fingers rubbing on his hair. When I realized what I said I also felt the heat of my cheeks. Saan ko kaya nakuha ang lakas nang loob na iyon para sabihin sa kanya? Pero kasi na-t-temp akong halikan siya. Parang gusto kong tikman. Sa pamumula kasi nito ay tila isa lang candy at mukha na siyang matamis.
“Uhm... You... You’re just joking, right? You didn’t mean to tell me that, did you?” he asked more.
“Hmm... Nope, huh... I just wanna kiss you,” diretsong sambit ko pa. True na gusto ko siyang halikan. Bakit kasi ganito agad ang feelings ko?
“God... This woman...” he said at parang nainis siya? Nagalit ba siya sa akin dahil sa gusto ko lang siyang halikan?
“Sorry. Is that a bad idea?” guilty kong tanong sa kanya.
“Miss... Are you like that to guys—”
“Nope, huh! I am like this only because of you! I just wanna taste your lips! I feel like it’s an apple... So...” ani ko at napatitig ulit ako sa lips niya.
“P-Please... Stop it... T-Tara na lang bumalik sa party,” pag-aaya niya sa akin tapos nauutal pa ang boses niya. I rolled my eyes.
“Ang damot, tss,” mariin na saad ko na ikinaawang ng labi niya. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para magpaalalay sa kanya na makatayo. “Just help me, please.”
He took a deep breath and walked towards me. Naramdaman ko agad ang kuryente na nagmumula sa mga kamay niya at kumunot pa ang noo niya. Nainis ako nang binitawan niya ang kamay ko at nagtataka na tumingin pa siya sa kanyang palad.
Sa inis ko ay tumayo na lamang ako at binunggo ko pa siya sa balikat niya. Ang arte niya, ha.
Paglabas ko mula sa guest room ay agad naman siyang sumunod sa akin. Naramdaman ko agad ang kamay niya na nasa likuran ko na. Sinilip ko pa ang walang emosyon na face niya. Parang kanina lang ay pulang-pula iyon tapos nakikita ko iyong basta—
“Miss, dito ang party, oh,” aniya kasi dumadaan ako sa ibang direction at dahil sinabayan niya ako sa paglalakad ay kasama rin siya.
“I’m hungry. Ayoko ng pumunta sa party. Ikaw na lang,” supladang saad ko. Dahil wala na nga akong balak pa na bumalik doon.
“Miss.” Tinulak ko siya sa dibdib niya dahil sa paghila niya sa siko ko pero sa marahan na paraan naman iyon. “Miss, even if you and your father don’t have a good relationship and you don’t like him, hayaan mo muna siya kahit ngayon lang. It’s his birthday.”
“Fine!” Mariin akong napapikit dahil kayang-kaya niya akong utusan at pakiusapan ng ganito!
Napangiti pa ang mga person na iniwan namin kanina sa table. I’m referring kina Don Brill, Tita Mommy and Devi.
Hindi ko na rin nakita pa roon sina Mommy at ang stepmom ko. Pero nandito pa rin naman ang family niya. Kumaway pa sa akin ang nag-iisa kong kapatid kay Mommy. Inirapan ko siya. Kakamot-kamot na lamang siya sa batok niya.
“Maupo na kayong dalawa at tapusin ang pagkain ninyo,” ani Tita Mommy.
He even helped me to sit, so the three immediately watched it. Don Brill was only happier nang makita niya ang pagiging gentleman ng apo niya. Hay, baka isipin din nila na may ginawa kami ni Engineer Michael dahil nagkamabutihan na kaming dalawa.
Eh, sa wala naman! Ang damot nga sa kiss ang iba riyan. Psh.
Napataas ang kilay ko nang buksan na ni Michael ang takip ng jar na pinaglalagyan ng salt. Nilagyan niya iyon ng kaunting asin ang kanin ko at nakasunod na lamang ang aking tingin dahil ngayon lang...
Ngayon lang ako nakakilala na katulad niyang super maasikaso. Parang kanina lang ay inaasar pa niya ako. Si Dad nga ay never kong nakita na ganito siya. Sa ibang tao ko pa pala iyon mararangal.
“You’re hungry, right?” I nodded. “Now eat,” he said at ibinigay pa sa akin ang spoon. “Are you sure that kanin lang ang gusto mo?” he asked me and I nodded again.
“I’m allergic kasi sa chili,” sabi ko at natigilan pa siya but kalaunan ay tumango lang din siya.
“Okay. Noted that, I won’t eat na rin aside from this rice,” he said. Nang nagsimula na nga akong kumain ng rice ay ganoon din ang ginawa niya.
Hindi nga siya kumain ng ulam tapos sunod-sunod pa ang pagsubo niya. Okay lang ba talaga sa kanya na kumain ng walang ulam? Na kahit asin lang?
Napahinto ako sa pagkain nang nakatingin na pala sa amin ang tatlo naming kasama.
“What po?” tanong ko na may pagtataka sa mukha ko. Nagkibit-balikat lang si Devi, while Tita Mommy ay ngumiti lang at si Don Brill ay nagpatuloy na siya sa pagkain niya.
Siniko ko pa ang katabi ko na mabilis niyang hinawakan ang siko ko. “What is it?” tanong niya sa marahan na boses.
“Bakit gaya-gaya ka? Ang daming ulam, oh,” sabi ko at ininguso ko pa iyon sa kanya.
“I’m fine with this,” sagot niya lamang at hindi ko na siya pinansin pa. Okay lang daw sa kanya na iyon ang kainin niya. Bahala nga siya riyan.
“Anyway, coz. Seryoso ka talaga na wala kang hinanda na gift for your Dad?” my cousin asked me. I shook my head.
“Kilala mo ako, Devi,” sabi ko lang at napatingin ako kay Don Brill. “Grandpa. Puwede naman po siguro na bawiin ang sina—” Hindi ko natuloy pa ang sasabihin ko sana nang bigla akong sinubuan ni Michael ng kanin. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil ginamit pa niya ang spoon niya.
Hindi naman ako nandidiri, ha? Kasi nakagugulat lang naman iyon. Madamot siya sa kiss pero ginamit pa niya ang spoon niya kaya parang indirect kiss na rin iyon. Hala siya.
“Sorry about that, Grandpa. We’re already talked about this po. Right, Miss?” he asked me but hindi ko naman magawa pang sumagot dahil ang daming kanin ang nasa bibig ko. Kaya ang ginawa ko ay nag-thumbs up na lang ako kahit sasabihin ko na sana na hindi.
Nakita ko pa tuloy ang pagpigil ni Devi na tumawa. Naisahan ako ng lalaking ito. Kainis naman. Mukhang siya lang naman ang may gusto sa arrange marriage, eh.
“Oh, come on, Novyann. Let’s dance,” pag-aaya naman ng Grandpa ng engineer na katabi ko sa aking tita mommy at agad din na tumayo ito. Saka niya tinanggap ang kamay nito.
“Sige na. Kayo rin, coz,” pagtataboy sa amin ni Devi. Hindi ko na sana siya papansinin pa pero hinawakan na ni Michael ang kamay ko at itinayo na rin niya ako. Nagpaubaya na rin naman ako.
He took me to the dance floor where many couples were already dancing there. Because the music played is good and makes you feel good.
Take your time
We still have one more night
Take my hand, hold me tight
And never let go
Titig na titig na naman ako sa kanya. Dinala niya sa balikat niya ang dalawang braso ko pero pumulupot lang ang mga ito at sa pagbaba naman ng kamay niya sa baywang ko ay hinapit pa niya ako palapit sa kanya. Napasinghap pa ako nang mahina dahil sa pagtama ng dibdib ko sa kanya. Bahagya akong dumistansya.
I’ll be here
Go ahead dry your tears
Promise me one more thing
You’ll be alright
Hindi niya rin pinutol ang tingin sa akin. Seryoso na naman siya at walang emosyon ang mukha niya. Pasalamat siya ay guwapo siya. Psh.
“Why did I just meet you now?” he suddenly asked me.
“What do you mean by that?” I asked him back at hinaplos ko ang batok niya pero hinila niya lang ang siko ko. Napanguso ako at bumaba naman ang tingin niya roon, nailipat din naman iyon sa face ko.
“Why did we just meet now? And why not before?” muling tanong niya.
“Huh?” confuse ko pa ring tanong dahil hindi ko siya naiintindihan, eh.
“You’re so beautiful...” Hayan na naman ang compliment niya kaya nag-roll eyes na naman ako.
Take a breath
And make another step
Baby, don’t be afraid
I’ll take the lead
“I know, right.” Tumaas naman ang sulok ng mga labi niya. Sumasabay na kami sa mararahan na kanta. Ngayon nga lang ako nagsayaw ng ganito.
“You’re beautiful but you look like suplada,” he uttered. I squeezed his cheek hard. He didn’t react at all. I believe that he doesn’t feel any emotion at all.
“Wala ka na pong cares doon, engineer,” ani ko.
“From now on I will care about you because I will be your fiancé as well,” seryosong sabi niya at sinapo na naman niya ang pisngi ko. Ang init ng palad niya.
“Do you think that will last? You don’t even want to kiss me, eh,” reklamo ko.
“Because I might be carried away by your kiss,” prangkang sagot naman niya. Ha? Carried away by my kiss?
“What do you mean by that again?” I asked him again.
“I might get carried away and I can’t help myself that I can’t just kiss you,” aniya at nagtaas-baba na ang kamay niya sa baywang ko kaya nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo ko. Ibang klase naman talaga kasi ang impact niya sa akin pero hindi naman ako nakaramdam na it seems na isa siyang pervert.
“What?” painosenteng tanong ko pa.
“I’m too fragile, and when I want something I don’t let it go,” he admitted.
“Huh? Are you sick of something obsession?” salubong ang kilay na tanong ko pa.
Can’t you hear
Our song playing loud and clear
The lights dimmed, while crickets sing
Stars came alive
“Nope, but sa ’yo ko pa lang ito mararamdaman. Can I keep your kiss from me first? Can you kiss me when I’m ready?”
“Huh?!” gulat kong bulalas.
Is to hold you (and caress you)
A little bit longer tonight (tighter and tighter)
Hold still (it’s making me hard to breathe)
Our hearts in a race
Can you feel it?
I can hear it tonight
As the night grows dim and cold
I’ll be here without fear
I’ll fight for love
Hindi na siya kumibo pa at mas hinapit niya lang ako palapit sa kanya saka niya ako niyakap. He rested his chin on my left shoulder. Umawang pa ang labi ko nang marinig ko ang boses niya, na sumasabay na rin siya sa pagkanta. Ang ganda...a-ang ganda pala ng boses niya.
“All I wanna do (even though I’m quite afraid) Can you dance with me tonight? Under the moonlight sky. Never, oh, never let go of me tonight
Oh woah.”
Pati puso ko tuloy ay bumibilis na ang heartbeat ko. Don’t tell me nagugustuhan ko na siya agad?!
Can we dance?
Can we dance again tonight?
Take my hand
Never, oh, never let go
Take my heart, take my heart
One more night
Can we dance again tonight?
DISCLAIMER:
FEATURED SONG: SLOW DANCE
( Kelvin Miranda )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top